Share

Chapter 5

Penulis: Eckolohiya23
last update Tanggal publikasi: 2026-02-06 07:39:48

Gabi na nang makauwi si Amara sa Castillejo Mansion. Mabigat ang kanyang mga hakbang habang umaakyat sa grand staircase ng main entrance. Ang buong katawan niya ay sumisigaw ng pagod—hindi lang pisikal, kundi emosyonal at mental.

Isang araw pa lang siyang Mrs. Castillejo, pero pakiramdam niya ay sampung taon na ang ibinawas nito sa buhay niya.

Matapos ang board meeting kaninang umaga kung saan muntik na siyang lapain ng mga kamag-anak ni Don Alfonso na sina Tita Miranda at Tito Rico, dumiretso naman siya sa St. Luke’s Medical Center para asikasuhin ang admission ng kapatid niyang si Kiko.

Naalala niya ang sinabi ng oncologist kanina habang pinipirmahan niya ang mga dokumento sa admission counter.

“We need to start the aggressive chemotherapy tomorrow, Ms. Amara. Masyadong mabilis ang pagkalat ng blast cells sa dugo niya. And be prepared for the side effects... and the cost.”

Napabuntong-hininga si Amara habang binubuksan ang dambuhalang pinto ng mansyon. Kaya ko ‘to, bulong niya sa sarili, pilit na pinapatatag ang loob. Isang taon lang. Isang taon ng impyerno sa piling ng mga Castillejo kapalit ng buhay ng kapatid ko. Kakayanin ko kahit ano.

Pagpasok niya sa grand foyer, inaasahan niyang sasalubungin siya ng katahimikan at dilim. Alas-onse na ng gabi, at karaniwang tulog na ang buong kabahayan, lalo na ang mga katulong at si Don Alfonso.

Pero hindi pa man siya tuluyang nakakapasok, naramdaman na niya ang kakaibang bigat sa hangin.

Iba ang amoy ng mansyon ngayon.

Karaniwan, amoy lemon polish, old wood, at lavender disinfectant ang lobby dahil sa masusing paglilinis ni Manang Sol. Pero ngayon, humahalimuyak ang isang matapang at mamahaling pabango ng babae—Chanel No. 5. Matamis, nakakahilo, at siguradong hindi sa kanya. Wala siyang pambili ng ganoong pabango, at lalong hindi gumagamit ng pabango ang mga nurse na tulad niya.

"Manang Sol?" tawag ni Amara nang makita ang matandang mayordoma na nakatayo sa may gilid ng sala.

Mukhang balisa ang matanda. Pinipilipit nito ang laylayan ng apron niya at hindi makatingin ng diretso kay Amara. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala.

"S-Señora Amara," nauutal na bati ng matanda. "Dumating na po pala kayo. Kumain na po ba kayo? Ipaghahanda ko kayo ng—"

"Busog pa ako, Manang," putol ni Amara. Inilapag niya ang kanyang lumang leather bag sa sofa. "Bakit gising pa kayo? At bakit parang... may problema?"

Kinabahan siya bigla. "Si Don Alfonso ba? Inatake ba siya? Kailangan ba natin tumawag ng ambulansya?"

"H-Hindi po, Ma'am. Mahimbing na ang tulog ng Don," mabilis na sagot ni Manang Sol, parang gustong harangan si Amara papunta sa hallway. "Pero Ma'am, ano po kasi... mas mabuti sigurong dumiretso na kayo sa kwarto niyo sa East Wing. Huwag na po kayong dumaan sa—"

Bago pa matapos ni Manang Sol ang sasabihin niya, isang matinis na tawa ang umalingawngaw mula sa Entertainment Room.

Tawa ng isang babae.

Malandi. Matinis. Tawang puno ng flirtation. At sinundan ito ng isang mababang boses ng lalaki—isang baritonong boses na kilalang-kilala ni Amara. Ang boses na dati’y bumubulong sa kanya ng ‘Mahal kita’ bago matulog, pero ngayon ay parang patalim na humihiwa sa katahimikan ng gabi.

