Compartir

KABANATA 7

Autor: Nabila Ara
“Sisiguraduhin kong pagbabayaran ni Ruby ang lahat ng ginawa niya. Talagang hindi siya natututo. Dahil sa ginawa niya, si Lori…” Mahina ang boses ni Weston, ngunit bakas ang kinimkim na galit.

Napapikit si Lori habang walang pigil na umagos ang kanyang mga luha. Sa lahat ng pagkakataong, sinisisi niya si Weston, gayong ang totoo ay sinubukan lang siya nitong protektahan.

Dinagsa ng matinding pagsisisi ang kanyang puso.

Sa sumunod na dalawang araw, wala nang ibang maisip si Lori kundi ang bigat ng guilt na nararamdaman para kay Weston. Hindi na niya ito kayang tiisin.

Hindi siya makatulog nang maayos. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, ang mukha ni Weston ang lumilitaw sa kanyang isipan.

Paulit-ulit na naglalaro ang mga tagpo ng gabing iyon… ang mga halik nito, ang mga haplos, ang sandaling nawalan ng kontrol ang kanyang katawan, at ang mahinang boses ni Weston na tinatawag ang kanyang pangalan sa gitna ng silakbo ng pagnanasa.

Naalala niya kung paano niya ito inakusahan sa loob ng isang linggo bilang isang walang hiyang lalaki na sinamantala ang kahinaan niya. Inwasan niya ito.

Pero ngayon, matapos marinig ang usapang iyon, alam na niyang malayo iyon sa katotohanan. Sinubukan siyang protektahan ni Weston.

Umagos ang luha sa kanyang mga pisngi.

“Dad… hindi niyo kasalanan. Ako ang may kasalanan…”

Palaging mabuti si Weston sa kanya, kahit na daughter-in-law lang siya nito.

“Kailangan kong ayusin ang relasyon namin Dad… pero paano?” bulong ni Lori sa sarili.

“Si Manang Andeng. Tama… Kailangan ko siyang hingan ng tulong,” pasya ni Lori, at agad siyang lumabas ng kwarto para hanapin ito.

Sigurado siyang matutulungan siya ni Manang Andeng!

Pumunta si Lori sa kusina at dinatnan ang kasambahay na naghahanda ng kape.

“Manang…” mahinang tawag ni Lori.

Lumingon ang middle-aged na babae at binigyan siya ng isang mainit na ngiti.

“Miss, bakit parang problemado na naman kayo? Nitong mga nakaraang araw, parang may mabigat kang dinadala. Siya, sabihin niyo sa akin. Baka makatulong ako.”

Naupo si Lori, kinakagat ang kanyang ibabang labi habang nakayuko. Nahihiya siya, pero kailangan niya ng solusyon… kahit ano para maayos ang relasyon nila ni Weston.

“A-Ano kasi… nakakaramdam ako ng guilt kay Dad, Manang. Nagalit ako sa kanya, pero sa totoo lang, hindi naman siya mali. Ang sitwasyon lang ang nagtulak sa kanya na gawin ang ginawa niya sa akin.”

Lumapit si Manang Andeng at tumabi sa kanya.

“Alam niyo, Miss… nitong nakaraang linggo, mas maaga umuwi si Sir Weston kaysa dati. Sa tuwing tinatanong ko siya kung bakit, ang sabi niya ay gusto niyang tingnan ang kalagayan niyo. Minsan pa nga, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kwarto niyo nang matagal… pero hindi siya pumasok. Tumalikod lang siya at pumunta sa sariling kwarto.”

Nanlaki ang mga mata ni Lori. “Talaga, Manang?”

Tumango nang dahan-dahan si Manang. “Mukhang sobrang nag-aalala si Sir Weston sa iyo. Iba siya nitong mga araw… mas malambot. Kahit noong binabanggit niya ang yumaong asawa niya, hindi siya naging ganito ka-atentibo. Tinatanong din niya ako tungkol sa inyo. Alam kong gusto niyang ipakita ang malasakit niya… hindi lang niya alam kung paano ito sasabihin.”

