Share

Chapter 4

Penulis: Eckolohiya23
last update Tanggal publikasi: 2026-02-02 12:46:21

Kung ang mansyon ng mga Castillejo ay impyerno, ang Conference Room ng Castillejo Group of Companies ay ang kulungan ng mga gutom na leon.

Pagbukas ng double doors, tumambad kay Amara ang isang mahabang mahogany table. Nakaupo doon ang sampung pinakamakapangyarihang tao sa kumpanya—mga stockholders, executives, at ang mga kapatid ni Don Alfonso na matagal nang nag-aabang sa pagbagsak nito.

"Good morning," bati ni Xerxes. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa kabisera, ang pwesto ng CEO. Ang presence niya ay agad na nagpatahimik sa bulungan.

Naiwan si Amara na nakatayo sa may pinto, hindi sigurado kung saan lulugar.

"Well, well," basag ng isang matinis na boses. Si Miranda Castillejo, ang nakababatang kapatid ni Don Alfonso. Puno ng alahas ang leeg nito at matapobre ang tingin. "Dinala mo pala ang pet ng Daddy mo, Xerxes. Akala ko ba board meeting ito? Bakit may naligaw na nurse?"

Nagtawanan ang ilang board members. Namula si Amara. Gusto niyang yumuko, pero naalala niya ang bilin ni Don Alfonso. Kailangan niyang maging matapang.

"I am here as Don Alfonso's proxy," madiing sabi ni Amara, pinipilit na huwag manginig ang boses. "Hawak ko ang voting rights niya habang nagpapagaling siya."

"Voting rights?" ngumisi si Tito Rico, ang pinsan ng Don. "Hija, alam mo ba ang difference ng net income sa gross profit? O baka naman ang alam mo lang ay magpalit ng diaper ng matanda?"

Mas lalong lumakas ang tawanan. Pakiramdam ni Amara ay pinagkakaisahan siya. Tumingin siya kay Xerxes, umaasang ipagtatanggol siya nito.

Pero nakasandal lang si Xerxes sa kanyang swivel chair, pinaglalaruan ang mamahaling ballpen sa kamay. Nakatingin ito kay Amara nang may halong aliw. Parang nanonood ito ng palabas.

Wala siyang gagawin, isip ni Amara. Gusto niya akong mapahiya.

"Kung wala kayong magandang sasabihin," lakas-loob na sagot ni Amara, "Simulan na natin ang meeting. Sayang ang oras ng kumpanya."

Tumigil ang tawa ni Tito Rico. "Aba't—ang tapang mo ah. Gold digger ka lang naman na—"

BLAG!

Sabay-sabay na napatalon ang lahat nang ibagsak ni Xerxes ang kanyang palad sa mesa.

Tumahimik ang buong kwarto. Ang aliw sa mukha ni Xerxes ay napalitan ng dilim. Ang tingin niya ay nakapako kay Tito Rico.

"Tito Rico," malumanay pero nakakatakot na tawag ni Xerxes. "Tama ba ang narinig ko? Tinawag mong gold digger ang asawa ng Chairman sa harap ng board?"

"Xerxes, totoo naman," katwiran ng tiyuhin. "Wala siyang karapatan dito—"

"Si Dad ang nagpadala sa kanya dito," putol ni Xerxes. Tumayo siya at dahan-dahang naglakad palapit sa tiyuhin. "Kapag ininsulto mo ang desisyon ng Chairman, iniinsulto mo ang kumpanya. At kapag ininsulto mo ang asawa niya... parang sinabi mo na ring tanga ang tatay ko sa pagpili ng asawa."

Huminto si Xerxes sa likod ng upuan ni Amara. Hinawakan niya ang sandalan ng upuan nito—isang possessive gesture na nagpatindig ng balahibo ni Amara.

"Ako lang ang pwedeng magalit sa kanya," bulong ni Xerxes, sapat lang para marinig ng mga nasa malapit. Tumingin siya sa buong board. "She holds 51% of the proxy votes. So technically, siya ang boss niyo ngayon habang wala ako. Unless gusto niyong tanggalan ko kayo ng pwesto sa board?"

Namutla si Miranda at Rico. Alam nilang hawak ni Xerxes at Alfonso ang majority shares. Walang mananalo sa kanila.

"Sit down, Amara," utos ni Xerxes.

Mabilis na umupo si Amara sa upuan sa kanan ni Xerxes. Nanginginig pa rin ang tuhod niya, pero nagpasalamat siya nang tahimik.