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Amara.

Alam niyang wala siyang karapatang magselos. Contract wife lang siya. Step-mother siya sa papel. Ang kasunduan nila ni Don Alfonso ay platonic at business lamang. Walang emosyon. Walang pakialamanan sa personal na buhay.

Pero bakit parang pinipiga ang puso niya? Bakit parang naninikip ang lalamunan niya?

"Nasa Den po si Sir Xerxes," mahinang pag-amin ni Manang Sol, nakayuko. "May... may kasama po siya. Uuwi na lang daw po ako sa quarters ko, Ma'am. Pasensya na po."

Mabilis na umalis ang mayordoma, tila ayaw maging saksi sa kung anong gulo ang pwedeng mangyari.

Naiwan si Amara na nakatayo. Ang mga paa niya ay parang may sariling isip na naglakad palapit sa Entertainment Room. Nakabukas nang bahagya ang double doors nito, at lumalabas ang liwanag mula sa malaking TV screen at dim lights.

Sumilip siya.

Sa loob, sa gitna ng malambot na Persian carpet at mamahaling home theater system, nakaupo si Xerxes sa mahabang leather sofa.

Wala na ang suot nitong pormal na coat kanina sa opisina. Nakabukas ang puting polo nito hanggang sa gitna ng dibdib, ipinapakita ang makinis at matipunong katawan. Ang mga manggas ay nakatupi hanggang siko, at ang buhok ay magulo na parang sinuklay ng mga daliri. Hawak niya sa isang kamay ang baso ng scotch.

Pero hindi iyon ang nakapukaw ng atensyon ni Amara. Kundi ang babaeng nakakandong sa kanya.

Isang modelo. Walang duda. Matangkad, morena, at may legs na abot hanggang leeg. Suot nito ang isang red silk cocktail dress na halos ipakita na ang kaluluwa dahil sa lalim ng neckline at iksi ng laylayan.

Nakapulupot ang braso ng babae sa leeg ni Xerxes, habang ang kamay naman ni Xerxes ay nasa bewang nito—naglalakbay, humahaplos nang may halong pagmamay-ari at pagnanasa.

"Xerxes, stop it! Nakikiliti ako!" hagikgik ng babae sabay kagat sa tenga ni Xerxes. "You're so bad tonight. Akala ko ba pagod ka sa office?"

"I always have energy for you, Babe," sagot ni Xerxes. Ang boses niya ay malalim, paos, at puno ng lust.

Para bang naging estatwa si Amara sa pintuan. Gusto niyang tumalikod. Gusto niyang tumakbo pabalik sa ospital kung saan tahimik at amoy gamot. Mas gugustuhin pa niyang marinig ang beeping sound ng IV machine kaysa sa tawanan ng dalawang taong naglalandian. Dito, sa bahay na dapat ay uuwian niya, amoy pagtataksil ang hangin.

Pero huli na. Nag-angat ng tingin si Xerxes.

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Sa halip na magulat, mahiya, o itulak ang babae palayo, mas lalo pang hinigpitan ni Xerxes ang yakap sa bewang nito. Tinitigan niya si Amara nang diretso—walang kurap, walang pagsisisi.

Ngumisi siya. Isang ngising puno ng demonyo.

"Oh, look who's home," sabi ni Xerxes. Ang boses niya ay casual lang, pero bawat salita ay may talim. "Babe, tumigil ka muna. Nandito na ang Nanay ko."

Tumigil ang babae sa paghalik sa leeg ni Xerxes at lumingon kay Amara. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa—hinuhusgahan ang kanyang simpleng floral dress na gusot na dahil sa maghapong byahe, ang kanyang flat shoes, at ang pagod niyang mukha na walang makeup.

"Nanay?" tanong ng babae, sabay tawa nang mapang-uyam. "You mean, Tita? She looks... young. And plain. I thought your stepmom would be glamorous like Tita Miranda."

"Siya si Amara," pakilala ni Xerxes, hindi inaalis ang tingin kay Amara. "Ang bagong asawa ng Daddy ko. So technically... she is the Madam of this house. Dito siya nakatira."

