FAITH'S POV
KAKAALIS lang ng driver ni Matteo na syang naghatid sa akin dito sa school at ngayon ay naglalakad na ako papasok ng aming school gate- nang biglang may humablot ng aking braso.
Pagkaharap na pagkaharap ko palang ay isang malutong na sampal na ang tumama sa aking pisngi dahilan para mapabaling ang mukha ko.
"That's for hurting your sister!" Sigaw ni Mama habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
"M-ma? Hindi ko sinaktan si Freya. A-ano po bang sinasa-" again, I receive another slapped but this time ay mas malakas na kaya alam kong mag-iiwan yun ng marka sa aking pisngi.
"Nagpunta siya rito nung nakaraan para manghingi ng tulong sayo dahil walang-wala na kami, but what did you do?! Sinaktan mo siya at inisulto mo pa!"
Napamaang ako sa narinig. Ni minsan ay hindi ko kailanman sinaktan si Freya. Oo at palagi niya akong iniinsulto at tinatawag ng mga kung ano-ano pero never kong naisip na saktan siya. I would never do that to my own sister.
"Porque't napangasawa mo ang lumpo at bulag na yun ay sa tingin mo mas mataas kana sa amin, ha?! Let me remind you na kung hindi dahil sa akin at kung hindi nag back out ang kapatid mo sa nakatakda nilang kasal ng Matteo na yun ay paniguradong siya ang nagbubuhay reyna ngayon!"
Maraming mga kapwa ko istudyante ang ngayon ay nanonood na sa amin. May nag bubulungan habang yung iba ay nag video pa.
"Kung nakakakita lang si Matteo, sa tingin mo gugustuhin niyang maikasal sayo? Baka nga ni tingnan ka lang ay hindi niya pa magawa dahil mataba at panget ka! You hear me? You're nothing but an ugly, fa-"
I didn't let her finish her words dahil kaagad na akong tumakbo palayo. May naririnig pa akong mga tawanan sa paligid na kahit pilit ko mang ignorahin ay hindi ko magawa.
"Faith." Hindi pa man din ako nakakalayo ay may tumawag na sa pangalan ko at nang tingnan ko kung sino yun ay sumalubong sa akin ang nanlilisik sa galit na mga mata ni Matteo.
"You, kneel and beg for my wife's forgiveness." Puno ng diin na saad ni Matteo.
"Pero, Mr. Monte-"
"You heard me."
Tulala parin ako habang nakatitig kay Matteo. Hindi ko alintana ang mga nangyayari ngayon dahil mas nakatoon ang aking buong atensyon sa kanya. Hindi siya bulag at yun yung una kong napansin.
"Hah! At bakit naman ako luluhod at hihingi ng tawad sa babaeng yan? That ugly fat– oh my god!"
Biglang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril na agaran kong ikinapitlag sa gulat. Doon lang ako natauhan atsaka mabilis na nilibot ng tingin ang buong paligid, and I was stunned.
"Kaya kitang patayin ngayon kung gugustuhin ko, but since you're my wife's mother I'm giving you the chance to save your fucking self by saying sorry to her." Kalmado pero nakakatakot na usal ni Matteo habang walang emosyon ang mukha na nakatingin kay Mama.
Yung mga taong kanina lang ay nanonood sa amin, ngayon ay parang mga bulang naglaho. Nagkukumahog ang mga itong magsi-alisan matapos marinig ang malakas na putok ng baril. Ang ipinagtatakha ko ay kung bakit wala man lang lumapit dito sa amin para umawat, miski yung school guard na nagbabantay sa may gate ay hindi man lang naglakas loob.
"F-faith, anak, p-patawad sa mga masasakit na salitang nasabi ko sa'yo.." my mom pleadingly said while kneeling in front of me. Umiiyak siya at bakas sa kanyang mga mata ang takot.
Mariin akong napapikit. Sa ngayon ay hindi ko pa siya kayang makita matapos niya akong ipahiya sa maraming tao.
Tiningnan ko si Matteo at nahuling nakatitig pala ito sa akin. May kakaiba sa kanyang mga mata na hindi ko matukoy kung ano. Suddenly, my heart beats fast and I don't know why. Kaagad akong nag-iwas sa kanya ng tingin tsaka muling binalingan si Mama.
"U-umalis kana,"
Kaagad naman siyang tumayo at pagkuwan ay may ibinulong ito sa akin.
"Masuwerte ka ngayon pero hindi ibig sabihin nun na tatantanan na kita. Tandaan mo, basura ka parin."
