Wala rin siyang makita. Kinakapa-kapa niya ang gilid. Naalala niya, nasa loob siya ng isang kuweba pero bakit madilim?
"Hey, I heard you, woman. C-can you help m-me, p-please?"
Nakatulog pala siya nang hindi niya namalayan at sa pagkakataong ito, napakadilim na ng paligid. Para siyang bulag na nangangapa na lang.
"Nasa'n kaaa?" muling sigaw ng babae na um-echo pa. "T-tuloong."
"Hey, I'm here." Nakarinig siya ng kaluskos hanggang maramdaman niya ang mainit na hininga sa mukha niya. "H-hello, is that you, lady? N-nasaan ka na? Hindi kita makita." Naramdaman niya ang mainit na palad nito sa braso niya.
"Ano'ng pangalan mo?" Isang malambing na boses ng babae ang bumasag sa katahimikan ng gabi. "Maria nga pala."
Nakaramdam siya ng saya nang marinig ito sa babae. "Jesus, finally, may kasama na rin ako sa wakas."
Her voice...
Napalunok siya. What a lovely voice. Nangapa ulit siya sa dilim and—a soft hair. Sinundan niya ang hibla ng buhok nito nang padaanan niya ito ng daliri. Long and silky. Hindi pa tumigil doon dahil kinapkap niya ang babae and a soft what? Her arm, very soft din ito bago napunta sa kamay nito ang kamay niya. Very dainty and lovely. He loves it.
"I'm Benjamin. Wala ka bang ilaw o kahit ano para hindi ako panay kapkap sa'yo?"
"Nabasa ng ulan ang flaslight, ayaw nang gumana," frustrated na sagot ng babae na sinundan ng buntonghininga nito. "Nagtago lang din ako kanina dahil sa bagyong ito. Kanina pa kita naririnig kaso lang hindi kita makita, para kasing nasa langit ang boses mo kanina. Hulog ka ba ni Lord para sagipin ako?"
Natawa siya pero siguro tama ito. Kailangan nila ang isa't isa dahil nakakatakot ang hagupit ng bagyo na lumilikha ng malakas na ingay sa labas. Atleast kung mamatay sila pareho, may karamay siya.
"Yes, hulog ako ng langit." Nakangisi niyang sambit at ang boses ng babae, bakit ang lambing-lambing?
"Sa wakas, dininig ako ni Lord. " May kasama itong hagikhik mula sa babae. "So, magkaibigan n-na ba tayo? Nakakahiya nga lang kasi babae ako tapos lalaki ka. Ang daming tsismosa sa'min baka—"
Sumabay ang malakas niyang tawa sa kulog, "W-what? Ano bang pinagsasabi mo?"
"Eh, kasi naman." May lungkot sa boses ng dalaga nang muling magsalita. "Maganda naman ako at sexy pero lagi akong nilalait ng mga tao sa'min lalo na 'yong mga tsismosa kong kapitbahay."
Na-amuse siya bigla sa babae. Nang marinig ito, wala nang patumpik-tumpik siyang umusog palapit dito kahit pa madilim. "Talaga, gaano ka kaganda at ka-sexy?" Naging interesado siya lalo rito kaya ang ingay sa labas, hindi na nagbigay ng takot sa kanya. "Ang s-swerte pala ng lalaking mapapangasawa mo."
"Totoo," segunda ng dalaga. "Maswerte talaga."
Hindi niya namalayang nakahawak na pala siya sa kamay ng babae kaya bigla niya itong nabitawan. "Oh, I'm so sorry. Baka magalit ang boyfriend mo."
Ayaw niyang ma-offend ang dalaga dahil probinsyana type ito. Siguradong conservative ang babae. May dulot na kilig ang tagpong ito sa kanya dahil sa napakagandang boses nito. Nabighani siya sa boses ng misteryosang dilag. Wala siyang balak ikuwento ang mga kapalpakan niya ngayong araw dahil baka bawas pogi points 'yon.
"O-ok lang, B-Ben. Wala nga pala akong boy—"
"Boyfriend?" Kumabog ang dibdib niya. What a lovely night to meet this lovely lady kahit pa hindi niya ito nakikita dahil madilim pero may hatid itong kakaiba sa kanya. Bagay sa babae ang maging radio announcer dahil sa napakaganda nitong boses.