Dahan-dahang tumayo si Xerxes, pero hindi niya binitawan ang kamay ng babae. Inalalayan niya ito patayo na parang isang prinsesa, habang si Amara ay parang basahan na nakatayo sa pinto.

"Amara, this is Chanel," pakilala ni Xerxes. "My... distraction for the night. Chanel is a supermodel. Nakita mo na siguro siya sa mga billboard sa EDSA. Kung sumasakay ka ng bus, imposibleng hindi mo siya nakita."

Isang insulto. Pinariringgan siya nito na commuter lang siya at commoner.

"Hi, Tita Amara!" bati ni Chanel nang may fake sweetness. Kumaway pa ito nang bahagya. "Sorry kung naabala namin kayo. Xerxes was just showing me his... huge collection. And we got carried away."

Namula si Amara. Alam niyang may ibang ibig sabihin ang babae. Double entendre.

Humugot ng malalim na hininga si Amara. Huwag kang iiyak. Huwag kang magpapakita ng kahinaan.

"Gabi na, Xerxes," matigas na sabi ni Amara, pinipilit na huwag ipakita ang panginginig ng boses niya. "May sakit ang Daddy mo. Nasa kabilang wing lang siya. Baka marinig kayo ng mga nurse o magising siya sa ingay niyo."

Naglakad palapit si Xerxes kay Amara, hila-hila si Chanel. Huminto siya isang dangkal lang ang layo kay Amara.

Masakit sa ilong ang pinaghalong amoy ng whiskey, mamahaling sigarilyo, at ang pabango ni Chanel na kumapit na sa damit ni Xerxes. Dati, amoy ni Amara ang nasa damit na 'yan. Ngayon, iba na.

"Tulog na si Dad. Naka-sedate," sagot ni Xerxes nang walang pakialam. "At saka, bakit ka ba nagrereklamo? Bahay ko 'to, Amara. I can bring whoever I want, whenever I want. I can fuck whoever I want inside my own house."

Diretsong tumama ang mga mata ni Xerxes kay Amara sa salitang fuck. Parang sinasabi niyang: Dati ikaw 'yon. Dati ikaw ang inuuwi ko. Ngayon, kahit sino na lang, pwede. Ikaw lang ang bawal.

"Wala akong pakialam kung anong gawin mo sa buhay mo," sagot ni Amara, nagtapang-tapangan kahit na ang totoo ay gusto na niyang matunaw. "Respeto lang sa pamamahay ng ama mo ang hinihiling ko. Kung gusto niyong magganiyan, mag-hotel kayo."

"Respeto?" Tumawa si Xerxes nang mahina. Binitawan niya sandali si Chanel at lumapit sa mukha ni Amara.

"Nagsasalita ba ng respeto ang babaeng nagpakasal sa tatay ng ex niya para sa pera?" bulong ni Xerxes. Ang init ng hininga niya ay tumatama sa pisngi ni Amara. "Don't lecture me about respect, Mother. You lost that right the moment you signed that contract and sold yourself to an old man."

Umatras si Xerxes bago pa man tumulo ang luha ni Amara. Muli niyang inakbayan si Chanel at hinalikan ito sa pisngi.

"Chanel, gutom na ako," sabi ni Xerxes nang malakas. "Nagugutom ako sa kakatawa sa stepmother ko."

"Me too, babe," sagot ni Chanel habang hinihimas ang dibdib ni Xerxes. "Let's order food? GrabFood?"

"No," sagot ni Xerxes. Tumingin siya kay Amara na parang isang utusan. Ang kanyang mga mata ay nagningning sa isang malupit na ideya.

"Manang Sol is already asleep. At ayokong gisingin siya," sabi ni Xerxes. "Amara, ipaghanda mo kami ng midnight snack."

Nanlaki ang mata ni Amara. "A-Ano?"

"You heard me," utos ni Xerxes. Ang tono niya ay hindi pwedeng baliin. "Asawa ka ni Dad, 'di ba? Part ng duties mo bilang Señora ng bahay na 'to ang asikasuhin ang mga bisita. Since bisita ko si Chanel, asikasuhin mo kami."

