NANUMBALIK si Eunice sa kanyang sarili nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Doña Divina sa kanyang kamay.
“Alam ko masyadong mabilis ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon, hija. Nakikita ko kung gaano ka nahihirapan pero—” humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Doña Divina sa kamay ni Eunice— “kailangan ni Stefan ng taong magmamahal sa kanya sa kabila ng masalimoot niyang nakaraan at ikaw ang taong iyon, hija.”
Kitang-kita ni Eunice sa mga mata ni Doña Divina ang matinding paghahangad na siya ang karapat-dapat sa apo nito ngunit the more na nakikita niya ang ganoong reaksyon ng matanda ay mas lalo siyang kinakain ng kanyang konsensya. Alam niya sa sarili niyang hindi niya mahal si Stefan at ayaw niyang lokohin ang kanyang sarili o kaya paasahin si Doña Divina.
“Lola, alam ko po na mahalaga sa inyo si Stefan pero ayaw ko po na lokohin kayo lalo na ang sarili ko na mahal ko si Stefan k
NANIGAS si Eunice sa kanyang pagkakatayo at gumapang ang kaba dibdib nito nang marinig niya ang seryosong tanong ni Stefan sa kanya.“Eunice, I’m asking you. Who is Iñigo Eliseo?” pag-uulit na tanong ni Stefan sa kanyang asawa.Nanatiling nakatayo si Eunice at walang imik.“Eunice,” muling tawag ni Stefan kay Eunice.Napalunok si Eunice nang malalim ng marinig niya ang pagtawag ni Stefan sa kanya gamit ang buo niyang pangalan at ibig sabihin noon ay either sumunod ka sa sinasabi nito or sagutin mo ang tanong niya. In short, galit ito.Inayos ni Eunice ang kanyang sarili saka hinarap ang kanyang asawa nang buong lakas. “Kababata ko si Iñigo,” sagot niya.“Kababata?”“Oo, kababata ko siya—” Napatigil sa pagsasalita si Eunice nang maalala niya ang nakalagay sa kontrata nilang dalawa ni Stefan. “Teka—”Tumingin siya s
LUMIPAS ang halos tatlong buwan nang hindi namamalayan ni Eunice at unti-unti na ring nakikita ang paglaki ng kanyang tiyan. Sa loob ng mga nagdaang mga buwan ay unti-unti na siyang nasanay sa pamumuhay bilang isang miyembro ng Salvatore ngunit tanging ang pabago-bagong ugali lang ni Stefan ang hindi niya pa rin nagagawang makasanayan o maunawaan—naroon pa rin ang biglaang pagiging sweet at malamig nito minsan.Sa mga nakalipas din na mga buwan na iyon, wala siyang ginawa kung ‘di ang magbasa ng mga libro at panunuod ng lectures online tungkol sa medisina. Pati panunuod ng mga medical drama ay kanya ring naging libangan. Walang mapaglagyan ang kanyang tuwa sa tuwing nakakabasa o nakakapanuod siya ng may kinalaman sa medisina lalo na sa pag-oopera.“You really like to be a doctor, aren't you, Hija?” nakangiting tanong ni Doña Divina na sumulpot sa tabi ni Eunice.Tumango nang mangilang ulit ang dalaga. “Oo naman po!” tuw
MADILIM ang buong paligid at walang makita si Stefan nang sandaling iyon habang pilit niya iginagala ang kanyang paningin at sinusubukan makaaninag.“Where I am?” tanong niya sa kanyang sarili na patuloy sa pag-aninag sa kanyang paligid.Ihahakbang niya na sana ni Stefan ang kanyang mga paa nang bigla nagbago ang kanyang buong paligid at ngayon ay nakita niya na lamang ang kanyang sarili na nakaupo sa loob ng kotse.“Stefan, how long will you continue to ignore those girls at school? They are desperate to be your girlfriends”Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig sa kanyang kanan dahilan para makita niya ang kanyang kapatid na si Damon.“Damon…”Hindi si Stefan lubos na makapaniwala na nakikita niya ang kanyang kapatid ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang marinig niya ang kanyang boses na galing sa kanyang kaliwa.“I don’t have interest to them,” maikling t
