“What did you do to me?!” Galit na galit ang boses ng lalake, mababa at matalim. Nag-panic si Katrice. Hindi niya alam ang nangyayari. Hawak pa rin ang kanyang leeg, napailing siya at pilit nagsalita, “A-Ako, wa-wala po akong ginawa... H-hindi ko alam…” Bigla siyang binitiwan. Pero hindi pa siya nakakahinga nang maayos, naramdaman na lang niyang hinawakan siya sa bewang at idinikit sa katawan ng lalake. Mainit ang balat nito, parang may lagnat, at sobrang lapit nila sa isa’t isa. Nang magsalita ang lalake, halos dumikit sa balat niya ang mainit na hininga, “Binibigyan kita ng pagkakataon. Itulak mo ako. Lumabas ka dito.” Napamulagat si Katrice. Pinalalabas niya ako? Hindi ba siya kuntento? Iniisip ba niyang hindi ako interesado? Pero hindi siya puwedeng umalis. Hindi para sa sarili niya—kundi para sa kapatid niya. Wala na siyang karapatang mag-inarte pa. Nandito na siya. Wala nang atrasan. “Hindi ako lalabas. Tonight… I’m yours,” mahinang bulong niya.
View MoreTahimik na tahimik sa loob ng kwarto ng ospital.Biglang ibinato ni Ethaniel ang cellphone sa galit. Matatalim ang kanyang mga kilay, at nang magsalita siya, malamig na malamig ang kanyang boses.“Nahanap na ang hayop na ’yon!”Agad na sinalo ni Mark ang cellphone. “Opo, Sir. Nagpapahanap din daw si Sir Elian. Malapit na raw ang balita,” dagdag pa niya.Tumango lang si Ethaniel, saka tahimik na tumalikod at lumakad papunta sa balkonahe.Mula sa bulsa, kinuha niya ang kaha ng sigarilyo at nagsindi ng isa.Tahimik lang na pinanood ni Giselle ang lahat. Wala siyang pagkakataong makisabat, pero naintindihan niyang nawawala si Katrice.Paano nangyari 'yon? Dahil ba sa pakikipaghiwalay ni Ethaniel sa kanya?Napangisi si Giselle sa sarili. Hmm. Ang galing ding umarte ng kapatid ko. Playing hard to get? Talagang ganyan ang atake mo?Pero epektibo. Tignan mo, halatang-halata ang pagkataranta ni Ethaniel.Nagkibit-balikat siya sa isip. Pero akala ba niya makukuha niya si Ethaniel sa ganyang dra
Hindi man malakas ang sampal ni Katrice, sapat na iyon para magliyab ang galit na matagal nang kinikimkim ni Ethaniel.Sa mga nakaraang araw, naguguluhan siya at nahihirapang magdesisyon dahil sa pagbubuntis ni Giselle. Sa kabila ng lahat, hindi niya magawang putulin nang tuluyan ang koneksyon nila ni Giselle.Pero si Katrice? Imbis na makipagtulungan sa mga plano para sa kasal, ayaw pang pumili ng wedding dress at nakipagkita pa sa ex-boyfriend niya. Maliwanag pa sa sikat ng araw—hindi siya iniintindi ni Katrice.Nakakatawa, ‘di ba? Habang siya'y pilit na kumakapit, siya naman ang tuluyang nilalayuan.Nilamon ng galit ang natitirang katinuan ni Ethaniel. Mabilis siyang yumuko at siniil ng halik si Katrice."E-Ethaniel, umm..." pigil ni Katrice, pero hindi siya pinakinggan.Kahit anong pagpiglas at pag-iyak ni Katrice, hindi niya pinansin.Hanggang sa matuyo na lang ang luha sa mga mata ni Katrice.Tulala siyang tumingin sa kisame. Hindi siya makapaniwala—nagawang gawin iyon ni Ethani
Hindi sumagot si Katrice.Pero ang sinabi ni Lucas ay para bang nagsaboy pa ng gasolina sa apoy.Nanlamig ang mga mata ni Ethaniel, ngunit ang bawat salitang binitiwan niya ay tila banayad—nakakakilabot sa kalmadong paraan.“Katrice, tinanong ka ni Mr. Cataman. Bakit hindi ka sumagot? That's rude, don't you think?”Walang duda—may pang-uuyam sa boses niya.Nanigas ang mukha ni Katrice. Tinaas niya ang baba at tiningnan si Lucas. Mahina ngunit matatag ang tinig niya.“Ayos lang ako. Salamat sa pagsama pabalik. You can go now.”“Katrice…”Hindi natinag si Lucas. Parang hindi niya narinig ang sinabi niya. Dumilim ang ekspresyon ng gwapo niyang mukha.Hindi niya hinayaang makatakas si Katrice.“Tell me, are you happy with him?”Muling natahimik si Katrice.Hindi man niya sabihin, nakuha na ni Lucas ang sagot.—Hindi siya masaya.Alam na alam ni Lucas ang itsura ni Katrice kapag masaya. Ilang taon din silang nagmahalan. Kaya't sa saglit na katahimikan, nabasa niya ang lahat.Napapikit si L
