LOGINXander Point of View
Tila sumakit ang ulo ko dahil kay Tin. She's really something. Parang hindi siya katulong kung umasta. Kinakaya-kaya lamang niya ako at palaban siya. Gaya na lang noong bagong dating siya sa bahay ko. I don't know na agad magpapadala ang agency ng kapalit sa umalis kong katulong. We had a party before I went out of town for work. Walang nakapaglinis dahil bigla ngang umalis ang katulong ko—kaya naiwan talagang walang linis ang bahay. And I'm too tired to do it when I am back. Maagang natapos ang inspection sa isang factory kaya nakauwi ako agad. I was in the shower when I heard noises. Bumaba akong walang saplot dahil inakala kong mag-isa lamang ako roon. Iyon pala, makakaharap ko ang isang kakaibang babae. Inaamin ko, medyo natigilan ako nang humarap siya at makita ko. She's a beauty. Maganda siya kahit tila basahan ang suot niya. Agad lang napawi ang paghanga ko dahil sa nangyari sa pagitan naming dalawa. Mapangahas ang ipinakita niyang galaw. She even tightly held my friend down there, na para bang gusto niya akong patayin. Gusto ko lang naman siyang patigilin. She did a good job at ayaw kong mawalan na naman ng katulong. But dàmn! Kakaiba ang hatid niya sa katawan ko nang wala na siya sa paningin ko. My friend down there was still hard as a rock. Ni hindi nadismaya sa inasal ng babaeng iyon. Maging sistema ko ay nabuhayan. Awkward. Iyon ang unang naging tagpo namin. Pero marunong siyang sayawan ang mga tao. She tried to be okay in front of me kahit na minsan ay nahuhuli ko siyang napapatingin sa baba ko. And my thing down there, parang gustong gusto niya ang pagsulyap-sulyap ni Tin. As days went by, I tried to be civil to her. Hinayaan ko siyang gawin ang trabaho niya. At aaminin ko. She's good at her job. Kaya nagtaka akong higschool lang ang tinapos niya. "Ogag! Hindi naman kailangan ng college diploma sa pagiging katulong!" saway ko sa sarili habang nakatitig sa report tungkol sa kanya. But as I monitor her every move, I know matalino siya. She didn't even ask how to use the appliances inside the house. Binabasa niya ang manual niyon o instructions. Hindi gaya ng mga nakaraang katulong ko na nungka paggamit ng electric kettle ay hindi alam. "Sir, kain ka muna. Nagluto po ako ng hotdog..." This morning, she woke up early to prepare breakfast for me. Pero nagmamadali ako kaya hindi ko iyon pinansin. Nakatanggap ako ng tawag at mas importante sa akin iyon. "It is 99.99 percent. Anak mo nga ang sanggol, Xander," ika ng kausap kong doctor who did the DNA testing. Hindi na ako nagulat. Noong makita ko ang sanggol sa ampunan, nakaramdam agad ako ng lukso ng dugo. I know he's my son. Bunga ang sanggol sa isang one night stand. Of course, I know the mother. Tauhan ko siya sa kompanya. Actually, my secretary. Hindi ko sinasadyang may mangyari sa amin. Isang gabi lang iyon. Pero nagbunga. Umalis siya. Hindi ko alam na buntis siya. And one day, kinausap ako ng pinsan niya. She told me that Lira and I had a baby. Na nasa bahay ampunan nga ang sanggol. Si Lira? Bigla na lang nawala. Nagmamadali akong puntahan ang anak ko sa ampunan. Hindi ko inaasahan na naroon din si Mary Jane. Simula noong nalaman ko mula sa kanya ang tungkol sa anak ko, lagi na siyang nasa tabi ko. "Xander, buti narito ka na," aniya. Kunot ang noo ko at natigilan nang makita siyang karga ang anak ko. Mabilis akong lumapit. Kinuha ko ang anak kong agad naman niyang binigay. "Nga pala, may sasabihin ang namamahala ng ampunan. Puntahan mo daw sa opisina niya," sabi ni Mary Jane na kumapit sa braso ko. I tried to distance myself to her. Lalo at naramdaman ko na ang malulusog niyang dibdib sa braso ko. Para bang sinasadya niya ang idiin iyon doon. "Take him–I'll go now," paalam kong ibinigay muna sa kanya ang anak ko. Pagkatapos ay kumatok ako sa opisina ng namamahala sa ampunan. "Mr. Dela Vega, please sit down." "You receive it already, right?" I ask as I am sitting down. Ang DNA result ang tinatanong ko. "We have it. Kaya pinatawag kita rito dahil mas may importante pa tayong pag-uusapan