LOGINHindi ako makatulog ng gabing yon. Binagabag ako ng aking konsensiya sa mga nangyari at the same time ay minumulto ako ng mga halik at yakap ni Cloud. Parang baliw lang. Binabalikan ng isip ko kung paano nangyari ang lahat.
Hanggang sa naisipan kong puntahan si Marga sa room niya. Hindi kaya ng konsensiya ko na itago ang lahat. Mahal ko si Cloud. Lihim ko siyang tinatangi pero mas mahal ko ang kakambal ko. Magkarugtong ang aming bituka. Bumangon ako mula sa kama at ipinatong sa aking nightgown ang aking roba. Pupuntahan ko si Marga. Mas mabuting sa akin manggaling kaysa sa ibang tao na puwedeng dagdagan ang bawat kuwento. At least, deep inside hindi ko ginusto ang nangyaring yon. Pero habang palapit ako sa kuwarto ni Marga, nakita kung lumabas siya mula doon at may kausap sa cellphone niya. Saan siya pupunta sa ganitong oras? Mabilis ang kanyang lakad kaya napagdesisyonan kong sundan siya. Nakasuot ng short at t-shirt si Marga. Hindi kasi siya nagsusuot ng nightggown kasi masyado siyang lamigin. Nagtataka ako kung saan siya pupunta. Papunta siya sa likod ng mansiyon. May sumalubong sa kanyang lalaki. Nung una hindi ko masyadong nakilala pero kalaunan ay nakarehistro na din ang kanyang mukha. "Si Zandro?" nasabi ko bigla pero natakpan ko ang aking bibig at baka marinig nila ako. Inalalayan ni Zandro si Marga papunta sa kung saan kaya sumunod pa rin ako. Bakit sila lihim na nagkikita? May relasyon ba sila? Dito ba galing si Marga kahapon? Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko mismo na sinandal ni Zandro si Marga sa isang puno at mariing hinahalikan. At batay sa aking nakikita, walang pamimilit na nangyari kusang tumutugon ang kakambal ko. Pinanood ko sila ng ilang minuto. Naghanap ako ng puwesto para mas mapalapit sa kanila. "Marga, paano na tayo pag kinasal ka? Di ko kakayanin yon." ani Zandro habang hinahaplos ang kakambal ko. "Hindi pa huli ang lahat, Zandro. May oras pa naman para sabihin natin sa kanila ang ating relasyon. Sabihin na natin sa mga magulang ko. Sabihin mong paninidigan mo ako." si Marga. Kinuyumos ulit ng halik si Marga at ako'y hindi alam ang gagawin. Kung patuloy silang panonoorin o aalis na lamang at hayaan sila. Hindi niya alam kung kanino papanig sa kakambal niya o sa pamilya na umaasang tapat si Marga Kay Cloud. Pero Kay Cloud na mismo nanggaling na hindi sila involved romantically. "Marga, napakahirap ng hinihilling mo. Kailanman ay hindi tayo papaburan ng mga magulang mo. Sino ba ako? Isa lang akong anak ng trabahador sa hacienda ninyo na pinapaaral ng inyong pamilya." "So hahayaan mo lang na magpakasal ako sa iba?" galit na sita ni Marga. "Ang lakas ng loob mong landiin ako, duwag ka naman pala!" Sinimulan ni Marga ang pag-alis kaya naman nagkakandarapa ako sa pagtatago. Sinundan siya ni Zandro at pinigilan. Niyakap din siya mula sa likuran nito. Grabeng drama ang aking nasasaksihan. "Sorry! Sorry! Sige mag-iisip tayo ng ibang paraan, mg may dalawang araw pang natitira. Sa ngayon, umuwi ka muna at magpahinga at baka makahalata sila.