Share

Chapter 4: Act & History

MATAPOS nina Eunice kumain ay inihatid na siya ni Stefan pauwi sa bahay para makapagpahinga.

“Take a rest,” wika ni Stefan kay Eunice.

“I will,” tugon ni Eunice at binigyan nang maliit na ngiti ang kanyang asawa.

“Then, I should go,” paalam ni Stefan at binigyan siya ng halik sa noo ng kanyang asawa. “Be careful.”

Matapos noon ay sumakay na ito sa kotse at umalis ngunit bago pa man si Stefan makalayo ay napatingin ito sa rear mirror ng sasakyan kung saan nakita nito ang repleksyon ng kanyang asawa na halatang gulat na naman sa kanyang ginawa.

Napailing si Stefan at ibinalik ang tingin nito sa daan. "She still has a lot to learn.”

NAKABALIK si Stefan sa kompanya pasado ala una ng hapon at agad inasikaso ang mga dapat niyang gawin. Lumipas ang mga oras ng hindi niya namalayan hanggang sa nakaramdam siya ng pagod at naisipan magpahinga.

 “Loaded again, Mr. Salvatore?” tanong ng binata na nakasandal sa pinto ng opisina ni Stefan.

Napapikit ng mata si Stefan at bahagyang minasahe ang mata bago muling ibinaling ang kanyang tingin sa binatang nasa kanyang pintuan.

“You don’t know how to knock, do you?”

Kumatok ang binata sa pinto. “Is that enough?” nakangiting tanong nito.

Napailing na lamang si Stefan. “What do I expect from you?”

Naglakad papasok ang binata at naupo sa upuan na nasa harapan ng mesa ni Stefan.

“My wisdom and presence,” nakangiting sagot ng binata.

Napapikit nang mariin si Stefan. “What is the purpose of your visit? What do you want?” malamig na tanong ng binata.

“I want report.”

Napadilat ng mata si Stefan at napatingin sa binatang nasa kanyang harapan. “Report?” taas-kilay na tanong.

Ipinatong ng binata ang dalawa nitong braso sa ibabaw ng mesa at inilapit ang mukha kay Stefan. “Progress report on your relationship with your lovely wife. Did you do what I told you to do?” tanong nito na may pagtaas-baba ng mga kilay.

“You really enjoy poking your nose into my affairs, don’t you, Sax?”

“Stefan, I’m your one and only best friend. Who else could it possibly be?” saad ni Sax. “Enough of your sour attitude. Tell me if you did what I told you to do,” sabik na saad ng binata na kitang-kita sa mukha nito.

Napasandal si Stefan sa kanyang pagkakaupo saka tinignan si Sax. “She still has a lot to learn.”

“And?” tanong ni Sax na tila naghihintay pa ng kasunod na sasabihin ni Stefan.

“Nothing more,” maikling saad ni Stefan.

Napahampas sa mesa si Sax sa labis na pagkadismaya. “Come on, Stefan! Is that all you're going to report to me?” nasisiphayong tanong ni Sax. “More, please! Was she delighted? Did your relationship with her become more open and honest? Tell me all about it, dude!”

“I have nothing to tell you, Sax,” pagdidiretsang saad ni Stefan. “I appreciate your willingness to help, but this isn’t your concern. Stop being a busybody.” Dagdag ng binata.

“Woah!” Napaatras si Sax at napataas ng mga kamay. “Got it, bro! You don’t have to give me that chilling vibe,” awat na saad ni Sax.

Napapalatak si Stefan at tinignan nang naniningkit ang kanyang kaibigan. “If I don’t, you’ll continue to pry into my personal life,” pagtatamang saad ng binata.

Napasandal si Sax sa pagkakaupo nito na tila nawalan ng lakas. “I’m simply intrigued, bro. Why don’t you just come right out and say it?” walang kagana-ganang saad ng binata. “What a boomer!”

“Boomer your foot!”

Natawa si Sax sa reaksyon ni Stefan. “Aren’t you going to tell me how things are going with your lovely wife?” muling pangungulit nitong tanong.

Napasapo ng noo si Stefan sa kakulitan ng kanyang kaibigan. “What was I thinking when I accepted you as a friend in the past?” tanong niya sa kanyang sarili at napapikit ng mata.

“You’re insane, which is why I became your friend.”

Idinilat ni Stefan ang kanyang mata at nanlalatang tumingin kay Sax. “Yeah, yeah. I’m insane to accept you as a friend,” sarkastiskong pagsang-ayon ng binata.

