LOGINShenna's brother is terminally ill, but her family is drowning in debt and cannot afford his expensive medical treatments. Just when all hope seems lost, a mysterious billionaire offers to pay for her brother's therapy, settle all of their debts, and provide financial security for her family. However, there is one condition: Shenna must marry him. Will shenna sacrifice her freedom for her brother's life? Or marry the mysterious man?
View MoreShenna's POV
Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Kasabay nito ang walang tigil na panginginig ng aking mga kamay at tuhod. Hindi ko inaalis ang tingin sa pintuan ng emergency room kung saan isinugod si Kuya matapos siyang biglang matumba at mawalan ng malay habang nangingisay. Hindi ko mapigilan ang pag-aalala. Bawat segundo ng paghihintay ay tila nagpapabigat sa aking dibdib. "Jusko po... sana ayos lang si Kuya," mahina kong bulong habang mahigpit na nakahawak sa aking dibdib. Mas lalo akong pinagpapawisan. Pakiramdam ko'y anumang oras ay bibigay na rin ang katawan ko sa sobrang kaba. Lumipas ang ilang minuto, ngunit para sa akin ay parang isang napakahabang oras. Maya-maya'y bumukas ang p***o ng emergency room. Isang doktor ang lumabas. Agad niyang isinara ang p***o sa likuran niya bago dahan-dahang lumapit sa akin. Mabilis akong tumayo. "Doc... kumusta po si Kuya?" tanong ko. Halos hindi ko marinig ang sarili kong boses dahil sa panginginig nito. Hindi agad siya sumagot. Huminga muna siya nang malalim. "Miss Charleign..." Sa isang salitang iyon, lalo akong kinabahan. Huminga siyang muli bago nagsalita. "Kailangan kong maging tapat sa iyo. Malubha ang kondisyon ng kapatid mo. Mayroon siyang sakit sa bato na napakahirap gamutin. Posibleng tumagal pa ang laban niya, ngunit... terminal na ang kanyang karamdaman." Parang biglang tumigil ang mundo ko. "H-Hindi po... hindi po puwedeng mangyari 'yon," nanginginig kong sambit. "Bata pa po siya. May pag-asa pa po, hindi ba?" Malungkot na umiling ang doktor. “tumagal na ang sakit niya. Ang resulta ng pagsusuri ay nagpapakitang mayroon siyang Polycrystic kidney disease o PKD, isang namamanang sakit na unti-unting sumisira sa mga bato” Napaupo ako sa upuan sa narinig. "May mga treatment na maaaring magpahaba ng kanyang buhay at makatulong upang maibsan ang kanyang nararamdaman. Ngunit kakailanganin niya ng tuloy-tuloy na therapy, mga gamot, at regular na pananatili sa ospital." May iniabot siyang kulay dilaw na folder. "Ano po ito?" tanong ko. "Basahin mo nang mabuti." Nanginginig ang aking mga kamay habang dahan-dahan kong binubuksan ang folder. Halos wala akong maintindihan sa mga terminong nakasulat doon. Ngunit isang bagay ang malinaw na malinaw sa akin— Ang kabuuang halaga ng gamutan. Nanlaki ang aking mga mata. Tatlong milyon!? Saan kami makakakuha nun. "D-Doc... napakalaki naman po nito. Paano po namin ito mababayaran?" halos pabulong kong tanong. "Alam ko," mahinahon niyang sagot. "Pero ito lamang ang tanging paraan upang mabigyan siya ng mas mahabang panahon." Parang may mabigat na batong dumagan sa aking dibdib. Matapos ang usapan namin, agad akong nagtungo sa silid ni Kuya. Pagpasok ko, nakita ko siyang nakahiga habang nakangiti sa akin kahit halatang nanghihina. "Shen!" masaya niyang tawag. "Sabi ni Mama babalik ka raw. Kumusta sa labas?" Pinilit kong ngumiti kahit unti-unti nang nadudurog ang puso ko. Ayaw kong malaman niya na nahihirapan ako. Baka mag alala lang siya. "Ayos lang. Nag-usap lang kami ni Doc." Tahimik siyang tumingin sa akin bago nagtanong. "May sakit ba talaga ako?" Napatigil ako sa sinabi niya. Sasabihin ko ba ang totoo? Hindi ko alam kung paano sasabihin ang katotohanan. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang buhok. "Magiging okay ka," mahina kong sabi. "Lalaban tayo, ha?" Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya ngayon. Hindi muna ngayon. Agad naman siyang ngumiti sa sinabi ko. "Sige. Basta kasama kita." Napangiti rin ako. Kaya moto kuya, lumaban kalang. Ngunit sa likod ng pilit kong ngiti, unti-unti nang gumuho ang lahat ng lakas na natitira sa akin. Paano ba ako makakakuha ng Pitong milyong kalaking pera? --- Habang naglalakad pauwi, hindi ko namalayang napapaluha na naman ako. Tahimik ang buong paligid. Tanging huni ng mga ibon at tawanan ng mga batang naglalaro ang maririnig. Napangiti ako nang bahagya. Nakakamiss maging bata. Noong panahong ang pinakamalaki ko lang problema ay kung anong laro ang lalaruin namin ni Kuya sa hapon. Bigla kong naalala ang isang araw noong sampung taong gulang pa lamang ako. Malakas ang ulan noon at baha ang buong kalsada. Takot na takot akong tumawid. Ngunit ngumiti lang si Kuya. "Takot ka?“ pang-aasar niya. Umirap ako at tumango. Wala siyang sinabi. Yumuko lang siya sa harap ko. “Sakay.“ ”ano?“ "Sabi ko sakay. Hindi kita hahayaang mabasa." Tamawa ako habang umaakyat sa likod niya. Kahit maliit lang ang payong niya, tiniyak niya ako hindi mababasa. Siya ang nabasa. Siya ang nilamig. At kinabukasan, siya ang nagkasakit. Mula noon, lagi kong sinasabi sa sarili... Balang araw, ako naman mag-aalaga kay kuya. Ngayon... dumating na ang araw na iyon. Pero bakit pakiramdam ko... Wala akong magawa? ~~~ Kumatok muna ako sa p***o bago pumasok sa loob. Pagpasok ko pa lamang sa bahay, narinig ko na ang malakas na pagtatalo ng aking mga magulang. "Wala tayong perang pambayad diyan!" sigaw ni Papa. "Anak natin 'yan! Ano'ng gusto mo? Pabayaan na lang natin siyang mamatay?" umiiyak na sigaw ni Mama. Napahinto ako sa may pintuan. Hindi ako makagalaw. Bawat salitang naririnig ko ay parang kutsilyong paulit-ulit na tumatama sa aking puso. Tahimik akong umakyat sa aking silid. Bukas ko na lamang sila kakausapin. Pagpasok ko sa aking silid, isinandal ko ang likod ko sa p***o. Tahimik. Napakatahimik. Doon ko lang hinayaang bumagsak ang lahat ng emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Unti-unti akong napaupo sa sahig habang yakap ang sarili. ”tatlong milyon..." “meron ka kaming malaking utang na babayaran” Hindi ko man lang maisip ang ganoong kalaking halaga. Kahit pagsamahin pa ang kinikita nina Mama at Papa sa loob ng ilang taon, hindi pa rin sasapat. Napapikit na lamang ako kakaisip. Ano'ng gagawin ko? Magtatrabaho ng dalawa o tatlong trabaho? Mangungutang? Magbebenta ng bahay? Pero kahit gawin namin ang lahat ng iyon... Sapat ba? Napatingin ako sa litrato naming magkakapatid na nakapatong sa mesa. Kuha iyon noong kaarawan ko. Mahigpit akong niyakap ni Kuya habang nakangiti sa kamera. "Kapag lumaki tayo, ako ang bahala sa'yo." Naalala ko ang sinabi niya noon. Napahagulgol ako. "Hindi..." "Ako naman ang bahala sa'yo ngayon." "Kahit anong mangyari... hindi kita pababayaan." Mahigpit kong niyakap ang frame ng litrato habang tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Hindi pa tapos ang laban. At hinding-hindi ako susuko. Ililigtas kita, gagawin ko ang lahat para humaba ang buhay mo.Shenna's POVTahimik lang akong nakatanaw sa bintana ng kotse habang papalayo sa bahay.Hindi ko man lang naisabi ang katotohanan sa magulang ko.Sinabi ko sa magulang ko na lilipat muna ako ng bahay pansamantala para sa aking trabaho.Napapikit ako, dahil sa nakokonsensya ako sa mga salita na binitawan ko para lang linlangin ang mga magulang ko.Hindi nga rin nila alam na titira na ko sa mansion at isa nakong Mrs. Blackwood.Pinisil ko ang laylayan ng damit ko.