Share

7

Penulis: BlankTinker
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-01 17:47:25

Dahil sa matinding kutob, napalingon si Katrice.

Sa mismong pintuan ng bahay, nakita niyang palabas na si Giselle, nagpalit na ito ng damit, inayos ang makeup, at maaliwalas ang mukha.

Huminto ang isang kotse sa harapan. Bumukas ang pinto at bumaba si Ethaniel, may hawak na palumpon ng mga rosas.

Matingkad ang kulay at napakaganda, mga rosas na sumisimbulo ng mainit na pag-ibig.

"Ang ganda naman," wika ni Giselle habang inaabot ang bulaklak, sabay yakap sa braso ni Ethaniel.

Magalang na binuksan ni Ethaniel ang pinto ng kotse para kay Giselle at tinulungan itong sumakay. Pagkatapos, sabay na silang umalis.

Habang dumaraan ang sasakyan, nakatalikod si Katrice. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Naalala niya ang sinabi ni Ethaniel noon, may "marriage partner" na raw siya. At si Giselle nga ang tinutukoy niyang girlfriend.

Kung ang isang tulad ni Giselle ay may boyfriend na kagaya ni Ethaniel, baka buong pamilya nila ay tatawa sa tuwa kahit sa panaginip. Pero, nakakatawa, kasi alam na ni Katrice ang totoo.

Isang pagkakataong ibinigay ng langit ba ito? Tahimik niyang pinisil ang kanyang mga kamay.

Bakit nga ba ganito? Masagana ang buhay ng ibang tao, pero siya at ang kapatid niyang lalaki ay halos wala nang makain?

Hindi niya hahayaan na maging gano'n na lang!

Sa ilalim ng ilaw ng poste, nanatiling tahimik ang anino ni Katrice.

***

Sa loob ng isang mamahaling restaurant, nasa harap ng isang cherry wood dining table sina Ethaniel at Giselle. May mga kandilang kumikislap, bone china na plato, at silver na kubyertos, lahat ay elegante.

Sa likod ng screen, marahang tumutugtog ang banda.

Magkaharap ang dalawa, at binuhusan ni Ethaniel ng red wine ang baso ni Giselle.

“Things have taken a turn for the better,” sabi ni Ethaniel. “I’m ready for a divorce. The papers will be finalized in two days.”

Nagulat si Giselle. Biglang lumiwanag ang mga mata niya, kasunod ay nagmistulang maluha-luha ang kanyang tingin.

Napakunot ang noo ni Ethaniel. “Why are you crying? Are you okay?”

Umiling si Giselle, pilit pinipigilang lumuha. “No, it’s not that. I’m just… really happy.”

Hinawakan niya ang kamay ni Ethaniel. “Let’s dance? To celebrate?”

Hindi naman ugali ni Ethaniel na tumanggi sa ganitong bagay, lalo pa’t siya ang babae sa buhay niya ngayon.

“Sure,” sagot niya.

Bumaba sila sa dance floor. Marahang inakbayan ni Ethaniel si Giselle sa balikat at baywang.

Napatingin si Giselle sa kanya. “Ethaniel, after the divorce… can we get married?”

Sandaling napatigil si Ethaniel at bahagyang napakunot ang kanyang noo.

Kahit matapos na ang mga papeles, kailangan pa rin niyang hintayin ang pagbuti ng kalagayan ng kanyang lolo. At mukhang matatagalan pa ito.

Napansin ni Giselle ang kanyang pananahimik, kaya agad siyang nagpaliwanag.

“I’m not rushing you,” sabi niya. “It’s just that my mom said there’s a lot to prepare for a wedding.”

“Okay,” tugon ni Ethaniel matapos ang ilang segundong katahimikan. Pinili na lang niyang pagbigyan si Giselle.

“Just talk to Kyle if you need anything. Let him take care of the hassle,” dagdag niya. “You only need to be happy.”

“Hmm!” Tumango si Giselle, halatang tuwang-tuwa. Yumakap siya sa leeg ni Ethaniel, ang kanyang mga mata ay may kakaibang kislap at pang-aakit.

Unti-unti siyang tumayo sa dulo ng kanyang mga paa, nilapit ang mukha sa lalaki, at dahan-dahang pumikit.

Malinaw ang gustong mangyari ni Giselle, isang halik.

Alam ni Ethaniel ‘yon. Hinawakan niya ang baba ng babae. Ramdam niya ang lipstick sa labi nito, matingkad at makintab.