Umupo ng de-kwatro si Sax at ipinatong ang dalawang kamay nito sa tuhod. “So, are you going to tell me now?” nakangiting tanong nito habang tumataas-baba ang mga kilay.

“You will not stop bothering me unless I told you everything, won’t you?”

“That’s it! So better tell me everything,” wika ni Sax na may malawak na ngiti sa mga labi nito.

Binigyan nang tingin ni Stefan si Sax na hindi naaalis ang ngiti sa mga labi nito dahilan para mapailing ang binata.

“You’re really a pain in the ass,” wika ni Stefan.

“We both knew that so start your reporting,” nakangiting utos ni Sax.

At dahil sa labis na determinasyon at kakulitan ni Sax ay walang nagawa si Stefan kung ‘di sabihin lahat ang lahat na gusto malaman nang makulit niyang kaibigan.

SA KABILANG BANDA,

Sa bahay ng mga Salvatore,  hindi matigil ang pagbuntong-hininga ni Eunice habang patuloy na iniisip kung tama ba ang lahat na nangyayari sa kanya lalo na’t hindi mawala sa kanyang isipan ang mga kakaibang ikinikilos ng kanyang asawa.

“Why is he acting strangely? Hindi naman siya ganoon noong una. Sobra pa nga ang pagtutol niya sa pagpapakasal tapos ngayon papakitaan niya ako ng pagiging sweet at maalaga niya sa akin? Ano bang nakain niyang panis at bigla na lang siya nagbago?” nagtatakang tanong ni Eunice sa kanyang gulong-gulong isipan.

Patuloy na nag-isip si Eunice hanggang sa bigla siyang nawala sa kanyang pag-iisip nang makarinig siya ng pagkatok sa kanyang pintuan.

“Anak, p’wede ba akong pumasok?” tanong ng kanyang inang si Lucia.

Mabilis na tumayo sa kanyang pagkakaupo si Eunice at pinagbuksan ng pinto ang kanyang ina.

“Pasok kayo, Ina,” anyaya ni Eunice at akmang kukunin ang tray na may pagkain sa kamay nito nang awatin siya ng kanyang ina.

“Eunice, ‘wag,” awat ng kanyang ina. “Ako na baka isipin ng ibang kasambahay na porke’t anak kita hinahayaan kita na magbuhat ng tray.” At inilayo ang tray kay Eunice.

“Pero, ina—”

Pinutol ng kanyang ina ang kanyang sasabihin. “Ako na, anak. Trabaho ko ito,” wika ni Lucia.

Gusto man makipagtalo ni Eunice ay wala siyang nagawa nang pumasok ang kanyang ina sa kanyang k’warto at inilapag ang tray sa ibabaw ng kanyang lamesita. Isinara niya na lamang ang pinto at saka pinagmasdan ang kanyang ina na maingat na inaayos ang dala nitong meryenda.

“Halika rito, anak. Magmeryenda ka muna. Bawal sa ‘yo ang malipasan ng kain,” wika ng kanyang ina.

Lumapit si Eunice at naupo. “Busog pa ako, Ina,” wika ng dalaga.

Kinuha ni Lucia ang kamay ni Eunice at inabot ang platito na may lamang pistachio oat bars. “Kumain ka hindi lang ikaw ang kailangang kumain kung ‘di ang batang nasa sinapupunan mo,” paalala nito.

Napayuko si Eunice at napatingin sa kanyang tiyan. “Ina, tama po ba ito?” naguguluhang tanong ng dalaga.

Hinawakan ni Lucia ang kamay ng anak at marahan na pinisil ito dahilan para maibaling ang tingin ni Eunice sa kanya.

“Anak, mali man sa tingin mo ngunit ito ang tama,” wika ni Lucia at hinaplos ang mukha ni Eunice.

“Pero, Ina, alam niyo po na hindi ko naman mahal si Stefan,” pagtatapat ni Eunice.

Huminga nang malalim si Lucia at saka naupo sa tabi ni Eunice. “Anak, alam ko ‘yon pero sa estado nating ito hindi natin kaya palakihin ang batang nasa sinapupunan mo at alam mo rin na kapwa natin hindi gustong ipalaglag ang batang ‘yan.”

Hindi nakaimik si Eunice dahil kahit siya isipin pa lang ang bagay na iyon ay kinakain na siya nang labis na konsensya.

