CloudCreative Consultant? Kung ganoon mali ang pagtantiya ko sa kanya. Physically, magkamukha talaga sila ni Marga. Medyo strong and outgoing lang ang personality ni Marga samantalang itong si Margaux ay medyo shy and timid. Nakayuko lang at makikinig pero nagsasalita naman kapag kailangan. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya umiwas ako ng tingin. Damn! What was that? Nakita kong kinagat niya ang kanyang labi. Siguro mannerism niya iyan pag kinakabahan."That sounds nice, sis." Komento ng kapatid kong si Kirt. Napansin kong kanina pa ito pumapapel kay Margaux. Type niya na ang asawa ko? I mean si Margaux. Anyways, hindi siya bagay kay Margaux."Ehem, Margaux. Don't you have any interest in business? Your family has a lot of them and so do we." tanong ko. Basically, I need a wife na makakatuwang ko sa negosyo. Maybe that was one of the reasons that I chose Marga to be my fiancee. "Interest? As of now. I don't have any. But maybe in the future if there is still a chance,"
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-25 อ่านเพิ่มเติม