* Isang matinding halikan ay yakapan pa ang nangyari bago naghiwalay ng landas ang dalawa. Matagal na sigurong may relasyon ang dalawa. Mas bata pa naman si Zandro Kay Marga ng mga ilang taon. Pero sabi nga nila age doesn't matter. Matagal ng nakaalis ang dalawa at naiwan akong nakatulala sa mga nangyari. Akala niya siya lang ang may nagawang kasalanan. Pag-akyat na ako papunta sa kuwarto ko ng may tumawag sa akin. "Margaux? Saan ka galing. Gabi na ah?" tanong ni Marga. "Uminom ng juice sa kitchen. Nauhaw kasi ako. Good night." pagsisinungaling ko. Hindi na akonagtagal sa pakikipag-usap kay Marga. Parang ako itong naaasiwa sa mga nakita ko. Ewan ko lang kung hindi ba nanibago sa akin si Marga. Kinabukasan, parang walang nangyari. Tuloy pa rin ang preparasyon para sa kasali ni Cloud at Marga. Pagdating ng tanghali ay nasa veranda ako ng aking kuwarto, nakatambay. Nakita ko ang pagdating ng sasakyan ni Cloud. Nakaschedule kasi ang family lunch kasama ang dalawang pamilya para pag-uspaan ang mga posibleng problema o kakulangan sa preparasyon. Nakita kong pormal at maayos na sinalubong sila ni Marga at ng mga magulang namin. At sa may tagong lugar nandoon si Zandro. Kung hindi ko alam ang tunay na pangyayari ay iisipin kong isa lang yong normal na pangyayari. Umabrisiyete pa si Marga Kay Cloud papasok sa mansiyon. I can't imagine the pain Zandro is feeling right now. Pareho kami siguro ng nararamdaman. Ibinalik ko ang atensiyon sa pagtingin sa mga photos na nasa camera ko. Sunsets, flowers, sunrise at kung anu-ano pa. I love photography kasi it keeps our memory intact na pwd nating balik-balikan. "Miss Margaux, mawalang galang na po," Narinig kong may kumatok at tumawag sa akin. Tinigil ko ang ginagawa at pinuntahan ito. "Miss pinapatawag po kayo ng inyong mama. Kayo na lang ang kulang sa dining room para sa lunch," sabi ng isa sa aming mga katulong. "Sige, susunod ako." Agad akong nagbihis ng presentableng damit at hindi basta-basta ang mga bisita nila. Naglagay din ako ng light make-up at nagpabango. Pagdating ko sa dining table ay abala ang lahat sa pag-uusap maliban kay Cloud na lihim akong tinitingnan. My heart skipped a bit because of his mere presence. Abala naman si Marga sa pakikipag-usap sa mama ni Cloud. Si Mama ang unang nakapansin sa pagdating ko. "Margaux, bakit ang tagal mo naman? Nakakahiya sa mga bisita natin." medyo mataas ang tono ni Mama kaya nakayuko lang akong umupo sa tabi niya at doon lang naman may bakante. "No, please be gentle with her. It's okay. Ganyan talaga tayong mga babae minsan mag-aayos pa kasi tayo. Right, Marga?" sabi ng mama ni Cloud. "Yes po, Tita." tugon ni Marga. "Mommy. Call me, Mommy. You will be my daughter in two days." ang mommy ni Cloud. Hindi ko namalayan napangiti pala ako sa sobrang bait ng mama ni Cloud. Ang sarap siguro nitong maging ina. Naramdaman ko na lang ang pagkurot ni Mama sa tagiliran ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit. Parang bata ang turing niya sa akin. Mabuti na lang at napigilan ko ang mapadaing o mapasigaw. "Kahit kailan, Margaux. Wala kang ambag sa pamilya natin kundi kahihiyan." bulong nito. "Umayos ka." Napatingin ako sa mga nasa paligid. Parang wala namang nangyari kaya tuloy lang. "The merging of Valencia Corporation and Devron's Group will happen right after the wedding. The contracts are all ready as long as the 5 billion investment that the Devron's is preparing for the Vakencia's," pormal na sabi ng daddy ni Cloud. "Well, that's nice kumpadre. Cheers to