Inicio / Romance / Married To The Arrogant CEO / Chapter 4 : Red Dress

Compartir

Chapter 4 : Red Dress

Autor: KimAthena
last update Fecha de publicación: 2026-10-01 21:19:22

ALLIYAH'S POV :

Alam niyo yung pakiramdam na gusto mo na lang lumipat ng planeta? Hindi dahil ayaw mo na sa Earth. Kundi dahil pagod ka na sa kahihiyan.

Ganun yung nararamdaman ko pagkagising kinabukasan.

Nagising ako na nakayakap pa rin sa unan, yung buhok ko nakadikit pa sa mukha ko. Hindi dahil sa asawa kong suplado na halos hindi ako tignan. Kundi dahil sa librong muntik nang mabasa ni Drake kagabi.

"How to Seduce Your Husband"

"Patay..." bulong ko habang nakatingala sa kisame. Yung kisame ng guest room, puti pero parang ang laki ng tingin sa akin. Kung nabasa niya talaga yung title nang buo, ayoko nang isipin. Baka iniisip niyang baliw ako. O desperada. O pareho. O mas malala — na pinag-aaralan ko siyang akitin na parang assignment.

Napabuntong-hininga ako bago bumangon. Pinilit kong buksan yung makapal na kurtina. Paghila ko, sinalubong agad ako ng sikat ng araw na dumiretso sa mukha ko.

Bagong umaga. Bagong pagkakataon. Bagong kahihiyan na naman siguro.

"...Hindi, Alliyah." Tinapik ko yung magkabilang pisngi ko, medyo malakas para magising ako. "Hindi ka susuko. Kahapon lang yun. Ngayon ibang araw na."

Kinuha ko yung libro sa ibabaw ng bedside table kung saan ko tinago kagabi sa ilalim ng lampshade. Binuksan ko agad sa susunod na pahina, nilaktawan ko yung Rule #2 na may check na.

*RULE #3: DON'T CHASE. MAKE HIM CURIOUS.*

Napakurap ako. Binasa ko ulit para sigurado.

"Ha? Don't chase?"

Binasa ko yung paliwanag sa baba, sulat-kamay pa rin na medyo pabilog.

_Kapag masyado mong hinabol ang isang lalaki, tatakbo lang siya palayo. Pero kapag may gusto siyang malaman tungkol sayo... siya mismo ang lalapit. Curiosity is stronger than attraction._

Napaisip ako. Naupo ako sa gilid ng kama habang hawak yung libro.

"So... parang pusa?" bulong ko sa sarili ko. Tumango ako. "Kapag hinabol mo, tatakbo. Kapag pinabayaan mo, tapos may dala kang pagkain... lalapit."

Napangiti ako nang mahina. Ito yung unang rule na parang hindi ako kailangang magsuot ng kung ano o ngumiti na parang scammer.

"Mukhang kaya ko yan. Hindi ko siya hahabulin. Hahayaan ko siyang magtaka."

Eksaktong may kumatok sa p***o. Tatlong mahinang katok.

"Hija? Gising ka na ba?"

"Bukas po, Manang!" sigaw ko at dali-daling sinara yung libro at tinago sa ilalim ng unan.

Pagpasok ni Manang Gracia, may dala siyang malaking paper bag na itim. Makapal yung papel, may gold na ribbon sa hawakan. Hindi mukhang galing sa mall lang.

"Inihatid ito kanina," sabi niya at inilapag sa kama. "Nasa gate. Sabi nung guard, para sayo raw."

"Kaninong galing po?" tanong ko habang tinititigan yung bag.

"Hindi ko alam, hija. Walang sinabi yung naghatid. Naka-motor lang, iniwan lang daw."

Kinuha ko yung bag. Sa ibabaw, may maliit na card na puti, walang design. Binuklat ko.

_To Mrs. Santillian. Wear this tonight._

Maikli lang. Walang lagda. Walang pangalan.

