Share

CHAPTER 17

Nang matapos sa pagkuha ng mga sinampay si Aurora ay dumiretso siya kaagad sa kwarto niya, pero habang patungo doon ay naisipan niyang kumatok muna sa pintuan ng kwarto ni Franco.

Nakailang katok pa siya bago ito nabuksan, ng makita niya ang lalaki ay nakaligo na ito, at nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya nito, naka sando at naka pajama na rin, halatang ready na anytime na matulog.

Nakakunot ang noo nitong tumingin sa kanya, marahil ay nagtataka kung ano ba ang sinadya niya.

“Yes? May kailangan ka?” mahinang tugon nito pero halatang irritable ang tono.

Ngumiti lang si Aurora at nagsalita.

"Sa weekend pala , pagkatapos makipagkita sa iyong mga magulang, naisip kong bumalik sa probinsya namin para magpaputol ng dalawang kawayan at gawin nating sampayan para mabilis matuyo ang mga damit natin at may maayos na sampayan tayo."

Mas lalong kumunot ang noo ni Franco ng marinig ang mga sinabi niya.

‘Ano ba ang naiisip ng babaeng ito?’

‘Seryoso siya sa pagpunta lang sa probinsya nil
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status