LOGINMARGAUX
Hindi ako siguradong kung nanaginip ako o totoo ang narinig ko. Para akong may naririnig na umiiyak kaya dahan-dahan kong minuat ang aking mga mata. Napabalikwas ako ng makitang umiiiyak si Marga. Nakasuot ng jeans at nakakacket. Yong parang tipong aalis. Bigla akong kinutuban kaya bumangon ako para tingnan ang aking kakambal. "Marga? Aalis ka ba? Bakit ka umiiyak?" naiiyak kong tanong sa kanya. Bigla siyang yumakap sa akin ng sobrang higpit at doon na siya umiyak sa balikat ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumahan siya at hinarap Ako. "Margaux, puwede bang ikaw ang magpakasal kay Cloud?" maluha-luha niyang tanong. "Ano? Marga hindi puwede yon. Simula't sapol Ikaw lang ang gusto niya. Masisira ang lahat pag umalis ka. Please stay, Marga." sabi kong hinawakan siya sa kamay. "Pero masisira ang buhay ko pag nagpakasal ako sa kanya. Kailangan kong hanapin ang sarili ko, Margaux. I'm not ready to settle down." Hanapin ang sarili your, ass. Akala ni Marga wala akong alam sa relasyon nila ni Zandro. Mukhang oras na para ilabas ang baraha. "Wag ka ngang magkunyari, Marga. Alam ko ang tunay na dahilan kung bakit umaatras ka. Wag mo nang irason yang hindi ka pa handa." Simula ng isilang kami ni Marga lagi ako ang nagpaparaya at nag-aadjust para sa kanya. Laging siya ang pinapaboran ng lahat. Samantalang ako, laging isinantabi at naiwan. Pati ba naman ngayon. "Anong pinagsasabi mo, Margaux?" kabado nitong tanong. "Alam kong may karelasyon kang iba kaya umaatras ka sa kasal niyo ni Cloud. Nakita ko kayo ni Zandro. Ano magtatanan na ba kayo?" medyo napapataas ang boses ko pagkasabi nun. Inaabuso nila ako. "Fine." ani Marga na itinaas ang dalawang kamay. "Huli na pala ako sa akto, eh. Oo, Margaux, magpapakalayo na kami ni Zandro. Kaya pls ikaw na ang bahala sa pamilya natin at Kay Cloud. Saka ano bang masama doon? Matagal ko ng alam na may gusto ka sa kanya." Natigilan ako. Wala naman akong pjnagsinabihan na gusto ko si Cloud. Inilihim ko na lang kaysa mapagkamalang kontrabida. "Di totoo yan" tanggi ko. "Margaux, ako na magbibigay sa'yo ng chance na makasama mo si Cloud. Ano pang inaayawan mo?" "Ayokong maging panakip-butas, Marga. Ayokong tumira sa tahanang walang pagmamahal." tugon ko. "Kaya please lang, bumalik ka sa kuwarto mo at gabi na. Ikakasal ka na bukas." Napapailing si Marga habang paatras na umalis sa harap ko.. "Wala na kayong magagawa lahat kasi nakahanda na akong umalis." anito at tuluyang lumabas ng kuwarto ko. Bigla akong kinabahan kaya sinundan ko siya. Nanlaki ang kata ko ng makitang patakbong lumabas ng mansiyon si Marga. May dalang mga bag pero wala siyang kasama. "Marga! Wag mo kaming iwan!" sigaw kong tinakbo ang kinaroroonan niya. Pero nakaalis na si Marga at naiwan akong nanlulumo sa aking kinatarayuan. Desidido nga si Marga na sumama Kay Zandro at ipasa ang obligasyon niya sa akin kay Cloud. Maya-maya pay nagkagulo na sa mansiyon. Nasa living room kaming mag-anak. Kung kailan handa na ang lahat ay saka naman nagkakagulo. "Margaux, anong ginawa mo?" galit na tanong ng nanay namin. "Ma? Bakit Ako? Wala po akong ginawa. Ginising lang din ako ni Marga kanina para magpaalam." tugon ko. Lumapit si Mama sa akin at halos ipakain niya sa akin ang isang piraso ng papel. "Kahit kailan, kamalasan ang dala mo sa pamilyang ito. Basahin mo yan." Nanginginig kong binasa kung ano ang laman ng papel. Isang maikling sulat pala galing Kay Marga. Mama and Papa, Pasensiya na po kong hindi ko na puwedeng ituloy ang pagpapakasal Kay Cloud. Nakita ko kasing nakipaglandian si Margaux Kay Cloud bago ang kasal. Ayoko pong habang buhay na dalhin sa konsensiya ko yon kaya