Justine's Point of View
"Tin, let's get married. Now!" Sa una ay natigalgal ako. Hindi nakapagsalita. Pero nang medyo maproseso na ng utak ko ang sinabi ni Sir Xander ay malakas akong napahalakhak. Si Sir Xander ay magaling palang magbiro. Sa kakatawa ay nahampas ko na siya. Hindi ko mapigilang mapahagikgik. Sa dami ng biro na puwedeng gawin sa akin ay iyon pa talagang tungkol sa kasal. "Sir Xander, may one hundred points ka sa akin! Ang galing ng joke mo. Nakakatawa." Bumungisngis pa ako. Halos mangiyak-ngiyak dahil sa pagtawa. "Tin!" Sigaw niya bigla. Umugong sa buong silid ang boses niya. Dahan-dahan akong napatigil sa pagtawa. Hanggang sa unti-unting napawi ang malawak na pagkakangiti sa mga labi ko lalo na nang hawakan niya ang braso ko ng mahigpit. "I'm serious..." aniyang dahilan upang mapakurap-kurap ako habang nakatingala sa kanya. Muling tumikhim ang lalakeng guwapo kanina. Kinakabahang hinila ko ang aking braso na hawak ni Sir Xander. Bigla akong dinagundong ng takot sa sistema ko nang matantong hindi siya nagbibiro. "B-bakit ako?" Nauutal ko nang tanong. Muling napaatras at napailing. Hindi na makapaniwalang muling napangiti ng pilit. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ng lalakeng guwapo. Nagkatinginan sila. Waring nag-uusap ang mga mata nila at ayaw akong isali. Ngumuso ako. Paraan ko iyon upang ipakita na hindi ko na talaga nagugustuhan ang nangyayari. "Leandro, can you give us a minute, kakausapin ko lang si Tin," kapagdaka'y utos ni Sir Xander sa guwapong lalake. Tumaas ang kilay ng tinawag na Leandro ni Sir Xander. Ewan ko kung natatawa siya o naiinis. "You are wasting my time, Xander. Akala ko ba ayos na at nakausap mo na?" saad nitong may kalakip na inis sa boses. May kinalap siya na mga papel. "Kay, just text me. Sa baba lang ako, magkakape..." Umalis nga ang guwapong lalake. Parang gusto ko pa ngang sumama pero hinawakan akong muli ni Sir Xander. Napatingin ako nang mabigat kay Sir Xander. Naghihintay ng paliwanag niya sa nangyayari. Nagulat talaga ako sa mga pinagsasabi niya ngayon. Hindi ko talaga maintindihan ang punto niya kung bakit kailangan niya ako ayaing magpakasal. Nang kami na lang na dalawa ay binitiwan na ako ni Sir Xander. Tinalikuran niya ako at bumuntong hininga. Sinabayan ko naman iyon. Sumusunod ako bawat buntong hininga niya. Kapag nakabuga na siya ay pabuga naman ako. Ganoon kami halos ilang minuto. "Stop!" Iritadong asik niya nang harapin ako. "I'm thinking. Huwag mo akong guluhin," aniya. Inirapan ko siya. Siya lang ba ang may ganang bumuntong hininga? Lahat na lang bawal. Bawal magtanong. Bawal umupo sa likod ng kotse. Pati ba naman huminga bawal? "Sir, paanong hindi gugulo ang utak ninyo eh bigla-bigla kayong nagdedesisyon ng kung ano-ano. Hindi niyo naman ako girlfriend para pakasalan! Ano bang nasa kukote ninyo at nagjo-joke kayo ng ganito?" Hindi ko mapigilang igkas ng saloobin. Masama niya akong tinitigan. "You know what, I think this is really a bad idea. Hindi nga dapat ikaw!" singhal niyang tinalikuran akong muli. Napasabunot siya sa kanyang buhok at nagpalakad-lakad. Parito at pabalik. Paulit-ulit na nakakahilo nang sundan ng tingin. "It's shouldn't be you, but I don't have a choice," ika niyang muling humarap sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Kung puwedeng may itataas pa ay tinaasan ko pa sana hanggang kisame. Anong ibig niyang sabihin? I am not worthy to be his wife? Hindi lang ako nakapagtapos pero masasabi kong may ilalaban akong ganda sa iba. Lagi akong nananalo sa beauty contest sa probinsiya namin. May mga mayayaman din na nag-aalok na pakasalan ako. Inayawan ko