"Wala nang pangalan?" tanong ko kay Manang.

"Wala nga, hija. Kaya nagtataka rin ako."

Kinabahan ako. Sino magbibigay sa akin ng dress? Hindi ko kilala yung mga kapitbahay dito sa village. Yung mga kaibigan ko, hindi alam address ng mansion.

Binuksan ko yung paper bag nang maingat. Pagkaangat ko ng tissue paper sa loob...

Nanlaki yung mata ko. Napahawak ako sa bibig ko.

"Manang..." mahina kong sabi.

"Pang-Diyos ko..." sabay naming nasabi ni Manang at sabay kaming napalapit.

Isang eleganteng pulang dress yung nasa loob. Hindi yung pulang bastos na pang-club. Yung pulang pang-mayaman. Spaghetti strap, silk yung tela, bagsak na bagsak. Yung likod medyo open, pero hindi bastos. Yung haba hanggang tuhod lang, pero may slit sa gilid na sapat para makita yung legs.

Napahawak ako sa tela. Ang lambot, ang lamig sa kamay.

"Ang ganda..." bulong ko.

Napangiti si Manang at hinawakan yung laylayan. "Bagay na bagay sayo to, hija. Maputi ka, tapos pula... naku, lalo kang gaganda."

Napakagat ako sa labi habang hawak pa rin yung card.

"Hindi kaya..." tumingin ako kay Manang. "Si Drake po?"

Pareho kaming napatingin sa isa't isa, tapos sabay kaming natawa pero halatang pareho kaming hindi sigurado.

Hindi naman siguro? Si Drake na nagsabing huwag ko siyang hintayin kahit kailan? Yung Drake na pinagpalit ako ng guest room sa honeymoon night?

Pero sino pa? Wala naman akong ibang kilala rito. At nakalagay pa _Mrs. Santillian_.

Bandang alas-siyete ng gabi, suot ko na yung pulang dress.

Nakatayo ako sa harap ng salamin sa guest room. Paulit-ulit kong inaayos yung strap. Yung buhok ko, hinayaan kong nakalugay lang, medyo wavy pa. Naglagay ako ng kaunting lip tint para hindi mukhang maputla.

Mahina yung kabog ng dibdib ko. Parang first date ulit, kahit asawa ko na yung pupuntahan ko sa baba.

Huminga ako nang malalim at lumabas ng kwarto.

Hawak ko yung rail ng hagdan habang bumababa ako, maingat para hindi matapilok sa heels na hiniram ko pa kay Manang.

Pagdating ko sa sala, nandoon si Drake.

Naka-itim na polo siya na nakatupi yung manggas hanggang siko, nakaupo sa single sofa, abala sa cellphone niya. Yung paa niya nakapatong sa kabila, relaxed pero yung mukha seryoso pa rin.

Hindi niya agad ako napansin.

Huminga ako nang malalim para may lakas akong magsalita.

"Good evening..."

Doon lang siya nag-angat ng tingin.

At natigilan siya.

Yung mata niya na kanina nasa cellphone lang, napako sa akin. Tumingin siya mula sa mukha ko, bumaba sa dress, sa legs ko na kita dahil sa slit, tapos bumalik sa mukha ko.

Isang segundo. Dalawa. Tatlo.

Hindi siya nagsalita. Hindi rin siya umiwas ng tingin na gaya ng dati.

Nakatitig lang siya. Yung cellphone niya nasa kamay pa rin pero hindi na gumagalaw.

Hanggang sa biglang tumunog yung cellphone niya, malakas na ringtone.

Parang saka lang siya natauhan. Agad niyang pinatay yung tawag at tumayo.

"Iba na lang isuot mo," diretso niyang sabi, medyo mabilis.

Napakurap ako, hawak ko pa rin yung rail.

"Bakit? Pangit ba?"

"Walang dahilan."

"Tapos?"

