LOGINHindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot. Tatlong beses ko nang binasa yung pamagat ng librong hawak ko, paikot-ikot lang sa kama.
"How to Seduce Your Husband" Napabuntong-hininga ako at binato yung libro sa unan, tapos kinuha ulit. "Sino ba kasing baliw ang nagbigay nito?" bulong ko. Umupo ako sa kama habang naka cross-legged. Yung buhok ko gulo pa rin kasi kakatayo ko lang ulit matapos yung kahihiyan kahapon sa sala. Binuksan ko yung unang pahina. May sulat-kamay na naman, yung same na pamilyar na sulat. "Congratulations! Kung binabasa mo na 'to, ibig sabihin... desperada ka na." "Aba!" Napasinghal ako at napaupo nang tuwid. "Grabe naman tong author na to ah. Judger?" Binaliktad ko yung susunod na pahina. Malaki yung nakasulat, parang title ng teleserye. *RULE #1: MAKE HIM LOOK* Napanguso ako. "Yun lang?" Binasa ko yung paliwanag sa baba, maliit na sulat-kamay. Hindi mo kailangang maging pinakamagandang babae sa mundo. Ang kailangan mo lang ay mapatingin siya sayo nang mas matagal kaysa sa gusto niyang aminin. Napaisip ako. Hawak ko yung baba ko. "Tumingin naman siya kahapon..." bulong ko. "Saglit. Mga dalawang segundo lang..." Napahiga ako sa kama. "Pero para sabihan akong magbihis. So zero points talaga. Negative pa." Bandang alas-nuwebe ng umaga, nasa kusina ako kasama si Manang Gracia. Siya naghihiwa ng sibuyas, ako nakasandal sa counter, hawak pa rin yung libro pero nakatago sa likod. "Manang..." tawag ko. "Hmm?" hindi siya tumitingin, busy sa sibuyas. "May itatanong sana ako." "Libre ba?" sagot niya nang hindi tumitingin. Napatawa ako. "Opo. Libre." "Sige, ano yun?" "Paano mo malalaman kung napapatingin na sayo yung isang lalaki?" Biglang tumigil si Manang sa paghihiwa. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at ngumisi. "Naku..." "Bakit po?" kinakabahan ako. "Asawa mo ba yan?" tanong niya at tinaas pa yung kilay. Namula agad yung pisngi ko. Ramdam ko yung init hanggang tenga. "Hindi naman sa ganun..." depensa ko at napayuko. "Curious lang po." "Hija." Tinapik niya yung balikat ko na may dalang sibuyas pa. "Kapag lalaki ang usapan... huwag mo nang lokohin ang matandang to. Halatang halata ka." Napakamot ako ng ulo. "Huli na naman." Pagbalik ko sa kwarto, muli kong binuksan yung libro. Pinagpawisan na yung kamay ko sa kaba. *RULE #2: SMILE LIKE YOU'RE KEEPING A SECRET* Napakurap ako. "Paano yun?" Tumayo ako sa harap ng salamin na malaki sa walk-in closet. Ngumiti ako. Yung malaki. "Hindi..." Umiling ako. Ngumiti ulit ako, yung medyo nakalabi. "Mukha akong ewan." Isa pa. Yung pilit na cute. "Mas mukha akong scammer. Parang nanghihingi ng gcash." Napahawak ako sa noo ko. "Ang hirap naman nito! Paano ba ngumiti na may secret? Eh wala nga akong secret!" Sinubukan ko ulit. This time, naalala ko yung mukha ni Drake nung sinabihan niya akong magbihis. Yung inis ko, tapos yung konting kilig pa rin kahit binara niya ako. Doon, kusang ngumiti yung bibig ko. Yung ngiting alam mong may tinatago. "Ay... ito yun?" bulong ko sa salamin at kinilig ako sa sarili ko. Bandang tanghali, narinig kong bumukas yung gate. Malakas yung tunog ng kotse. Napatingin ako sa bintana. Si Drake. Akala ko nasa opisina na siya buong araw. Hindi pala. May kinuha lang sa garage. Naka white polo pa rin siya, nakatupi yung manggas. "Chance ko na," bulong ko at bigla