siya na lang po ang ipalit niyo sa puwesto ko. Paalam po." Nagbabagsakan ang laha ng luha ko at hindi ko alam kung paano ito ititigil. Ginamit ni Margaux ang feelings ko para makaalis kasama ang boyfriend niya. Trinaydor ako ng kakambal kog buong buhay kong pinagbibigyan. "Ngayon, malanding babae ka! Magsalita ka. Ano ang ginawa mo?" ani Mama na hinila-hila ang buhok ko. "Mang-aagaw ka!" "Aray! Ma, masakit po! Wala po akong ginawa. Sadyang may ibang nobyo si Marga at ginamit lang niya ako para makaalis siya." "Tumigil ka. Hindi siya kasing landi mo. Kunwari, tahimik pero nasa loob ang kulo." sigaw ni Mama na pati ang nga kasambahay ay naalarma sa laki ng boses niya. "Tama na yan, Margarita. Ang isipin natin kung paano malulusutan ito. Kailangang malaman ito ni Cloud at ng pamilya nila. Sandali, ipalatawag ko sila dito habang may panahon pa." sabi ng papa nila. "Papa, hindi po totoo ang sinasabi ni Marga. Ayokong magpakasal kay Cloud, Papa." Pagsusumamo ko. "Kung hindi ka sana nakiaalam eh di sana wala tayong problema, Margaux?" Kalmado nitong sabi sa kanya kahit galit. "Margaux, hindi naman ikaw talaga ang pakakasalan ni Cloud kundi si Marga. We are not even sure kung papayag yon. Pero magdasal ka na pumayag yon Kasi kung hindi babagsak tayong lahat. Ang pamilya nalang nila ang pag-asa natin para makabangon ang kompanya." Makabangon? Kung ganoon lubog na lubog na pala kami pero hindi pa rin fair yon para sa akin. "Enrique, what if magpanggap na lang si Margaux na si Marga, total magkamukha naman sila. Kailangan nating makaisip ng paraan. Bilyones ang mawawala sa atin." aligagang sabi ni Mama. Sinadya talaga ni Marga na sa bisperas ng kasal siya umalis para hindi na ako makawala kung sakaling pumayag si Cloud. "Sir, nandiyan na po ang mga Devron." sabi ng isa naming kasambahay. Umayos ng upo sina Mama samantalang ako'y napahawak sa laylayan ng aking damit. Naunang pumasok ang mga magulang ni Cloud at tahimik naman na nakasunod lang lang sa kanila. Nakapamulsa ang mga kamay. Halatang naistorbo sa pagtulog. "Kumpadre, anong problema at pinatawag mo kami disoras ng gabi. Bukas na ang kasal ng mga bata?" tanong ng Papa ni Cloud na humikab pa. Napakagat labi si Papa at naglalakad-lakad pero hindi magawang magsalita. "Kumpadre, may problema tayo. Biglaan kasing umalis si Marga kanina lang lang." aniya. "What?" bulalas ni Cloud. "Ano?Paano ang kasal?" ang papa ni Cloud." Saan siya pumunta at bakit siya umalis?" "Sumama po siya sa-" "Margaux!" sigaw ni Mama. Lumapit ka sa akin." Hindi ko natapos ang dapat sasabihin ng sumigaw bigla si Mama. Para akoing tuta na nangangatog na lumapit sa kanya. "Mukhang may di pagkaintindihan sila ni Margaux pero magpapalamjg lang lang daw siya at babalik naman. Hiniling niya na si Margaux muna ang papalit sa kanya bukas habang wala pa siya." Kasinungalingan. Alam ko kung bakit umalis si Marga at walang kasiguraduhan kong babalik siya. "You mean Margaux will walk down the aisle and stay with me as my wife after the wedding?" tanong ni Cloud. Napangiti si Papa. "Exactly, son. You got the point at pag bumalik na si Marga, tuloy na ang mga plano niyo." Nagbuga ng hangin si Cloud at tumingin sa akin. "Ano ba kasi pinag-awayan niyo at gaano katagal siya mawawala?" Napapailing ako. Gusto kong sabihin na hindi kami nag-away ni Marga at mas lalong hindi ko alam kung babalik pa ba siya. Gayong kasama na niya si Zandro. "Hindi ko alam." nakayuko kong sabi. "Kung ganoon, hintayin na lang natin na bumalik si Marga." deklara ni Cloud. "Hindi puwede!" si Mama. "I mean nakahanda na ang lahat. Ang simabahan, ang venue, ang reception at ang mga bisita. Kayo na lang ang kulang." aligagang