"Hindi ko gusto," sagot niya at ibinalik yung tingin sa cellphone pero mahigpit na yung hawak niya sa phone, kita yung ugat sa kamay.

Napakunot-noo ako. Lumapit ako nang isang hakbang.

"Hindi mo gusto... o ayaw mong may ibang tumingin?"

Biglang tumahimik yung buong sala. Yung aircon lang yung maririnig. Si Manang Gracia na nasa may kusina, napasilip pa sa amin at dali-daling bumalik.

Hindi agad sumagot si Drake. Nakatingin lang siya sa akin, pero iba na yung tingin. Hindi na galit lang. May halong inis na hindi ko maintindihan.

Pagkaraan ng ilang segundo, tumalikod siya at kinuha yung susi ng kotse sa table.

"Five minutes. Hinihintay kita sa sasakyan."

Iniwan niya akong nakatayo roon sa gitna ng sala, suot yung pulang dress na bigay ng hindi ko kilala.

At kahit sinabihan niya akong magpalit, may ngiting kusang sumilay sa labi ko habang pinapanood siyang lumabas ng p***o.

Hindi dahil pinuri niya yung suot ko. Kundi dahil sa unang pagkakataon simula nung kinasal kami, hindi niya sinabing pangit ako o hindi ako bagay.

Sinabi lang niyang ayaw niyang isuot ko yun. At para kay Alliyah na sanay na sa "hindi kita gusto" malaking pagkakaiba yun.

Malaking malaki.

Habang nakangiti ako, may isang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko. Kung ayaw niyang isuot ko yung dress na 'to...bakit niya ako isinasama?

Ilang minuto lang, sumakay ako sa passenger seat ng kotse niya. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa harap habang mahigpit yung hawak niya sa manibela.

Walang nagsasalita sa buong biyahe. Ako nakatingin sa bintana, siya nakatingin sa daan.

Huminto yung sasakyan sa harap ng five-star hotel. Nagbukas agad ng p***o yung valet.

Lumabas muna si Drake. Inayos niya yung cuff ng itim niyang suit bago niya ako nilingon.

Hindi niya ako inalalayan. Hindi rin niya ako iniwan. Nakatayo lang siya roon, naghihintay hanggang makababa ako.

Humakbang ako palabas ng kotse. Kaagad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Kumislap yung ilaw ng mga camera sa paligid.

Napahinto ako.

"Bat tayo andito? Bakit ang daming media?" mahina kong tanong.

Hindi siya sumagot. Lumapit lang siya sa akin. At sa unang pagkakataon simula nung ikasal kami...

Inilahad niya yung braso niya.

Natigilan ako.

"Anong tinitingin-tingin mo?" malamig niyang tanong.

"H-ha?"

"Humawak ka."

Napakurap ako. "...Hindi ba sabi mo, sa papel lang tayo mag-asawa?"

Hindi siya tumingin sa akin.

"Sa loob ng bahay, oo." Saglit siyang lumingon sa akin. "Pero paglabas natin ng sasakyang 'to..."

Bahagya siyang yumuko hanggang halos ako lang yung makarinig. "...ikaw si Mrs. Drake Santillian."

Dahan-dahan kong ipinasok yung kamay ko sa braso niya. Mainit. Mahigpit. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Pagharap namin sa entrance... sunod-sunod yung flash.

"Sir Drake! Dito po!"

"Ma'am! Smile please!"

"Sir Drake! Is this your wife?"

Sunod-sunod yung sigaw ng reporters. Mas lalo akong kinabahan. Parang gusto kong bumitaw.

Pero bago ko pa magawa... mas humigpit yung kapit ni Drake sa kamay kong nakakapit sa braso niya.

Hindi siya nagsalita. Pero sapat na yung isang simpleng higpit ng hawak niya para maintindihan kong... hindi niya ako hahayaang mag-isa ngayong gabi.

