Share

Chapter 3

Penulis: Eckolohiya23
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-02 12:42:50

Mabigat ang talukap ng mga mata ni Amara nang magising siya kinabukasan. Ang sikat ng araw na tumatagos sa mamahaling kurtina ng kanyang kwarto ay tila nang-aasar sa kanya.

Umaga na. Ibig sabihin, kailangan na naman niyang harapin ang realidad.

Dahan-dahan siyang bumangon. Masakit ang katawan niya kahit napakalambot ng kama. Siguro ay dahil sa tensyon. Tumingin siya sa salamin ng vanity table. Puffy ang mga mata niya kakaiyak kagabi.

"Kaya mo 'to, Amara," bulong niya sa sarili habang tinatapik ang pisngi. "Para kay Kiko. Para sa chemotheraphy niya."

Ang kapatid niyang si Kiko, na nasa ospital ngayon, ang tanging dahilan kung bakit niya tinanggap ang alok ni Don Alfonso. Isang taon. Isang taon lang na pagpapanggap at magiging secured na ang future ng kapatid niya.

Nag-ayos siya ng sarili. Pinili niyang suotin ang isang high-neck floral dress na abot hanggang tuhod. Disente. Walang makikitang balat. Ayaw niyang bigyan ng rason si Xerxes na bastusin siya ulit gaya kagabi.

Paglabas niya ng kwarto, sinalubong siya ng katahimikan ng mansyon. Dumiretso muna siya sa kwarto ni Don Alfonso.

Naabutan niyang gising na ang matanda, nakaupo sa kama habang sinusubuan ng lugaw ng nurse.

"Good morning, Alfonso," bati ni Amara, pinipilit pasayahin ang boses.

Nagliwanag ang mukha ng matanda nang makita siya. "Amara... mabuti at gising ka na. Kumusta ang tulog mo?"

Masama. Puno ng bangungot tungkol sa anak mo.

"Maayos naman po," pagsisinungaling niya. Lumapit siya at kinuha ang mangkok mula sa nurse. "Ako na po."

Habang sinusubuan niya ang matanda, hindi nito mapigilang magtanong. "Nagkita ba kayo ni Xerxes kagabi? Narinig ko sa mga katulong na nagising siya ng madaling araw."

Natigilan si Amara. Muntik na niyang mabitawan ang kutsara. Ang alaala ng mainit na hininga ni Xerxes sa leeg niya ay nagpabalik ng kilabot sa kanyang spine.

"A-ah... Opo. Nagkasalubong lang kami sa kusina. Kumuha lang ako ng tubig," sagot niya, hindi makatingin sa mata ng asawa.

Bumuntong-hininga si Don Alfonso. Hinawakan nito ang kamay ni Amara. "Pasensya ka na sa kanya. Galit siya sa mundo simula noong... noong nawala ang girlfriend niya dati. Hindi niya sinabi sa akin kung sino, pero simula noon, nagbago na siya."

Parang sinaksak ang puso ni Amara. Ako 'yon. Ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganito.

"Hayaan niyo po, iintindihin ko siya," sagot na lang ni Amara.

"Hija, may favor sana ako," sabi ni Alfonso. May kinuha itong folder sa bedside table. "Dahil sa sakit ko, hindi ko na maasikaso ang Castillejo Group. Gusto ko sanang pumunta ka sa opisina ngayon. Ikaw muna ang mag-proxy sa akin sa board meeting."

Nanlaki ang mata ni Amara. "P-po? Pero wala akong alam sa negosyo niyo. Nurse ako, Alfonso."

"Andiyan naman si Xerxes. Siya ang mag-le-lead, pero kailangan nandoon ka bilang representative ko at owner ng shares ko habang buhay pa ako. Kailangan makita ng board na nagkakasundo kayo."

Gusto sanang tumanggi ni Amara. Ang makasama si Xerxes sa iisang bahay ay impyerno na. Paano pa kaya kung sa opisina? Pero nakita niya ang pag-asa sa mata ng matanda.

"S-sige po. Susubukan ko."

Bumababa si Amara sa dining area para mag-almusal bago umalis. Inaasahan niyang siya lang mag-isa, pero nagkamali siya.