akong kinabahan. Parang sasabak ako sa exam. Binuksan ko ulit yung libro nang mabilis. MISSION TODAY: Make him look. "Okay..." Huminga ako nang malalim at sinara yung libro. "Kaya mo to, Alliyah. Smile like you have a secret. Smile like you have a secret." Lumabas ako ng bahay. Kaswal lang suot ko. White blouse na medyo maluwag, maong na high-waist, nakatali yung buhok ko na parang pang-college lang. Paglapit ko sa sasakyan, abala si Drake sa paghahanap ng isang folder sa passenger seat. "Drake," tawag ko. Hindi siya sumagot. Tuloy lang siya sa paghahanap. Lumapit pa ako nang isang hakbang. Inayos ko yung buhok ko. "May hinahanap ka ba?" Saglit siyang tumingin sa akin, tapos balik sa folder. "Meron," tipid niyang sagot. "Pwede ba kitang tulungan?" tanong ko at lumapit pa sa may p***o ng kotse. "Hindi," sagot niya agad. Diretso. Aray. Kung sa ibang babae yun, umiyak na. Pero hindi ako umatras. Naaalala ko yung Rule #2. Ngumiti ako. Hindi pilit. Hindi OA. Yung natural lang na may tinatago. Yung ngiting kakagaling lang sa salamin. Napahinto siya. Yung kamay niya na naghahanap ng folder, huminto. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Napansin kong nakatingin siya sa mukha ko. Hindi sa blouse ko, hindi sa legs ko. Sa mukha. Sa ngiti ko. "Hmm?" Sabi niya pero parang hindi siya sigurado kung bakit siya nakatingin. Napakurap siya. Parang bigla siyang natauhan at umiwas ng tingin. "Tama na," sabi niya at isinara nang malakas yung compartment. Napakunot-noo ako. "Ha? Anong tama na?" "Huwag mo akong ngingitian ng ganyan." "Bakit?" tanong ko at lumapit pa nang kaunti. "Pangit ba?" Hindi siya sumagot. Isinara niya yung pintuan ng sasakyan nang may lakas. "Late na ako," sabi niya at sumakay agad. Iniwan akong nakatayo sa driveway, hawak pa rin yung libro sa likod ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Pero bago tuluyang umalis yung sasakyan, napansin kong hindi agad umandar. Mga limang segundo rin itong nakahinto sa tapat ko. Hindi gumagalaw. Parang may hinihintay. O may iniisip. Kita ko sa side mirror, nakatingin siya sa harap, pero yung kamay niya mahigpit sa manibela. Pagkatapos, saka lang ito umalis nang mabilis. Napangiti ako. Yung totoong ngiti na kanina ko pa pine-practice. "Napatingin ka..." Mahina akong tumawa. "Kahit konti." Pagpasok ko ulit ng bahay, para akong nanalo sa lotto. Agad kong binuksan yung libro at naupo sa sahig. Sa ibaba ng Rule #2, may maliit na kahon na parang checklist. MISSION STATUS ☐ Failed ☑ He looked. Napalakpak ako nang mahina at napatalon. "One point for me! One point!" Hindi ko namalayang may nakatayo na pala sa likod ko habang nagsasayaw ako sa kilig. "Ano'ng one point?" boses ng lalaki. Napatalon ako sa gulat at nabitawan yung libro. Paglingon ko, nakangisi si Allen habang nakasandal sa p***o ng library, may dalang bottled water. "Hala!" Sigaw ko at dali-daling pinulot yung libro. "Kailan ka pa dumating?" "Narinig ko lahat," sabi niya at lumapit, pinulot yung librong nalaglag sa paanan niya. Tiningnan niya yung cover. "Kanina pa ako dito, nasa kusina. Nagpalamig lang." Parang gusto ko na lang lamunin ako ng sahig na marmol. Ngumisi si Allen at itinuro yung librong hawak ko, tinapat pa sa mukha ko. "Wait... 