At sa kung saan... may isang pares ng mata na nakamasid sa aming dalawa.

Tahimik. Mapanganib. At punong-puno ng interes.

"So... ikaw pala yung pinakasalan ni Drake."

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 16 : THE GIFT

    ALLIYAH'S POV :Halos alas-singko na nang makarating ako sa Santillian Mansion. Pagod katawan ko buong araw, pero mas pagod yata utak ko sa kakaiwas kay Gwen. Sa bawat break, inaabangan niya ako sa pantry para ulitin yung eksena sa hallway."Rice cooker..." bulong ko habang bumababa ng sasakyan. "Bwisit ka talaga, Gwen."Pagpasok ko sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ni Manang Gracia. May kakaiba sa mukha niya."Hija, buti dumating ka na," wika ni Manang."Bakit po, Manang? May nangyari ba?" tanong ko."May dumating na package kaninang tanghali. Hindi namin ginalaw. Nasa sala," sagot niya.Napalingon ako sa center table. May malaking puting kahon doon. Matte wrapper, itim ang ribbon, malinis ang pagkakabalot. Walang pangalan ng sender, walang logo.Lumapit ako."Para kanino po?" tanong ko."Ikaw daw," sagot ni Manang."Ako?" Tumango si Manang. "Nakasulat, Mrs. Drake Santillian."Napatigil ako. Simula nang ikasal kami, ngayon lang may dumating na package na nakapangalan sa akin bil

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 15 : The First Move

    ALLIYAH'S POV : "Besh, effective ka pala."Tinapik ko nang dalawang beses yung pink na libro na nakadapa sa kama. Lukot pa rin yung cover, may tupi pa sa gilid at may maliit na mantsa ng kape sa may likod kasi ilang beses ko nang hinagis sa pader nitong nakaraang linggo.Hinagis ko kasi sabi niya magsuot ako ng pula, sunod titigan ko daw si Drake nang matagal, at halos mamatay ako sa hiya. Pero ngayon, Hindi ko na siya mahagis. Parang may utang na loob na ako. Binuklat ko ulit ..*Rule #10 : Ang isang muntik na halik ay mas mapanganib kaysa sa totoong halik.Umupo ako sa gilid ng kama, nakayakap sa unan, at binasa ulit nang paulit-ulit yung linya na parang may exam ako mamaya at ito yung coverage."Sige na, panalo ka na sa round na ito. Hindi kita ibebenta sa bangketa, hindi pa sa ngayon. Diyan ka lang muna sa drawer. Pero kapag naging mayabang ka at sinabi mong ikaw na dahilan kaya kami magkakatuluyan ni Drake, babalutan talaga kita ng plastic at iiwan kita sa waiting shed."Isinik

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 14 : Almost A Kiss

    ALLIYAH'S POV :Pagkatapos ng insendente sa lingerie department sa mall, isang linggo kong pinag-isipan kung ibebenta ko na ba sa bangketa yung librong : "How to Seduce Your Husband"Isang buong linggo na hindi ako makatulog nang maayos kakaisip kung paano ako nagmukhang balot na nahulog sa mantika sa harap ng asawa ko. Naka-red lace ako noon, dapat sexy. Pagbukas ni Drake ng pinto, natapilok ako sa kurtina, sumabit yung lace sa door knob, at muntik ko pang mahila yung buong kurtina pababa. Sabi niya lang, "Ano yan?" Tapos umalis.Kaya ngayon, nakadapa ako sa kama, nakataas ang dalawang paa ko na parang bata, hawak yung pink na libro. Lukot na yung gilid kasi ilang beses ko na itong naihagis sa pader tuwing naiinis ako sa author.Binuklat ko sa susunod na page. May pa-heart pa na sticker sa gilid na ako lang nagdikit.* Rule #10 : "Kapag medyo lumalambot na ang asawa mo, gumawa ka ng sitwasyong kayong dalawa lang. Ang isang muntik na halik ay mas mapanganib kaysa sa totoong halik"N