Nandoon si Xerxes.

Nakaupo ito sa kabisera—ang pwesto na dapat ay kay Don Alfonso. Suot nito ang isang crisp dark blue suit, mukhang preskong-presko at handa nang pumatay sa boardroom. Nagbabasa ito ng dyaryo habang humihigop ng kape.

Nang maramdaman nito ang presensya ni Amara, dahan-dahan ibinaba ni Xerxes ang dyaryo.

Walang emosyon ang mukha nito. Walang bakas ng kalasingan o ng init ng ulo kagabi. Cool and calculated.

"Good morning, Mother," bati nito. Ang diin sa salitang 'Mother' ay puno ng sarkasmo. "Have a seat."

Wala nang nagawa si Amara kundi umupo sailya sa kanan ni Xerxes. Sobrang tahimik. Tanging ang tunog ng kubyertos at paghigop ng kape ang naririnig.

"Manang Sol," tawag ni Xerxes nang hindi lumilingon. "Bigyan niyo ng pagkain ang Señora. Baka sabihin niya, ginugutom ko siya."

Nilagyan ng sinangag at tocino ang plato ni Amara. Pero parang may bara sa lalamunan niya. Hindi siya makakain.

"Balita ko, sasama ka sa office," basag ni Xerxes sa katahimikan habang hinihiwa ang steak niya. Ang talim ng kutsilyo sa karne ay parang babala.

"Ah... oo. Sinabi ng Daddy mo," sagot ni Amara, hindi tumitingin sa kanya.

"Daddy ko?" Tumawa ng mahina si Xerxes. "Wow. Ang bilis mo naman siyang maging 'Daddy'. Sa kama ba, Daddy din ang tawag mo sa kanya?"

Biglang ibinagsak ni Amara ang tinidor niya. Clang!

"Xerxes, pwede ba?" nanginginig na sabi ni Amara. Tumingin siya sa mga katulong na nakayuko sa gilid. "Respetuhin mo naman ang hapag-kainan. At respetuhin mo ako bilang asawa ng ama mo."

Dahan-dahang lumingon si Xerxes sa kanya. Tinitigan siya nito sa mata.

"Respect is earned, Amara. Not bought by marriage contracts," malamig na sagot nito. "At huwag kang umarte na parang victim ka dito. Ginusto mo 'to. Pinili mo ang perang 'to."

Tumayo si Xerxes at inayos ang coat niya.

"Bilisan mo kumain. Ayoko ng late. Sasabay ka sa akin."

Nanlaki ang mata ni Amara. "Ano? May sarili akong sasakyan—"

"I said, sasabay ka sa akin," mariing utos ni Xerxes. Lumapit ito sa kanya at bumulong sa tenga niya. "Kailangan makita ng media na happy family tayo, 'di ba? Unless... gusto mong malaman ng Daddy mo na inaaway kita?"

Umatras si Xerxes at ngumisi. "Five minutes. Nasa labas na ako."

Nang makaalis si Xerxes, napahawak si Amara sa dibdib niya. Diyos ko. Paano ko matatapos ang araw na ito nang hindi nababaliw?

Sa Loob ng Sasakyan (Maybach)

Ang biyahe papuntang Makati ay nakakasulasok. Magkatabi sila sa backseat. Bagamat maluwag ang sasakyan, pakiramdam ni Amara ay nauubusan siya ng hangin dahil sa lakas ng presence ni Xerxes.

Abala si Xerxes sa iPad niya, nagbabasa ng emails. Si Amara naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana, pilit na inilalayo ang sarili.

Biglang tumunog ang phone ni Amara.

Ringtone: Calling - Doc Ramos (Hospital)

Natarantang kinuha ni Amara ang phone sa bag. Nakita niyang sumulyap si Xerxes.

"Hello, Doc?" sagot niya nang mahina.

"Ms. Mañago, kailangan na nating simulan ang second cycle ni Kiko bukas. We need the deposit today. Fifty thousand pesos," sabi ng doktor sa kabilang linya.

Napapikit si Amara. "O-opo, Doc. Dedeposit ko po ngayong lunch break. Please, huwag niyo pong itigil ang gamutan."