sabi ni Mama pero ang nasaisip niya ay limang bilyong investment ng pamilya ni Cloud sa kumpanya namin. "Tama naman, anak. Hindi ito ordinaryong kasalan lang. Kaya sige na makinig ka sa amin. Besides, it's temporary at ang pagtira niyo together ay publicity lang naman. Even the wedding, nobody will know that it's not Marga. Magkamukha naman sila kasi." pakiusap ng mama ni Cloud. "Pero si Marga ang gusto ko, Mommy. Klaro yan umpisa pa lang. It was all set for her. Paano siya mapapalitan ng kakambal niya? Magkamukha nga sila pero magkaiba pa rin sila sa maraming bagay." madiiig sabi ni Cloud. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha. Ang mga sinabi ni Cloud parang matalim na bagay na itinusok sa aking dibdib. Pinigilan ko ang mapahikbi at baka mas lalong magalit si Mama at Papa. Harap-harapan niyang pinamukha sa akin na hindi ako ang gusto niya. Ito ang rason kung bakit Ayokong magpakasal sa kanya kahit may nararamdaman ako sa kanya. Ayokong mabuhay sa tahanang walang pagmamahal. -Fine! Para sa ikatatahimik ng lahat. Let Margaux be my bride and wife untilarfa comes back! Happy now?" ma-otoridad na sabi ni Cloud pagkatapos ng panandaliang katahimikan. Nakita ko ang malalapad na ngisi ng aking mga magulang na masolosyonan ang kanilang problema.MARGAUXNapahawak ako sa seatbelt ng biglang ihinto ni Cloud ang sasakyan in the middle of nowhere. Nang tingnan ko siya, he's breathing so fast and hard. Galit ba siya sa akin because of that. As if naman kasalanan ko yon. Siya itong mahina sa find the difference category.May papikit-pikit pa siya ng mata."Bakit hindi mo sinabing ikaw yon, Margaux? Plano mo bang itago na lang ang bagay na yon." mahina pero madiin niyang tanong "It's not a big thing for me, Cloud. Ilang beses kung sinubukang pigilan ka at sabihing hindi ako si Marga pero hindi ka nakinig." Nahampas niya ang manibela ng sasakyan kaya napaigtad ako sa gulat. "Shit! Yon ba ang rason kaya umatras si Marga sa kasal namin? Nakita ba niya tayo?" tanong niyang sa labas pa rin nakatingin."Hindi. Iba ang rason kung bakit umalis si Marga. Ilang beses ko bang sinabi ang rason.""Did you plan that?" "What?""That scene, plinano mo ba yon para akitin ako kasi mukhang hindi ka naman napilitan o nanlaban ng araw na yon." nakan
CLOUDNapahinto ako sa pagpasok sa mansiyon ng mga Valencia matapos marinig ang sinabi ni Margaux. Nakipagtanan si Marga sa trabahador nila na si Zandro? Hindi nila alam na narinig ko kasi nagtago muna ako sandali.Si Margaux nga ang dahilan ng pag-alis ni Marga. Pinagbibintangan niya si Marga ng mga bagay na hindi nito kayang gawin. Imposibleng pumatol si Marga sa isang lalaking hindi niya ka-level ng estado. Marga is an ambitious woman.Mas maniniwala pa ako kung si Margaux ang pumatol sa lalaking yon. Tsaka, ako, ipagpapalit ni Marga sa isang ordinaryong lalaki? Hindi magagawa sa akin ni Marga yon."Good morning!" Bati ko sa kanila pagpasok ko. Pretending I did not know what happened earlier. Kalmado na sila pero halatang scripted. I can read them."Hijo, pumasok ka dito." Sinalubong agad ako ng daddy nina Margaux. As a sign of respect, nagmano ako. Magulang pa rin sila ng babaeng pinakasalan ko. Regardless kung sino sa kambal ang kasama ko ngayon."Cloud, kayo bay nag-breakfast na