“sana tama ang naging desisyon ko” bulong ko sa sariliHalos isang oras nadin ang biyahe nang unti-unting huminto ang sasakyan sa harap ng malaking bakal na gate.Lumabas si Ashvin at nagtungo kung saan ako nakaupo.Unti-unting niya binuksan ang pinto nang walang emosyon makikita sa kanyang mukha.Ba't lagi siyang seryoso.Lumabas ako sa sasakyan, laking gulat ko nang bumungad sakin ang…Napakalaki at malawak na mansion. Napapalibutan ito ng puno at magagarang hardin at isang malaking fountain sa gitna.Napapalibutan ng mga ar
Ashvin's POV Katatapos lamang umalis ni Shenna sa aking opisina. Kahit pilit niyang pinipigilan ang kanyang emosyon, hindi niya naitago ang mga luhang sunod-sunod na pumatak sa kanyang mga pisngi. "Boss, sigurado na po ba kayo sa kanya?" maingat na tanong ng aking kanang kamay. Mabagal ko siyang nilingon at tinitigan nang matalim. "Sa tingin mo, nagkakamali ako sa pagpili ng taong gagamitin?" malamig kong tanong habang dahan-dahang sinusuklay paatras ang aking buhok. Agad siyang umiling. "Hindi po, boss. Pero... ano ang balak ninyo sa kanya?" Ipinatong ko ang aking mga siko sa mesa at marahang pinagdugtong ang aking mga daliri sa ilalim ng aking baba. "Malalaman mo rin pagdating ng tamang panahon," tugon ko, kasabay ng paglitaw ng isang mapanuksong ngiti sa aking mga labi. "Malaki ang magiging pakinabang ni Shenna sa plano ko." Hindi ko na halos mapigilan ang pananabik. Kaunting hakbang na lamang at maaabot ko na ang kapangyarihan at trono na matagal ko nang minimithi. Isan
Shenna's POV Maaga akong nagising para maghanda ng mga gamit ko, ngayong araw na kasi ng kontrata.Mahigpit kong hinawakan ang selpon ko sa aking kamay nang may biglang nag chat.“naghihintay ako, huwag mo ako paantayin ng matagal”Bigla nalang ako nanghina.Ipagpapalit ko ang sarili kong ligaya alang alang sa iyong buhay kuya.Mabilis nako nag-impake ng gamit. Baka kasi maiinip ang lalaking iyon.“hays” hindi ako mapakaliSumilip ako sa bandang bintana at nadatnan ang isang marangyang kotse sa harapan ng bahay namin.Ito na siguro yunDali dali akong bumaba at lumabas ng bahay. Hindi na ako nakapag paalam sa aking mga magulang sapagkat abala sila sa pagtatrabaho.Nang makalabas na ako ng bahay ay nakita ko nanaman ang isang naka black suit na lalaki.Tumingin ito sa akin at nagsimulang ngumiti.“good morning ma'am” pagbati nito tsaka ipinagbuksan ako ng pinto ng kot
Shenna's POVHalos hindi ako makatulog kakaisip sa bawat salitang binitawan ng misteryosong lalaki.“may tatlong araw ka para magdesisyon” ang paulit ulit na bumabalik sa isipan koTatlong araw…Ngunit handa ba'kong isakripisyo ang kahihinatnan ko alang alang sa buhay ng kapatid ko?Napayakap ako sa unan ko habang nakahiga sa kama.Hindi…Hindi ako papayag na magpakasal sa isang lalaki na hindi ko naman hustong kakilala.Ngunit mas ayaw ko naman mawala ang buhay ni kuya.Ipinikit ko muna ang aking mga mata at nagpahinga mula sa nakakapagod na problema.Hays…———Umaga na nang magising ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi nang dahil sa pagod at sa dami ng iniisip ko ngayon.Nagbihis nako at inimpake ang gamit, maaga kasi ako tutungo sa ospital.Pagdating ko doon ay nadatnan ko si doc na kausap si kuya
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.