Hindi naman sinungaling si Lucas. Kaya naman alam ni Katrice sa sarili niya na totoo ang sinabi nitong matagal na siyang hinihintay—araw at gabi, umaasang makikita siyang muli.Hindi na niya kayang tiisin pa ang ganitong sitwasyon. Bukod pa roon, may mga bagay din na kailangang malinawan.Kaya’t kalmado niyang sinabi, “Let’s have dinner together.”Napangiti si Lucas. “Okay.”Bagamat sinabi ni Katrice na kahit saan na lang sila kumain, pinili pa rin ni Lucas ang isang private restaurant na alam niyang paborito ng dalaga. Pinili rin nito ang mga pagkaing alam niyang paborito nito.Pagdating ng mga pagkain, hindi agad gumalaw si Katrice. Yumuko siya, pinipilit pigilan ang pagluha habang paulit-ulit na kumukurap ang mga mata.Tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya rito saglit, pero agad rin itong ibinaba.Tahimik si Lucas ng ilang segundo bago nagsalita, “Hindi mo ba kailangang sagutin?”Umiling si Katrice. “No need. Spam message lang ’yon, ads.”“…Ah,” tanging sagot ni Lucas.Alam n
"Mrs. Manzano?"Lumapit ang store manager na may dalang design draft at agad napansin na paalis na si Katrice.Bahagya siyang nagulat. “Narito na po ang mga design draft. Please, maupo po muna kayo para maipaliwanag ko ang mga ito.”Umiling si Katrice at mahinahong tumugon. “Huwag na. May kailangan lang akong puntahan.”Nagulat ang store manager. Paano na 'to?Mahalagang kliyente si Mrs. Manzano sa kanila. Kung aalis ito nang hindi man lang tumitingin sa design draft, siguradong mababalitaan iyon ng may-ari. Paano na ang trabaho niya?“Mrs. Manzano, may pagkukulang ba kami sa inyo? Kung meron man, humihingi po ako ng paumanhin.”Umiling muli si Katrice. “Wala naman. Huwag kang mag-alala.”Alam niyang kung aalis siya nang ganoon na lang, mahihirapan din ang store manager na ipaliwanag sa kanilang boss. Pero kahit pilitin niya, wala talaga siyang gana na tingnan ang kahit anong disenyo ng damit.Pagkatapos mag-isip, nag-alok siya, “Ganito na lang, ikaw na ang pumili para sa akin.”Napai
Mabilis lumipas ang forty-five-minute lab class ni Katrice.Habang nagtuturo ang professor, mukhang attentive siya sa klase, pero sa totoo lang, punô na ang isip niya. Pagkatapos ng klase, halos wala siyang maisip at parang may mabigat siyang nararamdaman sa dibdib.Hindi niya napigilang kunin ang cellphone at balikan ang litratong ipinadala ni Giselle. Pinagmasdan niya ito sandali habang nakapikit ang kalahating mata, sabay ng isang mapait na ngiti.Kung hindi dahil sa litratong ito, baka naniwala na siya sa mga sinabi ni Ethaniel kagabi."Let’s live a good life together," sabi pa nito.Pero paano? Sa ganitong sitwasyon nila, paanong magiging maayos ang lahat? Sa litrato, malinaw na magkahawak-kamay sina Ethaniel at Giselle sa loob ng ospital.Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatayo sa may pintuan ng classroom, nakatitig lang sa screen ng cellphone.Hanggang sa may tumawag sa kanya.“Katrice?”Si Joel pala iyon—ang bodyguard ni Ethaniel. Inutusan siya nitong sunduin si Katri
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments