Xander Point of View
"Xander anong sabi? Bakit ka pinatawag?" Pagkalabas ko sa opisina ng namamahala sa ampunan ay sumalubong sa akin ang mga tanong na iyon ni Mary Jane. Wala na sa pangangalaga niya si River kaya tiyak kong kinuha na ito ng mga tauhan doon. Muli siyang umangkla sa braso ko at gaya kanina, tila sinadya niyang ipagdiinan ang malulusog niyang dibdib sa braso ko. Natigilan ako at napatitig kay Mary Jane. Sabi ng namamahala, ibibigay ang anak ko sa kamag-anak ni Lira. Si Mary Jane lang ang kilala kong kamag-anak niya dito sa Maynila. Hindi kaya kay Mary Jane ibibigay si River? "Xander, bakit mo ako tinititigan?" Tila nahihiya niyang saad. Namula pa nga ang mukha niya. Parang may gustong ipahiwatig pero agad ko siyang binalewala. Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya tsaka ako mabilis na naglakad paalis. "Xander, sandali..." Napatigil ako noong humabol siya sa akin. Ang tunog ng mataas niyang takong ay pumaibabaw sa paligid. "Xander, anong balak mong gawin?" Kunot noong humarap ako sa kanya. "So you know!" Hindi ako nagtatanong. Sigurado ako dahil sa tono ng pananalita niya. Umakto siyang parang walang alam pero alam na pala niya ang tungkol sa sulat. "Ahmmm, k-kasi..." Tila nagmamakaawa ang mga mata niya na hinuli ang mga mata ko. Napalunok siya at ngumuso. "Gusto kong sabihin na wala akong balak na kunin sa iyo ang bata, Xander," aniya sabay tipid na ngumiti "Good!" ika ko naman sabay talikod sa kanya. Wala din akong balak ibigay sa kung sino ang anak ko. Kahit kamag-anak pa siya ni Lira. "Xander sandali, anong balak mo? Paano mo makukuha ang bata? You know what—I can help you..." Muli akong natigilan. Siya na ang muling humabol at pumuwesto sa harapan ko. "What help you mean?" "Ahmmm..." Pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri. "We can marry..." Parang nagpanting ang teynga ko sa narinig. Umatras ako sa kanya palayo pero hinawakan niya ang kamay ko. Tila nakikiusap na pakinggan ko siya "Xander, kunwari lang. Para makuha mo lang si River. Like...ahmm—contract marriage..." suhestiyon niya. Lalong nalukot ang mukha ko. Contract marriage? Kunwaring kasal sa iba para magkaroon ng asawa? Bakit hindi ko naisip iyon? Ngumiti ako. That idea is good. Hinawakan ko sa balikat si Mary Jane. Nagulat siya sa ginawa ko pero halata sa mukha niya ang antisipasyon at ang ngiting pinipigilan. "I'll think about that. Thank you for the idea. See you at the office on Monday," ika ko. Binitiwan siya at tuluyang iniwan. Habang nasa sasakyan ay abala na ang isipan ko sa pag-iisip kung anong dapat gawin. Anong plano? Sino ang yayayain ko? ***** "I need your help. Get change, and I will tell you why when we are on our way." Hindi ako sigurado kung tama ang desisyon ko pero wala akong ibang maisip na puwede kong ayain na magpakasal na hindi ako magkakaroon ng anumang problema. Noong makita ko si Tin habang kumakain ay siya agad ang pumasok sa isip ko. She can be my contractual wife. I will pay her. Nangangailangan siya ng pera. Madali ko siyang makukumbinsi. Noong iwanan ko siya sa kusina ay agad kong tinawagan si Leandro para ihanda ang kailangan namin na kontrata para sa contract marriage namin. "Are you sure about it?" aniyang pinagdududahan pa talaga ako. "The Xander the great—magpapatali sa kasal?" "Damn you! Lawyer ka ba talaga? I just told you!" Naiinis kong sagot. "Make sure to check every detail I gave you. Ayaw kong magkaroon ng problema sa bagay na ito, Leandro." "Who's the lucky girl?" Napasapo ako sa aking noo. Tila hindi ako sineseryoso ni Leandro. Kung hindi lang sa pagmamadali, sa