Lagot ka diyan, Kate haha.
Kate Kumunot ang noo ko nang huminto ang sinasakyan namin na kotse ni Trey sa parking lot ng isang mamahalin na restaurant. Inalis ko ang tingin sa labas ng bintana para sulyapan siya. "May ka-lunch meeting ka, Sir," tanong ko sa kanya. Pilit ko nga ding inaalala kung may nakaligtaan ba akong appointment ni Sir Trey ng sandaling iyon. Pero wala akong maisip. "No," sagot niya sa akin. "Anong gagawin natin diyan?" "You ask so many questions, Kate. Do you really want me to shut your mouth?" Mabilis ko namang itinikom ang bibig ko sa sinabi niya. Nakatakas ako kanina noong nasa elevator kami, baka hindi ko na siya matatakasan ngayon, lalo na at sana loob kami ng kotse niya. Bumaba na si Trey ng kotse ng pagbuksan siya ng driver niya. Hindi naman siya umalis sa harap ng pinto ng kotse, mukhang hinihintay niya akong bumaba. At pinagdikit ko ang aking labi nang makita ko ang pagpatong ng kamay niya sa bubong ng kotse nang makita niya ang pagbaba ko doon. "Let's go," yakag na n
Kate Kinakabahan ako sa sinabi ni Trey kanina no'ng ipatawag niya ako sa loob ng opisina niya nang mabasa niya ang annulment paper na pa-sekreto kung isinama sa mga sulat na natanggap niya. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit mas kinabahan ako ng sabihin niyang bibisitahin niya ang asawa niya para kausapin at magpaliwanag kaysa sinabi niyang hinding-hindi niya pipirmahan ang annulment paper namin na dalawa! Anong ibig niyang sabihin? Bibisitahin niya ako? Alam niya ang address ko? Alam niya kung saan ako nakatira? Pero imposible dahil kung alam niya ay bakit hindi niya ako puntahan kung sinabi niya sa akin na matagal niya akong hinahanap. Ipinilig ko na lang ang aking ulo para maalis si Trey sa isip ko. Lagi na lang niya ginugulo ang isip ko at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inis para sa kanya at sa sarili ko na din kasi lagi na lang siyang pumapasok sa isip ko. Dapat nga ang isipin ko ay kung paano niya pipirmahan ang annulment paper namin dahil mukhang wal
Kate Napakagat ako ng ibabang labi nang kunin ko ang malaking envelope sa bag ko. Ang laman ng envelope ay walang iba kundi ang anullment paper naming dalawa ni Trey na may pirma ko na. Sa totoo lang noong makausap ko si Cheska noong nakaraang araw ay muli akong nag-isip. Biglang nagbago ang nauna kong desisyon na makipaghiwalay kay Trey dahil naisip kung may punto lahat ng sinabi sa akin ni Cheska. Naisip kong bigyan ng chance kasal namin kahit na flash marriage iyon. Pero bigla akong bumalik sa nauna kong desiyon na makipaghiwalay kay Trey nang mabasa ko ang balita tungkol sa kanya sa social media. Nakita ko kasi sa social media ang nagti-trending na balita tungkol sa kanya. May kasama siyang babae sa isang restaurant. Nagti-trending dahil hindi basta-basta ang babaeng kasama niya. Isa siyang sikat na artista. Parang sweet na sweet pa ang dalawa. Nang makita ko nga iyon ay naging buo na ang desisyon ko. Nagpatulong ako kay Cheska na maghanap ng abogado na siyang tutulong sa akin
Kate "Are you sure about this, Kate?" tanong ni Cheska sa akin ng minsan puntahan niya ako sa condo ng sabihin ko sa kanya ang aking desisyon. Pansin ko nga sa ekspresyon ng mukha niya ang paghihinayang. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago tumango. "Oo," sagot ko sa kanya. "Sayang naman, Kate," wika niya sa akin. "Isang Trey Juarez na iyon, eh. Maraming babaeng gustong masilo siya dahil nasa kanya na ang lahat. Sobrang gwapo, sobrang yaman, sobrang hot pa. Every women dreams of him. Tapos ikaw pakakawalan mo pa?" Iniling-ilingan pa siya ni Cheska na para bang disappointed siya sa desisyon ko. Sa totoo lang ay pinag-isipan kung mabuti ang aking desisyon. Marami akong inisip din na posibilidad. At ang desisyon ko ay ang makipag-annul kay Trey. Dahil lang sa bugso ng damdamin at kalasingan kung bakit kami nagpakasal na dalawa. At ayoko naman na itali ang sarili ko kay Trey. "Love," sagot ko kay Cheska. Napansin ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. "What?" "Ay
Kate "Magaling ka na?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Gary na kararating lang sa opisina. Inayos ko naman ang suot kong malaking salamin sa mga mata bago ako tumango. "Oo," sagot ko sa kanya. "Pasensiya ka na pala kung hindi ako nakapasok ng tatlong araw," paghingi ko ng sorry sa kanya. Yes. Tatlong araw akong hindi pumasok. At tatlong araw din akong hindi nakaalis sa condo ni Trey. He wouldn't let me leave the condo until I was fully recovered. "It's okay, Kate. Wala din naman akong masyadong ginawa dahil wala din si Sir Trey," sagot din niya sa akin. Kunwari ay nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi din nakapasok si Sir Trey?" tanong ko kahit na alam ko na hindi siya pumasok. Kasama ko, eh. "Oo," sagot niya sa akin. "Pina-cancel nga niya sa akin ang appointment niya ng tatlong araw dahil may ginagawa daw siya." "Oh," sagot ko na lang naman. "Kaya magiging busy tayo ngayon dahil paniguradong marami siyang ipapagawa," dagdag pa niya. Umupo naman na si
Kate Nandito pa din ako sa condo ni Trey. Hindi ako makaalis dahil hindi ako nakapaglakad ng maayos. Masakit pa din kasi ang buong katawan ko, lalo na ang pagkababae ko. Kanina nga ay nagkaroon ako ng sinat. Gusto pa nga ni Trey na dalhin ako sa ospital pero tumanggi ako. Anong sasabihin ko sa doctor kapag chenick ako? Alangan naman sabihin ko sa kanya na nilagnat at masakit ang katawan ko dahil sa sex at malaki ang k*****a ni Trey? Pinipilit nga niya ako pero hindi ako pumayag. Sinabi ko nga sa kanya na kung gusto niyang magpatingin sa doctor ay magpatingin siyang mag-isa. Mabuti na nga lang din at hindi na niya ako pinilit. Bumili na lang siya ng gamot at iyon ang iniinom ko. Sa totoo lang ay ibang-ibang Trey ang nakikita ko ng sandaling iyon sa Trey na nakikita ko sa opisina. When he is in the office, Trey is hard to reach, hot-tempered. Pero nang kasama ko siya sa condo ay kabaliktaran ang pag-uugali niya. Para nga itong may dual personality. And speaking of office ay kail