bago mo makuha ang bata sa pangangalaga namin–" "What?" I cut her off as my eyes look at her like a dagger ready to kill. "Napatunayan na anak ko nga si River, so why I can't take my own child?" "Mr. Dela Vega, please calm down. Gustuhin man namin na ibigay sa iyo agad ang sanggol, we can't...for this reason—" May nilabas siyang papel. Idinausdos niya iyon sa harapan ko. Padarag ko iyon na kinuha at binasa. Habang paisa-isang binabasa ang mga nakasulat doon ay siya naman ang isa-isang paglabas ng mga gitla sa noo ko. My eyebrows furrowed at nag-isang linya ang mga labi ko. "What the hell is this? This is nonsense!" Napatayo ako. Padabog kong muling binaba ang papel sa mesa ng namamahala. Marahas akong bumuga ng hangin nang titigan lamang niya ako. According to the letter, before I could get my child. I need to be married. Dapat may pamilyang kalalakhan ang anak ko. Ibig sabihin, may ama at ina na mangangalaga. May pirma iyon ni Lira. "This is nonsense!" Ngumiti ang namamahala dahilan upang lalo akong mainis. Tila pinag-kakaisahan ako at iyon ang pinakaayaw ko. Ang gawin akong tanga. "I'll get my child, kahit na makarating pa tayo sa korte!" Banta ko. Baka sakaling matakot sila. Pero imbes na ikatakot nga niya ay tila mas naging palaban ang itsura ng namamahala. "I know you have the means to get a legal action, Mr. Dela Vega. Alam din namin na kaya mong buhayin ang anak mo at ibigay ang gusto niya because you can afford to do that. Pero hindi kayang punan ng salapi ang isang masaya at buong pamilya para sa bata. The mother, Lira—wants her child to grow up with a whole family..." Nonsense! Nonsense! Nonsense! If she wants a whole family for our child. Bakit siya umalis? Bakit niya itinago sa akin ang pagbubuntis niya? Bakit hindi na lang siya?" Tumayo ang namamahala ng ampunan. Kinuha niya ang papel at muling nilagay sa isang folder. "You will have until next week, Mr. Dela Vega. Dahil kapag hindi mo nakuha ang bata, mapupunta ito sa kamag-anak ni Lira..." "No!" I panicked. Hindi puwedeng makuha ng iba ang anak ko. I need to do something! Kahit ano. That's when I see Tin. At isang plano ang nabuo sa isip ko.Xander's Point of View "This is insane!" Hindi ko mapigilang bulalas na may iritasyon. Talaga bang nakakulong kami ngayon ni Tin? Nasa maliit kaming presinto at nakakulong. Wala kaming kasama na iba kaya kami lang ang naroon ni Tin. Minabuti nilang pagsamahin kami dahil hindi talaga tumitigil si Tin. "Mamang pulis...sorry na oh! Joke lang iyon, joke!" Sigaw ni Tin habang nakahawak sa rehas at tinatawag ang pulis na humuli sa amin. Napasabunot na ako sa aking buhok. Kanina pa si Tin na nakikiusap. Medyo naiirita na rin ako sa kaniya. If she didn't provoke the police, wala sana kami doon. Lumapit ako kay Tin. "Stop it! I called Leandro already. He's coming right away. Stop pissing them..." Humarap sa akin si Tin. Nakapameywang. "Hindi ba nila alam ang salitang joke? Siguro natamaan—" Pinigilan ko si Tin sa pagsasalita sa pamamagutan ng pagtakip sa kaniyang bibig. Hanggang hindi siya tumitigil ay siguradong mapapahamak kami. Ilang oras pa ang ginugol namin bago dumating si Lea
Justine's Point of View "Nay, Junjun, mag-ingat kayo rito ha. Iyong mga bilin ko..." nalulungkot kong ika. Mahigpit kong hawak ang kamay ni Nanay na parang ayaw ko ng bitiwan."Naku, Tin, sarili mo ang ingatan mo maging itong si Xander. Alagaan mong mabuti ang pamilya mo..." bilin ni Nanay na ikinalabi ko. "Xander, alagaan mo din sana itong dalaga ko. Isip bata ito minsan at matigas ang ulo, ikaw na sana ang magpahaba ng pasensiya..." sabi ni Nanay. "Nay!" maktol ko dahil sa sinabi niya. Nilalaglag ba naman niya ang sariling anak. Si Nanay talaga!"Makakaasa kayo, Nay..." sagot naman ni Sir Xander. At least, marunong makisabay sa agos itong si Sir Xander. Pinapagaan niya ang loob ni Nanay para hindi na mag-alala sa akin."Sige na, humayo na kayo at magpakarami..." Inirapan ko si Nanay. Natawa naman si Sir Xander."Nay!" saway naman ni Junjun na nakikinig lang. "Este umalis na kayo at ng hindi kayo masyadong gabihin. Mahirap pa naman bumiyahe ng gabi..." sabi ni nanay pero kakaiba a
