LOGINMegan believed that loving Killian was worth every risk... until she left him and without any explanation, she married another man. To Killian, there was only one truth--- she betrayed him. Years later, fate brings them together again. But the man who once loved her with all his heart is now consumed with so much anger for her. He wants her to suffer. He wants her to regret leaving him. He wants to make her pay... even if it means destroying her. Pero paano kung ang lahat ng pinaniniwalaan ni Killian ay isa palang kasinungalingan? Paano kapag nalaman niyang ang babaeng nais niyang paghigantihan ay may itinatagong lihim na magpapabago ng lahat sa kanya? At paano kung sa likod ng galit at paghihiganti ay may isang damdamin pa rin na pilit na naglalapit sa kanilang dalawa? Can love survive when revenge should come first?
View More“Kumusta ang inaanak ko, Meg? Nilalagnat pa rin ba?” magkasunod na tanong ni Lydia kay Megan. Isa ito sa pinakamalapit niyang kaibigan at ninang ng kanyang limang taong gulang na anak na si Arabella.
“She’s fine. Medyo bumaba na ang lagnat niya,” nakangiti niyang sagot dito habang inilalapag na ang kanyang bag sa ibabaw ng kanyang mesa. Kasalukuyan na silang nasa kompanyang kanilang pinagtatrabahuan, ang Empire Fashion House. It’s not just a clothing line. It’s a company that was founded in Italy and now has a headquarter in Manila. They create dresses, gowns, suits or anything that only celebrities or people from high society wear. Madalas ding magsagawa ng mga fashion shows ang kompanya. They were trend-setter. Nagpapasimula sila ng mga iba’t ibang istilo ng damit na sadyang pumapatok sa merkado. At kabilang sila ni Lydia sa matatagal nang fashion designer sa naturang kompanya. Minsan pa nga ay sa kanila nagmumula ang mga bagong labas ng disenyo ng mga gowns at dresses na talagang tinatangkilik ng madla. “Maigi naman at maayos na siya,” komento pa ni Lydia. “Si Axel ba ang kasama niya ngayon?” tanong pa nito na ang tinutukoy ay ang asawa niya. Asawa... Megan heaved out a deep sigh. Tumango na lang siya bilang sagot sa tanong ni Lydia saka marahan nang naupo sa kanyang puwesto. Magkatabi lang ang mga mesa nilang dalawa kaya kahit anong oras ay nagagawa nilang magkuwentuhang magkaibigan. At hindi pa nga maiwasang matigilan ni Megan nang mabanggit nito si Axel. Yes, Axel was her husband. Legally, they were really married. Hanggang ngayon nga, matapos ang anim na taon ay nakatali pa rin silang dalawa sa matrimonya ng kasal... kasal na hindi niya ginusto, kasal na nangyari dahil sa isang mabigat na rason. “Anyway, nabalitaan mo na ba ang mangyayari sa Lunes?” Agad na iwinaksi ni Megan ang mga alaalang sumagi sa isipan niya at lumingon nang muli kay Lydia. “Mangyayari sa Lunes? What do you mean?” Bago sumagot sa kanya ay iginala pa muna ni Lydia ang paningin nito sa kanilang paligid. Naroon na rin ang iba pa nilang katrabaho at dahil waring ayaw nitong iparnig sa iba ang sasabihin sa kanya ay sadyang lumapit pa sa kanya ang dalaga. Pinagulong pa nga nito ang kinauupuang swivel chair palapit sa kinaroroonan niya saka pabulong na nagsalita. “Sa Lunes darating ang bagong presidente ng Empire Fashion House. Straight from Italy, Meg. And guess what?” “W-What?” ganting bulong niya rito na wari bang napukaw na rin ang kuryosidad sa mga sinasabi nito. “According to Mrs. De Guzman, the new president is oozing with sex appeal. Makalaglag panty daw.” “Lydia!” Megan almost hissed at her friend. Bahagyang tumaaas kasi ang tinig nito nang sabihin ang mga huling salita. Para kasing kinilig ito dahil doon. “Puwede ba, mag-ayos ka? Bagong big boss natin iyang pinapantasya mo, ah.” “Bakit ba?” buwelta nito na napapangiti pa. “Masama bang hangaan iyong tao? Baka kapag nakita mo rin siya