Nagsimula ang presentation. Tungkol ito sa Castillejo Medical Foundation. Gustong ipasara ni Miranda ang charity wing ng ospital nila para gawing VIP aesthetic center. Mas malaki daw ang kita.

"Lugi tayo sa charity ward," paliwanag ni Miranda. "Limang milyon ang tapon natin buwan-buwan sa mga mahihirap na pasyente. We need to convert it into a dermatology clinic. Mas kikita tayo."

Tumango-tango ang mga board members. "Agree. Business is business."

Hindi nakatiis si Amara. Alam niyang ito ang pet project ni Don Alfonso. Ito ang legacy ng yumaong ina ni Xerxes.

"Hindi po papayag si Don Alfonso," biglang singit ni Amara.

Napatingin ang lahat sa kanya.

"Excuse me?" mataray na tanong ni Miranda.

"Ang charity ward po ang puso ng Castillejo Hospital," paliwanag ni Amara, lumalabas ang pagiging nurse niya. "Itinayo 'yan ni Don Alfonso para sa alaala ng asawa niya—ng Mommy ni Xerxes. Kung ipapasara niyo 'yan, mawawalan ng tulong ang libu-libong indigent patients. At sisirain niyo ang pangalan ng pamilya."

"Wala kaming pakialam sa sentimentality!" sigaw ni Rico. "Pera ang pinag-uusapan dito! Ano bang alam mo?"

"Alam ko na kapag ginawa niyo 'yan, mawawalan ng tax exemption ang kumpanya," mabilis na sagot ni Amara. Nag-research siya kagabi. "Ang foundation ang nagbibigay sa atin ng tax shield. Kapag nawala 'yon, mas malaki pa ang babayaran niyo sa gobyerno kaysa sa kikitain niyo sa aesthetic center."

Natigilan si Rico. Nagkatinginan ang mga board members. May point siya.

Napalingon si Amara kay Xerxes. Nakatingin ito sa kanya. Hindi na ito nakangisi. Seryoso ito. May gulat sa mga mata nito. Hindi nito inaasahan na may alam si Amara.

"She has a point," simpleng sabi ni Xerxes. Sinara niya ang folder sa harap niya. "The charity ward stays. Meeting adjourned."

Tumayo si Xerxes at mabilis na lumabas.

Nakahinga ng maluwag si Amara. Nairaos niya. Pero kailangan niyang habulin si Xerxes.

Sinundan niya ito sa hallway. Mabilis maglakad si Xerxes, parang hangin.

"Xerxes! Sandali!"

Huminto si Xerxes sa tapat ng elevator. Pinindot nito ang down button. Humarap ito kay Amara, blangko ang mukha.

"Thank you," hingal na sabi ni Amara. "Sa pagtatanggol sa akin kanina."

Bumukas ang elevator. Hinila ni Xerxes si Amara papasok at mabilis na pinindot ang Close.

Nang silang dalawa na lang sa loob ng metal box, nawala ang pagiging professional ni Xerxes.

Isinandal niya si Amara sa dingding ng elevator. Cornered. Again.

"Huwag kang mag-assume, Amara," bulong ni Xerxes, ang mukha ay inches away na naman sa kanya. "Hindi kita ipinagtanggol dahil gusto kita. Ipinagtanggol kita dahil ayokong isipin nila na mahina ang tatay ko."

"Kahit na," sagot ni Amara, tumitingin sa mga mata nito. "Yung tungkol sa charity ward... alam kong mahalaga 'yon sa'yo. Dahil 'yon sa Mommy mo."

Natigilan si Xerxes. Saglit na lumambot ang ekspresyon nito. Isang segundo ng kahinaan.

"Naalala mo pa pala," mahina niyang sabi.

Dahan-dahang itinaas ni Xerxes ang kamay at hinaplos ang pisngi ni Amara. Ang hawak niya ay hindi na masakit. Ito ay... nangungulila.

Napapikit si Amara. Ang bango ni Xerxes ay bumabalot sa kanya. Ang init ng katawan nito ay nagpapalimot sa kanya na mag-ina na sila sa mata ng batas.

"Bakit, Amara?" bulong ulit ni Xerxes, parang bata. "Bakit kailangang maging magaling ka? Bakit kailangang ipaalala mo sa akin kung bakit kita minahal noon?"

Bago pa makasagot si Amara, bumukas ang pinto ng elevator. Ting!

Nasa parking lot na sila.

Mabilis na lumayo si Xerxes. Bumalik ang yelo sa mga mata nito.