Binaba niya ang tawag. Paglingon niya, nakatingin sa kanya si Xerxes. Nakataas ang isang kilay nito.

"Lalaki mo?" tanong ni Xerxes.

Namula si Amara. "Hindi! Wala kang pakialam."

"Kiko..." sambit ni Xerxes, tila inaalala ang pangalan. "Sino 'yon? Bago mong boy toy? Kaya ka ba nagmamadaling magkapera kay Dad? Para sustentuhan ang lalaki mo?"

"Hindi lahat ng tao katulad mo mag-isip, Xerxes!" singhal ni Amara. "Kapatid ko 'yon!"

Natigilan si Xerxes sandali. "Kapatid? Wala kang kapatid na lalaki. Only child ka. Kilala kita, Amara. Kilalang-kilala."

Doon lang naalala ni Amara. Noong sila pa, hindi niya naikwento kay Xerxes na may kapatid siya sa labas—anak ng tatay niya sa ibang babae na siya na ang nag-aalaga ngayon.

"Marami kang hindi alam sa akin," sagot na lang ni Amara, umiwas ng tingin.

Biglang hinablot ni Xerxes ang wrist niya. Hinila siya nito papalapit. Sa loob ng umaandar na sasakyan, sa likod ng tinted na salamin, muli na naman silang naglapit.

"Edi ipaalam mo sa akin," bulong ni Xerxes, ang mga mata ay nakapako sa labi ni Amara. "Marami tayong oras ngayon. I-explain mo sa akin kung bakit kailangan mo ng singkwenta mil agad-agad. O baka naman... nagdodroga ka na?"

"Bitawan mo ako!"

"Sabihin mo ang totoo!" sigaw ni Xerxes, nawawala ang pagiging kalmado. "Bakit ka nagpakasal kay Dad?! Alam kong hindi mo siya mahal! Kilala kita, Amara! Hindi ka mukhang pera! Anong nangyari sa'yo?!"

Sa unang pagkakataon, nakita ni Amara ang sakit sa mata ni Xerxes. Hindi ito galit ng isang stepson. Ito ay galit ng isang lalaking iniwan na naghahanap ng rason kung bakit siya hindi naging sapat.

Gusto sanang sabihin ni Amara ang totoo. Ginawa ko ito dahil tinakot ako ng lola mo noon! At ngayon, ginagawa ko ito para sa kapatid ko!

Pero bago pa siya makagsalita, huminto ang sasakyan.

"Sir, Ma'am, nasa Castillejo Tower na po tayo," sabi ng driver.

Binitawan siya ni Xerxes nang padabog. Inayos nito ang sarili at muling isinuot ang maskara ng isang malamig na CEO.

"Mamaya na tayo magtuos," sabi ni Xerxes nang hindi lumilingon. "Ayusin mo ang mukha mo. Ayokong mapahiya ang kumpanya dahil mukhang basahan ang asawa ng Chairman."

Bumukas ang pinto at sinalubong sila ng flashes ng camera.

"Smile, Mother," bulong ni Xerxes sabay hawak sa bewang ni Amara—mahigpit, possessive, at mapagpanggap.

Napilitan si Amara na ngumiti sa harap ng media, habang ang puso niya ay parang pinipiga sa sakit at takot. Nasa teritoryo na siya ni Xerxes ngayon. At alam niyang wala siyang kawala.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 4

    Kung ang mansyon ng mga Castillejo ay impyerno, ang Conference Room ng Castillejo Group of Companies ay ang kulungan ng mga gutom na leon.Pagbukas ng double doors, tumambad kay Amara ang isang mahabang mahogany table. Nakaupo doon ang sampung pinakamakapangyarihang tao sa kumpanya—mga stockholders, executives, at ang mga kapatid ni Don Alfonso na matagal nang nag-aabang sa pagbagsak nito."Good morning," bati ni Xerxes. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa kabisera, ang pwesto ng CEO. Ang presence niya ay agad na nagpatahimik sa bulungan.Naiwan si Amara na nakatayo sa may pinto, hindi sigurado kung saan lulugar."Well, well," basag ng isang matinis na boses. Si Miranda Castillejo, ang nakababatang kapatid ni Don Alfonso. Puno ng alahas ang leeg nito at matapobre ang tingin. "Dinala mo pala ang pet ng Daddy mo, Xerxes. Akala ko ba board meeting ito? Bakit may naligaw na nurse?"Nagtawanan ang ilang board members. Namula si Amara. Gusto niyang yumuko, pero naalala niya ang bilin ni

