Share

53: START OF CHANGES

Nakauwi na ako at nag aasikaso na ng gamit. Balak ko na ngayon ay pumunta sa Company dahil kasalukuyan ay wala pang nagm-manage doon. Of course, kabado ako dahil wala akong alam sa pagtatakbo ng kompanya at nagsisimula pa lamang ako sa aking business. Natatakot ako na baka ako pa maging dahilan ng pagbagsak ng kompanya. Pero, kailangan kong tatagan ang aking loob dahil kung tatanggapin ko man ito o hindi manganganib pa rin ang buhay ko sa kanila.

Tapos na akong tumakbo at magtago sa kanila kaya naman ngayon ay lalaban na ako. Dumating na rin ang sinasabi ni Cael na inassign niyang bodyguard ko. Kung titignan ito ay bata pa, mga around 20s lang din. Pero sabi ni Cael ay galing siya sa isang kilala at magaling na agency kaya mapapanatag siya kung siya ang kasama ko habang wala siya sa tabi ko.

Nagsimula na akong pumasok sa sasakyan at si Ren na ang nag d-drive, ang body guard ko. Nakasuot ako ngayon ng pormal na kulay puting top at naka fitted skirt na kulay gray.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status