"Xerxes, hindi mo ako katulong! Nurse ako, at asawa ako ng ama mo, hindi mo ako muchacha!"

Biglang nagdilim ang mukha ni Xerxes. Nawala ang ngisi. Ang natira na lang ay ang purong galit at kapangyarihan.

"Gawin mo," mariing utos niya. "O tatawagan ko ang Accounting Department bukas na bukas din. Ipapahold ko ang lahat ng assets at allowances na nakapangalan sa'yo bilang proxy. Subukan mo akong suwayin, Amara. Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo kapag wala ka nang nakukuhang pera mula sa tatay ko."

Nanlamig ang buong katawan ni Amara.

Ang pera. Ang chemotherapy ni Kiko. Ang gamot na kailangang bilhin bukas.

Kapag hinold ni Xerxes ang allowance at access niya, patay ang kapatid niya. Alam ni Xerxes kung saan siya dadaliin—sa pera, dahil 'yon ang akala nitong habol niya. Hawak siya ni Xerxes sa leeg.

Kinagat ni Amara ang ibabang labi niya hanggang sa malasahan niya ang dugo. Tinitigan niya si Xerxes, nagmamakaawa ang mga mata, pero pader ang kaharap niya.

"Anong gusto niyo?" mahinang tanong niya. Boses ng isang talunan.

Ngumisi ulit si Xerxes. Tagumpay.

"Pasta. Carbonara. Yung creamy. Alam mo naman kung paano ko gusto 'yon, 'di ba?" sabi ni Xerxes nang may pang-aasar. "Yung specialty mo noong college tayo. Yung niluluto mo sa akin kapag pagod ako galing practice. Namimiss ko 'yon eh."

Parang sinampal si Amara. Gusto siyang saktan ni Xerxes gamit ang mga alaala.

Ang Carbonara na 'yon... 'yon ang comfort food nila. Niluluto niya 'yon sa maliit na electric stove sa apartment niya dati, gamit ang murang ingredients, at pinagsasaluhan nila sa iisang plato habang nagre-review. Sagrado ang alaalang 'yon.

Pero ngayon, gusto ni Xerxes na lutuin niya 'yon para ipakain sa kabit nito. Gusto niyang babuyin ang alaala nila.

"Sige," sagot ni Amara, garalgal ang boses. Tinalikuran niya sila bago pa pumatak ang luha niya. "Magluluto ako."

Sa Kusina

Habang nagpapakulo ng pasta, sunod-sunod ang patak ng luha ni Amara sa kumukulong tubig.

Ang sakit. Sobrang sakit. Mas masakit pa kaysa sa inaasahan niya.

Akala niya handa na siya sa mga insulto. Pero iba pala kapag ginagamit na ang nakaraan para saktan ka.

“Para kay Kiko. Para kay Kiko. Para kay Kiko,” paulit-ulit na mantra niya habang naghihiwa ng bacon. Ang kamay niya ay nanginginig habang hawak ang kutsilyo.

Mula sa kusina, rinig niya ang tawanan nina Xerxes at Chanel sa sala. Rinig niya ang tunog ng wine glasses na nag-iinklingan. Rinig niya ang bawat halik at bulungan.

“You’re so strong, babe...” sabi ni Chanel.

“And you’re so delicious...” sagot ni Xerxes.

Para siyang pinapatay nang paulit-ulit.

Nang matapos ang luto, inayos niya ito sa dalawang plato. Pumasok siya sa dining area kung saan nakaupo na sila. Nakasindi ang chandelier, at nakaupo si Xerxes sa kabisera—hari sa sarili niyang kastilyo, katabi ang reyna niya, habang si Amara ay ang alipin.

Inilapag niya ang pasta sa harap ni Xerxes. Walang imik.

"Hmm, smells good!" sabi ni Chanel, sabay kuha ng tinidor. "Thanks, Tita! In fairness, mukhang masarap."