'How to Seduce Your Husband?' Huwag mong sabihing sinusubukan mong i-practice yan kay Drake?" Napasinghap ako. "Hindi!" Mabilis kong inagaw yung libro sa kamay ni Allen, muntik ko pang matapakan yung paa niya sa pagmamadali. "Hindi 'to akin!" Tinaas ni Allen ang dalawang kamay niya, parang sumusuko sa pulis. "Easy! Easy! Hindi kita inaagawan. Sayo yan, sayo." Namumula na yung buong mukha ko. Ramdam ko hanggang leeg at tenga yung init. Yung buhok ko na nakatali, gusto ko na lang ipangtakip sa mukha ko. "Wedding gift lang 'to!" depensa ko, taas-baba yung boses. "Ahh..." Tumango siya na kunwari naniniwala, pero halatang pinipigilan yung tawa. "Wedding gift." "Oo!" "Na binabasa mo." Tiningnan ko siya nang masama. Hawak ko pa rin yung libro na parang ebidensya ng krimen. "At may checklist pa," dagdag niya at sinilip yung page na nakabukas kanina. "At may one point ka na. Kay Drake." Napapikit ako nang mariin. Napahawak ako sa noo ko. "Pwede bang ibaon mo na lang ako sa lupa ngayon? Please lang?" Doon na siya tuluyang napahalakhak. Yung tawa niyang malakas na parang nasa bar kami, hindi sa library ng Santillian Mansion. "Grabe." Pinunasan pa niya yung gilid ng mata niya sa kakatawa. "Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nag-aaral manligaw sa sarili niyang asawa. Usually baliktad ah?" Mas lalo akong namula. Gusto ko nang maglaho. "Huwag mo ngang ipagsabi kay Drake," bulong ko at hinila ko yung manggas niya. "Seryoso, Allen. Please." Biglang tumigil sa pagtawa si Allen. Parang nag switch. Tumingin siya sa librong hawak ko, tapos diretso sa mukha ko. Yung ngisi niya nawala. "Relax," sabi niya at medyo bumaba yung boses niya. "Secret natin. Hindi ako madaldal pagdating sa mga ganito." Napabuntong-hininga ako nang malalim. Yung kanina kong kaba, medyo nabawasan. "Thank you," sabi ko at niyakap ko yung libro sa dibdib ko. "Kaso..." sabi niya at tinaas ulit yung isang kilay. Napakunot-noo ako. "Ano na naman?" Ngumisi siya ulit. Yung ngising parang may alam na hindi ko alam. "Sa tingin ko..." Lumapit siya nang kaunti, isang hakbang lang pero sapat na para marinig ko lang. Bumulong siya na parang coach. "Wrong rule ang sinusunod mo." "Huh?" Napaatras ako nang konti. "Anong wrong rule?" "Kung ako tatanungin mo..." Itinuro niya yung libro gamit yung chin niya. "Huwag mong piliting mapatingin si Drake." Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Kundi..." Huminto siya sandali, sinigurado na nakatingin ako sa kanya. "Bigyan mo siya ng dahilan para hindi makaiwas." Natigilan ako. Bigyan ng dahilan para hindi makaiwas. Parang... may point siya. Hindi yung habulin mo ng tingin, pero yung kahit ayaw niyang tumingin, wala siyang choice kundi tignan ka. Nakabukas pa yung bibig ko, magtatanong pa sana ako kung paano, nang eksaktong bumukas yung main door sa baba. Malakas yung tunog ng pagbukas. Pareho kaming napalingon ni Allen. Nakatayo roon si Drake. Kakapasok lang niya. Hawak pa niya yung susi ng sasakyan at yung folder na binalikan niya sa opisina. Diretso yung tingin niya sa amin. Kay Allen. Tapos sa akin. Tapos sa librong yakap ko. Humigpit yung panga niya. "Hindi ba kayo naiinitan?" malamig niyang tanong. Napakurap ako. "Ha?" "Hindi ba masyado kayong magkalapit?" Doon ko lang napansin. Isang hakbang lang pala yung pagitan namin ni Allen. Mabilis akong umatras. "Drake, hindi ganun—" Hindi niya ako pinatapos. "Allen." Lumingon siya sa kaibigan niya. "Nandito ka para makipag-usap