"Get in the car," utos nito, wala na ang lambing. "May pupuntahan tayo. At siguraduhin mong hindi ka magkakalat."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 34

    Isang Taon ang Nakalipas.Tahimik ang buong paligid sa loob ng Presidential Suite ng St. Luke’s Medical Center. Ngunit ang katahimikang ito ay hindi nagdadala ng takot o kaba, kundi purong pag-asa.Nakatayo si Amara sa gilid ng hospital bed, mahigpit na nakahawak sa kamay ng matipunong lalaking nasa likuran niya. Ang malalaking palad ni Xerxes ay nakabalot sa nanginginig niyang mga daliri, nagbibigay ng init at kasiguraduhin na anumang mangyari, hindi na siya muling mag-iisa.Sa harap nila ay nakaupo si Dr. Ong, hawak ang pinakabagong laboratory results at bone marrow biopsy ni Kiko.Si Kiko, na ngayon ay dalawampung taong gulang na, ay nakaupo sa dulo ng kama. Hindi na siya ang payat, kalbo, at maputlang pasyente na kinailangang itakas ni Amara papuntang Lopez, Quezon noon. Ngayon, makapal at bagsak ang itim nitong buhok. Matipuno na ang pangangatawan nito, puno ng kulay ang mga pisngi, at ang mga mata ay nag-uumapaw sa buhay. Suot nito ang isang simpleng t-shirt at maong, mukhang is

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 33

    Alas-nuwebe y medya ng umaga.Sa loob ng Master Bedroom ng penthouse, nakatayo si Amara sa harap ng full-length mirror. Nawala na ang kupas na denim overalls at simpleng t-shirt na naging uniporme niya sa Lopez. Pinalitan ito ng isang designer black power suit na eksaktong nakayakap sa kanyang mga kurba. Ang kanyang buhok ay tuwid na tuwid at nakalugay, at ang kanyang mga labi ay pinintahan ng matapang na kulay pulang lipstick.Hindi na siya ang natatakot na biktima. Ngayon, kaharap niya ang repleksyon ng isang reyna.Naramdaman niya ang maiinit na kamay ni Xerxes na gumapang sa kanyang baywang mula sa likuran. Nakasuot ang bilyonaryo ng charcoal gray three-piece suit, ang kanyang buhok ay perpektong naka-istilo, at ang pamilyar na malamig at makapangyarihang awra ay muling bumalot sa kanya."Perfect," malalim na bulong ni Xerxes, tinititigan ang repleksyon nilang dalawa sa salamin. Isinuot niya ang isang mamahaling diamond necklace sa leeg ni Amara. "Handa ka na bang bawiin ang atin,

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 32

    Alas-onse na ng gabi nang pumasok ang itim na Range Rover ni Xerxes sa VIP basement parking ng Castillejo Towers sa Makati.Matapos ang mahabang byahe mula Lopez, Quezon, sinalubong sila ng nakakabinging katahimikan ng siyudad. Walang ingay ng kuliglig o amoy ng dagat. Dito, ang hangin ay amoy aircon, mamahaling sasakyan, at kapangyarihan.Bumaba silang tatlo. Agad na sumalubong sa kanila si Rocco, ang head of security ni Xerxes, kasama ang dalawa pang tauhan na nakasuot ng itim na suit."Welcome back, Sir Xerxes," pormal na bati ni Rocco, bago bahagyang yumuko nang makita si Amara. "Ma'am Amara. Masaya po kaming nakabalik kayo nang ligtas."Hindi sanay si Amara sa ganitong pagtrato, pero pinilit niyang ngumiti at tumango. Kinuha ng mga tauhan ni Rocco ang mga duffel bags nila mula sa likod ng SUV.Si Kiko, na ngayon ay gising na gising na, ay palihim na nililibot ang paningin sa paligid. Bilang isang labinsiyam na taong gulang na binata na mahilig sa arkitektura, hindi niya maiwasang

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 31

    Mabigat ang katahimikan sa loob ng Majo Flower Shop. Ang hangin ay amoy nadurog na rosas, sampaguita, at ang musks ng dalawang taong katatapos lamang magsalu-salo sa isang marahas at mapusok na pag-angkin. Tahimik na pinulot ni Amara ang kanyang denim overalls at t-shirt mula sa sahig. Nanginginig pa rin ang kanyang mga binti, ramdam na ramdam ang pamamaga at init sa kanyang pagkababae matapos ang walang-awang pagbaon ni Xerxes. Sa kabilang banda, nakatayo si Xerxes habang isinusuot ang kanyang itim na t-shirt. Ang kanyang buhok ay gulo-gulo, at ang kanyang mga mata—na kanina ay nanlilisik sa galit—ay ngayon ay may bahid na ng kakaibang kapayapaan. Nakuha na niya ang kanyang reyna. Nang matapos magbihis si Amara, sinubukan niyang ayusin ang ilang plorera na nabasag nila kanina. "Hayaan mo na 'yan," malamig ngunit kalmadong utos ni Xerxes. Lumapit siya kay Amara at hinuli ang kamay ng dalaga. Mahigpit ang kanyang hawak, isang pisikal na paalala na hindi na ito makakawala pa. "Wala