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 3

    Mabigat ang talukap ng mga mata ni Amara nang magising siya kinabukasan. Ang sikat ng araw na tumatagos sa mamahaling kurtina ng kanyang kwarto ay tila nang-aasar sa kanya.Umaga na. Ibig sabihin, kailangan na naman niyang harapin ang realidad.Dahan-dahan siyang bumangon. Masakit ang katawan niya kahit napakalambot ng kama. Siguro ay dahil sa tensyon. Tumingin siya sa salamin ng vanity table. Puffy ang mga mata niya kakaiyak kagabi."Kaya mo 'to, Amara," bulong niya sa sarili habang tinatapik ang pisngi. "Para kay Kiko. Para sa chemotheraphy niya."Ang kapatid niyang si Kiko, na nasa ospital ngayon, ang tanging dahilan kung bakit niya tinanggap ang alok ni Don Alfonso. Isang taon. Isang taon lang na pagpapanggap at magiging secured na ang future ng kapatid niya.Nag-ayos siya ng sarili. Pinili niyang suotin ang isang high-neck floral dress na abot hanggang tuhod. Disente. Walang makikitang balat. Ayaw niyang bigyan ng rason si Xerxes na bastusin siya ulit gaya kagabi.Paglabas niya n

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 2

    Ang katahimikan sa loob ng Castillejo Mansion ay mas nakakabingi kaysa sa ingay ng reception kanina.Pagpasok ng itim na limousine sa dambuhalang gate ng mansyon, pakiramdam ni Amara ay pumapasok siya sa bibig ng isang dambuhalang halimaw na handa siyang lunukin nang buo. Ang mansyon, na nakatayo sa tuktok ng isang burol sa Antipolo, ay napapalibutan ng matatayog na pader at makakapal na puno. Maganda ito, majestic sa arkitekturang Espanyol, pero sa gabing ito, mukha itong sementeryo."Sir Alfonso, dahan-dahan po," alalay ng private nurse na sumalubong sa kanila sa grand foyer.Inalalayan nila si Don Alfonso pababa ng sasakyan. Mula sa pagiging matikas kanina sa simbahan, tila biglang naubos ang lakas ng matanda. Nagsisimula na naman ang panginginig ng mga kamay nito at ang hirap sa paghinga."Amara..." tawag ni Alfonso, ang boses ay garalgal at mahina.Mabilis na lumapit si Amara, hawak ang laylayan ng kanyang mabigat na wedding gown. "Narito po ako, Don Alfonso."Hinawakan ng matand

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 1

    "I now pronounce you, husband and wife. You may kiss the bride."Parang bombang sumabog sa pandinig ni Amara ang mga salitang iyon. Nanlamig ang kanyang mga kamay habang nakahawak sa braso ni Don Alfonso Castillejo. Ito na. Wala nang atrasan. Isa na siyang ganap na Castillejo."Ayos ka lang ba, hija?" bulong ni Don Alfonso. Ramdam ni Amara ang panginginig ng kamay ng matanda. Alam ng lahat na may sakit ito, pero sa gabing ito, pinilit nitong tumayo nang tuwid para sa kanilang kasal.Pilit na ngumiti si Amara. "Opo, Don... I mean, Alfonso."Dahan-dahang itinaas ng matanda ang belo ni Amara. Sa halip na kilig, takot at kaba ang nararamdaman niya. Nang dumampi ang tuyong labi ni Alfonso sa kanyang noo—hindi sa labi, kundi sa noo lang bilang tanda ng respeto—isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa buong Grand Ballroom ng Shangri-La.BLAG!Naputol ang musika ng orchestra. Ang mahigit limang daang bisita—mga politician, business tycoons, at alta-sosyedad—ay sabay-sabay na napalingon s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status