LOGINMARGAUX
Para akong magnanakaw na natatakot mahuli sa kasalanang nagawa pagkatapos ng nangyaring pagtatagpo namin ni Cloud. Nangangatog pa rin ang aking mga tuhod at hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Habang pauwi ng mansiyon ay may patingin-tingin pa ako sa paligid at baka may nagtatago at kinuhanan kami ng larawan ni Cloud. Tiyak na magugulo ang kasal nila pag nangyari yon. Pero hindi ko sinadya ang mga nangyari. Gusto ko ring sabihin na hindi ako ang fiancee niya pero lagi niya akong binabara ng kanyang mga halik. Mga halik na nakakalasing at nakakaadik. Hindi niya ako binibigyan ng chance na magpaliwanag kaya nangyari ang bagay na yon. Habang naglalakad na parang espiritong nakalutang ay hindi ko napansin ng may nabangga ako. Kapwa kami nagulat sa pagbanggang yon. "Marga?" "Margaux?" Nagkasabay pa kaming sambitin ang mga pangalan namin. Aligaga rin si Margaux na tulad ko. Lalong lumakas ng kaba sa dibdib ko. Baka nakita niya kami kaya siya nagkaganyan. She looked so bothered that she cannot look me in the eyes. "Marga, saan ka galing? At bakit mukhang pagod na pagod ka?" Kinakabahan kong tanong. Nawala ang dating fresh and radiant vibe niya. Nakagat niya ang kanyang labi parang gusto niyang magsalita pero hindi niya alam kung paano at saan magsisimula. Twin's instinct. I know na may mali sa kanya. "Ah, doon lang sa may garden sa labas. No, no. Sa ranch." nagkamali-maling sagot niya. Hindi alam ni Marga kung nginngiti sa akin o hindi. Na ano kaya ang kakambal kong to?" Ah, eh, ikaw saan ka galing?" tanong nito sa akin. Sandali akong natigilan. Parang tingin ko ay hinuhuli niya ako. "Sa labas ng gate may tiningnan lang?" kabado kong sagot. Tumango lang ito at naunang pumasok sa loob ng mansiyon. Pagkapasok namin doon ay sinalubong kami ng mga magulang namin na mukhang nag-aalala kay Marga at tinitingnan ako ng masama. Ganyan na ang namulatan kong pagtrato nila sa akin. Minsang naitanong ko rin sa aking sarili kung bakit hindi sila pantay ng pagtrato sa amin ng aking kambal. Ano bang mayroon sa akin na ayaw nila? "Saan kayo galing? Marga, kanina ka pa hinahanap ng designer mo para sa final fitting ng gown mo. Saan ka ba nagpupunta?" tanong ng aming ina. Halatang galit siya pero hindi niya tinataasan ang kanyang tono pag si Marga ang kanyang kausap. Pag ako yon, malamang sininghalan na ako. "Ohm... may tiningnan lang sa labas ma. Di ba Margaux?" nakangiting sabi nito na sakin nakatingin. Humihingi ng saklolo. Ano ba kasing pinagkakaabalahan niya kanina? Saan ba siya galing at parang takot na takot siya. "Ah, yes po. Pinanood lang po namin ang sunset." sagot ko. At least ako, hindi iyon alibi. Totoo ang pakay ko na yon, sinira lang ni Cloud. Kinabahan ulit ako ng maalala ang lalaki. "Ano bang napapala mo sa kapapanood ng sunset Margaux? Ang daming puwedeng gawin sa bahay. Mabuti sana kung tumulong ka sa paghahanda para sa kasal ni Marga di yang kung saan-saan mo siya hinihila para saga walang kwetang bagay!" galit na singhal ng nanay namin. Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Ang dami ba namang taong dumadaan at puwedeng makarinig. Naramdaman ko ang pagpisil ni Marga sa aking kamay. Gusto ko pa sanang sumagot na hindi ko naman hinila si Marga doon sa likod. Pero napili kong manahimik para sa ikakatiwasay ng buong bahay. "Siya, tama na yan, Margarita. Marga, tingnan mo na yong gown mo. Pero wag mong isusukat ha." si Daddy naman ang nagsalita. "Ano, paano niya malaman kung kasya na yon kung hindi isusukat? Masyado kang mapaniwala sa mga sabi-sabi ng matatanda, Enrique." bwelta ng nanay nila sa kanilang tatay. Naramdaman niyang hinila siya ni Marga kaya nagpatianod na lang din siya. "Marga! Isukat mo!" sigaw ng nanay nila. "Puwede po bang ako na ang bahala doon, Ma, Pa. Ako po ang ikakasal at hindi kayo. Pero kung gusto niyo po kayo na lang." tugon ni Marga. Medyo natawa ako sa sinabi ng kakambal ko. Mas palaban ito sa kaysa sa akin palibhasa hindi din naman pagagalitan kaya nagagawang sumagot sa parents namin. "Pasensiya ka na, ha. Lagi kang nadadamay dahil sa akin. Sige