Share

48

Penulis: BlankTinker
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-10 15:51:11

Habang yakap-yakap pa rin ni Ethaniel si Katrice, tumingin siya kay Wayne, at sa titig pa lang ng lalaki ay nagbugso na ang malamig na presensya sa buong silid.

Napalunok si Wayne, at tila nanginig ang kanyang katawan sa kaba. Mabilis ang pintig ng puso niya, habang pinapawisan ng malamig ang kanyang noo.

Kung hindi pa siya manhid, tiyak na napansin na niyang si Mr. Manzano ay may interes kay Katrice. Kung hindi pa niya iyon napagtanto, sayang ang lahat ng taong ginugol niya sa mundo ng mga negosyante at politikal na koneksyon.

Oo, si Katrice ang unang babaeng kinahumalingan niya, pero kahit pa ganoon, hindi siya pwedeng magmataas sa harap ni Mr. Manzano. Kung tutuusin, may karapatan si Ethaniel na ipagtanggol ang babaeng gusto niya, at walang puwang doon ang opinyon ni Wayne.

Nagpakumbaba si Wayne. "Mr. Manzano."

Umangat ang tingin ni Ethaniel kay Professor Trinidad at malamig niyang sinabi, “Ang hirap na nga ng makakuha ng unang operasyon sa Olegancheng, tapos kayo pang mga intelekt
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Married To A Billionaire Beast   117

    Hindi man malakas ang sampal ni Katrice, sapat na iyon para magliyab ang galit na matagal nang kinikimkim ni Ethaniel.Sa mga nakaraang araw, naguguluhan siya at nahihirapang magdesisyon dahil sa pagbubuntis ni Giselle. Sa kabila ng lahat, hindi niya magawang putulin nang tuluyan ang koneksyon nila ni Giselle.Pero si Katrice? Imbis na makipagtulungan sa mga plano para sa kasal, ayaw pang pumili ng wedding dress at nakipagkita pa sa ex-boyfriend niya. Maliwanag pa sa sikat ng araw—hindi siya iniintindi ni Katrice.Nakakatawa, ‘di ba? Habang siya'y pilit na kumakapit, siya naman ang tuluyang nilalayuan.Nilamon ng galit ang natitirang katinuan ni Ethaniel. Mabilis siyang yumuko at siniil ng halik si Katrice."E-Ethaniel, umm..." pigil ni Katrice, pero hindi siya pinakinggan.Kahit anong pagpiglas at pag-iyak ni Katrice, hindi niya pinansin.Hanggang sa matuyo na lang ang luha sa mga mata ni Katrice.Tulala siyang tumingin sa kisame. Hindi siya makapaniwala—nagawang gawin iyon ni Ethani

  • Married To A Billionaire Beast   116

    Hindi sumagot si Katrice.Pero ang sinabi ni Lucas ay para bang nagsaboy pa ng gasolina sa apoy.Nanlamig ang mga mata ni Ethaniel, ngunit ang bawat salitang binitiwan niya ay tila banayad—nakakakilabot sa kalmadong paraan.“Katrice, tinanong ka ni Mr. Cataman. Bakit hindi ka sumagot? That's rude, don't you think?”Walang duda—may pang-uuyam sa boses niya.Nanigas ang mukha ni Katrice. Tinaas niya ang baba at tiningnan si Lucas. Mahina ngunit matatag ang tinig niya.“Ayos lang ako. Salamat sa pagsama pabalik. You can go now.”“Katrice…”Hindi natinag si Lucas. Parang hindi niya narinig ang sinabi niya. Dumilim ang ekspresyon ng gwapo niyang mukha.Hindi niya hinayaang makatakas si Katrice.“Tell me, are you happy with him?”Muling natahimik si Katrice.Hindi man niya sabihin, nakuha na ni Lucas ang sagot.—Hindi siya masaya.Alam na alam ni Lucas ang itsura ni Katrice kapag masaya. Ilang taon din silang nagmahalan. Kaya't sa saglit na katahimikan, nabasa niya ang lahat.Napapikit si L