"Since birth pala, wala pang may nagkamali," dugtong ng babae kasabay ng malalim na paghinga nito. "G-gusto ko na ngang s-sumuko."
What is this? He can sense frustration in her voice. Napakalungkot ng dating ng boses nito sa kanya pero hindi ito nakabawas sa maganda nitong tinig. It's magical.
"S-sumuko?" ulit niya.
"Oo, Benjamin. Gusto ko nang sumuko sa paghahanap ng lalaking makakasama ko sa buhay. Hindi ko naman type ang matandang iyon na gusto ng pamilya ko kaya naglayas ako."
Biglang tumaas ang energy niya sa narinig. "You know, I'm also single and so ready to—" Isang tikhim na sunod-sunod ang ginawa niya pero napailing siya nang ma-realize na kinikilig siya.
"So, tayo na ba, Ben?" mabilis na tanong ng dalaga. "Ang sweet mo naman!"
Pumailinlang ang napakalamyos nitong tinig sa katahimikan ng gabi. Kahit yata mga ingay ng hayop, nahiya na sa namumuong pag-ibig nila. Tanging boses nila ang nangingibabaw sa kagubatang ito.
"Bakit, are you willing to accept me?" pakengkoy niyang tanong kasunod ng pag-ubo dahil sa pigil na pagtawa. "I'm free, Maria. Hindi ka madi-disappoint kapag ako ang pinili mo." Nadulas siya nang sabihin ito pero single naman siya at gentleman kaya walang problema kung magiging instant diyowa niya ang babae.
Sanay na sanay na siya basta type niya ang nililigawan. God! Lumalabas na naman ang pagiging mahina niya kapag involved na ang kababaihan. Kahit pa may kabanalan ang pangalan nitong Maria, wala siyang pakialam. Sa boses pa lang nito, siguradong napakaganda na nito.
Mabilis ang naging sagot ng dalaga sa kanya. "I love you, Ben."
Kahit hindi nila makita ang mga mukha ng bawat isa, sa boses pa lang nila'y panalo na. Napangisi siya dahil pareho ang sinisigaw ng kanilang puso't isipan. Naramdaman niya ang pag-usog ng dalaga palapit sa kanya nang pumasok na ang hangin sa loob ng pinagtataguan nila.
"Maria, sigurado ka bang tanggap mo ako?" Hikbi ng babae ang narinig niya kaya labis ang pag-aalala niya rito. "B-bakit?" Sensitive talaga siya kapag may babaeng umiiyak sa harap niya. Ito ang kahinaan niya sa katawan.
"Masaya lang ako, Ben, kahit hindi ka guwapo basta 'wag lang sobrang tanda kagaya ng lalaking pilit na pinapakasal sa'kin ni Nanay."
Napangisi siya sa sinabi nito dahil saksakan siya ng guwapo. He's half-British and half-Filipino, a good combination of genes from his parents.
"Benjamin, kahit hindi ka macho, buong puso kitang tatanggapin."
Kung makikita lang ng babae ang katawan niya, baka himatayin ito sa sobrang pagka-macho niya. Nice triceps. Big biceps. Kumpleto siya. Isa siyang pinagpalang lalaki na pinipilahan at hinahabol ng mga kababaihan pero one at a time lang siya sa pakikipagrelasyon. Sinalo na niya ang lahat ng blessings; money and power; the elegance and stable income plus the extravagant lifestyle. Salamat sa boss ng kanyang papa na nagpabago sa kanilang buhay.
"Don't cry, babe." Ang lungkot sa boses nito, nagdulot talaga ng labis na pag-aalala sa puso niya. "B-baka ako na ang hinihintay mong soulmate and please," muling dugtong niya dahil ramdam na ramdam niya ang lungkot nito. "Stop crying, I think... I think fate brought us together."
"Uhm, ha?" untag ng dalaga nang 'di makuha ang ibig niyang sabihin. "Ano 'yon? Baby, hindi ako nakatapos ng pag-aaral ko kaya mangmang ako, ha. Hanggang first year high school lang ako—"
Napailing siya," S-stop! Please, 'wag mong sabihin 'yan. Special ka kaya 'wag mong binababa ang sarili mo. Actually, maraming paraan kung gugustuhin mong makapag-aral."