Tinikman ni Xerxes ang pasta. Pumikit ito sandali, ninanamnam ang lasa.

Ito ang lasa ng pagmamahal ni Amara. Alam ni Amara na nare-recognize ni Xerxes ang timpla—ang dami ng paminta, ang lapot ng cream, ang crispines ng bacon. Ito ang lasa ng nakaraan nila.

Dumilat si Xerxes at tumingin kay Amara. Walang emosyon.

"Pwede na," komento ni Xerxes nang walang gana, sabay tulak ng plato nang bahagya. "Medyo matabang. Nawala na yata ang touch mo, Amara. Masyado ka na kasing busy sa pagbibilang ng pera ni Dad, nakalimutan mo na kung paano magluto nang may... puso."

Hindi na sumagot si Amara. Gusto na niyang umalis. "Aakyat na ako. May kailangan pa akong gawin."

"Wait," pigil ni Xerxes. Ang boses niya ay muling naging matigas. "Pour us some wine."

Napahinto si Amara at lumingon. "Xerxes, sobra na 'to. Nilutuan ko na kayo. Huwag mo naman akong gawing waiter."

"Wine. Now," utos ni Xerxes, tinuro ang mamahaling bote ng Cabernet Sauvignon sa gitna ng mesa. "My hands are... busy."

Ibinaba ni Xerxes ang kamay niya sa ilalim ng mesa, diretso sa hita ni Chanel. Nakita ni Amara kung paano humawak ang kamay ni Xerxes sa makinis na hita ng babae, hinihimas ito pataas, papasok sa ilalim ng maikling palda nito.

"Xerxes... not here..." ungol ni Chanel, pero nakangiti ito. Tumingin si Chanel kay Amara na may halong pang-aasar. "Sige na, Tita. Painumin mo na kami para makaakyat na kami."

Nangangatog ang tuhod na lumapit si Amara. Kinuha niya ang bote ng wine. Ang bigat nito ay parang kasing bigat ng mundo.

Sinalinan niya ang baso ni Chanel. Puno.

Pagkatapos, lumapit siya kay Xerxes.

Habang nagsasalin siya sa baso ni Xerxes, sadyang idiniin ni Xerxes ang daliri niya sa gitna ng hita ni Chanel. Napasinghap ang babae.

"Ah! Xerxes!"

Dahil sa gulat, nabitiwan ni Amara ang bote nang bahagya.

KLANG!

Tumama ang bibig ng bote sa gilid ng crystal wine glass. Buti na lang ay hindi nabasag, pero tumapon ang kaunting pulang alak sa puting tablecloth. At tumalsik ang ilang patak sa puting polo ni Xerxes.

Katahimikan.

Dahan-dahang tumingin si Xerxes sa mantsa sa damit niya, tapos ay kay Amara.

"Tanga," bulong ni Xerxes. Napakalamig.

Kinuha niya ang napkin at pinunasan ang mantsa, pero ang tingin niya kay Amara ay nakakapaso sa galit.

"Isang simpleng bagay, hindi mo magawa nang tama? Sabagay, sanay ka lang humawak ng pera, hindi ng class," insulto ni Xerxes. Tumayo ito at itinulak ang upuan. "Umalis ka na nga. Nawawalan ako ng gana sa mukha mo. Nasira na ang gabi ko."

"Sorry," bulong ni Amara.

Mabilis na tumakbo si Amara palabas ng dining room. Hindi na siya lumingon. Tinakbo niya ang hagdan, ang pasilyo, hanggang sa makarating siya sa kanyang kwarto sa East Wing.

Isinara niya ang pinto at ni-lock ito. Isinandal niya ang likod sa pinto at doon na humagulgol nang tahimik, takip ang bibig para walang makarinig.

Ang Tunog sa Gabing Madilim

Pero hindi pa tapos ang kalbaryo niya. Ang akala niyang East Wing ay tahimik na kanlungan, pero nakalimutan niya na ang acoustics ng lumang mansyon ay traydor.