“Ang nangyari sa inyo ni Sir Stefan ay hindi isang oportunidad para sa atin para makaahon sa kahirapan, anak. Hindi mo man gusto pero isipin mo na lang ang mga naitulong ni Doña Divina para sa atin maliban sa serbisyo na ibinibigay natin ay ang apong ninanais niya ang maibibigay natin sa kanya na siyang lubos niyang ikakagalak,” wika ni Lucia kay Eunice.

May pag-aalangan man si Eunice ay tama ang kanyang ina. Marami na ang naitulong sa kanila ni Doña Divina lalo na sa kanyang pag-aaral at kailanman ay hindi sila nito trinato na bilang isang mababang uri ng tao sa kabila ng kanilang estado. Kahit noong bata pa lang ay mabait na ito sa kanya at halos ituring na siya nito bilang malapit na miyembro ng kanilang pamilya. Magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pagtatratong iyon sa kanya kahit na lumipas na ang maraming taon.

Tahimik na napahugot nang paghinga si Eunice bago tumingin sa kanyang ina. “Alam ko po, Ina.” At pilit na ngumiti sa harap ng kanyang ina.

“Alam ko mahirap pero tandaan mo na ang batang iyan ang tanging maibibigay natin kay Doña Divina para sumaya at bilang utang na loob sa lahat ng kabutihang ibinigay niya sa ating dalawa.”

LINGID sa kaalaman ng mag-ina ay narinig ni Doña Divina ang kanilang pag-uusap.

“Bring me to garden,” mahinahong utos ni Doña Divina sa kanyang nurse.

“Yes, Ma’am,” tugon ng nurse at tinulak ang wheel chair ni Doña Divina papunta sa garden.

Nang makarating na sila sa garden ay sinabihan ni Doña Divina ang nurse na iwan muna siya nito dahil sa gusto niya mapag-isa. Nang tuluyan na siyang maiwan ng kanyang nurse ay napapikit ng kanyang mga mata ang matanda saka humugot nang malalim na paghinga dahilan para malanghap niya ang mabago at matamis na amoy ng mga alaga niyang mga bulaklak. Idinilat ni Doña Divina ang kanyang mga mata at iginala ang kanyang mga mata sa buong paligid at nakita niya ang naggagandahan at makukulay na alagang bulaklak.

“This feelings…bring memories back, Eduardo,” mahinang saad ni Doña Divina.

At nanariwa sa kanyang isipan ang alaala ng nakaraan kung saan ang imahe ng kanyang paborito at kaisa-isang anak at ang masayang pamilya nito kung saan naroon pa ang apo niyang si Damon, ang kambal ni Stefan.

“Lola!”

Ang mga ngiti sa labi ng kanyang apo at ang matamis na tinig nito ay umaalingawngaw sa kanyang pandinig.

“Apo ko…” mahina niyang usal na unti-unting nilalamon ng kanyang alaala.

“When I grow up, Lola. Me and Stefan will always be by your side and will take care of you, especially as you get older. We are not going to abandon you!” masayang saad ng batang si Damon.

“That’s so sweet of you, Damon.”

“Kanino pa ba ‘yan magmamana, Mama? Syempre sa unico hijo niyo ni Papa,” buong pagmamalaking saad ni Eduardo.

Lumandas ang luha sa gilid ng mga mata ni Doña Divina habang patuloy na nanariwa sa kanyang alaala ang mga sandaling magkakasama pa sila ng kanyang anak at ng kanyang mga apo—ng buo.

“Eduardo…Damon…” mahinang sambit ni Doña Divina.

Tuloy-tuloy pa rin na nariwa sa alaala ng matanda ang masasayang alaala niya kasama ang kanyang anak at apo nang makita siya ni Eunice na nasa terasa para magpahangin.

“Lola Divina?” mahinang usal ni Eunice at pinagmasdan niya ang matanda nang mapansin niyang lumuluha ito.

Hiindi niya alam ngunit dali-dali siyang lumabas ng kanyang k’warto at pinuntahan ang matanda. Nang makarating siya sa garden ay nakita niya ang matanda at hindi nga siya nagkamali ng tingin dahil umiiyak nga ito.

“Lola…”

Tila nahabag naman ang kanyang damdamin sa kalagayan ni Doña Divina kung kaya nilapitan niya ito. Nakita niya na sa kabila ng pagluha nito ay may ngiti na gumuguhit sa mga labi nito at the same time ay pangungulila at pait.