Pagkaalis niya'y saka palang tulayang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Ikaw na ang bahalang umayos rito." Ang sabi ni Matteo sa tauhan niya na mabilis naman siyang tinangoan He, then turned to look at me.
"Let's go h-"
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil kaagad na akong nanakbo papalayo. Ngayon na nalaman kong hindi naman pala siya bulag ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya sa kadahilanang nahihiya ako, nahihiya ako sa itsura ko.
Panget at mataba ako kaya paniguradong kukutyain niya rin ako tulad ng kung paano ako kutyain ng sarili kong pamilya. Or baka nga nagsisisi na yun siya kasi sa katulad ko siya nagpakasal.
**********
PAGKATAPOS ng araw na yun ay hindi na ako umuwi pa sa bahay ni Matteo. Kasalukuyan akong nakikitira rito sa apartment ng kaibigan kong si Elyse.
"Baka nag-aalala na sayo si Tita. Tatlong araw kanang hindi umuuwi, e."
Mapait akong napangiti dahil sa sinabing yun ni Elyse. "Para namang hindi mo kilala ang nanay ko. Allergic yun sa panget kong mukha kaya balewala lang kahit hindi niya ako makita."
I hear her sighed. "Ewan ko ba d'yan kay Tita kung bakit hate na hate ka e, 'di hamak naman na mas mabait at mas maalaga ka compare dun sa kakambal mong ubod ng pagka maldita."
Hindi na ako nagsalita pa't inabala na lamang ang aking sarili sa pagbabasa ng libro. Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok sa may pinto.
"Pakibuksan muna, besty. Yan na siguro yung pagkain na inorder ko for our dinner." Ang ani Elyse na tinangoan ko lang. Naglakad ako palapit sa may pintoan at binuksan yun.
"Milady,"
My forehead instantly creased dahil sa taong nakatayo ngayon sa aking harapan. Kilala ko ito, isa lamang ito sa mga tauhan ni Matteo. What is he doing here?
"Bakit?"
"My boss sended me here to fetch you, milady." Seryoso ang mukhang turan nito.
Pinadala siya rito ni Matteo para sunduin ako? Bakit? 'Di ba dapat ay wala na siyang pakealam sakin?
FAITH'S POV Para akong tangang nakatitig sa kisame ng aking kuwarto habang inaalala ang nakakahiyang tagpo kanina lang. Nakakainis! Sa aming dalawa ni Matteo ay siya dapat itong mahiya dahil siya yung nagpakita nung ano– alam nyo na yun. Pero ang loko, nagawa pa talaga akong asarin, tuloy ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Shet naman kasi, sa dami ng pupwede kong makita ay iyong sundalo niya pa talaga! Sa tanang buhay ko ay ito palang ang unang beses na nakakita ako ng gano'n– at hindi pala yun biro. Piste, sa haba at sa laki ba naman niyon, aba'y good luck nalang sa sino mang babaeng mabe-bembang nito. "Faith, iha? Pinapatawag ka ni Sir Matt, sabay na raw kayong kakain." Dinig kong sabi ni manang Nelsa mula sa labas ng aking kuwarto. "Pakisabi na hindi po ako kakain," Wika ko rito matapos siyang pagbuksan. "Ay nako, paniguradong hindi yun papayag na hindi ka kumain kaya halika na," Wala na akong nagawa pa ng hilahin niya ako palabas ng aking kuwarto't tsaka k
FAITH'S POVHanggang sa sumapit ang alas-dose ng gabi'y hindi parin bumabalik si Matteo. Ni hindi na ako mapakali dahil sa pag-aalala sa kanya. Makailang beses ko itong sinubukang tawagan pero mukhang nakapatay naman ang cell phone nito. Hindi ko tuloy alam kung papaano ito hahagilapin. Hanggang sa makatulugan ko nalang ang paghihintay sa kanya, at naalimpungatan matapos maramdamang tila may humahaplos ng aking pisngi. "Baby," Mabilis pa sa kidlat na nagmulat ako ng mga mata matapos marinig ang malalim na boses na yun ni Matteo. Pagkakita ko palang sa kanya'y agad ko siyang niyakap at doon ay isa-isang kumawala ang aking mga luha. "S-sorry..." "Hush, baby.. ako dapat ang mag sorry. I'm sorry kung bigla nalang kitang iniwan kanina." Sa sobrang gaan at lambing ng boses niya'y mas lalo lamang akong naiyak. "A-akala ko hindi kana babalik, akala ko iniwan mo na ako.." at yun yung kinakatakot ko. "Pangako, hindi ko na ulit babanggitin ang pangalan niya,"Masuyo niyang inangat ang muk