Ang kwarto ni Xerxes ay nasa West Wing, sa kabilang dulo ng hallway. Pero dahil bukas ang mga bintana para sa hangin, at dahil sobrang tahimik ng gabi, dinadala ng hangin ang bawat tunog.

Ilang minuto matapos siyang mahiga, narinig niya ito.

Ang yabag ng mga paa sa hallway. Ang pagbukas ng pinto ng Master Suite ni Xerxes.

At pagkatapos... ang mga ungol.

"Ah! Xerxes! Yes! Right there!"

Boses ni Chanel. Malakas. Sadyang pinalakas. Walang hiya-hiya.

Napaupo si Amara sa kama. Nanlaki ang mga mata niya. Tinakpan niya ang tenga niya gamit ang unan.

"Tama na... tama na..." bulong niya, umiiyak.

Pero rinig pa rin niya. Ang maingay na kama na humahampas sa pader. Ang bawat thud. Ang bawat sigaw ni Chanel ng pangalan ni Xerxes.

“Oh God, Xerxes! You’re so big! Harder! Faster!”

Para siyang sinasaksak ng paulit-ulit sa dibdib. Alam niya ang pakiramdam na 'yon. Alam niya kung paano humawak si Xerxes. Alam niya ang bawat ungol nito kapag malapit na. Kabisado niya ang init ng katawan nito.

At ngayon, iba ang nakakatikim noon. At ipinaririnig sa kanya.

Hindi niya alam kung totoo ba ang naririnig niya o sadyang nag-iinarte lang si Chanel para asarin siya, pero hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga ay ang mensaheng gustong iparating ni Xerxes:

Napapalitan ka. Hindi ka kawalan. At kaya kong ibigay ang mundo at ang sarili ko sa iba, habang ikaw ay nakikinig lang sa labas, nag-iisa at miserable.

Hindi na kinaya ni Amara. Bumangon siya at pumasok sa banyo.

Binuksan niya ang shower nang pinakamalakas. Ang tubig ay malamig, pero wala na siyang pakialam.

Umupo siya sa tiles ng shower area, suot pa rin ang damit, basang-basa, at niyakap ang sarili. Hinayaan niyang lunurin ng tunog ng bumabagsak na tubig ang mga ungol sa kabilang kwarto. Hinayaan niyang sumama ang mga luha niya sa tubig na umaagos sa drainage.

"Kiko..." bulong niya sa sarili, parang dasal. "Kiko, magpagaling ka please. Magpagaling ka na."

Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin 'to.

Sa gabing iyon, sa ilalim ng malamig na tubig, namatay ang huling kapirasong pag-asa ni Amara na baka... baka sakaling may natitira pang pagmamahal si Xerxes para sa kanya.

Wala na. Galit na lang ang natitira. At ang galit na 'yon ang susunog sa kanya hanggang sa maging abo siya.

Kinabukasan, sisikat ang araw. At kailangan niyang isuot ulit ang maskara ng pagiging matatag na Mrs. Castillejo. Kailangan niyang harapin si Xerxes nang nakataas ang noo.

Pero sa ngayon... hahayaan muna niyang madurog ang puso niya nang pino.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 34

    Isang Taon ang Nakalipas.Tahimik ang buong paligid sa loob ng Presidential Suite ng St. Luke’s Medical Center. Ngunit ang katahimikang ito ay hindi nagdadala ng takot o kaba, kundi purong pag-asa.Nakatayo si Amara sa gilid ng hospital bed, mahigpit na nakahawak sa kamay ng matipunong lalaking nasa likuran niya. Ang malalaking palad ni Xerxes ay nakabalot sa nanginginig niyang mga daliri, nagbibigay ng init at kasiguraduhin na anumang mangyari, hindi na siya muling mag-iisa.Sa harap nila ay nakaupo si Dr. Ong, hawak ang pinakabagong laboratory results at bone marrow biopsy ni Kiko.Si Kiko, na ngayon ay dalawampung taong gulang na, ay nakaupo sa dulo ng kama. Hindi na siya ang payat, kalbo, at maputlang pasyente na kinailangang itakas ni Amara papuntang Lopez, Quezon noon. Ngayon, makapal at bagsak ang itim nitong buhok. Matipuno na ang pangangatawan nito, puno ng kulay ang mga pisngi, at ang mga mata ay nag-uumapaw sa buhay. Suot nito ang isang simpleng t-shirt at maong, mukhang is