iba ako magpapatulong. "You'll meet her later. Ihanda mo na ang kailangan namin. I'll meet you at the Casa Hotel. Same room..." "What? Later agad? I thought—" "Leandro!" Ngitngit na bulyaw ko. Wala akong pakialam kung mabingi siya sa sigaw ko. "Chill, bro! I get it. See you then!" Siya na ang kusang nagbaba ng tawag. Leandro is capable of doing things even in a rush. Alam kong may paraan siya para mangyari agad ang kasal. Pero hindi pa man kami nakaaalis sa bahay ay para bang pinagsisisihan ko na ang desisyon kong si Tin ang ayain ko. Sakit na siya ng ulo ko agad. Nagtitimpi lamang talaga ako ng inis. Kill her? White lady? Nakakatawa ang mga pinagsasabi niya pero wala akong ganang matawa dahil sa sitwasyon ko. Hindi lamang kasi ang tungkol sa anak ko ang problema ko ngayon kundi maging si grandma Teresa. Kapag nalaman niyang may anak ako at walang ina, sigurado akong sandamakmak na sermon ang matatanggap ko. She might tell me to flip the whole world just to find the mother of my child. Lira chose to leave, hindi ko siya hahabulin para pilitin sa isang bagay na baka talaga ayaw niya. Kaya kailangan ko ng isang babae na magpapanggap na asawa ko at ina ni River. "Hanggang kailan ako mananatiling kasal sa iyo, Sir Xander?" "Three years..." Fùck. Why three years? Puwede naman isang taon lang, or less than that. Bakit three years ang nasabi ko? Pero nasabi ko na. Paninindigan ko. "Sige..." Medyo nagulat ako dahil pumayag siya. Napasubo na talaga ako. Pero para makuha ko ang anak ko. Sige. I need her. "Pera muna Sir Xander. Pera para sa pagpapakasal ko..." Natigalgal ako saglit na napatitig kay Tin. She's vocal. I don't know if I like it her that way or not? Para kasing gulo ang magaganap sa pagiging vocal niya. Pero naroon na ako. Mas matimbang ang kagustuhan kong makuha ang anak ko kesa sa babaeng pakakasalan ko. May mga paraan naman ako para mahiwalayan siya agad. Kahit hindi pa tapos ang kontrata. Money speaks to her. Puwede ko siyang bayaran para makawala sa kontrata. I took my phone out. Nagpindot doon. Nang matapos ang transaction na ginawa ko ay inilapag ko ang telepono ko sa kanyang nakalahad na kamay. "Money transferred. Now, let's get married!"Xander Point of View"Xander anong sabi? Bakit ka pinatawag?" Pagkalabas ko sa opisina ng namamahala sa ampunan ay sumalubong sa akin ang mga tanong na iyon ni Mary Jane. Wala na sa pangangalaga niya si River kaya tiyak kong kinuha na ito ng mga tauhan doon. Muli siyang umangkla sa braso ko at gaya kanina, tila sinadya niyang ipagdiinan ang malulusog niyang dibdib sa braso ko.Natigilan ako at napatitig kay Mary Jane. Sabi ng namamahala, ibibigay ang anak ko sa kamag-anak ni Lira. Si Mary Jane lang ang kilala kong kamag-anak niya dito sa Maynila. Hindi kaya kay Mary Jane ibibigay si River?"Xander, bakit mo ako tinititigan?" Tila nahihiya niyang saad. Namula pa nga ang mukha niya. Parang may gustong ipahiwatig pero agad ko siyang binalewala. Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya tsaka ako mabilis na naglakad paalis. "Xander, sandali..."Napatigil ako noong humabol siya sa akin. Ang tunog ng mataas niyang takong ay pumaibabaw sa paligid."Xander, anong balak mong gawin?" Kun