“Ano kaya ang alaala na nagbibigay ng saya at lungkot kay Lola?” tanong ni Eunice sa  kanyang isipan.

Patuloy na pinagmasdan ni Eunice si Doña Divina na may pareho pa ring ekspresyon sa mukha at habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya mapigilan na maawa sa matanda lalo na sa bawat butil ng luha na pumapatak sa matanda nitong mukha.

“Hindi kaya naalala niya si Sir Eduardo?”

Hindi niya maunawaan ngunit nararamdaman niya ang sakit at pangungulilang nararamdaman ni Doña Divina nang sandaling iyon.

“Tahan na po, Lola,” mahina niyang sambit at gamit ang dulo ng sleeve ng kanyang suot na dress ay pinunasan niya ang luhang bumubuhos sa mukha ni Doña Divina dahilan para maidilat nito ang mga mata.

“Eunice, anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Doña Divina na mabilis na pinunasan ang luha sa mukha nito.

Napayuko si Eunice. “Sorry, Lola,” biglang paghingi ng tawad ng dalaga.

Hinawakan ni Doña Divina ang kamay ni Eunice. “Bakit ka humihingi ng sorry, hija? Wala ka namang ginawang masama.”

“Kasi po naabala ko po kayo,” mahinang saad ni Eunice.

Hinila papalapit ni Doña Divina si Eunice. “Hija, wala kang kasalanan at dapat ikahingi ng tawad. Ayos lang iyon,” wika ng matanda.

“Pero nasira ko po ang paggugunita niyo kay Sir Eduardo,” mahinang at nakokonsensyang saad ni Eunice.

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Doña Divina at napatingin sa paligid. “Sampung taon na nakakalipas, hija. Sa sampung taon na ‘yon ay walang sandali na nakalimutan ko si Eduardo at Damon. Masakit ngunit wala na akong magagawa sa bagay na iyon kung ‘di tanggapin,” malungkot na saad ng matanda.

“Sorry po talaga,” muling paghingi ng tawad ni Eunice.

 Tinapik-tapik ng matanda ang kamay ni Eunice. “Stop apologizing, hija. Haven’t Stefan told you that Salvatore never apologizes?”

Napatingin si Eunice kay Doña Divina. “Opo, pero—”

Pinutol ni Doña Divina ang sasabihin ng dalaga. “You don’t have to so don’t, hija.”

Napayuko na lamang si Eunice dahil sa hindi niya magawang pigilan na makonsensya dahil sa kanyang ginawa. Pakiramdam niya ay mali na inabala niya si Doña Divina sa paggunita sa alaala nito sa kanyang anak at apo na namatay namg dahil sa aksidente.

“Do you know why Stefan said that Salvatore never apologizes?” tanong ni Doña Divina sa kanya na kumuha ng kanyang atensyon.

Napatingin si Eunice sa matanda at napailing.

“Try to make a guess, hija.”

Kunot-noo man ay napaisip si Eunice at matapos ang ilang segundo ay saka siya nagsalita. “Because you take precautions to avoid making errors?”

Natawa si Doña Divina. “Yes, it is correct. However, this is not the only reason why we never apologize.”

Biglang na-curious si Eunice. “Ano po ‘yon?” nagtatakang tanong niya.

“Saying sorry, according to Stefan, is a word that makes someone feel even more pain,” sagot ni Doña Divina.

Mas lalo namang napakunot ng noo si Eunice sa sinagot ni Doña Divina. Hindi niya maunawaan kung bakit mas masasaktan ang tao kapag sinabihan ito ng ‘sorry’.

“Stefan heard the word “sorry” a lot after the accident. “We’re sorry, but they died on the spot,” “We’ve already done our best, but he didn’t make it.” “I’m sorry,” “I’m sorry, Stefan,” “I’m sorry for your loss,” and so on. The more he hears those words, he feels as if he’s going insane if he keeps hearing those words over and over. Stefan is traumatized as a result of it,” pagsisiwalat ni Doña Divina. “That is why he stated that Salvatore never apologizes. That word hurts him far too much.”

Nang sandaling iyon, gumuhit sa isipan ni Eunice ang mga sandaling pinapakinggan ni Stefan ang lahat ng paghingi ng tawad nang dahil sa aksidenteng nangyari sa kanila. Naramdaman niya kung ano ang pinagdaanang sakit ni Stefan nang mga panahon na iyon kung saan walang ibang natira sa pamilya niya kung ‘di siya lang.

“Stefan…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status