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 33

    Alas-nuwebe y medya ng umaga.Sa loob ng Master Bedroom ng penthouse, nakatayo si Amara sa harap ng full-length mirror. Nawala na ang kupas na denim overalls at simpleng t-shirt na naging uniporme niya sa Lopez. Pinalitan ito ng isang designer black power suit na eksaktong nakayakap sa kanyang mga kurba. Ang kanyang buhok ay tuwid na tuwid at nakalugay, at ang kanyang mga labi ay pinintahan ng matapang na kulay pulang lipstick.Hindi na siya ang natatakot na biktima. Ngayon, kaharap niya ang repleksyon ng isang reyna.Naramdaman niya ang maiinit na kamay ni Xerxes na gumapang sa kanyang baywang mula sa likuran. Nakasuot ang bilyonaryo ng charcoal gray three-piece suit, ang kanyang buhok ay perpektong naka-istilo, at ang pamilyar na malamig at makapangyarihang awra ay muling bumalot sa kanya."Perfect," malalim na bulong ni Xerxes, tinititigan ang repleksyon nilang dalawa sa salamin. Isinuot niya ang isang mamahaling diamond necklace sa leeg ni Amara. "Handa ka na bang bawiin ang atin,

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 32

    Alas-onse na ng gabi nang pumasok ang itim na Range Rover ni Xerxes sa VIP basement parking ng Castillejo Towers sa Makati.Matapos ang mahabang byahe mula Lopez, Quezon, sinalubong sila ng nakakabinging katahimikan ng siyudad. Walang ingay ng kuliglig o amoy ng dagat. Dito, ang hangin ay amoy aircon, mamahaling sasakyan, at kapangyarihan.Bumaba silang tatlo. Agad na sumalubong sa kanila si Rocco, ang head of security ni Xerxes, kasama ang dalawa pang tauhan na nakasuot ng itim na suit."Welcome back, Sir Xerxes," pormal na bati ni Rocco, bago bahagyang yumuko nang makita si Amara. "Ma'am Amara. Masaya po kaming nakabalik kayo nang ligtas."Hindi sanay si Amara sa ganitong pagtrato, pero pinilit niyang ngumiti at tumango. Kinuha ng mga tauhan ni Rocco ang mga duffel bags nila mula sa likod ng SUV.Si Kiko, na ngayon ay gising na gising na, ay palihim na nililibot ang paningin sa paligid. Bilang isang labinsiyam na taong gulang na binata na mahilig sa arkitektura, hindi niya maiwasang

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 31

    Mabigat ang katahimikan sa loob ng Majo Flower Shop. Ang hangin ay amoy nadurog na rosas, sampaguita, at ang musks ng dalawang taong katatapos lamang magsalu-salo sa isang marahas at mapusok na pag-angkin. Tahimik na pinulot ni Amara ang kanyang denim overalls at t-shirt mula sa sahig. Nanginginig pa rin ang kanyang mga binti, ramdam na ramdam ang pamamaga at init sa kanyang pagkababae matapos ang walang-awang pagbaon ni Xerxes. Sa kabilang banda, nakatayo si Xerxes habang isinusuot ang kanyang itim na t-shirt. Ang kanyang buhok ay gulo-gulo, at ang kanyang mga mata—na kanina ay nanlilisik sa galit—ay ngayon ay may bahid na ng kakaibang kapayapaan. Nakuha na niya ang kanyang reyna. Nang matapos magbihis si Amara, sinubukan niyang ayusin ang ilang plorera na nabasag nila kanina. "Hayaan mo na 'yan," malamig ngunit kalmadong utos ni Xerxes. Lumapit siya kay Amara at hinuli ang kamay ng dalaga. Mahigpit ang kanyang hawak, isang pisikal na paalala na hindi na ito makakawala pa. "Wala