Justine's Point of View "Sir Xander!" Napatayo ako bigla. Puno ng pagkasindak ang mukha ko dahil sa sinabi niya kay Nanay. Si nanay naman ay napaatras at muntikan matumba. Buti na lang at maagap si Junjun na nasalo siya. "A-anong sabi mo? Tin, totoo ba ang sinasabi ni Xander?"Hindi ko alam kung anong sasabihin. O-oo ba ako o itatanggi ko? Kung itatanggi ko parang sinabi ko na rin na sinungaling si Sir Xander."Tin?" untag muli ni Nanay. "Manang..." si Junjun na naghihintay din ng paliwanag ko.Tumayo na rin si Sir Xander. "Magpapaliwanag ako, Nay..."Hindi ko alam kung paano, ano o kung paniniwalaan ko ba ang nangyayari. Nagkuwento si Sir Xander. Iyong mga nangyari. Except sa kontrata lang ang kasal namin. "I have a child. Tinanggap ito ni Tin na walang alinlangan. That's why I fell in love with her..."Alam kong walang katotohanan ang huling sinabi ni Sir Xander. Pero mabilis na napatibok nito ang puso ko. Ewan ko kung sa kaba ba dahil kay Nanay na na matamang nakatitig sa ami
Justine's Point of View Pagkatapos namin kumain ni Sir Xander ay nasa sala lang kami. Gusto kong manood ng TV para kahit papaano ay may ingay pero naalala ko na antenna lang ang meron kami at wala ng palabas sa oras na iyon. Hindi katulad sa TV sa bahay nila Sir Xander na may netflip na mapapanooran kahit anong oras ko gustuhin. Nasa dulo na side ni Sir Xander samantalang sa isa din akong dulo ng mahabang ratan na upuan namin. Parehong nagpapapiramdaman.Ang tahimik. Nakakabingi. Hanggang sa may kumagat sa akin na lamok kaya ang ingay ng hampas ko sa balat ko ang tunog na pumaibabaw sa katahimikan namin. Napakalakas ng hampas ko pero hindi naman natamaan ang lamok. Pumula tuloy ang balat ko. "Come here, lalamukin ka talaga riyan wala kang kumot eh," aniya. Nakabalabal pa rin kasi siya ng kumot na gamit namin kanina lang. Ngumuso ako. Kukuha na lang ako ng akin. Pero pagkatayo ko ay tumayo din siya. Agad akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kaniya. Niyakap niya ako pabala
Justine's Point of View Tumabi ako kay Sir Xander. Dahil hindi kalakihan ang foam sa kuwarto ni Junjun ay talagang magkalapit kami sa isa't isa. Naglagay na lang ako ng unan sa gitna namin. Pero tila pareho naman kaming hindi makatulog."Ganito ba talaga sa probinsiya?" biglang tanong niya. Nakapikit na ako pero sinagot ko pa rin siya. "Anong ganito sa probinsiya?""Ang ingay..."Napamulagat talaga ako dahil sa sinabi niya. "Huh? Maingay?"Ewan ko kung nabibingi ba ako o ano. Anong maingay ang sinasabi ni Sir Xander? Eh sobrang tahimik naman. Kuliglig nga lamang ang maririnig at ilang mga palaka. Hindi katulad sa siyudad na walang humpay na busina at tunog ng sasakyan ang maririnig. Kakaiba ang ingay doon. Anong naririnig niya na hindi ko naririnig?"Yeah, those frogs and crickets, maingay sila..."Bigla akong humagalpak ng tawa. Medyo nahampas ko pa siya. "Jusko Sir Xander, ingay na sa iyo iyon? Normal lang sa probinsiya iyan. Pero masasabi pa ring—"Bigla akong natigilan. Medyo
Xander's Point of View What the heck? Ano itong naririnig kong usapan? Ano bang sawa ang pinag-uusapan nila? Is it mine?Napatingin ako sa aking baba. I was hard. Nangyari lang naman iyon nang magkadaiti kami ni Tin nang muntikan siyang madulas. I think I need the cold water now. Nag-init kasi ang pakiramdam ko at mukhang mahihirapan akong paamuin muli itong kaibigan ko."Sir Xander, bilisan mo na riyan. Malamig, baka magkasakit ka!" Rinig kong ika ni Tin mula sa labas. Mukhang okay naman siya. Ako lang ang hindi.I took the cold water. Malamig nga pero kailangan ko iyon. Halos naubos ko ang laman ng drum. Nang lumabas ako ay bihis na rin ako at nakapagtoothbrush na rin. Buti na lang at dala ko na roon ang mga gamit ko. I saw Tin waiting for me outside. "Ang tagal mo yata sir Xander?" sita niya sa akin. Nagkibit balikat lang din ako. "What are you doing?" tanong ko nang makita siyang may hawak na parang lutuan ng tubig. We have it at home, pero ang kanila maitim. Napatingin si T