sa asawa ko... o para gawin yung ipinapagawa ko?" Napakamot si Allen sa batok. "Easy, bro. Nagkukuwentuhan lang kami." "Hmm." Tumango si Drake pero halatang hindi kumbinsido. Isinuksok niya yung dalawang kamay sa bulsa at dumaan sa pagitan namin. Pagdaan niya, saglit niyang tiningnan yung librong yakap ko. Nanlaki yung mata ko. Nabasa niya yung title. *How to Seduce Your Husband* Umangat nang bahagya yung isang kilay niya. Tapos umakyat na siya sa second floor nang walang sinasabi. Naiwan kaming dalawa ni Allen. "Allen," bulong ko. "O?" "Feeling mo... nabasa niya?" Napakamot siya sa ulo. "...Feeling ko." Tumitig ako sa librong hawak ko. Tapos napapikit ako. "Patay."ALLIYAH'S POV :Halos alas-singko na nang makarating ako sa Santillian Mansion. Pagod katawan ko buong araw, pero mas pagod yata utak ko sa kakaiwas kay Gwen. Sa bawat break, inaabangan niya ako sa pantry para ulitin yung eksena sa hallway."Rice cooker..." bulong ko habang bumababa ng sasakyan. "Bwisit ka talaga, Gwen."Pagpasok ko sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ni Manang Gracia. May kakaiba sa mukha niya."Hija, buti dumating ka na," wika ni Manang."Bakit po, Manang? May nangyari ba?" tanong ko."May dumating na package kaninang tanghali. Hindi namin ginalaw. Nasa sala," sagot niya.Napalingon ako sa center table. May malaking puting kahon doon. Matte wrapper, itim ang ribbon, malinis ang pagkakabalot. Walang pangalan ng sender, walang logo.Lumapit ako."Para kanino po?" tanong ko."Ikaw daw," sagot ni Manang."Ako?" Tumango si Manang. "Nakasulat, Mrs. Drake Santillian."Napatigil ako. Simula nang ikasal kami, ngayon lang may dumating na package na nakapangalan sa akin bil
ALLIYAH'S POV : "Besh, effective ka pala."Tinapik ko nang dalawang beses yung pink na libro na nakadapa sa kama. Lukot pa rin yung cover, may tupi pa sa gilid at may maliit na mantsa ng kape sa may likod kasi ilang beses ko nang hinagis sa pader nitong nakaraang linggo.Hinagis ko kasi sabi niya magsuot ako ng pula, sunod titigan ko daw si Drake nang matagal, at halos mamatay ako sa hiya. Pero ngayon, Hindi ko na siya mahagis. Parang may utang na loob na ako. Binuklat ko ulit ..*Rule #10 : Ang isang muntik na halik ay mas mapanganib kaysa sa totoong halik.Umupo ako sa gilid ng kama, nakayakap sa unan, at binasa ulit nang paulit-ulit yung linya na parang may exam ako mamaya at ito yung coverage."Sige na, panalo ka na sa round na ito. Hindi kita ibebenta sa bangketa, hindi pa sa ngayon. Diyan ka lang muna sa drawer. Pero kapag naging mayabang ka at sinabi mong ikaw na dahilan kaya kami magkakatuluyan ni Drake, babalutan talaga kita ng plastic at iiwan kita sa waiting shed."Isinik
ALLIYAH'S POV :Pagkatapos ng insendente sa lingerie department sa mall, isang linggo kong pinag-isipan kung ibebenta ko na ba sa bangketa yung librong : "How to Seduce Your Husband"Isang buong linggo na hindi ako makatulog nang maayos kakaisip kung paano ako nagmukhang balot na nahulog sa mantika sa harap ng asawa ko. Naka-red lace ako noon, dapat sexy. Pagbukas ni Drake ng pinto, natapilok ako sa kurtina, sumabit yung lace sa door knob, at muntik ko pang mahila yung buong kurtina pababa. Sabi niya lang, "Ano yan?" Tapos umalis.Kaya ngayon, nakadapa ako sa kama, nakataas ang dalawang paa ko na parang bata, hawak yung pink na libro. Lukot na yung gilid kasi ilang beses ko na itong naihagis sa pader tuwing naiinis ako sa author.Binuklat ko sa susunod na page. May pa-heart pa na sticker sa gilid na ako lang nagdikit.* Rule #10 : "Kapag medyo lumalambot na ang asawa mo, gumawa ka ng sitwasyong kayong dalawa lang. Ang isang muntik na halik ay mas mapanganib kaysa sa totoong halik"N