sa Lunes ay sang-ayunan mo ang mga sinasabi ko. I saw him in the picture, Megan. Pinakita ni Mrs. De Guzman. My gosh, papasang artista ang bagong presidente nitong Empire House.” Tinaasan lang ito ng isang kilay ni Megan. Kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi niya nakikita ang kanyang sarili na magkakaganoon sa isang lalaki... hindi na. She heaved out a deep sigh and darted her stares on her table. Naroon na sa tapat niya ang kanyang laptop at ilang folders na naglalaman ng mga bagong disenyo ng mga damit na siya pa mismo ang gumuhit. Si Lydia naman ay muli nang pinagulong ang swivel chair nito palapit sa sarili nitong mesa. Itinuon na rin ng kaibigan niya ang atensyon nito sa trabaho habang may naglalaro pa ring ngiti sa mga labi. Hindi pa rin mawala ang kilig na nararamdaman nito para sa bagong presidente ng kompanyang pinagtatrabahuan nila. Napailing na lamang si Megan. She’s only twenty-six years old but she felt like she’s done with that phase. Hindi na siya kinikilig sa ibang lalaki. Ni hindi na rin siya makadama ng paghanga para sa iba. Of course, hindi kabilang doon ang mga lalaking hinahangaan niya ang pisikal na katangian. But to say that she admired a man in a romantic way? It’s impossible to happen. She’s married. She’s still married to Axel. Kahit pa hindi katulad sa iba ang kasal na namagitan sa kanilang dalawa, iginagalang niya pa rin ang katotohanang legal pa rin siyang nakatali rito. At hindi lang ang pagiging may asawa ang dahilan kung bakit hindi na siya makadama ng paghanga para sa ibang lalaki. Alam ni Megan sa kanyang sarili na kaya hindi na magawang tumibok ng puso niya para sa iba ay dahil hanggang sa mga sandaling iyon, may umuukopa pa rin niyon. Kahit pa anim na taon na ang lumipas, hindi niya pa rin ito maalis sa puso niya. Disimulado na niyang hinamig ang kanyang sarili. It had been six years. She wondered where he was now. Was he still mad because of what she did? Maybe yes... He hated her... she saw it in his eyes when she left him six years ago. ***** AGAD na may sumilay na isang ngiti sa mga labi ni Megan nang pagbuksan siya ng p***o ni Axel, ang kanyang asawa. Kinuha pa nito ang dala-dala niyang ecobag na naglalaman ng mga pinamili niyang groceries. Bago kasi tuluyang umuwi mula sa kanyang trabaho ay dumaan muna siya sa isang supermarket at namili ng ilang pangangailangan nilang mag-ina. “Si Arabella?” tanong niya kay Axel habang hinuhubad na ang suot niyang sapatos. Ito naman ay dumiretso sa mesang nasa kusina at inilapag doon ang mga pinamili niya. “Nakatulog na siya,” tugon ni Axel. “Napakain ko na siya kanina at pinainom na rin ng gamot. Medyo sinat na lang ang mayroon siya.” “Thank you so much, Axel,” aniya saka naupo sa mahabang sofa na nasa sala. Sadyang iniunat niya pa ang kanyang mga paa para maipahinga ang mga iyon. “Tired?” her husband asked. Nakatitig na ito sa kanya habang nakasandal pa ang kaliwang balikat sa may hamba ng kusina. She sighed before answering him. “Ang dami lang kailangang gawin sa opisina. Nagpaplano ang kompanya na maglabas ng mga bagong disenyo ng mga damit. That’s our new president’s first project.” “New president?” nagtataka nitong sabi. “Yes,” aniya. “I don’t know what really happened. Someone acquired Empire Fashion House. Magsisimula siyang mamahala ng kompanya sa Lunes.” Axel nodded. Hindi na ito nang-usisa tungkol sa bagay na iyon at sa halip ay tumayo na nang tuwid saka naglakad palapit sa kanya. “Speaking of Lunes,” wika nito sa kanya. “I am seeing Atty. Llaguno on Monday. Pag-uusapan na namin ang tungkol sa gagawin sa annulment natin. Want to come with me?” Napangiti si Megan, kung ngiti man ngang matatawag iyon. Para kasing ismid na ang namutawi mula sa mga labi niya. “I also need to talk to my