Basta sexy at maganda, pasok sa taste niya. Madaling pag-aralan ang lahat ng bagay lalo na pagdating sa edukasyon. Actually, isa sa dahilan din ang pag-o-offer nila ng scholarships sa ilang residente sa isang isla pero tauhan na niya ang bahala. Nakipag-meeting lamang siya sa ilan pero heto nga, siningit niya ang skydiving para naman maaliw siya. Hindi niya alam exactly ang lugar pero mga officials lamang ang na-meet niya para ang mga iyon na ang makipag-coordinate. From rags to riches ang kuwento ng buhay niya pero ayaw na niyang alalahanin pa. Ang importante, hindi siya nangmamata ng kapwa dahil dati rin silang naghihirap sa buhay.
Back to Maria, may chemistry sila ng babae at ramdam niya na makakasundo niya ito sobra. Kaluskos lang ang naririnig niya hanggang maramdaman niya ang bagay na iyon na sumalpak sa mukha niya. Basa ito at para pang sinabuyan siya ng isang baldeng tubig sa mukha. Nanginginig na rin siya sa lamig lalo na't lumalakas ang ihip ng hangin.
"Ay, damit ko 'yan, my Benjamin." Napahagikhik ang babae na ikinatawa na rin niya. "Nakuha mo ba? Ang dilim kasi kaya ang hirap mong makita. Sorry, ha?"
"Of course, babe. I'm a good catcher and very good at sports. Don't say sorry." Piniga niya ang damit nito nang ilang ulit bago ito binalik sa babae. "Done! All good, babe." This is not good because they're trapped here but he's loving it. "Come closer, malamig ang panahon. Kanina pa'ko nanginginig, Maria."
Ramdam pa rin niya ang dapya ng hangin pero hindi na ito malakas kagaya nang una kaso lang, naririnig pa niya ang panaka-nakang pagkulog. "Payakap para hindi tayo magka-hypothermia." Para hindi sila lamigin pareho—para mas mawala ang takot niya.
Ang "the moves" niya, effective talaga dahil hindi niya maramdaman sa babae ang pagkadisgusto nito. Mukhang willing victim pa nga ito. Nang umusog ang babae palapit sa kanya, nawala ang panginginig niya.
First move.
"Babe, I need to hug you para hindi ka lamigin; hindi ka dapat magkasakit—" Halos sumakop sa mukha niya ang kamay ng babae nang takpan nito bigla ang bibig niya. Agad niyang hinawakan ito. "B-bakit? A-ayaw mo bang y-yakapin kita?" takang tanong niya pero hindi na niya pinakawalan pa ang malambot nitong kamay.
"B-baby, rich ka ba? Ba't panay ang English mo at Benjamin, hindi kami mayaman, ha? Sorry. Dukha lang ako at hindi ko alam kung may tatanggap pa sa'kin. Nahihiya kasi ako dahil—i-ikaw ang kauna-unahang boyfriend ko. Tsaka... alam mo ba na mahigpit ang magulang ko lalo na si Nanay pagdating sa pakikipagnobyo ko?"
"Oh, God! Cut off the nonsense, will you?" He didn't want to divert their topics to something else not related to love. Just love. "I mean, 'wag kang matakot, Maria. Mabuti akong tao."