ALLIYAH'S POV : Alas-diyes pa lang ng umaga pero sira na agad ang araw ko. Nakaupo ako sa opisina ko sa Samonte Group, nasa harap ko yung monthly report. Kanina ko pa binabasa yung Page 3. Kanina pa. Hindi pumapasok sa utak ko. Sa pangatlong basa ko, may narinig akong kaluskos sa gilid. Si Gwen, yung secretary ko, nakasilip sa table ko, nakataas ang kilay. "Ma'am," mahina niyang sabi, medyo nag-aalangan. "Page three pa rin po kayo." Napatingala ako. Lutang. "Ha?" Tinaas ni Gwen yung daliri niya, tinuro yung hawak ko. "Five minutes na po kayong nakatitig diyan. At Ma'am... baliktad po yung ballpen niyo." Napayuko ako. Totoo. Yung takip ng ballpen yung ipinang-susulat ko sa papel. May guhit pa ng walang tinta. "Ay!" Mabilis kong binaliktad. Napahawak ako sa noo ko, ang init ng pisngi ko. "Sorry, sorry. Wala akong tulog eh." Umupo si Gwen sa gilid ng table ko, bumaba yung boses, parang nagchichismis. "Nag-away ba kayo ni Sir Drake?" Umiling ako agad, masyadong mabilis. "Hindi
ALLIYAH'S POV :Hindi ako makatulog.Pangatlong beses ko nang nagpalit ng posisyon sa kama. Paharap. Patagilid. Padapa. Niyakap ko yung unan. Tinulak ko yung kumot. Wala.Nakadilat pa rin ako habang nakatitig sa kisame ng guest room. Alas dose na pero gising na gising pa rin yung utak ko.Napabuntong-hininga ako at hinila yung kumot hanggang baba."Hay naku, Alliyah."Bakit ba kasi kailangan niyang sabihin yun?"One spray is enough to make someone lose focus."Paulit-ulit na umiikot sa isip ko yung mababa niyang boses kanina sa kwarto. Tapos yung paraan ng pagtitig niya sa akin na parang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi bastos. Hindi rin malamig tulad ng dati. Parang... may something.Tapos yung pagyuko niya nang konti para lang maamoy yung perfume ko.Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Mainit pa rin hanggang ngayon. Parang hindi pa bumababa yung dugo sa mukha ko."Ano ba yan, Alliyah..." bulong ko sa sarili habang nakatalukbong ng kumot. "Asawa mo lang yun. Asawa m
DRAKE'S POV :Alas-diyes na ng gabi nang tuluyan kong maiparada yung sasakyan sa harap ng Santillian Mansion.Pagod yung buong katawan ko. Tatlong meeting. Dalawang emergency conference. Halos isang dosenang tawag mula sa iba't ibang investors. Gusto ko na lang humiga at matulog.Pagbukas ko pa lang ng pinto ng sasakyan, agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi.Pero may isa pang bagay na mas mabilis kong napansin kaysa sa lamig.Isang pamilyar na amoy. Mainit na sabaw. Sampalok. Bawang. Pritong isda.Napahinto ako sa paglalakad.Sinigang?Napkunot-noo ako. Hindi naman nagluluto ng ganitong oras si Manang Gracia. Alas-diyes na. Tulog na dapat siya.Pagpasok ko sa loob ng mansion, mas lalong lumakas yung amoy. Galing sa dining room.Lumabas si Manang mula dun, may hawak na tray."Good evening po, Sir," bati niya na may ngiti."May okasyon?" tanong ko habang hinuhubad yung coat ko."Wala po.""Tapos bakit may pagkain?""May naghanda po para sa inyo."Hindi ako nagsalita. Hindi