lawyer about it, Axel. Kapag napag-usapan na namin ang mga dapat pag-usapan saka na natin lakarin iyon.” Muling napatango na lang si Axel. “We will soon be free from each other, Meg. Hopefully, ito na ang simula para magawa naman natin ang mga gusto nating gawin.” Sukat sa mga sinabi nito ay napaupo na nang maayos si Megan. Isang mapait na ngiti na lamang ang iginawad niya rito bago marahang napayuko. Posible pa kayang mangyari iyon? Ang magawa nila ang mga bagay na gusto nila? After six years of being married? Parang ang hirap nang magsimula ulit. Ang dami nang nangyari mula nang kapwa sila napasok ni Axel sa kasal na iyon. “Will you be okay?” mayamaya ay narinig niyang tanong ni Axel. Bakas pa sa tinig nito ang pag-aalala para sa kanya. “Of course,” maagap niyang sagot dito. “We waited for this, right? Mapapawalang-bisa na rin natin ang kasal nating dalawa.” “How about Ara?” anito na sadyang sumulyap pa sa p***o ng kuwarto nilang mag-ina. “She will be fine,” tugon niya na pilit pang ngumiti. “Hindi ka naman tuluyang mawawala, hindi ba? Y-You will still visit us?” “Oo naman,” saad ni Axel na matamis pang ngumiti sa kanya. “Mahal ko si Ara, Meg. I will always be her Papa Axel.” Agad na napayuko ulit si Megan dahil sa mga sinabi nito. Totoong matagal nilang hinintay na mapawalang-bisa ang kasal nilang dalawa. Pero sa kabila niyon, hindi niya pa rin maiwasang malungkot, hindi para sa kanyang sarili kundi para kay Arabella. Her daughter loved Axel. Malapit ito sa kanyang asawa at paniguradong maghahanap ito oras na tuluyan na silang maghiwalay. Ngayon pa nga lang ay nagtatanong na ito kung nasaan ang Papa Axel nito. She and Axel were not leaving together. Halos magdadalawang taon lang silang nagsama matapos ng kanilang kasal. After that, they decided to live separately. Doon na rin siya nagsimulang magtrabaho dahil hindi niya naman gustong umasa lang kay Axel lalo pa’t alam niyang nagsisimula na rin itong bumuo ng sariling buhay kasama si Kelly, ang kasintahan nito. Pero sa kabila niyon ay hindi naman sila lubusang tinalikuran ni Axel. Madalas pa rin itong dumalaw sa kanila ni Arabella. Minsan nga ay kasama pa si Kelly. Maging kasi sa dalaga ay malapit din ang kanyang anak. Nag-aabot din ng sustento sa kanila ang kanyang asawa kahit pa sa maraming pagkakataon ay tinatanggihan niya iyon. Kaya niya rin namang buhayin ang anak niya. Ang sinasahod niya sa Empire Fashion House ay sapat din naman sa lahat ng pangangailangan nilang dalawa ni Arabella. But Axel would always insist for her to accept his money. Kasal pa raw silang dalawa. Legally, responsibilidad pa raw sila nito. Dahilan pa nga iyon para wala siyang magawa kundi ang tanggapin na lang ang sustentong ibinibigay nito sa kanila ni Arabella. “Anyway,” untag na ni Axel sa kanya. “I am going now. Iyong niluto kong ulam, natatakpan sa mesa.” Agad nang tumayo si Megan saka nagsalita rito. “Thank you so much, Axel. Alam kong abala na ito sa iyo kaya maraming salamat talaga.” “It’s fine, Meg. Day off ko naman sa trabaho kaya hindi kaabalahan ito. Besides, always remember that Arabella is also important to me. Walang problema sa aking bantayan siya.” Megan smiled at him. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin ito sa kanya. Hinatid niya pa nga ito hanggang labas ng kanilang bahay at nang makaalis na sakay ng sarili nitong motor ay saka lang siya pumask sa loob. Siniguro niya pang naka-lock na ang p***o bago pa siya naglakad na patungo sa kuwarto nilang mag-ina. Sa may hamba pa lang ng silid nila ay natigilan na si Megan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw na niya si Arabella na mahimbing nang natutulog. Waring may kung ano pang humaplos sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ito. Her heart almost