Isang pagyuko lang ng ulo niya, maaari na niya itong halikan. Pero sa kung anong dahilan, walang kahit anong pagnanasa ang naramdaman niya.

Naalala niya ang isang gabi, ibang-iba iyon.

Noon, walang makeup si Giselle, simple at natural ang amoy, at tila mas totoo.

Biglang huminto ang tugtog. Binitiwan ni Ethaniel ang kanyang kamay.

“The music stopped. Let’s eat, the food’s getting cold,” sabi niya.

Nagmulat ng mata si Giselle, nandoon na si Ethaniel sa upuan niya. Napakunot ang noo ni Giselle at mariing kinagat ang kanyang labi.

Bad timing. Bakit kailangang huminto ang musika ngayon pa? Kaunting sandali na lang sana…

***

Ilang araw ang lumipas, at dumating ang araw ng Miyerkules. Maagang gumising si Katrice.

Hindi siya bumalik sa dorm ng eskuwela kagabi. Sa halip, doon siya natulog sa bahay ni Rosalie.

Maagang nagising si Rosalie at nag-ayos na. Napansin niyang hindi pa rin kumikilos si Katrice.

"Hala? Bakit parang tulala ka pa rin?" tanong ni Rosalie, na may halong pagtataka. "Akala ko may aasikasuhin ka ngayon? Di ba't pinapalit mo pa nga ‘yung klase mo?"

"Oo," sagot ni Katrice, bahagyang matamlay. "Ikaw na muna. Susunod na lang ako ng kaunti."

"Okay. May 24-hour shift ako ngayon, kaya mauuna na ako."

Pagkaalis ni Rosalie, humiga muli si Katrice sa kama. Sa totoo lang, wala siyang balak lumabas ngayon.

Pagsapit ng alas-diyes ng umaga, tumunog ang telepono.

Sa harap ng gusali ng hukuman, nakatayo si Ethaniel, matangkad at maayos ang postura. Hawak niya ang cellphone sa isang kamay habang tumatawag, at sa kabilang kamay ay isang folder. Sa loob nito, naroon ang kasulatan para sa annulment.

Nakasulat sa dokumento ang kompensasyon para kay Katrice. Kahit pa man ayaw na niya rito, hindi niya malilimutan na ang ina ni Katrice ang nagligtas sa buhay ng kanyang lolo. At sa kanya, ang ganitong halaga ng pera ay maliit na bagay lang.

Nang sagutin ang tawag, malamig at hindi masyadong pansin ang tono ni Ethaniel, "Nasaan ka na? Nasa loob ka na ba? O traffic pa rin?"

"Ethaniel..." malalim ang buntong-hiningang ginawa ni Katrice. Kulang siya sa lakas ng loob. Kahit papaano, may konsensya pa rin siya pagdating kay Ethaniel. Pero kailangan niyang gawin ‘to.

"I'm sorry... Hindi pa ako handang makipag-divorce."

Natahimik si Ethaniel. Halos akalain niyang guni-guni lang ang narinig niya, baka puyat lang siya kagabi.

"Anong sabi mo?" tanong niya, puno ng gulat.

Muli, malinaw at mabagal na ulit ni Katrice, "Sabi ko... hindi ako makikipag-divorce."

Biglang dumilim ang mukha ni Ethaniel.

Ang tono niya'y banayad ngunit halatang may galit, parang yelo ang tinig.

"Katrice, alam mo ba kung ano'ng sinasabi mo? Ikaw mismo ang pumayag sa annulment. Niloloko mo ba ako ngayon?"

Naputol ang tiyaga niya.

"Who gave you the guts?!" sigaw niya, puno ng inis at pananakot. "Pumunta ka rito ngayon din! Maghiwalay tayo ngayon na! I won’t let you back out!"

Alam na ni Katrice ang magiging reaksyon niya. Inaasahan na niya ang galit nito.

Para sa kanya, hindi naman talaga kaaya-aya ang taste ni Ethaniel sa babae, Giselle? Peke kung peke. Maganda lang sa labas, pero hindi totoo sa loob.

Pero wala siyang karapatang panghimasukan ang gusto ng iba. Lalo na ngayon, kung iisipin, nadamay pa si Ethaniel sa gulo ng pamilya nila. Mabait ito sa kanya noon, pero heto siya ngayon, haharangin ang kaligayahan nito.

"I'm really sorry," malungkot at tapat na sabi ni Katrice.