Xander Point of View Tila sumakit ang ulo ko dahil kay Tin. She's really something. Parang hindi siya katulong kung umasta. Kinakaya-kaya lamang niya ako at palaban siya.Gaya na lang noong bagong dating siya sa bahay ko. I don't know na agad magpapadala ang agency ng kapalit sa umalis kong katulong. We had a party before I went out of town for work. Walang nakapaglinis dahil bigla ngang umalis ang katulong ko—kaya naiwan talagang walang linis ang bahay. And I'm too tired to do it when I am back.Maagang natapos ang inspection sa isang factory kaya nakauwi ako agad. I was in the shower when I heard noises. Bumaba akong walang saplot dahil inakala kong mag-isa lamang ako roon. Iyon pala, makakaharap ko ang isang kakaibang babae. Inaamin ko, medyo natigilan ako nang humarap siya at makita ko. She's a beauty. Maganda siya kahit tila basahan ang suot niya. Agad lang napawi ang paghanga ko dahil sa nangyari sa pagitan naming dalawa. Mapangahas ang ipinakita niyang galaw. She even tightl
Justine's Point of View"Tin, let's get married. Now!"Sa una ay natigalgal ako. Hindi nakapagsalita. Pero nang medyo maproseso na ng utak ko ang sinabi ni Sir Xander ay malakas akong napahalakhak. Si Sir Xander ay magaling palang magbiro.Sa kakatawa ay nahampas ko na siya. Hindi ko mapigilang mapahagikgik. Sa dami ng biro na puwedeng gawin sa akin ay iyon pa talagang tungkol sa kasal."Sir Xander, may one hundred points ka sa akin! Ang galing ng joke mo. Nakakatawa." Bumungisngis pa ako. Halos mangiyak-ngiyak dahil sa pagtawa."Tin!" Sigaw niya bigla. Umugong sa buong silid ang boses niya.Dahan-dahan akong napatigil sa pagtawa. Hanggang sa unti-unting napawi ang malawak na pagkakangiti sa mga labi ko lalo na nang hawakan niya ang braso ko ng mahigpit."I'm serious..." aniyang dahilan upang mapakurap-kurap ako habang nakatingala sa kanya.Muling tumikhim ang lalakeng guwapo kanina. Kinakabahang hinila ko ang aking braso na hawak ni Sir Xander. Bigla akong dinagundong ng takot sa sis
Justine Point of view "TIN, are you done?""Ho?" Mabilis akong napabalik sa kasalukuyan. Paano, malakas na boses ni Sir Xander ang bumungad na naman sa pandinig ko. Halatang iritado at nagmamadali na siya. Sumilip pa siya sa may pinto. "Malapit na po," sigaw ko pabalik.Sumimangot siya pabalik bago ako talikuran.Nagmadali na talaga ako. Ang sabi niya ay kailangan ko ng bilisan at magmadali dahil kinakailangan na kaming umalis. Binilin pa niyang magbihis daw ako ng puting bestida. Buti na lang at meron akong mga bestida na dala galing sa probinsiya. Luma na pero maayos-ayos pang tingnan. Binili namin iyon ni Nanay sa palengke—noong graduation ko ng higschool.Nakaramdam tuloy ako ng lungkot nang maalala ko si Nanay at kung ano na kaya ang kalagayan niya. Huling nakausap ko siya ay noong bago ako pumunta sa bahay ni Sir Xander. Wala na akong tiyansa na makausap sila dahil nga nasira ang cellphone ko dahil kay Sir Xander.Muli kong sinipat ang sarili. Nang sa tingin ko ay maayos naman
Justine Point of View"Sir, bakit po?"Nakatitig ako sa lalaking nasa harapan ko. Nasa hapag ako ngayon habang kumakain nang bigla siyang dumating. Tumayo siya sa gilid ng mesa. Pinagmamasdan ako."Ano iyang kinakain mo Tin?" tanong niyang nakakunot noo. Nakatitig sa hawak ko.Hindi ko mapigilang mapalabi nang tumingin sa niluto kong hotdog kaninang umaga. Hindi siya kumain ng umagahan dahil nagmamadali siyang umalis—ni hindi pinansin ang inihanda ko. Para sana sa kanya ang almusal na iyon. Kaya para hindi masayang, ako ang kakain. Sayang naman ang effort kong nagluto."Iyong hotdog niyo pong kulubot na..." ika kong muling sumubo sa isang pirasong hotdog. Kalahati niyon ang nasa bibig ko nang biglang mapatikhim si Sir Xander. Nakatitig pa rin siya kaya naasiwa ako.Niluwa ko iyon kahit na may laway ko na. Para kasi akong mabibilaukan sa paraan ng tingin niya sa akin habang isinusubo ang hotdog. Nakatitig talaga siya habang sinusubo ko ang hotdog na kumulubot na dahil kaninang umaga