Teilen

Chapter II: Boss

last update Veröffentlichungsdatum: 12.07.2026 12:30:31

Shenna's POV

Maaga palang nagising nako para bisitahin si kuya sa ospital. Siguradong malungkot siya dahil magisa lang sa ospital.

Argh!

Napahawak ako sa ulo nang biglang kumirot ito…

Nahihilo ako

Tila umiikot ang buong paligid

Ipinahinga ko muna ang mata ko at pinikit ng ilang segundo kasabay ng paghinga ng malalim.

Makatapos ng ilang minuto ay unti-unting na rin nawawala ang hilo ko at luminaw ang paningin ko.

Tumayo nako sa kinahihigaan ko at naglakad papuntang CR para maghilamos ng mukha.

Nang makapasok nako sa CR ay agad ko naman binasa ang mukha ko at nagsimulang maghilamos.Pagkatapos ay tumingin ako sa salamin para makita ang mga mata kong maganda pero namamaga.

Hays! Parang ako sinuntok ng boksingero nito.

Naalala ko kung paano ako umiyak buong gabi halos maubos na luha ko kakaiyak at hindi nako nakatulog.

Pero ngayon walang magagawa ang pagmumukmok, kailangan kong magpakatatag at makahanap ng paraan kung paano namin mababayaran ang pagpapagamot ni kuya.

Kailangan kong makausap sina mama kung paano namin mababayaran ang pagpapagamot ni kuya.

“kamusta kaya sila?”

Bigla akong napaisip kung ayos lang ba sila.Kagabi lang ay nagtatalo sila tungkol sa kalagayan ni kuya.

Nagpalit muna ako ng damit at lumabas ng kwarto upang malaman kung ayos lang sila.

Pagkabukas ko ng p***o ay…

Ang bango… nakakatakam

Lumantag ang masarap na caldereta na niluto ni mama.

Napuno ng nakakatakam na amoy ng calderetang niluto ni mama sa buong bahay.

“ang sarap naman po niyan” maligaya kong bati sabay mano.

Ngumiti siya sa akin.

“naglagay nako sa baunan para sa kuya mo, magpakabusog kamo siya”

Inilagay niya ang mabangong caldereta sa baunan ni kuya bago nagsandok ng pagkain sa plato ko.

“kumain ka muna bago mo puntahan kuya mo para hindi ka magutom sa pagbiyahe”

Pinaupo ako ni mama at tulad ng sabi niya ay kumain nako at magpakabusog sa caldereta.

Tahimik lamang akong kumakain ng caldereta.

Sa bawat subo ay lasap na lasap ang sarap ng calderetang niluto ni mama.

“napaka sarap talaga ng luto ni mama”

Ito ang paborito namin simula noong bata pa kami ni kuya at iba pang niluluto ni mama.

Naalala ko lang kung paano niya ako asarin sa tuwing caldereta ang ulam.

“bilisan mo, shen! Mauubos ko na yang ulam mo”

Ang laging asar ni kuya sa tuwing paborito niya ang ulam habang inuubos ang pagkain sa plato.

Hindi ko napansin na ngumiti na pala ako sa ala-alang iyon.

Ngunit mabilis ding naglaho ang ngiti ko nang maalala ko si kuya.

“tsaka nga pala ma…” tumingin sa akin si mama at ngumiti.

“ paano natin magpapagamot si kuya?” biglaang tanong ko

Naging seryoso ang mukha niya sa tanong ko.

Natahimik si mama at nanginginig ang mga kamay niya nang ibaba ang sandok at kutsara.

“shen…” nanginginig niyang binigkas ang pangalan ko.

“ ubos na ang ipon natin…” halos mawalan ng boses si mama habang nagpapaliwanag

“ hindi rin sapat ang pera na inutang ko sa kamag anak natin at sa kaibigan ko” hindi makatingin sakin si mama

Tumango lang ako.

“pero…” naging maligaya ang boses ni mama

“ginagawa namin lahat ng papa mo para maipagamot ang kuya mo…”

Napangiti ako sa sinabi ni mama. Binigyan ako ng pagasa sa binigkas ni mama.

“may gustong tumulong din sa atin…”

Tumulong? Ito na ata ang dinasal ko at tinupad ni lord.

“ sabi niya mababayaran niya daw ang pagpapagamot ng kuya mo”

Napaisip ako bakit siya nanginginig at hindi makatingin sa mga mata ko?

“sino po ang tutulong sa atin?” masigla kong tanong

“uhm…”

Hindi natuloy ang sasabihin ni mama nang dumating si papa.

“honey!” niyakap ni mama si papa ng mahigpit at lumapit naman ako para magmano.

“mano po pa”

“oh! Nandito ka pa pala.” iniyakap ako ng mahigpit ni papa, dahil sa higpit ay halos hindi nako makahinga.

“aalis nadin po ako, kumain lang muna ako tsaka dadalawin si kuya”

“ganun ba, magingat ka sa biyahe mo ah”

Kinuha ko ang baunan at bag ko sa upuan at sabay tungo sa pintuan

“alis na po ako!”