  • Married To A Billionaire Beast   115

    Hindi naman sinungaling si Lucas. Kaya naman alam ni Katrice sa sarili niya na totoo ang sinabi nitong matagal na siyang hinihintay—araw at gabi, umaasang makikita siyang muli.Hindi na niya kayang tiisin pa ang ganitong sitwasyon. Bukod pa roon, may mga bagay din na kailangang malinawan.Kaya’t kalmado niyang sinabi, “Let’s have dinner together.”Napangiti si Lucas. “Okay.”Bagamat sinabi ni Katrice na kahit saan na lang sila kumain, pinili pa rin ni Lucas ang isang private restaurant na alam niyang paborito ng dalaga. Pinili rin nito ang mga pagkaing alam niyang paborito nito.Pagdating ng mga pagkain, hindi agad gumalaw si Katrice. Yumuko siya, pinipilit pigilan ang pagluha habang paulit-ulit na kumukurap ang mga mata.Tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya rito saglit, pero agad rin itong ibinaba.Tahimik si Lucas ng ilang segundo bago nagsalita, “Hindi mo ba kailangang sagutin?”Umiling si Katrice. “No need. Spam message lang ’yon, ads.”“…Ah,” tanging sagot ni Lucas.Alam n

  • Married To A Billionaire Beast   114

    "Mrs. Manzano?"Lumapit ang store manager na may dalang design draft at agad napansin na paalis na si Katrice.Bahagya siyang nagulat. “Narito na po ang mga design draft. Please, maupo po muna kayo para maipaliwanag ko ang mga ito.”Umiling si Katrice at mahinahong tumugon. “Huwag na. May kailangan lang akong puntahan.”Nagulat ang store manager. Paano na 'to?Mahalagang kliyente si Mrs. Manzano sa kanila. Kung aalis ito nang hindi man lang tumitingin sa design draft, siguradong mababalitaan iyon ng may-ari. Paano na ang trabaho niya?“Mrs. Manzano, may pagkukulang ba kami sa inyo? Kung meron man, humihingi po ako ng paumanhin.”Umiling muli si Katrice. “Wala naman. Huwag kang mag-alala.”Alam niyang kung aalis siya nang ganoon na lang, mahihirapan din ang store manager na ipaliwanag sa kanilang boss. Pero kahit pilitin niya, wala talaga siyang gana na tingnan ang kahit anong disenyo ng damit.Pagkatapos mag-isip, nag-alok siya, “Ganito na lang, ikaw na ang pumili para sa akin.”Napai

  • Married To A Billionaire Beast   113

    Mabilis lumipas ang forty-five-minute lab class ni Katrice.Habang nagtuturo ang professor, mukhang attentive siya sa klase, pero sa totoo lang, punô na ang isip niya. Pagkatapos ng klase, halos wala siyang maisip at parang may mabigat siyang nararamdaman sa dibdib.Hindi niya napigilang kunin ang cellphone at balikan ang litratong ipinadala ni Giselle. Pinagmasdan niya ito sandali habang nakapikit ang kalahating mata, sabay ng isang mapait na ngiti.Kung hindi dahil sa litratong ito, baka naniwala na siya sa mga sinabi ni Ethaniel kagabi."Let’s live a good life together," sabi pa nito.Pero paano? Sa ganitong sitwasyon nila, paanong magiging maayos ang lahat? Sa litrato, malinaw na magkahawak-kamay sina Ethaniel at Giselle sa loob ng ospital.Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatayo sa may pintuan ng classroom, nakatitig lang sa screen ng cellphone.Hanggang sa may tumawag sa kanya.“Katrice?”Si Joel pala iyon—ang bodyguard ni Ethaniel. Inutusan siya nitong sunduin si Katri

  • Married To A Billionaire Beast   112

    Bandang alas-tres ng hapon, bumalik si Katrice sa ward.May appointment siya para sa sukat ng damit bandang alas-kuwatro, at alam niyang kakailanganin pa ng kaunting oras sa biyahe. Kaya naman ang pagbalik niya ay sakto lang—hindi maaga, hindi rin huli.Ngunit pagpasok niya, tahimik ang buong ward.“Ethaniel?” tawag niya, habang lumilingon-lingon sa paligid.Wala si Ethaniel. Malapit na siyang lumabas ng ospital—pero nasaan siya ngayon?Kinuha ni Katrice ang kanyang cellphone at tinawagan si Ethaniel upang itanong kung nasaan ito.Sa mga oras na iyon, nasa ward ni Giselle si Ethaniel.Hindi naman ganoon kalubha ang natamo ni Giselle. May konting pasa lang sa katawan, kaya ngayong araw ay maaari na siyang ma-discharge.Bago siya makalabas, sumailalim muna siya sa kumpletong pagsusuri. Pagkatapos nito, tinawagan niya si Ethaniel.“’Yun lang naman,” mahinang sabi ni Giselle pagkatapos ikuwento ang lahat.Kakaiyak lang niya kaya namumula pa ang mga mata nito.Nakatayo lang si Ethaniel sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status