TULAD sa mga nagdaang taon ay ginunita nina Stefan at Doña Divina ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at kahit na ilang taon na ang nagdaan ay kitang-kita pa rin sa mag-lola ang sakit na nangyari sa kanilang pamilya. Pumunta sila ng simbahan para um-attend ng misa at pinuntahan din nila ang mga puntod nito para magsindi ng kandila at dalhan ito ng bulaklak.Walang imik at nakatuon lang ang tingin ni Stefan sa puntod ng kanyang mga magulang at kapatid habang si Doña Divina naman ay nagsisimulang mangilid ang mga luha sa mga mata nito.“Anak…” pagsisimulang usual ni Doña Divina na may halong paggaralgal sa kanyang tinig. “Sampung taon na ang nakakalipas ngunit parang ang sariwa pa rin sa amin ni Stefan ang lahat na nangyari,” pagpapatuloy nito na tuluyang kumawala ang mga luha sa mga mata nito.Niyakap ni Stefan ang kanyang lola at hinimas sa braso para aluhin ito ngunit hindi magawang pigilan ni Do&nti
NANG maiklaro na ni Stefan kung sino at ano si Eunice sa pamamahay na iyon ay iniwan niya ito sa kusina para bumalik sa sala. Nagpakawala nang isang malalim na pagbuga si Eunice nang sandaling mag-isa na lamang ito sa kusina. Biglang nanariwa sa kanyang isipan ang mga titig ni Stefan sa kanya kanina.“Anong ibig sabihin ng mga tingin na ‘yon?” tanong niya sa kanyang sarili na naguguluhan pa rin sa kanyang nakikita.Gustuhin niya mang malaman kung ano ang nangyayari sa sala ay minabuti niya na lamang na hindi makialam lalopa't usapang pamilya iyon. Kahit na sabi ni Stefan na isa na siyang miyembro ng Salvatore ay hindi niya gustong makisawsaw sa kung anong meron ang mga ito. Napagpasyahan na lamang ni Eunice na tumulong sa pag-aasikaso ng makakain sa kusina nang may magawa siya kaysa isipin niya nang isipin kung ano ang pinag-uusapan nina Stefan at ng kanyang mga lolo at lola.“Ma’am Eunice,” tawag ni Vicky sa dalaga dahilan pa
LUMIPAS ang mga araw at hindi pinatahimik ng kuryusidad ang isipan ni Eunice—halos bawat sandali na wala siyang ginagawa ay binabagabag siya ng kanyang isipan.“Bakit iniiyakan ni Nanay si Sir Eduardo?”Isa iyon sa katanungan na bumabagabag sa kanyang isipan lalo na nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki sa larawan na hawak-hawak ng ina niya nang gabing iyon. Maliban doon ay may higit na bumabagabag sa kanyang isipan.“Sino ang kausap ng nurse ni Lola Divina? At sino ang pinagbabalakan nila at ng taong kausap niya sa cellphone na papatayin?”Punong-puno ng katanungan ang isipan ni Eunice nang sandaling iyon. Gusto niya ng kasagutan ngunit hindi niya alam kung paano makukuha ang lahat ng iyon. Hindi niya p’wedeng tanungin ang kanyang ina kung bakit nito iniiyakan ang larawan ni Eduardo at mas lalong hindi niya p’wedeng tanungin ang nurse ni Doña Divina kung sino ang gusto nilang patayin ng taong kausap ni
WALANG MAPAGLAGYAN ang tuwa ni Eunice nang sandaling makita niya si Iñigo.“Iñigo!” masaya niyang tawag sa kababata.“Eunice!” At masayang sinalubong ni Iñigo ang kababata na ikinulong siya sa mga braso nito.“Andito ka na!” masayang saad ni Eunice na mas humigpit ang pagkakayakap kay Iñigo.“Nandito na ako,” nakangiting saad ni Iñigo at hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga.Ngunit nabasag ang sandali ng magkababata nang marinig nila ang boses ang ni Stefan at paghiwalayin sila nito sa kanilang pagkakayakap.“I understand how much you miss Eunice, but you don't have to hug her like that,” malamig na saad ni Stefan kay Iñigo habang binibigyan siya nito nang matalim at malalamig na titig.“Ano bang problema ng lalaking ito?” tanong ni Iñigo sa kanyang sarili habang nakikipagtitigan kay Stefan.“
“LOLA…” mahinang usal ni Eunice para patayin ang tensyon na bumabalot sa buong paligid.Napalingon naman si Doña Divina kay Eunice nang tawagin siya nito.“Bakit, Hija?” tanong nito.Pinagmasdan ni Eunice si Doña Divina at hinihintay kung may sasabihin ba ito sa kanya o wala. Inalis nito ang tingin sa kanya saka ngumiti dahilan para lalong kabahan si Eunice nang sandaling iyon.“Iniisip mo ba kung bakit hindi ako nagtatanong sa kung anong nangyayari kanina sainyo sa ibaba, tama ba?” tanong ni Doña Divina sabay tingin kay Eunice na may ngiti sa mga labi nito.Tumango si Eunice bilang tugon sa tanong nito.“Lumapit ka rito, Hija,” utos ni Doña Divina.Pinagmasdan ni Eunice ang kamay nito at nag-aalangang lumapit.“Hali ka rito,” pag-uulit na saad ng matanda.Sa huli, nag-aalangan man ay lumapit ito kay Doña Divina gaya ng