"I don’t need your apology!" mariing sagot ni Ethaniel. "Katrice, I said, get your ass over here right now! Pag ako pa ang naghanap sa’yo, hindi na ako magiging mabait!"

"Sorry, Ethaniel. You won’t find me today. Hindi mo ako makikita, at least, hindi ngayon."

Matapos sabihin ito, pinutol na ni Katrice ang tawag. Pinatay rin niya ang cellphone niya.

Sa ganitong paraan, hindi na siya malolocate ni Ethaniel. Wala rin itong ideya na nagpalipas siya ng gabi sa condo ni Rosalie. Hindi siya nasa ospital, wala rin sa dorm ng eskwelahan. Imposibleng mahuli siya.

Ito talaga ang dahilan kung bakit siya tumuloy sa kay Rosalie kagabi.

Hindi na makontak ni Ethaniel si Katrice, kaya inutusan niya si Kyle na hanapin ito gamit ang phone locator.

"Sir Ethaniel," ulat ni Kyle, "nakapatay po ang phone niya."

"Then think of something else," mariin ang utos ni Ethaniel, habang nanlilisik ang mga mata.

Sanay siyang nasusunod. Lumaki siyang pinapaboran, pinagbibigyan. Kaya hindi niya matanggap na ngayon, siya pa ang parang napapaikot.

“She can’t possibly leave Bicol, can she?”

"Posible po, pero..." sabay yuko ni Kyle. "Sinubukan na po nina Mark at Ken, pero wala pa rin. Wala sa ospital, wala sa school, at sa ibang lugar, wala rin kaming lead."

Masyado raw malaki ang Bicol para hanapin ang isang tao na parang nawalan ng bakas. Parang naghahanap ng karayom sa gitna ng dayami.

Biglang ngumisi si Ethaniel, isang ngiting malamig at puno ng paghamak.

"Magaling ka, Katrice... Talagang magaling ka."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married To A Billionaire Beast   142

    Sa labas ng opisina ng direktor, tinawagan ni Katrice si Kyle."Katrice!" Masiglang sagot ng lalaki."Kyle..." mahina ang boses ni Katrice, may pag-aalangan, halatang nahihiya siyang magsalita.Tahimik siya sandali, saka marahang nagsalita."Pwede ba... makausap ko si Ethaniel ng sandali?""Siyempre, nandito lang ang second brother." Agad namang tugon ni Kyle.Pagkalipas ng ilang segundo, iba na ang boses sa kabilang linya."Hello." Malamig at walang emosyon ang tinig ni Ethaniel. "Ano ‘yon?"Diretsong tanong ni Katrice, "Yung pagsali ko sa cardiopulmonary project team... ikaw ba ang

  • Married To A Billionaire Beast   141

    Huminto ang kotse sa harap ni Katrice.Bumaba ang salamin, at sumilip si Kyle mula sa loob. May banayad na ngiti sa kanyang mga labi."Katrice, saan ka papunta? Sakay ka na, ihahatid na kita."Nilingon ni Katrice si Ethaniel, nasa front seat ito. Nagulat siya.Bakit siya nandiyan? Nasa isip lang niya. Bakit laging ganyan? Laging nagkakasalubong.Umiling siya kaagad."Salamat, pero ‘wag na. Ayos lang ako."Ayaw na niyang sumakay muli sa kotse ng kahit sino sa kanila. Lalo na kung pareho silang naroon, masyado nang nagiging komplikado ang lahat.Ngunit hindi rin umalis si Kyle."Sakay ka na." Nakangiti pa rin ito, tila hindi nagpapaapekto. "Gusto mo ba akong bumaba at buksan ang pinto para sa’yo?""Hindi na..."Patuloy pa rin ang pagtanggi ni Katrice, pero nagsimula nang magreklamo ang mga tao sa waiting shed malapit sa kanila."Ano ba ‘yan, hindi ba nila alam na bawal humarang sa bus lane?""Ang tagal! Hindi makausad ang bus!""Uy, Bentley pa oh! Akala mo naman kung sino!"Habang tumat