lang, kaunting tiis na lang." ani Marga habang papunta kami sa kanyang kuwarto. "Ano ka ba, Marga? Wag kang magsabi ng ganyan." Namangha ako pagpasok namin sa kuwarto niya. Bumungad sa amin ang kanyang napakagandang wedding gown na hindi matapos-tapos dahil ang daming pinapadagdag ni Mommy na kung anu-ano. Nang tingnan ko si Marga, ay parang hindi magkalevel ang aming saya na naramdaman. Baka naman kinakabahan lang siya. Ganoon lang daw kasi ang mga ikakasal. "Margaux, bakit hindi mo siya isukat para sa akin?" nakangiti niyang sabi sa akin. "Bakit naman ako? Sa'yo yan." "Pero di ba bawal isukat. Magkahulma lang tayo ng katawan kaya do the final fitting for me. Besides tayo lang naman ang nandito. Please." pagsusumamo niya. Kaya pinagbigyan ko na kasi hindi ko rin naman alam kung dadating pa Ako sa point na ito, ang ikasal. Siguro pag nireto ako ng mga magulang namin sa mga anak ng kasosyo nila. Pero ang ikasal sa lalaking minahal, mukhang malabo kasiay magmamay-ari na sa kanya. Hindi ko maiwasang maguilty habang sinusukat ko ang gown. Kanina kasi ay nakipagmake out ako sa fiancee niya ay ngayon naman ay ang kanyang wedding gown. Pero pareho kung hindi ginusto ang mg ito. Sadyang hiningi lang ng pagkakataon. Napangiti si Marga habang nakatingin sa akin suot ang kanyang wedding gown. Hinahaplos pa nito ang bawat hibla ng gown. "Napakaganda!" sambit niya. "Oo naman. Ilang buwan din itong ginawa para sa'yo." inosente kung tugon. Lumapit siya at tiningnan ako at pinisil ang aking kamay. "I was referring to you. Napakaganda mo while wearing the gown, Margaux. Bagay na bagay sa'yo." "Salamat. O, ano, ayaw mo bang isukat?" tanong ko ulit sa kanya. "No! Wait. I'll take a picture of you and me together." "Wag na. Baka magalit si Mommy pag nalaman nila ang ginawa natin." "Don't worry ako ang bahala. "Kinunan nga niya ako ng picture at pagkatapos ay yong kami namang dalawa. I don't know pero parang may pinapahiwatig ang lahat ng mga ginagawa niya. "I'll send this to your socials, Margaux. Please keep it." Naguguluhang man ay tumango na rin ako. Huwag nga lang makita ng nanay namin at baka kalbuhin na naman ako.MARGAUXNapahawak ako sa seatbelt ng biglang ihinto ni Cloud ang sasakyan in the middle of nowhere. Nang tingnan ko siya, he's breathing so fast and hard. Galit ba siya sa akin because of that. As if naman kasalanan ko yon. Siya itong mahina sa find the difference category.May papikit-pikit pa siya ng mata."Bakit hindi mo sinabing ikaw yon, Margaux? Plano mo bang itago na lang ang bagay na yon." mahina pero madiin niyang tanong "It's not a big thing for me, Cloud. Ilang beses kung sinubukang pigilan ka at sabihing hindi ako si Marga pero hindi ka nakinig." Nahampas niya ang manibela ng sasakyan kaya napaigtad ako sa gulat. "Shit! Yon ba ang rason kaya umatras si Marga sa kasal namin? Nakita ba niya tayo?" tanong niyang sa labas pa rin nakatingin."Hindi. Iba ang rason kung bakit umalis si Marga. Ilang beses ko bang sinabi ang rason.""Did you plan that?" "What?""That scene, plinano mo ba yon para akitin ako kasi mukhang hindi ka naman napilitan o nanlaban ng araw na yon." nakan
CLOUDNapahinto ako sa pagpasok sa mansiyon ng mga Valencia matapos marinig ang sinabi ni Margaux. Nakipagtanan si Marga sa trabahador nila na si Zandro? Hindi nila alam na narinig ko kasi nagtago muna ako sandali.Si Margaux nga ang dahilan ng pag-alis ni Marga. Pinagbibintangan niya si Marga ng mga bagay na hindi nito kayang gawin. Imposibleng pumatol si Marga sa isang lalaking hindi niya ka-level ng estado. Marga is an ambitious woman.Mas maniniwala pa ako kung si Margaux ang pumatol sa lalaking yon. Tsaka, ako, ipagpapalit ni Marga sa isang ordinaryong lalaki? Hindi magagawa sa akin ni Marga yon."Good morning!" Bati ko sa kanila pagpasok ko. Pretending I did not know what happened earlier. Kalmado na sila pero halatang scripted. I can read them."Hijo, pumasok ka dito." Sinalubong agad ako ng daddy nina Margaux. As a sign of respect, nagmano ako. Magulang pa rin sila ng babaeng pinakasalan ko. Regardless kung sino sa kambal ang kasama ko ngayon."Cloud, kayo bay nag-breakfast na