lang dahil matatanda na at ayaw kong tawagin nila si Nanay na nanay tapos ay mas matanda pa sila. Ang sagwa din tingnan kasi, bata pa talaga ako sa edad na nineteen tapos mag-aasawa ako ng gurang. Si Sir Xander, di pa naman masasabing gurang kahit na medyo may edad na. "Sit down. Let's talk," bigla niyang yakag sa akin. Naupo siya sa sofa. Sumunod naman ako. Ngayon ay magkatabi kami. Hindi siya mapakali. Ako naman at naghihintay na magsalita siya. Magpaliwanag. Ipaintindi sa akin kung anong nasa isip niya. "I know why you are here..." Kumunot ang noo ko. Minsan itong si Sir Xander may pagka- TAN-G-A. "Siyempre Sir Xander alam mo. Ikaw kaya nagdala sa akin dito. Alangan naman iyong guwapo," ani kong sarkastiko. Matalim niya akong tinitigan. "I mean why you are here in Manila. Working!" "Ah! Liwanagin mo kasi Sir..." Napahilamos na siya sa kanyang mukha na para bang problemadong problemado dahil sa akin. At least alam niya na sakit ng ulo ang inaaya niyang pakasalan. Ngumuso ako habang pinagmasdan ang kilos niya. "You need money, right?" Napatango ako. Hindi naman lingid sa lahat kung bakit ako nagtrabaho sa kanya. Alam sa agency ang kalagayan ng nanay ko. At siguradong alam din ni Sir Xander iyon. Nakita ko noong isang araw ang resume ko sa mesa niya. Alam kong pinag-aralan niyang mabuti kung tama bang ako ang kunin niyang katulong doon sa bahay niya. "Okay. I can give you money. Lots of money..." Napanganga ako. Pero lubos na nagalak. Kulang pa ang pera para sa operasyon sa puso ni Nanay. Kung bibigyan niya ako ng pera—e di good kami! "Talaga, Sir? Magkano?" Makapal ang mukhang tanong ko. Kung pera ang pag-uusapan, wala akong hiya. Para sa nanay ko. Para sa pera. "One million..." Nanlaki ang mga mata ko at nalula sa perang ibibigay niya. "In one condition..." Ngek! May kondisyon pa pala. Ako naman ang napakamot sa ulo. "Ano po?" "Marry me, you'll get money for your mother's surgery, and I get a wife to face my family. Win-win situation for both of us." "Ho?" Eto na naman kami sa kasal-kasalan na usapan. Sabagay, iyon naman yata talaga ang sadya niya kaya ako dinala doon. "Narinig mo ako Tin. I need a wife. Para iharap sa pamilya ko. Lalo na kay Lola. Darating siya sa makalawa. And I need someone to act as my wife dahil—" "Sandali Sir Xander!" putol ko sa sinasabi niya. Hindi ko maproseso lahat ng sinasabi niya kaya gusto ko siyang tumigil muna. Ang dami niyang sinabi na hindi ko ma-take agad. Bakit biglang nabanggit ang Lola niya? Ipapakilala? Napatitig ako kay Sir Xander na awang ang mga labi. Kinakalkula ko bawat katagang binitiwan niya Seryoso ba siya sa kanyang sinasabi? Inaalok ba niya talaga ako ng kasal? As in K-A-S-A-L! Guwapo si Sir Xander. Walang babaeng tatanggi panigurado sa kanya kahit sinong alukin niya ng kasal. Maraming magaganda at mas sosyalin na babae na umaaligid sa kanya. Kaya labis ang pagtataka ko. Bakit ako? Isang probinsiyana na hanggang higschool lang ang natapos ang inaaya niyang pakasalan. Pero parang may magneto si Sir Xander. Ang mga mata niyang nangungusap ay parang sinasabing pumayag ako. Mukha akong pera at malaki ang offer niya. "I'll give you one million. Five hundred kapag pumayag ka ngayon, tapos five hundred after ng kontrata, tapos iba pa ang suweldo mo. Ano? Deal?" "Puwedeng pag-isipan ko muna..." "Tin, I don't have much time!" "Sige..." wala pang segundo sa pagrereklamo niya ay sumagot ako. Kunwari lang naman na nagpapakipot ako. Pera na ang usapan. Bakit pa ako magpapaligoy-ligoy. Go agad ako. Natigalgal siya saglit at naikiling ang ulo sa akin. Napailing-iling pagkatapos. "Then it's a deal. We will sign a contract kaya hindi ka lugi dito, Tin..." "Hanggang kailan pala, Sir Xander, " tanong ko. Mataman na tumitig sa kanya. Binabasa ang nilalaman ng mga mata niya. Baka pinaloloko lang kasi ako. Tinaasan niya ako ng kilay. Para bang joke ang tanong ko kung hanggang kailan ako mananatiling kasal sa kanya. Suwerte ko sana. Guwapo siya at mayaman. Pero ang pagpapakasal sa kanya ay isang kontrata lamang. May hangganan kaya hanggang maaari, dapat ay alam ko kung hanggang saan ang pagpapanggap namin. Hanggang kailan ako magiging asawa niya. "Three years. Is that okay?" tanong niya. 'Tatlong taon'. Bulong ko sa aking sarili. Tatlong taon kaming magsasama bilang mag-asawa. "Sige..." muling pagpayag ko. Tumingin siya sa akin na may satisfaction sa itsura ng mukha. Inilahad ko naman ang kamay ko. "Pero ibigay mo muna ang perang kinakailangan ko..." ika ko nang akma niyang kukunin ang kamay ko. Akala niya yata ay makikipagdaupang palad ako. Pero hindi. Nakalahad ang kamay ko para hingin ang pera. Nalukot ang hilatsa ng kanyang mukha at halos hindi makapaniwala sa nakaamba kong kamay. Tinapik pa niya iyon dahil sa inis. Sinimangutan ko siya. "Sir Xander, hindi na uso ang mga pa-baby na babae porque guwapo ang nag-alok kunwari ng kasal sa kanya. Marami na akong nabasa na story na ganyan. Ibahin mo ako Sir, mukha po akong pera. Kung sakaling biglang pumunta sa akin ang mama mo at sabihin sa akin na sampong milyon kapalit ang layuan ka, hindi ako magdadalawang isip na tanggapin iyon, Sir. Ten million ang offer niya, ikaw isang milyon lang. Naninigurado lang din ako na makukuha ko agad ang pera. Akin na Sir Xander—nang maipadala ko na sa kapatid kong tumitingin sa nanay ko." Lalong dumami ang kunot sa noo niya dahil sa mga sinabi ko. Hindi na uso ngayon ang tila teleserye na buhay. Iyong mai-in-love ang amo sa isang hamak na nagtatrabaho sa kanya. Sa ngayon, patalinuhan na lamang. At ako, kinakailangan ko ng pera para sa aking ina. Sa ini-o-offer niya. Sigurado akong hindi ko lang maipapagamot si Inay. Makabibili na rin ako ng lupain at maipapagawa ang kubo namin sa probinsiya. Sa tatlong taon na iyon, makakaipon ako ng pera para sa kinabukasan naming mag-iina. "Pera muna, sir Xander..." muli kong untag sa kanya. Dinalawa ko ang kamay ko. "Pera para sa pagpapakasal ko!"Xander Point of View"Xander anong sabi? Bakit ka pinatawag?" Pagkalabas ko sa opisina ng namamahala sa ampunan ay sumalubong sa akin ang mga tanong na iyon ni Mary Jane. Wala na sa pangangalaga niya si River kaya tiyak kong kinuha na ito ng mga tauhan doon. Muli siyang umangkla sa braso ko at gaya kanina, tila sinadya niyang ipagdiinan ang malulusog niyang dibdib sa braso ko.Natigilan ako at napatitig kay Mary Jane. Sabi ng namamahala, ibibigay ang anak ko sa kamag-anak ni Lira. Si Mary Jane lang ang kilala kong kamag-anak niya dito sa Maynila. Hindi kaya kay Mary Jane ibibigay si River?"Xander, bakit mo ako tinititigan?" Tila nahihiya niyang saad. Namula pa nga ang mukha niya. Parang may gustong ipahiwatig pero agad ko siyang binalewala. Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya tsaka ako mabilis na naglakad paalis. "Xander, sandali..."Napatigil ako noong humabol siya sa akin. Ang tunog ng mataas niyang takong ay pumaibabaw sa paligid."Xander, anong balak mong gawin?" Kun