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 13 : Lingerie Disaster

    ALLIYAH'S POV : Alas-diyes pa lang ng umaga pero sira na agad ang araw ko. Nakaupo ako sa opisina ko sa Samonte Group, nasa harap ko yung monthly report. Kanina ko pa binabasa yung Page 3. Kanina pa. Hindi pumapasok sa utak ko. Sa pangatlong basa ko, may narinig akong kaluskos sa gilid. Si Gwen, yung secretary ko, nakasilip sa table ko, nakataas ang kilay. "Ma'am," mahina niyang sabi, medyo nag-aalangan. "Page three pa rin po kayo." Napatingala ako. Lutang. "Ha?" Tinaas ni Gwen yung daliri niya, tinuro yung hawak ko. "Five minutes na po kayong nakatitig diyan. At Ma'am... baliktad po yung ballpen niyo." Napayuko ako. Totoo. Yung takip ng ballpen yung ipinang-susulat ko sa papel. May guhit pa ng walang tinta. "Ay!" Mabilis kong binaliktad. Napahawak ako sa noo ko, ang init ng pisngi ko. "Sorry, sorry. Wala akong tulog eh." Umupo si Gwen sa gilid ng table ko, bumaba yung boses, parang nagchichismis. "Nag-away ba kayo ni Sir Drake?" Umiling ako agad, masyadong mabilis. "Hindi

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 12 : Sleepless Nights

    ALLIYAH'S POV :Hindi ako makatulog.Pangatlong beses ko nang nagpalit ng posisyon sa kama. Paharap. Patagilid. Padapa. Niyakap ko yung unan. Tinulak ko yung kumot. Wala.Nakadilat pa rin ako habang nakatitig sa kisame ng guest room. Alas dose na pero gising na gising pa rin yung utak ko.Napabuntong-hininga ako at hinila yung kumot hanggang baba."Hay naku, Alliyah."Bakit ba kasi kailangan niyang sabihin yun?"One spray is enough to make someone lose focus."Paulit-ulit na umiikot sa isip ko yung mababa niyang boses kanina sa kwarto. Tapos yung paraan ng pagtitig niya sa akin na parang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi bastos. Hindi rin malamig tulad ng dati. Parang... may something.Tapos yung pagyuko niya nang konti para lang maamoy yung perfume ko.Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Mainit pa rin hanggang ngayon. Parang hindi pa bumababa yung dugo sa mukha ko."Ano ba yan, Alliyah..." bulong ko sa sarili habang nakatalukbong ng kumot. "Asawa mo lang yun. Asawa m

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 11 : The Perfume

    DRAKE'S POV :Alas-diyes na ng gabi nang tuluyan kong maiparada yung sasakyan sa harap ng Santillian Mansion.Pagod yung buong katawan ko. Tatlong meeting. Dalawang emergency conference. Halos isang dosenang tawag mula sa iba't ibang investors. Gusto ko na lang humiga at matulog.Pagbukas ko pa lang ng pinto ng sasakyan, agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi.Pero may isa pang bagay na mas mabilis kong napansin kaysa sa lamig.Isang pamilyar na amoy. Mainit na sabaw. Sampalok. Bawang. Pritong isda.Napahinto ako sa paglalakad.Sinigang?Napkunot-noo ako. Hindi naman nagluluto ng ganitong oras si Manang Gracia. Alas-diyes na. Tulog na dapat siya.Pagpasok ko sa loob ng mansion, mas lalong lumakas yung amoy. Galing sa dining room.Lumabas si Manang mula dun, may hawak na tray."Good evening po, Sir," bati niya na may ngiti."May okasyon?" tanong ko habang hinuhubad yung coat ko."Wala po.""Tapos bakit may pagkain?""May naghanda po para sa inyo."Hindi ako nagsalita. Hindi

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status