  • Married To A Billionaire Beast   140

    Gaya ng nakagawian, muling nagtungo si Katrice sa ospital upang dalawin si Kathlyn.“Hi, Ate ni Kathlyn,” bati ng nars na may ngiti.“Maaga ka ngayon, ah,” dagdag pa nito.“Natapos na kasi 'yung internship ko,” paliwanag ni Katrice habang naglalakad papasok.“Pero may nauna na sa’yo,” bulong ng nars habang patuloy ang ngiti.Napahinto si Katrice, nagtatakang nagtanong, “Sino?”“Noong huli mong punta, nabanggit mo na siya… Tatay ninyo ni Kathlyn.”Mabilis na nagdilim ang mukha ni Katrice. Si Roy na naman.Anong pumasok na naman sa isip ng taong ‘yon ngayon? Napakunot siya ng noo.“Ah, at isa pa,” dagdag ng nars sabay hila sa kanya palapit at pabulong na nagsalita, “Tinanong niya tungkol sa ‘Wells Agency.’ Kung dito raw ba tinatanggap ‘yung mga pasyenteng isinasailalim sa assessment.”Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Katrice nang marinig iyon.“Gets ko na. Salamat,” maikli niyang sagot.“Walang anuman,” sagot ng nars, saka siya iniwan.Pagkapasok ni Katrice sa silid ni Kathlyn, bumung

  • Married To A Billionaire Beast   139

    Sa sandaling niyakap ni Ethaniel si Katrice, agad niyang napansin ang isang bagay, bakit parang lalong lumiit ang katawan nito?Mula’t simula’y hindi naman talaga siya malusog tingnan, pero ngayon… mas kapansin-pansin na ang pangangayayat niya.Wala nang panahon para magtanong pa. Ang mahalaga, maresolba ang sitwasyon sa harap niya.Malinaw sa kanya, mababang blood sugar ang dahilan ng pagkahilo ni Katrice.Nakaalalay siyang lumapit, hawak-hawak si Katrice at nagtanong agad."May candy ka ba? Asukal, kahit ano?"Mahina pero malinaw ang tugon ni Katrice. Tumango ito at binuka ang bibig, saka itinuro ang loob.May nakasubo na pala siyang candy.Pero kahit meron na, bakit parang hindi pa rin siya nagiging okay?Biglang dumilim ang mukha ni Ethaniel. Hindi na siya nagdalawang-isip, binuhat niya si Katrice."Huwag... huwag..." mahina niyang pagtutol. "Ibaba mo ako..."Pero dahil nanghihina ang katawan, halos wala rin siyang lakas para lumaban.Napangiti si Ethaniel, may halong sarkasmo sa

  • Married To A Billionaire Beast   138

    Biyernes ng gabi, dumalaw si Ethaniel sa bahay ng mga Basco.Naki-dinner siya sa pamilya at habang kumakain, biglang nagsalita si Jessa habang palihim na sumulyap sa kanyang asawa."Roy, malapit na ang kaarawan mo. Kahit hindi ito malaking okasyon, hindi pa rin puwedeng palampasin nang basta-basta. Anong plano mo? Dito ba sa bahay o sa labas?"Hindi iyon basta tanong, may layunin.Gusto niyang marinig ito ni Ethaniel. Kung may malasakit ang binata, kusa itong mag-aalok na asikasuhin ang selebrasyon. Kapag ganoon, may mukha silang maipagmamalaki, at makakatipid pa sila.Hindi sila binigo ni Ethaniel. Tahimik muna siya ng ilang segundo bago nagsalita nang kalmado."Ang kaarawan ni U

  • Married To A Billionaire Beast   137

    Tinitigan ni Ethaniel ang maamong mukha ni Katrice. Bahagyang paos ang kanyang boses nang magsalita.“Bakit? Ayaw mo na ba talaga?”Hindi man matagal ang pinagsamahan nila, alam niyang hindi malakas kumain si Katrice. Kaya kung pinuntahan pa niya ang snack shop para bumili, ibig sabihin, gustong-gusto talaga nitong kainin 'yon.Pero heto siya ngayon, tumatanggi.Siguro nga, galit lang talaga siya.Nasasaktan si Ethaniel habang pinagmamasdan siya. Tahimik ang sakit, pero ramdam niyang mabigat at masikip sa dibdib. Kaya’t pilit niya itong kinausap nang mahinahon.“Galit ka pa rin ba? Hindi ba sinabi ko noon, hati na lang kayo sa hawthorn cake? Bakit mo hindi tinanggap?”Napakunot ang noo ni Katrice, sabay taas ng kilay at biglang napatingin sa kanya."Huwag mong sabihing nagpaparinig ka pa ngayon? Ako 'yung unang nagtanong kung meron, ako 'yung unang bumili, tapos pagdating niyo, gusto mong hatiin ko pa? Gano’n ba 'yon? Dapat ba akong magpasalamat dahil hinayaan niyong may matira sa’kin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status