Xander Point of View Tila sumakit ang ulo ko dahil kay Tin. She's really something. Parang hindi siya katulong kung umasta. Kinakaya-kaya lamang niya ako at palaban siya.Gaya na lang noong bagong dating siya sa bahay ko. I don't know na agad magpapadala ang agency ng kapalit sa umalis kong katulong. We had a party before I went out of town for work. Walang nakapaglinis dahil bigla ngang umalis ang katulong ko—kaya naiwan talagang walang linis ang bahay. And I'm too tired to do it when I am back.Maagang natapos ang inspection sa isang factory kaya nakauwi ako agad. I was in the shower when I heard noises. Bumaba akong walang saplot dahil inakala kong mag-isa lamang ako roon. Iyon pala, makakaharap ko ang isang kakaibang babae. Inaamin ko, medyo natigilan ako nang humarap siya at makita ko. She's a beauty. Maganda siya kahit tila basahan ang suot niya. Agad lang napawi ang paghanga ko dahil sa nangyari sa pagitan naming dalawa. Mapangahas ang ipinakita niyang galaw. She even tightl
Justine's Point of View"Tin, let's get married. Now!"Sa una ay natigalgal ako. Hindi nakapagsalita. Pero nang medyo maproseso na ng utak ko ang sinabi ni Sir Xander ay malakas akong napahalakhak. Si Sir Xander ay magaling palang magbiro.Sa kakatawa ay nahampas ko na siya. Hindi ko mapigilang mapahagikgik. Sa dami ng biro na puwedeng gawin sa akin ay iyon pa talagang tungkol sa kasal."Sir Xander, may one hundred points ka sa akin! Ang galing ng joke mo. Nakakatawa." Bumungisngis pa ako. Halos mangiyak-ngiyak dahil sa pagtawa."Tin!" Sigaw niya bigla. Umugong sa buong silid ang boses niya.Dahan-dahan akong napatigil sa pagtawa. Hanggang sa unti-unting napawi ang malawak na pagkakangiti sa mga labi ko lalo na nang hawakan niya ang braso ko ng mahigpit."I'm serious..." aniyang dahilan upang mapakurap-kurap ako habang nakatingala sa kanya.Muling tumikhim ang lalakeng guwapo kanina. Kinakabahang hinila ko ang aking braso na hawak ni Sir Xander. Bigla akong dinagundong ng takot sa sis
Justine Point of view "TIN, are you done?""Ho?" Mabilis akong napabalik sa kasalukuyan. Paano, malakas na boses ni Sir Xander ang bumungad na naman sa pandinig ko. Halatang iritado at nagmamadali na siya. Sumilip pa siya sa may pinto. "Malapit na po," sigaw ko pabalik.Sumimangot siya pabalik bago ako talikuran.Nagmadali na talaga ako. Ang sabi niya ay kailangan ko ng bilisan at magmadali dahil kinakailangan na kaming umalis. Binilin pa niyang magbihis daw ako ng puting bestida. Buti na lang at meron akong mga bestida na dala galing sa probinsiya. Luma na pero maayos-ayos pang tingnan. Binili namin iyon ni Nanay sa palengke—noong graduation ko ng higschool.Nakaramdam tuloy ako ng lungkot nang maalala ko si Nanay at kung ano na kaya ang kalagayan niya. Huling nakausap ko siya ay noong bago ako pumunta sa bahay ni Sir Xander. Wala na akong tiyansa na makausap sila dahil nga nasira ang cellphone ko dahil kay Sir Xander.Muli kong sinipat ang sarili. Nang sa tingin ko ay maayos naman
Justine Point of View"Sir, bakit po?"Nakatitig ako sa lalaking nasa harapan ko. Nasa hapag ako ngayon habang kumakain nang bigla siyang dumating. Tumayo siya sa gilid ng mesa. Pinagmamasdan ako."Ano iyang kinakain mo Tin?" tanong niyang nakakunot noo. Nakatitig sa hawak ko.Hindi ko mapigilang mapalabi nang tumingin sa niluto kong hotdog kaninang umaga. Hindi siya kumain ng umagahan dahil nagmamadali siyang umalis—ni hindi pinansin ang inihanda ko. Para sana sa kanya ang almusal na iyon. Kaya para hindi masayang, ako ang kakain. Sayang naman ang effort kong nagluto."Iyong hotdog niyo pong kulubot na..." ika kong muling sumubo sa isang pirasong hotdog. Kalahati niyon ang nasa bibig ko nang biglang mapatikhim si Sir Xander. Nakatitig pa rin siya kaya naasiwa ako.Niluwa ko iyon kahit na may laway ko na. Para kasi akong mabibilaukan sa paraan ng tingin niya sa akin habang isinusubo ang hotdog. Nakatitig talaga siya habang sinusubo ko ang hotdog na kumulubot na dahil kaninang umaga