Mag-log in
Kate
"GOOD evening, Ma'am Kate." "Good evening," ganting bati ko sa kasambahay na bumati sa akin pagpasok sa bahay na kinalakihan ko. "Nasaan sila?" mayamaya ay tanong ko sa kanya, referring to my father and his new family. "Nasa dining area na po, Ma'am Kate," sagot niya sa akin. "Okay. Thank you," I thanked her. At nang malaman ko kung nasaan sila ay agad akong humakbang patungo sa dining area. Malapit na ako ng marinig ko ang masayang usapan nila. I stopped in my tracks as I heard their happy conversation, and I couldn't help but feel a pang of envy in my heart. Humugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga para mawala ang nararamdaman ng puso ko. Dapat hindi ko na iyon mararamdaman dahil sanay na ang puso ko. Pagkatapos ay nagpatuloy na ako na paglalakad. All eyes froze as I made my presence known. "Oh, Kate," wika ni Tita Celine, stepmother ko nang makita ako. "Tamang-tama ang dating mo. Halika na para makakain na tayo," wika niya sa akin. Out of my corner of my eyes, nakita ko ang pag-irap ni Marie sa akin. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Sanay na ako sa pag-uugali niya. "Good evening, po," I greeted them, and continued walking. "Maupo ka na, hija," wika naman ng Papa sa akin. Tahimik naman akong umupo sa harap ng mesa, sa tapat ni Tita Celine at Marie. "Ano po pala ang sasabihin niyo sa akin?" tanong ko nang makaupo ako. Napansin ko ang pagtitinginan ni Papa at ni Tita Celine, si Marie naman ay napansin ko ang itinatagong ngisi sa labi niya. "Let's eat first," wika naman ni Papa. Hindi na lang ako umimik at sinunod ang gustong mangyari ni Papa. Gusto ko sana na sabihin na nila sa akin ang gusto nilang sabihin para makaalis na ako. I couldn't explain myself anymore when my father brought his new family to our home. I felt outcast and suffocated. Iyong pakiramdam ko ay hindi na ako belong sa pamilya. And it all started when my mother died from illness. Fourteen ako noong mamatay si Mama. And after two years, muling nag-asawa si Papa. At si Tita Celine iyon, hiwalay sa asawa at may isang anak, si Marie. At gaya ng sinabi ko, simula noong dumating sila sa buhay namin, bigla na lang akong nawala sa eksena. Kaya nga nag-desisyon ako noon na mamuhay ng mag-isa noong eighteen ako. When my father asked me what my plans were for my 18th birthday, kung gusto ko daw ba ng party. Sinabi kong ayaw ko ng party at sinabi kong iyong gagastusin namin ay ipambibili ko na lang ng maliit na condo. Tutol si Papa sa gusto ko, pero wala siyang nagawa kundi payagan ako nang kombinsihin din siya nina Tita Celine at ni Marie na ibigay ang gusto ko. Tunog suportado but I know them. Gusto lang nila na umalis ako doon para sila na ang maging reyna sa bahay namin. "Oh, hija. Kumain kang mabuting. Niluto ko lahat ng paborito mo," wika ni Tita Celine na nakangiti. Napatingin nga din ako sa pagkain na nakahain sa mesa. Tita Celine was right, it's all my favorite dishes. Pero kahit na paborito ko ang mga pagkain na nakahain ay hindi ako ganahan. Hindi ko maintindihan pero nakakaramdam ako ng kakaiba sa dinner namin. And I was right about my intuition because after we ate, my father spoke. "Kate, hija." Hindi naman ako nagsalita, sa halip ay nakatitig lang ako kay Papa, hinihintay na magsalita siya. "Marie is pregnant," anunsiyo ni Papa. Hindi ko naman maiwasan ang mapaawang ang labi dahil sa gulat. Pero nang makabawi ay itinikom ko ang labi ko. Iyon lang ba ang dahilan nila kung bakit nila ako pinatawag? Ang ibalita na buntis si Marie. Ano naman ang magagawa ko sa pagbubuntis niya. Hindi ko naman kilala ang ama ng pinagbubuntis niya. But it felt like my world crumbled when I heard what my father said next. "And Gio is the father." My eyes widened in disbelief. Sumulyap ako kay Marie na nakayuko habang kagat-kagat ang ibabang labi, kita ko ang guilt sa mga mata niya. But just like I said, I know her. Magaling na um-arte si Marie, kaya nga napapaniwala niya lagi ang lahat, lalo na si Papa. "I'm s-sorry, Kate," Marie apologize to me, nag-umpisa na