that." Itinaas nito ang wine glass para sa isang hudyat ng celebrasyon. Nakita ko ang pag-ilaw ng mga mata ng aming ama at ang malapad na ngiti ng aming ina na umabot yata sa gilagid nito. Napakalaking halaga ang nakataya sa kasal ni Marga at Cloud Tiningnan ko si Marga at ngumiti ito ng bahagya. Ngiting hindi umabot sa puso. Mahal nga siya ng parents namin bilang investment sa negosyo. At least siya may silbi, hindi nasasabihang walang ambag katulad ko. Pero paano kung umatras si Marga sa kasal at piliin nito si Zandro?MARGAUXNapahawak ako sa seatbelt ng biglang ihinto ni Cloud ang sasakyan in the middle of nowhere. Nang tingnan ko siya, he's breathing so fast and hard. Galit ba siya sa akin because of that. As if naman kasalanan ko yon. Siya itong mahina sa find the difference category.May papikit-pikit pa siya ng mata."Bakit hindi mo sinabing ikaw yon, Margaux? Plano mo bang itago na lang ang bagay na yon." mahina pero madiin niyang tanong "It's not a big thing for me, Cloud. Ilang beses kung sinubukang pigilan ka at sabihing hindi ako si Marga pero hindi ka nakinig." Nahampas niya ang manibela ng sasakyan kaya napaigtad ako sa gulat. "Shit! Yon ba ang rason kaya umatras si Marga sa kasal namin? Nakita ba niya tayo?" tanong niyang sa labas pa rin nakatingin."Hindi. Iba ang rason kung bakit umalis si Marga. Ilang beses ko bang sinabi ang rason.""Did you plan that?" "What?""That scene, plinano mo ba yon para akitin ako kasi mukhang hindi ka naman napilitan o nanlaban ng araw na yon." nakan
CLOUDNapahinto ako sa pagpasok sa mansiyon ng mga Valencia matapos marinig ang sinabi ni Margaux. Nakipagtanan si Marga sa trabahador nila na si Zandro? Hindi nila alam na narinig ko kasi nagtago muna ako sandali.Si Margaux nga ang dahilan ng pag-alis ni Marga. Pinagbibintangan niya si Marga ng mga bagay na hindi nito kayang gawin. Imposibleng pumatol si Marga sa isang lalaking hindi niya ka-level ng estado. Marga is an ambitious woman.Mas maniniwala pa ako kung si Margaux ang pumatol sa lalaking yon. Tsaka, ako, ipagpapalit ni Marga sa isang ordinaryong lalaki? Hindi magagawa sa akin ni Marga yon."Good morning!" Bati ko sa kanila pagpasok ko. Pretending I did not know what happened earlier. Kalmado na sila pero halatang scripted. I can read them."Hijo, pumasok ka dito." Sinalubong agad ako ng daddy nina Margaux. As a sign of respect, nagmano ako. Magulang pa rin sila ng babaeng pinakasalan ko. Regardless kung sino sa kambal ang kasama ko ngayon."Cloud, kayo bay nag-breakfast na
Tama ba ang narinig ko? Sasamahan ako ni Cloud na umuwi sa bahay namin. Pinigil ko ang mapangiti. Para akong teen -ager na masaya dahil pinansin ng crush niya. Tama naman ang naisagot ko kanina. Never pa ako nakipagdate sa kahit kanino lalo na kung di ko naman bet ang lalaki. Pero kung siya ang amg-aya, ibang usapan na iyon."Sasamahan mo ako? Hindi ka papasok ngayon?" tanong ko ng nakahabol na siya sa akin."Mamayang hapon na ako papasok. Dapat kasi sana nakaleave ako ngayon dahil sa honeymoon stage. Should we do that?" nakangiting tanong nito sa akin.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Do what?" Pag mamaang-maangan ko. "Honeymoon.. Kasi yan naman talaga ang dapat ginagawa ng mga bagong kasal. You know consumate our marriage." kalmadong sabi nito.Napalunok Ako ng laway. Hindi niya napapaghandaan ang ganitong scenario sa magiging buhay nila. "Ah kasi, hindi naman ako ang dapat na asawa mo, Cloud kaya pass tayo sa bagay na yan." aniko na nauna nang maglakad."Papaano ko sasagu