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 30

    Nanginginig ang mga kamay ni Amara habang pinitpit ang roll-up door ng kanyang tindahan. Ang tunog ng bakal na bumababa ay tila hudyat ng kanyang tuluyang pagkabilanggo. Sa loob, ang tanging liwanag ay ang iilang sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng bubong, na nagbibigay ng madilim at mainit na atmospera na amoy lanta at sariwang bulaklak. Lumingon si Amara, at doon, sa gitna ng mga balde ng rosas at daisies, nakatayo si Xerxes—isang madilim na anino na puno ng banta. "Xerxes, please... 'wag dito..." pagmamakaawa ni Amara, pero ang boses niya ay walang lakas. Hindi sumagot si Xerxes. Humakbang siya palapit, bawat yabag ng kanyang boots sa sementong sahig ay tila pintig ng puso ni Amara. Nang maabot niya ang dalaga, hindi siya nag-atubili. Hinablot niya ang bewang ni Amara at isinandal ito nang marahas sa mahabang mesa kung saan nag-aayos ang dalaga ng mga bulaklak. Nalaglag ang mga gunting, ribbons, at plorera. Crash! Pero walang pakialam si Xerxes. "Anim na buwan, Amara," un

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 29

    Apat na oras.Apat na oras na walang patid na pagmamaneho sa ilalim ng malakas na ulan. Mahigpit ang hawak ni Xerxes sa manibela ng kanyang itim na Range Rover, ang mga mata ay nakatutok sa basang kalsada. Nang makapasok siya sa boundary ng probinsya, unti-unting tumila ang ulan, nag-iiwan ng amoy ng basang aspalto at sariwang lupa.Nilampasan niya ang isang malaking kulay berdeng bus na may nakasulat na MARY ANN sa tagiliran nito. Pamilyar na sa kanya ang mga kalsadang ito base sa report ng investigator niya. Malapit na siya.Pagdating sa mismong sentro ng bayan ng Lopez, Quezon, bumagal ang takbo ng SUV niya. Ang malaki at mamahaling sasakyan ni Xerxes ay agaw-pansin sa gitna ng mga naglipanang tricycle at jeepney, pero wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya.Huminto siya sa gilid ng kalsada, malapit sa isang establisyimento na may karatula na D.E SHOE SALOON. Pinatay niya ang makina.Bumaba si Xerxes. Nakasuot siya ng isang simpleng itim na v-neck t-shirt, itim na m

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 23

    Buong araw na iniiwasan ni Amara si Xerxes.Hindi niya sinagot ang mga tawag nito. Hindi siya nag-reply sa mga text. Kailangan niyang maging manhid. Kailangan niyang maging bitch na stepmother ulit para kapag umalis siya bukas dala ang Limampung Milyon ni Miranda, hindi na ito masyadong masasaktan.

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-25
  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 22

    Lumipas ang tatlong araw mula nang dumating si Dr. Ong.Para kay Amara, ang tatlong araw na iyon ang pinakamapayapa sa loob ng mahabang panahon. Naging maayos ang pagtanggap ng katawan ni Kiko sa bagong chemotherapy protocol. Nawala ang madalas nitong lagnat, at bumalik ang kaunting kulay sa mga pi

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-24
  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 21

    Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na si Amara.Ang kama sa Guest Room ay malambot at mabango, pero halos hindi siya nakatulog. Magdamag niyang inisip ang mga huling salita ni Xerxes sa labas ng pinto niya kagabi. Ang pagmamakaawa nito. Ang pag-iyak nito.“Alam ko na ang totoo. Alam ko na ang t

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-23
  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 27

    St. Luke's Medical Center - Intensive Care UnitTunog lang ng heart monitor at ng ventilator ang bumabasag sa nakakabinging katahimikan ng kwarto.Beep... beep... beep...Nakatayo si Xerxes sa paanan ng hospital bed. Ang mga mata niya ay nakapako sa matandang lalaking nakaratay roon. Si Don Alfonso

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-29
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status