FAITH'S POVBukas ay babalik na kami ng maynila kaya, ang gusto ko'y sulitin ang mga natitira naming oras dito sa palawan. Hanggat maaari ay iniiwasan ko munang mag-isip ng mga kung ano-ano kaya ko nililibang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsama kina Herra at Jiya. The three of us did some water activities like scuba diving and snorkeling. Effective rin naman dahil kahit papaano'y nakalimutan ko ang tungkol sa Aleah na yun. "Laro us, truth or dare!" Gabi na't kakatapos lang naming mag-dinner nang biglang mag-aya si Jiya na maglaro kami. "Bilib na talaga ako sa taas ng energy mo. Ni hindi ka man lang nakaramdam ng pagod sa kabila ng mga pinaggagawa natin kanina." Ang ani Herra at napapailing nalang. Pabiro naman siyang inirapan ni Jiya. "Duh. Bukas kasi ay magba-back to reality na tayo kaya habang may oras pa'y sulitin na natin. We don't know kung kelan ulit us makakapag bond ng ganito." And she's right naman. "Tawagin nyo na ang mga asawa nyo nang makapag simula na tayo. Hoy
FAITH'S POVBAGSAK si Matteo matapos ang mahigit apat na oras nilang pag-iinoman kasama ng kanyang mga kaibigan. Ngayon ay nakahiga na ito sa kama at mukhang malalim na nga ang tulog. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya at isa lang ang masasabi ko, napaka guwapo niya parin kahit tulog. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko kung bakit sa dinami-rami ng nagagandahang babae dito sa mundo, ay bakit ako pa ang napili niyang pakasalan? Baka nga yung mga babae pa ang magpo-propose sa kanya. I mean, look at him, halos na sa kanya na talaga lahat kaya sino pa bang aayaw sa katulad niya, 'di ba. "Aleah..." Akma na sana akong tatayo para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig na ipangpupunas ko sa kanya, nang bigla itong magsalita dahilan para saglit akong matigilan. Muli kong nilingon ang gawi nito't gano'n parin naman, tulog na tulog parin siya. Don't tell me, nag s-sleep talking siya?Hindi ko na sana bibigyang pansin pa yun, ang kaso'y muli na naman itong nagsalita na sy
FAITH'S POVNagniningning ang aking mga mata habang tinitingnan ang ganda ng paligid. Tunay ngang mala paraiso ang lugar na ito at hanggang ngayon ay parang ang hirap paniwalaan na sa wakas ay nakaapak na rin ako rito and for me, it was a dream come true.."Ahm, puwede mo ba 'tong sootin?" Ang medyo nahihiyang turan ko kay Matteo habang hawak ang pink t-shirt na nabili namin kanina nina Herra at Jiyanna habang namamasyal kami. Actually, couple t-shirt talaga 'to at napag utusan lang kami ni Jiya na ipasuot 'to sa mga partner namin para daw sweet. Todo tanggi pa ako kanina sa kadahilanang nahihiya nga ako at baka hindi rin ito magustuhan ni Matteo– but then, Jiyanna was really persistent hanggang sa napilit niya na nga ako. "You bought this?" Ang may ngiting ani Matteo matapos tingnan yung t-shirt. May nakasulat dun na 'Hubby' habang yung sakin naman ay 'Wifey'. Awkward ko itong tinangoan sabay iwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi dahil sa hiya. Parang gusto ko
FAITH'S POV"M-my gosh! Matteo, look, balak 'ata akong patayin nitong-""'Cause they have my permission to do so. Inutusan ko silang lahat na barilin ang sino mang magtatangkang insultuhin ang asawa ko." Malamig ang boses na wika ni Matteo na kahit sino ay kikilabutan sa paraan ng pagsasalita nito't kung paano siya tumingin gamit ang blanko niyang ekspreyon. "Matt.." I called his attention at hindi naman ako nabigo dahil agaran itong lumingon sa gawi ko, at gamit ang kanyang wheelchair ay nilapitan niya ako atsaka masuyong hinawakan ang aking kamay. "What the.. don't tell me, she is your wife?" Ang may halong pagkadismaya na saad ng matanda matapos ako nitong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na ikinayuko ko nalang. "God, Matteo! You didn't tell me na ganyang klasi ng babae na pala ang gusto mo ngayon? Seriously, an ugly- oh my gosh!" Biglang napasinghap ang matanda matapos rin siyang tutukan ng baril ng isa sa mga tauhan ni Matteo."Isang salita pa at hindi ako magdadalawan