Sa labas ng opisina ng direktor, tinawagan ni Katrice si Kyle.
"Katrice!" Masiglang sagot ng lalaki.
"Kyle..." mahina ang boses ni Katrice, may pag-aalangan, halatang nahihiya siyang magsalita.
Tahimik siya sandali, saka marahang nagsalita.
"Pwede ba... makausap ko si Ethaniel ng sandali?"
"Siyempre, nandito lang ang second brother." Agad namang tugon ni Kyle.
Pagkalipas ng ilang segundo, iba na ang boses sa kabilang linya.
"Hello." Malamig at walang emosyon ang tinig ni Ethaniel. "Ano ‘yon?"
Diretsong tanong ni Katrice, "Yung pagsali ko sa cardiopulmonary project team... ikaw ba ang
Sa labas ng opisina ng direktor, tinawagan ni Katrice si Kyle."Katrice!" Masiglang sagot ng lalaki."Kyle..." mahina ang boses ni Katrice, may pag-aalangan, halatang nahihiya siyang magsalita.Tahimik siya sandali, saka marahang nagsalita."Pwede ba... makausap ko si Ethaniel ng sandali?""Siyempre, nandito lang ang second brother." Agad namang tugon ni Kyle.Pagkalipas ng ilang segundo, iba na ang boses sa kabilang linya."Hello." Malamig at walang emosyon ang tinig ni Ethaniel. "Ano ‘yon?"Diretsong tanong ni Katrice, "Yung pagsali ko sa cardiopulmonary project team... ikaw ba ang
Huminto ang kotse sa harap ni Katrice.Bumaba ang salamin, at sumilip si Kyle mula sa loob. May banayad na ngiti sa kanyang mga labi."Katrice, saan ka papunta? Sakay ka na, ihahatid na kita."Nilingon ni Katrice si Ethaniel, nasa front seat ito. Nagulat siya.Bakit siya nandiyan? Nasa isip lang niya. Bakit laging ganyan? Laging nagkakasalubong.Umiling siya kaagad."Salamat, pero ‘wag na. Ayos lang ako."Ayaw na niyang sumakay muli sa kotse ng kahit sino sa kanila. Lalo na kung pareho silang naroon, masyado nang nagiging komplikado ang lahat.Ngunit hindi rin umalis si Kyle."Sakay ka na." Nakangiti pa rin ito, tila hindi nagpapaapekto. "Gusto mo ba akong bumaba at buksan ang pinto para sa’yo?""Hindi na..."Patuloy pa rin ang pagtanggi ni Katrice, pero nagsimula nang magreklamo ang mga tao sa waiting shed malapit sa kanila."Ano ba ‘yan, hindi ba nila alam na bawal humarang sa bus lane?""Ang tagal! Hindi makausad ang bus!""Uy, Bentley pa oh! Akala mo naman kung sino!"Habang tumat
Gaya ng nakagawian, muling nagtungo si Katrice sa ospital upang dalawin si Kathlyn.“Hi, Ate ni Kathlyn,” bati ng nars na may ngiti.“Maaga ka ngayon, ah,” dagdag pa nito.“Natapos na kasi 'yung internship ko,” paliwanag ni Katrice habang naglalakad papasok.“Pero may nauna na sa’yo,” bulong ng nars habang patuloy ang ngiti.Napahinto si Katrice, nagtatakang nagtanong, “Sino?”“Noong huli mong punta, nabanggit mo na siya… Tatay ninyo ni Kathlyn.”Mabilis na nagdilim ang mukha ni Katrice. Si Roy na naman.Anong pumasok na naman sa isip ng taong ‘yon ngayon? Napakunot siya ng noo.“Ah, at isa pa,” dagdag ng nars sabay hila sa kanya palapit at pabulong na nagsalita, “Tinanong niya tungkol sa ‘Wells Agency.’ Kung dito raw ba tinatanggap ‘yung mga pasyenteng isinasailalim sa assessment.”Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Katrice nang marinig iyon.“Gets ko na. Salamat,” maikli niyang sagot.“Walang anuman,” sagot ng nars, saka siya iniwan.Pagkapasok ni Katrice sa silid ni Kathlyn, bumung
Sa sandaling niyakap ni Ethaniel si Katrice, agad niyang napansin ang isang bagay, bakit parang lalong lumiit ang katawan nito?Mula’t simula’y hindi naman talaga siya malusog tingnan, pero ngayon… mas kapansin-pansin na ang pangangayayat niya.Wala nang panahon para magtanong pa. Ang mahalaga, maresolba ang sitwasyon sa harap niya.Malinaw sa kanya, mababang blood sugar ang dahilan ng pagkahilo ni Katrice.Nakaalalay siyang lumapit, hawak-hawak si Katrice at nagtanong agad."May candy ka ba? Asukal, kahit ano?"Mahina pero malinaw ang tugon ni Katrice. Tumango ito at binuka ang bibig, saka itinuro ang loob.May nakasubo na pala siyang candy.Pero kahit meron na, bakit parang hindi pa rin siya nagiging okay?Biglang dumilim ang mukha ni Ethaniel. Hindi na siya nagdalawang-isip, binuhat niya si Katrice."Huwag... huwag..." mahina niyang pagtutol. "Ibaba mo ako..."Pero dahil nanghihina ang katawan, halos wala rin siyang lakas para lumaban.Napangiti si Ethaniel, may halong sarkasmo sa
Biyernes ng gabi, dumalaw si Ethaniel sa bahay ng mga Basco.Naki-dinner siya sa pamilya at habang kumakain, biglang nagsalita si Jessa habang palihim na sumulyap sa kanyang asawa."Roy, malapit na ang kaarawan mo. Kahit hindi ito malaking okasyon, hindi pa rin puwedeng palampasin nang basta-basta. Anong plano mo? Dito ba sa bahay o sa labas?"Hindi iyon basta tanong, may layunin.Gusto niyang marinig ito ni Ethaniel. Kung may malasakit ang binata, kusa itong mag-aalok na asikasuhin ang selebrasyon. Kapag ganoon, may mukha silang maipagmamalaki, at makakatipid pa sila.Hindi sila binigo ni Ethaniel. Tahimik muna siya ng ilang segundo bago nagsalita nang kalmado."Ang kaarawan ni U
Tinitigan ni Ethaniel ang maamong mukha ni Katrice. Bahagyang paos ang kanyang boses nang magsalita.“Bakit? Ayaw mo na ba talaga?”Hindi man matagal ang pinagsamahan nila, alam niyang hindi malakas kumain si Katrice. Kaya kung pinuntahan pa niya ang snack shop para bumili, ibig sabihin, gustong-gusto talaga nitong kainin 'yon.Pero heto siya ngayon, tumatanggi.Siguro nga, galit lang talaga siya.Nasasaktan si Ethaniel habang pinagmamasdan siya. Tahimik ang sakit, pero ramdam niyang mabigat at masikip sa dibdib. Kaya’t pilit niya itong kinausap nang mahinahon.“Galit ka pa rin ba? Hindi ba sinabi ko noon, hati na lang kayo sa hawthorn cake? Bakit mo hindi tinanggap?”Napakunot ang noo ni Katrice, sabay taas ng kilay at biglang napatingin sa kanya."Huwag mong sabihing nagpaparinig ka pa ngayon? Ako 'yung unang nagtanong kung meron, ako 'yung unang bumili, tapos pagdating niyo, gusto mong hatiin ko pa? Gano’n ba 'yon? Dapat ba akong magpasalamat dahil hinayaan niyong may matira sa’kin