Muling naiyak si Lori. Tinakpan niya ang kanyang mukha ng dalawang kamay.

“Napakasama ko kay Dad, Manang. Gusto kong humingi ng tawad…”

Hinaplos nang banayad ng ginang ang kanyang likod. “Miss, minsan ang mga tao ay hindi nagpapakita ng nararamdaman sa salita, kundi sa maliliit na gawa. Mahalaga kayo sa akin. Kung malungkot kayo nang ganito, nasasaktan din ako.”

Napatango si Lori, bagama’t umaagos pa rin ang luha.

Tama si Manang Andeng.

Kailangang may gawin si Lori. Kailangan niyang ayusin ang relasyon nila ng father-in-law.

Kaya naman nakiusap siya kay Manang Andeng na tulungan siyang maghanda ng isang special na dinner. Sa pagkakataong iyon, siya mismo ang nagluto ng paboritong pagkain ni Weston. Nilagang baka na may patis at sili. Tinulungan siya ni Manang Andeng sa lahat ng paghahanda.

Samantala, sa opisina, abala si Weston sa paghahanap sa internet ng mga tips kung paano hihingi ng tawad sa isang babae. Kailangan niyang gumawa ng paraan para magkaayos sila ni Lori. Hindi niya pwedeng hayaang magpatuloy ito. Hindi na niya kayang tiisin ang pagiging malayo sa babae. Kumikirot ang kanyang puso…

Matapos ang ilang minutong paghahanap, nalaman na rin ni Weston kung ano ang dapat niyang gawin.

Strawberry cheesecake. Oo… ang paborito iyon ni Lori.

Hindi lang ‘yon… Alam niya ang lahat tungkol sa babae.

Nang malapit nang maggabi, natapos nang mag-ayos si Lori sa kanyang kwarto. Isinuot niya ang isang off-white na lace dress. Pinili niya ito dahil lalong nagpapaganda ito sa kulay ng kanyang balat. Nag-apply siya ng simpleng makeup para magmukhang fresh ang mukha niya, saka bumaba para tingnan ang mga pagkaing inihanda nila ni Manang Andeng.

Eksaktong narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto.

“Lori,” tawag ng isang malalim na boses.

Napalingon si Lori… at nanlaki ang kanyang mga mata.

Nakatayo doon si Weston, suot pa ang work suit nito, at may hawak na cake box.

Agad niya itong namukhaan ang cake box na ‘yon. Mula ito sa paborito niyang cake shop. Sa loob nito ay siguradong ang paborito niyang strawberry cheesecake.

“I brought you something,” ilang na wika ni Weston. “Naalala ko na gusto mo ang cake na ito.”

Natigilan si Lori.

Diyos ko… nagkataon ba ito?

Nagluto siya ng paborito nitong ulam, at may dala naman itong paborito niyang cake.

Tiningnan ni Lori si Weston nang may nangingilid na luha. “Nagluto rin po ako para sa inyo. Niluto ko ang paborito niyong ulam… Nilagang baka na may patis at sili.”

Bahagyang napangiti si Weston habang sumusulyap sa hapag-kainan, saka muling tumingin sa kanya. Sa unang pagkakataon sa loob ng isang linggo, nakita ni Lori na ngumiti ito. At sa kung anong dahilan, ang ngiting iyon ay nagpasikip sa kanyang dibdib.

Umupo sila nang magkaharap para sa hapunan. Noong una ay may pagkailang, pero unti-unting naging mainit ang kapaligiran.

Minsan ay nagtatagpo ang kanilang mga mata, para lang mabilis ding umiwas.

Minsan ay may sumisilip na tipid na ngiti…

“Nilagang baka is so delicisous,” komento ni Weston matapos kumain.

Nahihiyang napangiti si Lori. “Nagustuhan niyo po ba, Dad?”

“Of course. Nagustuhan ko. Favorite ko talaga ang nilaga… pero ngayon, iba ang lasa. Siguro dahil sa taong nagluto nito,” sagot ni Weston, na naging dahilan para mabulunan si Lori.

Mabilis siyang binigyan ni Weston ng isang basong tubig.

Kinuha ito ni Lori at uminom. “A-Ano pong ibig niyo sabihin, Dad?”

Tinitigan siya ni Weston nang may hindi mabasang ekspresyon.

“Lori… I—”
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Married A Coward Liar, Loved By My Dad   KABANATA 50

    "Sino 'yan, babe?"Nabigla si Russel nang makita sina Lori at Weston sa kanyang pintuan. Hindi niya inaasahan na lilitaw ang kanyang asawa at ama sa umagang iyon!"D-Dad... Lori..." nauutal na sabi ni Russel. Ngumiti nang bahagya si Lori. Sanay siya na tinatawag siya ni Russel sa mga malalambing na endearment nito sa kanya, pero ngayong umaga, wala ni isa. Marahil ay sinusubukan ni Russel na protektahan ang babaeng nakatayo sa tabi nito."Siya ba ang Daddy mo, Russel?" tanong ni Erin."O-oo, babe," sagot ni Russel.Hindi pa kailanman nakilala ni Erin si Weston, at hindi rin nagpakita si Russel ng litrato nito sa kanya. Noong ikinasal sila, sinabi lamang ni Russel na nasa ibang bansa si Weston kaya hindi ito nakadalo sa kasal nila. Hindi alam ni Erin kung sino talaga ang isang Weston Revamonte. Ang alam lang niya ay galing si Russel sa isang mayamang pamilya."Wala ka bang balak na patuluyin kami, Russel?" malamig na tanong ni Weston."Ah, y-yes. Pasok kayo. Dad, Lori... pasok muna kay

  • Married A Coward Liar, Loved By My Dad   KABANATA 49

    Sumilip ang sikat ng araw sa mga kurtina ng hotel, na nagbibigay ng banayad na liwanag sa suite kung saan magkasamang nagpalipas ng gabi sina Weston at Lori.Dahan-dahang idinilat ni Lori ang mga mata at naramdaman ang sarili sa mainit na yakap ni Weston. Tulog pa ito, regular ang paghinga, at nagbibigay ng matinding kapanatagan sa kanya. Para bang may kapanatagan sa mga bisig ni Weston, isang pakiramdam na kahit gumuho ang mundo ni Lori kagabi, magiging maayos din ang lahat… Basta malapit si Weston, makakayanan niya ito.Ilang saglit pa, nagising na rin si Weston. Nang makitang nakatingin si Lori sa kanya, isang pagod ngunit malambing na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Morning, love..." paos ang boses niya dahil sa puyat.Sinubukan ni Lori na ngumiti pabalik, pero mabigat pa rin at mugto ang kanyang mga mata. "Morning, Dad."Hinaplos ni Weston ang kanyang pisngi. "Did you sleep at all?""Kahit paano," mahinang sagot niya. "Nagigising po ako oras-oras."Alam ni Weston na hindi a

  • Married A Coward Liar, Loved By My Dad   KABANATA 48

    Naestatwa si Lori sa matinding gulat. Ang report na ‘yon ni Aries, na hindi talaga nagpunta si Russel sa Sydney, ay parang isang malakas na suntok sa sikmura niya.Pilit niyang hinalughog ang kanyang mga alaala walong buwan na ang nakalipas, binabalikan ang mga araw mula noong ikasal sila hanggang sa nagpaalam si Russel. Noon lang niya napagtanto, habang bumibigat ang kanyang loob… na masyado siyang nabulag ng lungkot sa pag-aakalang malalayo ang asawa sa kanya kaya hindi niya napansin ang mga butas sa kuwento nito. Ni hindi man lang niya nakita ang plane ticket nito. Pinagbawalan siya nito na sumama sa airport, at nagpumilit na mag-taxi mag-isa para raw makipagkita sa mga "investors" para sa bago nitong business venture.“Hindi magsisinungaling si Russel,” bulong ni Lori, nanginginig ang boses habang tumitingin sa dalawang lalaki. “Nagpaalam siya sa akin. Sinabi niya sa akin na pupunta siya sa Sydney. Dad... alam niyo pong pupunta siya roon, 'di ba?”“Iyon po ang totoo, Ma'am,” ser

  • Married A Coward Liar, Loved By My Dad   KABANATA 47

    Pagkalipas ng dalawang araw…Ang hangin sa Maynila ay mabigat at malagkit matapos ang mahabang gabi ng pag-ulan. Sa labas ng mansyon, naka-ready na ang itim na sedan ni Weston para sa pag-alis.Nakaupo naman si Lori sa sala, kinakabahang nakasalikop ang mga daliri sa isa't isa. Nakatitig siya sa pader, ang kanyang puso ay parang tambol sa loob ng kanyang dibdib. Ni hindi siya nakatulog nang maayos. Ang isiping makikita niyang muli si Russel ay nagdulot sa kanya ng matinding pagbalisa. Simula nang sabihin ni Weston na pupuntahan nila ang asawa niya, para bang may buhol ng kaba na nanirahan sa dibdib niya, kahit pa sinubukan niyang itago iyon sa lalaki at kay Manang Andeng.Pumasok si Weston sa sala dala ang isang tray na may baso ng mainit na gatas at isang plato ng toast. “Breakfast first, Lori,” malambing nitong wika, binigay ang pagkain na siya mismo ang naghanda. “Kailangan mo ng lakas.”Tinanggap iyon ni Lori na may manipis at mapagpasalamat na ngiti. “Salamat po, Dad.”Tumabi

  • Married A Coward Liar, Loved By My Dad   KABANATA 46

    Napakabigat ng hangin sa loob ng kotse dahil sa naiwang pagkailang matapos silang mapagkamalang mag-asawa sa ospital. Nakaupo si Ellaine sa passenger seat, tinitiis ang kirot sa kanyang binti. Kanina lang ay ipinakita ng doktor ang ilang malalalim na gasgas at isang malalang sprain, kaya hindi muna siya makakatayo nang mag-isa.Ngayon, isang medical cane ang nasa backseat, bagay na ipinilit bilhin ni Gino sa pharmacy ng ospital habang naghihintay si Ellaine ng kanyang mga gamot.Tahimik ang biyahe. Nakatingin si Ellaine sa labas ng bintana, kinakabahan dahil sa lapit niya kay Gino, habang ang lalaki naman ay seryosong nakatingin sa kalsada.Kruuukkkk!Isang biglaan at malakas na tunog mula sa tiyan ni Ellaine ang bumasag sa katahimikan.Agad na namula ang mukha niya sa matinding hiya. Napahawak siya sa kanyang tiyan, gusto na lang niya na lamunin na lang siya ng upuan. Madilim sa loob ng kotse, pero alam niyang pulang-pula na ang mukha niya sa matinding hiya."Bakit ngayon pa?" bulong

  • Married A Coward Liar, Loved By My Dad   KABANATA 45

    Mahigpit na yakap ni Weston si Lori habang mahimbing itong natutulog sa kanyang mga bisig. Ang nagsimula bilang isang round ay nasundan pa ng isa matapos ang mga biruan nila… Sa ikalawang round, tumagal iyon nang sapat para maubusan ng lakas ang babae, kaya naman nakatulog ito agad sa sandaling lumapat ang ulo nito sa unan.Maingat na inalis ni Weston ang kanyang braso mula sa ilalim ni Lori, dahan-dahang gumagalaw para hindi ito magising. Kinintilan niya ito ng banayad na halik sa noo nito bago bumangon sa kama. Habang nakatayo sa ilalim ng liwanag ng buwan, kinuha niya ang kanyang mga damit mula sa sahig at mabilis na nagbihis. Inabot niya ang kanyang phone sa bedside table at tinawagan ang numero ni Aries."Hello, sir," agad na sagot ni Aries."Siguraduhin mong hindi aalis si Russel at magpupunta kung saan," utos ni Weston, mababa ang boses pero matatag. "And please keep all the evidence of his affair you've gathered safe. Pupunta kami ni Lori sa Taguig sa makalawa para tapusin na

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status