CloudCreative Consultant? Kung ganoon mali ang pagtantiya ko sa kanya. Physically, magkamukha talaga sila ni Marga. Medyo strong and outgoing lang ang personality ni Marga samantalang itong si Margaux ay medyo shy and timid. Nakayuko lang at makikinig pero nagsasalita naman kapag kailangan. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya umiwas ako ng tingin. Damn! What was that? Nakita kong kinagat niya ang kanyang labi. Siguro mannerism niya iyan pag kinakabahan."That sounds nice, sis." Komento ng kapatid kong si Kirt. Napansin kong kanina pa ito pumapapel kay Margaux. Type niya na ang asawa ko? I mean si Margaux. Anyways, hindi siya bagay kay Margaux."Ehem, Margaux. Don't you have any interest in business? Your family has a lot of them and so do we." tanong ko. Basically, I need a wife na makakatuwang ko sa negosyo. Maybe that was one of the reasons that I chose Marga to be my fiancee. "Interest? As of now. I don't have any. But maybe in the future if there is still a chance,"
MargauxNaramdaman ko ang pagtama ng liwanag sa aking mata kaya nagmadali akong bumangon. Kinusot ko pa ang aking mata ng makitang may tao sa loob. Pinasok ako? Sino? Paano siya nakapasok sa kuwarto ko mas lalo akong nagulantang ng makita si Cloud sa tapat ng bintana at inaadjust ang blind curtain."Good morning, wife!" sarakastikong sabi nito na diniinan pa ang salitang wife. Ngumiti ako ng mapakla as response sa sinabi niyang yon. "If you wonder kung paano ako nakapasok, I have a copy of the master key. Natural bahay namin ito. Wala naman akong gagawing masama sa'yo. I just checked on you kasi yon ang sabi ni Mommy. She is worried about you." walang emosyong sabi nito. Halatang napipilitan lang. "I'm fine. Nasaan ba ang mommy mo?" tanong kong inumpisahan ng bumangon. Medyo tinanghali yata ako. Nakakahiya naman sa pamilya niya. Ayokong maging pabigat sa kanila. "Nasa kitchen. Gumagawa ng breakfast. Aren't you supposed to do that for me?" tanong niyang nakakunot ang noo."Do what?
MARGAUXHindi ko namalayang nakaidlip ako kakaisip sa mga nangyari kanina. Namamahay ang katawan ko sa panibagong kapaligiran. I miss my room. Kumakalab ang aking sikmura sa gutom. Kasal ko kunyari pero ni isang putahe at ni isang slice ng cake ay wala akong natikman. I suppressed the tears bago paman ako humagulgol. Ang mga kasambahay lang ang naiwan sa bahay kanina dahil nasa kasal ang lahat. Tinawag naman ako ng naghatid sa akin kanina para maghapunan kaso kinain ako ng hiya at nagkunyaring busog.Napangiwi ako ng maramdaman ang gutom. Kaya bumangon ako para maghanap ng pagkain sa kusina kahit nakakahiya kaysa naman mamatay ako sa gutom.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan para walang makarinig at makahalata ng aking pagbaba. Baka pagkamalan pa akong magnanakaw. Pagbaba ko sa kitchen ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Medyo malayo na to sa mga bedrooms kaya wala na masyadong makakarinig sa akin.Binuksan ko ang ref nila at naghanap ng puwedeng kainin. Marami namang laman. Pinili