“ingat ka!”

“sabihin mo sa kuya mo na magpagaling na siya!” pahabol ni papa bago ako umalis

Kumaway muna ako papalabas hanggang sa hindi ko na sila makita.

———

Payapa naman ang naging biyahe ko at mabilis ako naka punta sa ospital.

Salamat hindi traffic ngayon.

Masaya ako naglalakad patungong entrance ng ospital.

Sino kaya ang tinutukoy ni mama?

Pero ayos lang. Kahit sino naman siya ay salamat matutugunan din ang problema namin.

Nang makapunta nako sa entrance ng ospital ay bumungad sakin ang mukhang mamahaling sasakyan na pinalilibutan ng mga lalakeng naka black suit, mga bodyguard ata sila ng may ari ng sasakyan.

Sinundan ko nang tingin ang sasakyan. Ang yaman siguro ng may ari.

Hindi ko na sila pinansin at diretsong pumasok sa ospital nang makapasok nako ay…

Ang tahimik.

Bakit kinakabahan pati ang nurse at wala masyadong naguusap sa kanila. Pati ang doctor ay seryoso ang mukha.

Tahimik lang ang hallway ng ospital at halos wala masyadong tao na makikita sa loob.

Nakasalubong ko ang nurse at nagtanong

“anong meron dito? Ba't ang tahimik ng paligid”

katanungan ko sa nurse na nakasalubong ko

Pinagmasdan muna ng nurse ang paligid at nilapit ang bibig niya sa aking tenga.

“may isang lalake raw na mayaman ang dumalaw sa ospital na'to,” bulong sa akin ng nurse

“sino po iyon?”

“hindi ko alam kung sino pero malakas ang impluwensya niya sa ospital na'to”

Napaisip ako sa sinabi ng nurse. Sino kaya to.

Hindi ko na inintindi ang sinabi ni nurse at dali daling nagtungo sa kwarto ni kuya.

Binuksan ko ang pintuan at excited na pumasok.

“andito nako!” masaya kong bati.

Hindi katagalan ay naglaho ang aking ngiti sa labi nang biglang makita ko ang isang lalake na nakatayo sa harapan ni kuya.

Parang akong estatwa na nakatayo sa gilid.

Napatitig sa'kin ang lalake at si kuya.

Matangkad siya at may seryosong mukha.mamahalin ang damit nito kung titigan at ang relo ay original.

“anong nangyayari?” nagtataka kong tanong.

Ngumiti sa akin ang lalake at humarap sa akin.

“are you miss shenna charleign” tanong naman nito.

“yes po” sagot ko sa kanya

“sino po kayo?” tanong ko pabalik.

“my boss want to talk to you” mahinahon sa bigkas nito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Boss? Sino naman yun at anong kailangan niya sa'kin.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Married to a Mafia Boss   Chapter VIII: The blackwood Mansion

    Shenna's POVTahimik lang akong nakatanaw sa bintana ng kotse habang papalayo sa bahay.Hindi ko man lang naisabi ang katotohanan sa magulang ko.Sinabi ko sa magulang ko na lilipat muna ako ng bahay pansamantala para sa aking trabaho.Napapikit ako, dahil sa nakokonsensya ako sa mga salita na binitawan ko para lang linlangin ang mga magulang ko.Hindi nga rin nila alam na titira na ko sa mansion at isa nakong Mrs. Blackwood.Pinisil ko ang laylayan ng damit ko.“sana tama ang naging desisyon ko” bulong ko sa sariliHalos isang oras nadin ang biyahe nang unti-unting huminto ang sasakyan sa harap ng malaking bakal na gate.Lumabas si Ashvin at nagtungo kung saan ako nakaupo.Unti-unting niya binuksan ang pinto nang walang emosyon makikita sa kanyang mukha.Ba't lagi siyang seryoso.Lumabas ako sa sasakyan, laking gulat ko nang bumungad sakin ang…Napakalaki at malawak na mansion. Napapalibutan ito ng puno at magagarang hardin at isang malaking fountain sa gitna.Napapalibutan ng mga ar

  • Married to a Mafia Boss   Chapter VII: Warning

    Ashvin's POV Katatapos lamang umalis ni Shenna sa aking opisina. Kahit pilit niyang pinipigilan ang kanyang emosyon, hindi niya naitago ang mga luhang sunod-sunod na pumatak sa kanyang mga pisngi. "Boss, sigurado na po ba kayo sa kanya?" maingat na tanong ng aking kanang kamay. Mabagal ko siyang nilingon at tinitigan nang matalim. "Sa tingin mo, nagkakamali ako sa pagpili ng taong gagamitin?" malamig kong tanong habang dahan-dahang sinusuklay paatras ang aking buhok. Agad siyang umiling. "Hindi po, boss. Pero... ano ang balak ninyo sa kanya?" Ipinatong ko ang aking mga siko sa mesa at marahang pinagdugtong ang aking mga daliri sa ilalim ng aking baba. "Malalaman mo rin pagdating ng tamang panahon," tugon ko, kasabay ng paglitaw ng isang mapanuksong ngiti sa aking mga labi. "Malaki ang magiging pakinabang ni Shenna sa plano ko." Hindi ko na halos mapigilan ang pananabik. Kaunting hakbang na lamang at maaabot ko na ang kapangyarihan at trono na matagal ko nang minimithi. Isan