Habang nagkakaedad siya, napapaisip na rin siyang lumagay sa tahimik. Oras na makita niya ang right woman niya, hindi siya magdadalawang-isip na pakasalan ito. Ito ang paulit-ulit na hinihingi sa kanya ng makulit niyang mama dahil solong anak lamang siya ng mga ito. "Babe, I said... payakap!" Hagikgik ng babae lang ang narinig niya kaya kusa nang yumakap ang braso niya. "See? Mas nakakatulong ang yakap kapag ganitong malamig ang panahon. Ahm, M-Maria?" Nakasandig na sa dibdib niya ang babae at ang kamay niya, humahaplos ito nang kusa sa ulo ng babae. "Y-yes?" puno ng siglang sagot nito. "Bakit, baby, may problema ba? Alam mo, mas gugustuhin pa kita kaysa sa ibang lalaki na nirereto sa'kin kaya mas pinili kong maging single muna dahil hindi ko pa natatagpuan ang tamang lalaki para sa'kin." Napangisi siya pero sinupil na lang niya. "A-ako ba ang unang boyfriend mo?" Ang swerte pala niya kung ganun. "Huwag kang mag-alala dahil bukas, ako mismo ang maghahatid sa'yo sa bahay niyo. Gusto
Nasa tabi niya lang ang dalaga na nagbibigay ng kapanatagan ng loob niya sa kabila ng hagupit ng bagyong kinatatakutan niya. "Huwag kang mag-alala dahil bukas ng umaga, mag-uusap tayo sa relasyon natin." Nagtagpo ang labi nila nang hindi sinasadya pero mabilis lamang niya itong ginawa."Huwag mo'kong lolokohin, ha, Benjamin?" Napasinok pa ang dalaga at lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Nalasahan niya ang luha nito sa pisngi nang bigla niya itong kintalan ng halik kaya pinilit niya itong pakalmahin ang sarili. "Maria," inis niyang sita. "I told you, 'wag ka mag-isip ng hindi maganda. Magiging ok din ang lahat. Wait nating humupa ang bagyo at bukas, ime-meet ko ang parents mo. Happy?" "Happy?" ulit ng dalaga. "N-natatakot lang ako, baby, kasi kapag niloko mo'ko, baka—ano." Napabuntong-hininga ang dalaga, "Baka kulamin ka ni Nanay pero wala pa naman siyang napapatay sa kulam niya kasi parang hindi naman umeepekto sa taong kinukulam niya. Hay!" Malakas na halakhak niya ang puma
Ilang sandali pa, mga kalalakihan na ang may hawak sa kanya. Mas lalo nang dumami ang mga taong nag-uusyuso sa kanila. Giniya siya ng mga ito papunta sa dalampasigan. "Ito ba ang ayaw managot kay Maria?" sigaw ng isang lalaking kakababa lamang sa isang bangka. "Sandali!" hiyaw ni Maria. "Wala kaming ginagawang masama kaya 'wag niyong sasaktan ang baby ko." "Hindi mo ba narinig, Maria, na hindi ka pananagutan ng lalaking ito?" sabat ng isang babae sabay kurot sa tagiliran niya. "Hindi pa siya sigurado sa'yo kaya kailangan natin siyang dalhin sa baryo." "Ano, Benjamin ko?" Naluluhang tumingin sa kanya ang dalaga. "Sabihin mo sa kanila na hindi totoo 'yan. Ngayon pang nakita na kita? Ikaw ang katuparan sa lahat ng hiling ko sa taas. Ikaw, Benjamin! Makinig kayo, may usapan na kami ng mahal ko na magpapaalam sa magulang ko para makaluwas na'ko ng Maynila." Napamulagat siya sa narinig. Nakakatulig ang katahimikan ng mga taong biglang tumahimik pero ang mga titig ng mga ito, kakaiba. M
Habang nagkakagulo ang lahat sa preparasyon ng kasal kuno nila ng matabang babae, malikot naman ang kanyang mga mata sa pagtingin sa mga taong nakakasalamuha hanggang humantong ito sa isang lalaking bukod-tangi ang suot sa lahat. Nakasuot lamang ito ng t-shirt at short. Hindi niya maintindihan ang kasuotan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Para lang itong malong na may disenyo at itinapis sa katawan ng mga ito at ang mga lalaki naman, sa beywang naman ng mga ito nakabalabal ang suot. Nang magtama ang paningin nila ng lalaking nakasuot lamang ng short at green t-shirt, halos magmakaawa ang expression ng mukha niya. Sana ma-feel nito kung gaano niya ka-need ang tulong nito. Kahit pa against sa loob niya ang pagpapakasal, nangako siyang papanagutan niya si Maria para sa ikakatahimik ng lahat. Kailangan lamang niyang gumawa ng paraan na makaalis sa lugar na ito at kung magtagumpay siya mamaya, kakalimutan niyang naging tanga siya panandalian. "Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba si Maria sa
Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ang kapalaran niya; ang maikasal sa pinakagwapong lalaki. Mula pagkabata ba naman, ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagwapo na nilalang. "Salamat, Benjamin ko, sa pagtanggap mo at pagbigay ng pangalan mo sa'kin." Hindi niya mabitaw-bitawan ang kamay ng lalaki dahil pakiramdam niya, handa itong agawin ng malalandi niyang kapitbahay na dalaga. "Akin ka lang..." Buong pusong anas niya nang pagharapin na sila ng pastor sa isa't isa."Sige!" yamot na saad ng pastor. "Oh, ano pang hinihintay mo, Maria?" May pagtataka sa mukha ng pastor nang 'di siya kumilos. "Pwede mo na siyang halikan. Ang bagal naman, oo."Nakita niya ang biglang pagtingin ng asawa sa pastor at ang panlalaki ng mata nito. Napadila siya at inikot ito sa buong bibig niya. Kahit man lang lipstick, hindi siya makabili kaya simpleng-simple lang ang mukha niya ngayon. Nakasuot siya ng malong mula balikat niya pababa ng sakong. May bulaklak na puti sa ulo niya at syempre ang nanay
"Yes... of course!" nanggigigil niyang anas sa mukha ng lalaki. "Kailangan ko ng tulong mo, n-ngayon na! Gustong-gusto ko nang makauwi. P-please, help m-me." Nagsalubong ang kilay ng kaharap niya at wari'y nayamot pa ito sa kanya. Nakalahad agad ang kamay nito habang nakatitig sa kanya. Nang taasan niya ito ng kilay, nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. "Pera." Mahinang saad nito habang nakalahad pa rin ang kamay. "Akin na muna ang bayad dahil nakakaistorbo ka. May nakita akong perlas na ginagawa nilang palamuti rito pero hindi ko alam kung ano'ng klase 'yon. Kailangan nating kilatisin—" "I'm not interested." Napataas ang boses niya pero muli niyang kinontrol ito para walang makarinig sa kanila. "Mayaman ako at kaya kong tapatan 'yang perlas na sinasabi mo." Nanggigigil na siya sa lalaking 'to dahil kanina pa siya nakikipagnegosasyon pero ayaw nitong maniwala na kaya niyang bayaran ito ng malaki. Napailing na siya nang gumalaw ang kamay nito para iabot niya ang kabayaran. "Look,
"D-dito?" Hindi siya makapaniwala nang hawakan niya ang isang bamboo stick, "N-nasa'n ang bangka mo?" Pigil ang pagtaas ng boses niya nang wala siyang makita sa paligid. Nakalublob na sila sa dagat at halos leeg na ang lalim kaya takang-taka siya. "Ang daming satsat, eh." Inis na pakli ni Pancho. Pagkasabi niyon, pwersahang nilubog nito ang ulo niya sa tubig. Sumenyas ang lalaking sundin ang ginagawa nito sa ilalim kaya wala siyang nagawa nang ilagay niya ang kapirasong bamboo stick sa bunganga at do'n pansamantalang huminga sa instruction na rin nito. Hindi niya makita ang taas sa rami ng sangang nagkalat. Nagkalat ang mga dahon at sanga ng punong naanod sa dagat na siguradong bagyo ang may kagagawan. Alam niyang wala siyang kakayahan na salagin ang anumang pinapagawa ng kasama dahil mas kabisado ng lalaki ang lugar na ito kaysa sa kanya. Naririnig pa niya kanina ang ingay ng mga taong naghahanap sa kanila pero naglaho na ito nang pumailalim na sila ng tubig. Halos pagkapusan siya
"I will wholeheartedly marry you to save my life, woman!" He snorted when he got his chance to blame it on her. "You had no idea how much I hated this forced marriage kahit walang namagitan sa'tin kagabi." "Pero Benjamin—" Naiiyak man, abot hanggang langit naman ang pasasalamat ng dalaga sa pagpayag niyang maikasal sila. "Papakasalan kita dahil ikaw ang katuparan ng pangarap ko. Hulog ka ng langit kagabi. Hindi ka na makakawala kahit ano pang sabihin mo dahil ikaw—ikaw ang itinadhana para sa'kin." Sumabay ang pag-iyak ng babae sa kulog kaya nagulat siya at agad napabalikwas. Panaginip. Isang panaginip lang pala pero napakapangit na pangitain 'yon sa kasagsagan ng bagyo. Bagyo? Basang-basa pa rin siya sa pinagkukublian niyang iyon. Diyata't bumabagyo na naman sa labas? Nakaramdam siya ng lamig sa pinagtataguan. Agad niyang naalala ang kasama, "P-Pancho?" mahina lang nang una ang pagbigkas niya sa pangalan nito pero nang wala siyang marinig, agad siyang sumigaw. "Panchoo!" Nakakaini