tightened. She couldn’t help it. Sa lahat ng nangyari noon, ang buhay ni Arabella ang lubos na naapektuhan. Isang malalim na buntonghininga pa nga ang pinakawalan niya bago lumapit na sa kama. Naupo siya sa tabi ng kanyang anak saka marahan pang hinaplos ang buhok nito. “I love you so much, Ara. Sorry kung hindi ka mabibigyan ni Mama ng kompletong pamilya,” she murmured with so much loneliness on her voice. Megan knew it was so impossible to happen. Matapos ng mga nagawa niya noon, wala nang pag-asa pang mabuo ang pamilyang noon pa lang ay gusto na niyang magkaroon... wala nang pag-asang maging maayos pa ang lahat sa pagitan nila ng ama ng kanyang anak--- the man she had only loved in her entire life...“Hi, Ara!” masigla at natutuwang bati ni Kelly kay Arabella nang pagbuksan sila nito ng pinto ng apartment na tinitirhan nito at ni Axel.Waring nasabik din na agad na yumapos ang kanyang anak kay Kelly. “Hi, Tita. Where’s Papa Axel?”“Nasa trabaho na ang Papa Axel mo,” wika ng dalaga saka siya naman ang binalingan. “Tuloy ka muna.”Megan smiled at her. Humakbang nga muna siya papasok sa tinitirhan ng mga ito. Agad siyang lumapit sa pahabang upuang gawa sa plastic rattan saka inilapag doon ang bag na naglalaman ng ilang gamit ni Arabella. May dala siyang ekstrang damit ng kanyang anak, ilang laruan nito at ang paborito nitong snacks na hindi niya nakalilimutang bilhin sa tuwing nagagawi siya sa supermarket.“Here are her things,” saad niya, mas partikular para kay Kelly.“Okay. Just put it there,” anito naman bago muling binalingan ang kanyang anak. “May inihanda akong almusal. Gusto mo bang kumain?” Kelly stopped talking for a while then looked at her as well. “How about you, Meg? Ma
Killian closed his eyes tightly as the lips of the woman he’s fvcking trailed down to his neck. Eksperto ang bawat galaw ng mga labi at kamay ng babae. Halatang marami nang karanasan. And that’s what he needed at that moment. He needed someone who would fulfill his needs as a man.At iyon ang ginagawa ngayon ng babaeng kaulayaw niya. Kanina pa siya nito pinaliligaya. Her mouth was expert in giving head. He even came in her mouth but she didn’t seem to care at all and tasted all of him instead.Now, the woman was sitting on his lap in astride. Patuloy ang pagpapaulan nito ng halik sa buo niyang katawan habang siya ay prenteng nakaupo lamang sa pang-isahang sofa na nasa loob ng kanyang opisina. Lahat ng butones ng suot niyang polo ay nakabukas na sanhi para malayang naglalakbay ang mga palad ng dalaga sa kanyang matipunong dibdib.His pants were already unzipped and unbuttoned. She was sitting on his manhood and would deliberately grind her bare entrance into his rock-hard member. Iyon
“Kumusta ang inaanak ko, Meg? Nilalagnat pa rin ba?” magkasunod na tanong ni Lydia kay Megan. Isa ito sa pinakamalapit niyang kaibigan at ninang ng kanyang limang taong gulang na anak na si Arabella.“She’s fine. Medyo bumaba na ang lagnat niya,” nakangiti niyang sagot dito habang inilalapag na ang kanyang bag sa ibabaw ng kanyang mesa.Kasalukuyan na silang nasa kompanyang kanilang pinagtatrabahuan, ang Empire Fashion House. It’s not just a clothing line. It’s a company that was founded in Italy and now has a headquarter in Manila. They create dresses, gowns, suits or anything that only celebrities or people from high society wear.Madalas ding magsagawa ng mga fashion shows ang kompanya. They were trend-setter. Nagpapasimula sila ng mga iba’t ibang istilo ng damit na sadyang pumapatok sa merkado.At kabilang sila ni Lydia sa matatagal nang fashion designer sa naturang kompanya. Minsan pa nga ay sa kanila nagmumula ang mga bagong labas ng disenyo ng mga gowns at dresses na talagang t












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.