  • Married to a Mafia Boss   Chapter VI: Marriage Contract

    Shenna's POV Maaga akong nagising para maghanda ng mga gamit ko, ngayong araw na kasi ng kontrata.Mahigpit kong hinawakan ang selpon ko sa aking kamay nang may biglang nag chat.“naghihintay ako, huwag mo ako paantayin ng matagal”Bigla nalang ako nanghina.Ipagpapalit ko ang sarili kong ligaya alang alang sa iyong buhay kuya.Mabilis nako nag-impake ng gamit. Baka kasi maiinip ang lalaking iyon.“hays” hindi ako mapakaliSumilip ako sa bandang bintana at nadatnan ang isang marangyang kotse sa harapan ng bahay namin.Ito na siguro yunDali dali akong bumaba at lumabas ng bahay. Hindi na ako nakapag paalam sa aking mga magulang sapagkat abala sila sa pagtatrabaho.Nang makalabas na ako ng bahay ay nakita ko nanaman ang isang naka black suit na lalaki.Tumingin ito sa akin at nagsimulang ngumiti.“good morning ma'am” pagbati nito tsaka ipinagbuksan ako ng pinto ng kot

  • Married to a Mafia Boss   Chapter V: No other Choice

    Shenna's POVHalos hindi ako makatulog kakaisip sa bawat salitang binitawan ng misteryosong lalaki.“may tatlong araw ka para magdesisyon” ang paulit ulit na bumabalik sa isipan koTatlong araw…Ngunit handa ba'kong isakripisyo ang kahihinatnan ko alang alang sa buhay ng kapatid ko?Napayakap ako sa unan ko habang nakahiga sa kama.Hindi…Hindi ako papayag na magpakasal sa isang lalaki na hindi ko naman hustong kakilala.Ngunit mas ayaw ko naman mawala ang buhay ni kuya.Ipinikit ko muna ang aking mga mata at nagpahinga mula sa nakakapagod na problema.Hays…———Umaga na nang magising ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi nang dahil sa pagod at sa dami ng iniisip ko ngayon.Nagbihis nako at inimpake ang gamit, maaga kasi ako tutungo sa ospital.Pagdating ko doon ay nadatnan ko si doc na kausap si kuya

  • Married to a Mafia Boss   Chapter IV: Proposal

    Shenna's POV“Pakasalan mo ako”Parang tumigil ang paghinga ko sa narinig“ano?” halos mapasigaw kong tanong “baliw kaba?Nanatiling kalmado lang ang lalaki. Tila inaasahan na niya ang magiging reaksyon ko.Tumitig lang to sa aking mata at nilapit ang labi niya sa aking kaliwang tenga.”hindi ako nagbibiro“ mahinang bulong niya sa aking tengaNapa iling ako habang paatras na naglalakad.Seryoso batong lalake nato?”bakit ko naman papakasalan ang isang lalakeng ngayon ko lang nakita? Eh hindi nga kita kilala“”wala kang kailangan malaman tungkol sa akin“Napangiti ako ng mapait.”anong akala mo? Magpapakasal ako sayo?“Ano sa tingin nito? Magpapakasal na lang ako nang basta basta sa mga taong hindi ko naman kilala?Tahimik niyang kinuha ang isang folder mula sa mesa.”basahin mo ang nilalaman“Nag-aalinlangan akong kinuha ang folder.

  • Married to a Mafia Boss   Chapter III: Offer

    Chapter III: Offer“My boss want to talk to you” mahinahong bigkas nito.Napakunot ang noo ko.“Hah! Bakit naman?” naguguluhan kong tanongGusto ko pa sana makausap si kuya ngunit bigla nalang hinila ako ng lalaki sa aking braso palabas.Argh! “teka lang hindi pako na nakapagpaalam sa kuya ko” pag pupumiglas ko sa lalakiHindi na nakinig sa akin ang lalake at patuloy na hinila ako sa mahabang pasilyo ng hospital.Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.Ano ba ang kailangan nila?Sino ba sila?Nagpupumiglas ako sa lalake ngunit parang bato ang kanyang kamay sa tigas na nakahawak sa braso ko. Ayaw niya talaga akong bitawanIlang minuto na kami naglalakad sa pasilyo ng ospital nang bitawan nako ng lalake sa isang pribadong opisina.“dito…” mahinang bigkas nito sabay turo sa pinto.Napa iling ako sa inis.“ano ba kasi kailangan niyo?” gal

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status