Tama ba ang narinig ko? Sasamahan ako ni Cloud na umuwi sa bahay namin. Pinigil ko ang mapangiti. Para akong teen -ager na masaya dahil pinansin ng crush niya. Tama naman ang naisagot ko kanina. Never pa ako nakipagdate sa kahit kanino lalo na kung di ko naman bet ang lalaki. Pero kung siya ang amg-aya, ibang usapan na iyon."Sasamahan mo ako? Hindi ka papasok ngayon?" tanong ko ng nakahabol na siya sa akin."Mamayang hapon na ako papasok. Dapat kasi sana nakaleave ako ngayon dahil sa honeymoon stage. Should we do that?" nakangiting tanong nito sa akin.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Do what?" Pag mamaang-maangan ko. "Honeymoon.. Kasi yan naman talaga ang dapat ginagawa ng mga bagong kasal. You know consumate our marriage." kalmadong sabi nito.Napalunok Ako ng laway. Hindi niya napapaghandaan ang ganitong scenario sa magiging buhay nila. "Ah kasi, hindi naman ako ang dapat na asawa mo, Cloud kaya pass tayo sa bagay na yan." aniko na nauna nang maglakad."Papaano ko sasagu
CloudCreative Consultant? Kung ganoon mali ang pagtantiya ko sa kanya. Physically, magkamukha talaga sila ni Marga. Medyo strong and outgoing lang ang personality ni Marga samantalang itong si Margaux ay medyo shy and timid. Nakayuko lang at makikinig pero nagsasalita naman kapag kailangan. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya umiwas ako ng tingin. Damn! What was that? Nakita kong kinagat niya ang kanyang labi. Siguro mannerism niya iyan pag kinakabahan."That sounds nice, sis." Komento ng kapatid kong si Kirt. Napansin kong kanina pa ito pumapapel kay Margaux. Type niya na ang asawa ko? I mean si Margaux. Anyways, hindi siya bagay kay Margaux."Ehem, Margaux. Don't you have any interest in business? Your family has a lot of them and so do we." tanong ko. Basically, I need a wife na makakatuwang ko sa negosyo. Maybe that was one of the reasons that I chose Marga to be my fiancee. "Interest? As of now. I don't have any. But maybe in the future if there is still a chance,"
MargauxNaramdaman ko ang pagtama ng liwanag sa aking mata kaya nagmadali akong bumangon. Kinusot ko pa ang aking mata ng makitang may tao sa loob. Pinasok ako? Sino? Paano siya nakapasok sa kuwarto ko mas lalo akong nagulantang ng makita si Cloud sa tapat ng bintana at inaadjust ang blind curtain."Good morning, wife!" sarakastikong sabi nito na diniinan pa ang salitang wife. Ngumiti ako ng mapakla as response sa sinabi niyang yon. "If you wonder kung paano ako nakapasok, I have a copy of the master key. Natural bahay namin ito. Wala naman akong gagawing masama sa'yo. I just checked on you kasi yon ang sabi ni Mommy. She is worried about you." walang emosyong sabi nito. Halatang napipilitan lang. "I'm fine. Nasaan ba ang mommy mo?" tanong kong inumpisahan ng bumangon. Medyo tinanghali yata ako. Nakakahiya naman sa pamilya niya. Ayokong maging pabigat sa kanila. "Nasa kitchen. Gumagawa ng breakfast. Aren't you supposed to do that for me?" tanong niyang nakakunot ang noo."Do what?
MARGAUXHindi ko namalayang nakaidlip ako kakaisip sa mga nangyari kanina. Namamahay ang katawan ko sa panibagong kapaligiran. I miss my room. Kumakalab ang aking sikmura sa gutom. Kasal ko kunyari pero ni isang putahe at ni isang slice ng cake ay wala akong natikman. I suppressed the tears bago paman ako humagulgol. Ang mga kasambahay lang ang naiwan sa bahay kanina dahil nasa kasal ang lahat. Tinawag naman ako ng naghatid sa akin kanina para maghapunan kaso kinain ako ng hiya at nagkunyaring busog.Napangiwi ako ng maramdaman ang gutom. Kaya bumangon ako para maghanap ng pagkain sa kusina kahit nakakahiya kaysa naman mamatay ako sa gutom.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan para walang makarinig at makahalata ng aking pagbaba. Baka pagkamalan pa akong magnanakaw. Pagbaba ko sa kitchen ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Medyo malayo na to sa mga bedrooms kaya wala na masyadong makakarinig sa akin.Binuksan ko ang ref nila at naghanap ng puwedeng kainin. Marami namang laman. Pinili