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 30

    Nanginginig ang mga kamay ni Amara habang pinitpit ang roll-up door ng kanyang tindahan. Ang tunog ng bakal na bumababa ay tila hudyat ng kanyang tuluyang pagkabilanggo. Sa loob, ang tanging liwanag ay ang iilang sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng bubong, na nagbibigay ng madilim at mainit na atmospera na amoy lanta at sariwang bulaklak. Lumingon si Amara, at doon, sa gitna ng mga balde ng rosas at daisies, nakatayo si Xerxes—isang madilim na anino na puno ng banta. "Xerxes, please... 'wag dito..." pagmamakaawa ni Amara, pero ang boses niya ay walang lakas. Hindi sumagot si Xerxes. Humakbang siya palapit, bawat yabag ng kanyang boots sa sementong sahig ay tila pintig ng puso ni Amara. Nang maabot niya ang dalaga, hindi siya nag-atubili. Hinablot niya ang bewang ni Amara at isinandal ito nang marahas sa mahabang mesa kung saan nag-aayos ang dalaga ng mga bulaklak. Nalaglag ang mga gunting, ribbons, at plorera. Crash! Pero walang pakialam si Xerxes. "Anim na buwan, Amara," un

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 29

    Apat na oras.Apat na oras na walang patid na pagmamaneho sa ilalim ng malakas na ulan. Mahigpit ang hawak ni Xerxes sa manibela ng kanyang itim na Range Rover, ang mga mata ay nakatutok sa basang kalsada. Nang makapasok siya sa boundary ng probinsya, unti-unting tumila ang ulan, nag-iiwan ng amoy ng basang aspalto at sariwang lupa.Nilampasan niya ang isang malaking kulay berdeng bus na may nakasulat na MARY ANN sa tagiliran nito. Pamilyar na sa kanya ang mga kalsadang ito base sa report ng investigator niya. Malapit na siya.Pagdating sa mismong sentro ng bayan ng Lopez, Quezon, bumagal ang takbo ng SUV niya. Ang malaki at mamahaling sasakyan ni Xerxes ay agaw-pansin sa gitna ng mga naglipanang tricycle at jeepney, pero wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya.Huminto siya sa gilid ng kalsada, malapit sa isang establisyimento na may karatula na D.E SHOE SALOON. Pinatay niya ang makina.Bumaba si Xerxes. Nakasuot siya ng isang simpleng itim na v-neck t-shirt, itim na m

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 18

    Mabigat ang bawat hakbang ni Xerxes habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng St. Luke’s Medical Center. Ang amoy ng ospital—isang pinaghalong antiseptic, rubbing alcohol, at takot—ay sumusundot sa ilong niya. Dati, ang amoy na ito ay nagpapaalala sa kanya ng sakit ng ama niya. Pero ngayon, ito

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-22
  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 19

    Alas-onse na ng gabi nang makauwi si Amara sa Castillejo Mansion.Tahimik ang buong bahay. Wala na ang mga katulong na naglilinis, tulog na rin si Manang Sol. Ang tanging liwanag ay nanggagaling sa grand chandelier sa foyer na naka-dim light, at sa bukas na ilaw mula sa kusina.Pagpasok ni Amara, a

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-22
  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 16

    Alas-sais ng umaga.Nagising si Amara sa malawak na kama ni Xerxes. Masakit ang buong katawan niya. Mahapdi ang kanyang pagkababae, namamaga ang kanyang mga labi, at may mga pasa siya sa pulso at leeg—mga ebidensya ng bayad na ibinigay niya kagabi.Karaniwan, iiyak siya. Magtataklob siya ng kumot a

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-21
  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 15

    Ang hangin sa loob ng Master Suite ay naging kumukulong asido.Nakahiga si Amara sa malambot na kama, pero ang pakiramdam niya ay nakapako siya sa krus. Sa ibabaw niya ay si Xerxes—mabigat, mainit, at amoy alak. Ang mga mata nito ay nilalamon ng dilim, galit, at isang uri ng gutom na matagal nang i

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-20
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status