ding mamuo ang luha sa mga maya niya. I clenched my fist. "Gaano ka nakakasiguro na ang boyfriend ko ang nakabuntis sa 'yo? For all I know, marami akong nababalitaan na lalaki mo-- I couldn't finish what I was saying when Marie started to cry. Napatiimbagang naman ako ng aluin siya ng ina niya. "Apologize to your sister, Kate," wika ni Papa. Si Kate na naman ang tama at ako na naman ang mali. Ako na naman ang kontrabida sa buhay nila. I bit my lower lip to stop myself from crying. Hindi ako iiyak sa harap nila. "Why should I?" Hindi ko napigilan na sabihin."She's pregnant and she's accusing my boyfriend of being the father of her child." I blurted out. "I'm...not accusing him, Kate. G-gio is really the father of my child," sagot ni Marie sa akin. "If...you don't still believe me. Why don't you asked him?" Hindi ako umimik. Pero kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking pantalon. I dialed my boyfriend's number. Kampante ako na mali ang sinasabi ni Marie dahil alam kong mahal ako ni Gio. At hindi niya ako magagawang lokohin. Gio and I have been together for two years now. And in those two years, we haven't had a single fight. That's why our relationship has lasted because Gio is very understanding. After three rings, Gio answered my call. "Babe," wika niya ng sagutin ang tawag ko. "Babe, I'm at our house," I told him where I was. "What...are you doing there?" My brows furrowed when I heard his shattered voice. Saglit akong tumingin kay Marie bago ko tinanong si Gio. "Marie is pregnant. And he is accusing you being the father," wika ko kay Gio. "Is that true?" Pakiramdam ko ay sumikip ang puso ko nang wala pa akong narinig na sagot mula kay Gio. Pero nang bumuka ang bibig niya para sumagot ay pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. "I'm sorry, Kate." Hindi dinirektang sinagot ni Gio ang tanong ko. Pero sapat na ang paghingi niya ng sorry sa akin para malaman ang totoo. Marie isn't lying. Gio, my boyfriend of almost two years, is actually the father of her child.Kate "I'm sorry," wika ni Trey sa akin sa masuyong boses habang yakap-yakap niya ako. Naramdaman ko nga ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin at ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. Hinayaan naman ako ni Trey na umiyak. Hinayaan ko din ang aking sarili na ilabas ang sakit na nararamdaman ko ng sandaling iyon. Hindi naman kasi ako nasasaktan dahil sa mga naririnig at nababasa kung masamang komento nila sa akin sa social media. Nasasaktan ako dahil nakapa-unfair ni Papa sa akin. Gaya ng sinabi ko sa kanya, ako ang tunay na anak, dugo't laman niya ako pero hindi man lang niya ako magawang paniwalaan, hindi man lang niya ako ma-protektahan. Dapat nga tinatanong niya ako kung okay lang ako, kung kailangan ko ba ng tulong para mawala iyong mga kumakalat na balita sa akin. Pero sa halip na iyon ang sabihin niya ay hinuhusgaan na niya agad ako na para bang totoo ang lahat ng naririnig niya. She's my father, dapat nga ay ito ang mas nakakalaaman sa akin, na hindi ko magagawa ang be
Kate Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga ng itigil ko ang minamaneho kung kotse sa garahe ng bahay namin. Tumawag kasi sa akin ang Papa ko at pinapapunta niya ako sa bahay dahil gusto niya akong makausap. At kahit na hindi ko siya tanungin kung ano ang sasabihin niya ay alam kung napabalitaan na niya ang balitang kumakalat sa social media dahil sa akin o baka sinabi na iyon ni Mae dito. Kilala ko ang stepsister ko, kapag may hindi magandang nangyayari sa akin ay agad niya iyong sinusumbong sa Papa ko. Hindi lang basta sinusumbong dahil dinadagdagan pa niya ng kwento para ako ang mapasama sa Papa ko. At ang Papa ko naman ay agad na naniniwala kay Mae. Minsan nga ay hindi na lang ako nagsasalita o pinagtatanggol ang sarili ko dahil wala namang nangyayari. Si Mae pa din ang pinaniniwalaan ni Papa. Akmang lalabas ako ng kotse ng mapatigil ako ng tumunog ang ringtone ng cellphone ko. At nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nakita kong si Trey ang tunatawag sa akin. S