Tama ba ang narinig ko? Sasamahan ako ni Cloud na umuwi sa bahay namin. Pinigil ko ang mapangiti. Para akong teen -ager na masaya dahil pinansin ng crush niya. Tama naman ang naisagot ko kanina. Never pa ako nakipagdate sa kahit kanino lalo na kung di ko naman bet ang lalaki. Pero kung siya ang amg-aya, ibang usapan na iyon."Sasamahan mo ako? Hindi ka papasok ngayon?" tanong ko ng nakahabol na siya sa akin."Mamayang hapon na ako papasok. Dapat kasi sana nakaleave ako ngayon dahil sa honeymoon stage. Should we do that?" nakangiting tanong nito sa akin.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Do what?" Pag mamaang-maangan ko. "Honeymoon.. Kasi yan naman talaga ang dapat ginagawa ng mga bagong kasal. You know consumate our marriage." kalmadong sabi nito.Napalunok Ako ng laway. Hindi niya napapaghandaan ang ganitong scenario sa magiging buhay nila. "Ah kasi, hindi naman ako ang dapat na asawa mo, Cloud kaya pass tayo sa bagay na yan." aniko na nauna nang maglakad."Papaano ko sasagu
CloudCreative Consultant? Kung ganoon mali ang pagtantiya ko sa kanya. Physically, magkamukha talaga sila ni Marga. Medyo strong and outgoing lang ang personality ni Marga samantalang itong si Margaux ay medyo shy and timid. Nakayuko lang at makikinig pero nagsasalita naman kapag kailangan. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya umiwas ako ng tingin. Damn! What was that? Nakita kong kinagat niya ang kanyang labi. Siguro mannerism niya iyan pag kinakabahan."That sounds nice, sis." Komento ng kapatid kong si Kirt. Napansin kong kanina pa ito pumapapel kay Margaux. Type niya na ang asawa ko? I mean si Margaux. Anyways, hindi siya bagay kay Margaux."Ehem, Margaux. Don't you have any interest in business? Your family has a lot of them and so do we." tanong ko. Basically, I need a wife na makakatuwang ko sa negosyo. Maybe that was one of the reasons that I chose Marga to be my fiancee. "Interest? As of now. I don't have any. But maybe in the future if there is still a chance,"
MargauxNaramdaman ko ang pagtama ng liwanag sa aking mata kaya nagmadali akong bumangon. Kinusot ko pa ang aking mata ng makitang may tao sa loob. Pinasok ako? Sino? Paano siya nakapasok sa kuwarto ko mas lalo akong nagulantang ng makita si Cloud sa tapat ng bintana at inaadjust ang blind curtain."Good morning, wife!" sarakastikong sabi nito na diniinan pa ang salitang wife. Ngumiti ako ng mapakla as response sa sinabi niyang yon. "If you wonder kung paano ako nakapasok, I have a copy of the master key. Natural bahay namin ito. Wala naman akong gagawing masama sa'yo. I just checked on you kasi yon ang sabi ni Mommy. She is worried about you." walang emosyong sabi nito. Halatang napipilitan lang. "I'm fine. Nasaan ba ang mommy mo?" tanong kong inumpisahan ng bumangon. Medyo tinanghali yata ako. Nakakahiya naman sa pamilya niya. Ayokong maging pabigat sa kanila. "Nasa kitchen. Gumagawa ng breakfast. Aren't you supposed to do that for me?" tanong niyang nakakunot ang noo."Do what?
MARGAUXHindi ko namalayang nakaidlip ako kakaisip sa mga nangyari kanina. Namamahay ang katawan ko sa panibagong kapaligiran. I miss my room. Kumakalab ang aking sikmura sa gutom. Kasal ko kunyari pero ni isang putahe at ni isang slice ng cake ay wala akong natikman. I suppressed the tears bago paman ako humagulgol. Ang mga kasambahay lang ang naiwan sa bahay kanina dahil nasa kasal ang lahat. Tinawag naman ako ng naghatid sa akin kanina para maghapunan kaso kinain ako ng hiya at nagkunyaring busog.Napangiwi ako ng maramdaman ang gutom. Kaya bumangon ako para maghanap ng pagkain sa kusina kahit nakakahiya kaysa naman mamatay ako sa gutom.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan para walang makarinig at makahalata ng aking pagbaba. Baka pagkamalan pa akong magnanakaw. Pagbaba ko sa kitchen ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Medyo malayo na to sa mga bedrooms kaya wala na masyadong makakarinig sa akin.Binuksan ko ang ref nila at naghanap ng puwedeng kainin. Marami namang laman. Pinili