Kate Akala ko ay tapos na ang kumakalat na balita sa akin sa opisina dahil pina-announce ni Trey sa HR Manager asawa niya ako at walang agawan na nangyari sa pagitan ng kababata niya. Pero may mas malala pa pala dahil hindi lang sa kompanya niya iyon kumakalat kundi sa buong bansa pa. Kilalang personalidad kasi ang involve kaya naipabalita iyon sa social media--si Lea ang kababata niyang artista. Ako daw ang third party sa hiwalayan ng dalawa. Nagtataka nga ako paggising ko ng maaga ng makatanggap ako ng sunod-sunod na request sa social media ko, hindi lang iyon, sunod-sunod din akong nakatanggap ng message galing sa hindi ko kilalang tao. May nagta-tag din sa akin at nang tingnan ko iyon ay do'n ko nalaman ang kumakalat na balita tungkol sa akin. Kaya no choice ako kundi i-locked ang profile ko at i-private ang ilan sa mga social media account ko. Dahil kung hindi koniyon gagawin ay sigurado akong hindi ako titigilan. Baka kahit hindi ko ginagamit ang cellphone ko at ma-lowbat iy
Kate Akala ko ay graduate na ako sa tsismis nang ibalik ko sa dati ang paraan ng pananamit ko. Pero hindi pala dahil may panibago na namang tsimis na kumakalat sa buong kompanya. At tungkol na naman sa akin iyon. At sa pagkakataong iyon ay mas mabigat ang kumakalat na tsismis sa kompanya ni Trey. Hindi na ako ngayon isang mangkukulam. Isa na akong mang-aagaw. At inagaw ko daw si Trey sa girlfriend niyang artsita--si Lea. Nang malaman ko nga iyon ay hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata. Hindi ko nga din napigilan na question-in ang kribilidad ng empleyado ni Trey. Ganoon ba ang ilan sa mga empelyado niya? Kung hindi bully ay naniniwala sa mga fake news na ikinakalat ng taong walang magawa sa buhay? Simula kasi noong makita kami ng empelyado niya na sabay na pumasok at idagdag pa na magkahawak kamay ay nakarinig na ako ng bulungan. At iyon nga, inagaw ko daw si Trey kay Lea, inakit ko daw siya para hiwalayan ang girlfriend niya. Hindi ba alam ng empleyado ni Trey na wala n
Kate Napatingin ako sa gawi ni Trey nang makita ko ang pagbaba niya ng kotse ng ihinto ng driver ang minamaneho sa parking lot ng Juarez of Group of Companies ng makarating kami do'n. Sabay kaming pumasok na dalawa dahil sa condo niya ako natulog. Gusto nga ni Trey na magsama na kaming dalawa sa condo niya. Iyon naman talaga daw ang dapat dahil mag-asawa na kami. Sa totoo lang ay gusto ko din na mangyari iyon dahil gusto ko siyang makasama, gusto kung lagi siyang nakikita. Gusto ko bago ako matulog ay mukha ni Trey ang nakikita ko at kapag nagising naman ako ay siya pa din ang nakikita ko. Pero hindi ko naman maiwan-iwan ang condo ko. Kaya napag-desisyonan namin ni Trey na salitan na lang kami. Isang linggo ako sa condo niya at sa susunod na linggo ay sa condo ko naman. Wala namang problema iyon kay Trey dahil kung ano ang gusto ko ay susuportahan niya ako. Sa totoo lang ay ramdam ko na espesyal siya sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal na sinasabi niya. At simula pa lang ay h
Kate "I'm sorry," paghingi ko ng paunmanhin kay Trey nang makasakay kami sa kotse niya nang umalis na kami sa bahay ng aking ama pagkatapos ng family dinner Napatigil naman si Trey sa akmang pagbuhay sa makina ng kotse nang marinig niya ang boses ko. Napasulyap nga din siya sa akin at nang magtama ang mga mata namin ay napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "Why are you saying sorry to me, Kate?" tanong niya sa akin. "Sa nasaksihan mo sa pamilya ko," sagot ko sa kanya "Lalo na sa inasal ng ng stepmother at stepsister ko," dagdag ko pa. Sa totoo lang ay nahihiya ako kay Trey dahil unang beses niyang ma-meet ang pamilya ko ay nasaksihan na niya ang drama ng pamilya ko. Lalo na iyong inasal nina Tita Celine at Mae. Sinabi pa ni Mae kay Trey na binayaran ko siya para magpanggap na asawa ko dahil sa nangyari nga sa amin ng ex kong cheater. Pero nagbago naman ang ugali ng dalawa nang malaman nila kung sino ang asawa ko. Lalo na noong malaman nila na siya ang may-ari ng







