Share

Chapter 3

"Oh, anak, where's Ezekiel?" Tanong ni Tita Sobel nang makabalik sa puwesto namin.

"Ah... May pinuntahan po ata, Tita. Babalik din po siguro 'yun maya-maya."

Pagkasabi ko no'n ay tinanguan niya ako at inanyayahang maupo ang bisitang kanina pang nakatayo sa puwesto namin. Nang makaupo sila ay sinimulan nila ang pag-uusap ng masinsinan. They seems so serious.

I already told Ezekiel! Hahanapin talaga siya ni Tita. Ang tigas-tigas ng ulo!

Hindi ko pa rin inaalis ang aking paningin sa kanila ng kunin ni Tita Emma ang atensyon ko. "Si Ella, hija, nakita mo ba?" Bakas ang pag-aalala sa tono nito.

Umiling ako. "Pasensya na po, Tita. Uhh… Pumunta po kasi ako kanina sa comfort room. Pagbalik ko po, do'n ko lang napansin na wala na po pala ang dalawa." I lied. Yes. I know that there's something between the two pero ayaw kong pangunahan sila. Labas na ako ro'n.

"Sige, hija. Salamat." Tita Emma smiled at me as she caressed my shoulder. Sinuklian ko rin siya nang ngiti bago siya tuluyang lumapit kay Tita Sobel.

Nagpaalam na rin ang mga kausap ni Tita Sobel nang lumapit si Tita Emma. Hindi ako sigurado sa kung ano ang pinaguusapan nila. Pero napansin ko ang paglibot ng tingin ni Tita Emma sa lugar. Pagkatapos ay humarap siyang muli kay Tita Sobel at umiling. Mukhang may sinabi rin ito rito na ikinatango ni Tita Sobel. After that, she immediately run towards the gate.

"What was that?" Kuryusong tanong ni mommy nang mapansin ang pagtakbo ni Tita Emma palabas.

Tita Sobel shrugged. "Just finding her daughter."

Tumango-tango si mommy bago ipinagpatuloy ang pakikipagusap kay daddy.

Tila nasa magkaibang mundo ang mga mag-asawang kasama ko sa table. May kaniya-kaniyang pinaguusapan samantalang ako ay buryong-buryo na rito. Gusto ko na magpahinga.

"Saan ba nagpunta ang anak mo?" Naiinis na baling ni Tita Sobel sa asawa nang tuluyang makaupo sa tabi nito.

They are trying to lower their voices habang nag-uusap ngunit mukhang bigo silang gawin iyon.

Tito Paul chuckled. "I don't know, honey. Maybe he had an emergency or something?" He shrugged.

"Tawagan mo kaya? Malapit na magsimula, oh! Maya-maya ay tatawagin na rin siya!"

Panay ang antay nila Tita at Tito kay Kiel. Hanggang sa matapos ang party ay hindi pa rin bumabalik si Kiel! I told him already! It's not a business! Party talaga ito! I don't know why he kept on insisting that it's a pure business. Kilala ko si Tita, as much as possible, she wants to separate business from personal celebrations. Nagkataon lang talaga na imbitado ang ilan sa mga kilalang mayayaman at personalidad dahil malapit ito sa kanila.

"Anak, bibisita kami next week sa inyo, okay?" Aniya ni mommy nang nakalabas na kami sa party.

"Okay po. I miss you already mom. You and dad." I hugged both of them. Hinaplos din naman nila ang likuran ko matapos halikan ang aking sentido.

"I hope you're doing great at your new home." Mangiyak-ngiyak na ani ni mommy.

"Of course mom! I'm happy po." I smiled assuring her that everything's fine.

"I love you, baby! Una na kami, ha? Ingat kayo!"

"I love you rin po!" I gave them a flying kiss before they entered their car.

"Tara na po." Saad ko sa driver.

Marahil wala pa si Kiel sa bahay. Seems like, nilalambing niya ang girlfriend niya. Mukha ring walang alam sila Tita na may girlfriend si Kiel dahil nang ipakilala si Sam kanina, wala namang naging reaksyon sila Tita. At siguro naman kung alam nilang may girlfriend na ang anak nila ay hindi nila ito papayagang maikasal sa akin. Unless they don't like the girl, right? Pero, hindi eh. Mukang hindi talaga sila aware na may girlfriend si Kiel.

Pagkarating ng mansyon ay agad akong dumiretso sa kwarto. I'm right. Ezekiel's not here yet. I decided to take a bath and do some skincare routine before sleeping. Hindi ko na inantay ang pagdating ni Ezekiel. Ba't ko gagawin iyon, eh hindi naman kami totoong mag-asawa. Magdala pa siya ng babae rito, wala akong pakialam.

I was awakened by the noise from my alarm clock. Damn it! It's already ten in the morning! Matapos ng pag-aayos sa sarili ay agad akong bumaba para maghanda ng pagkain pero laking gulat ko na lamang nang makitang narito na ang mga kasambahay!

"H-Hello po." Nag-aalangang bati ko sa may katandaang babae. She's cleaning the stairs.

Napansin ko rin ang pagkataranta niya nang mapansin ang presensya ko.

Pinunasan niya ang kaniyang kamay bago ito inilagay sa parte ng tiyan. She bowed.

"Good morning, Madame." She said without looking at me.

"Hello po! Good morning. Kayo po ang kinuha ni Ezekiel?" Masiglang tanong ko. Pero hindi pa rin niya itinataas ang paningin sa akin.

"Opo, Madame."

"Uh… may breakfast na po ba?" Tanong kong muli. Balak ko kasi sanang ako na ang magluluto.

"Mayroon na po, Madame."

"Oh… Thank you, po!" Pagkasabi'y agad kong tinungo ang dining table.

Pagkarating doon ay nakita ko ang sari-saring mga pagkain. Most of them look so good. Inuna kong kainin ang meat mountain stack. It's really delicious!

"You can join me po." Saad ko sa mga kasambahay na narito sa dining area. Pero umiling lamang sila.

Sinimulan ko na ang aking pagkain habang nag-s-scroll sa I*******m. Hanggang ngayon, hindi pa rin umuuwi si Kiel. Paniguradong magkasama sila ni Samantha. Ni-text wala man lang? Paano kung bigla akong tawagan nila Tita at hanapin siya? Edi, wala akong masasagot?!

"Madame, nandiyan na po si sir." Malumanay na saad ng isang kasambahay. Tinanguan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Kiel sa katapat kong upuan. Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagsusubo habang nakatingin sa hawak na cellphone.

"Did my mom look for me?" Aniya habang nilalagyan ang kaniyang plato.

Ayaw ko sana siyang sagutin kaya lang ay mangungulit lang din ito panigurado.

"Obviously." I said plainly.

"I see."

Hindi ko na siya muling kinibo. Dinalian ko rin ang aking pagkain. Tahimik lang din ang naging agahan namin. Napansin ko rin ang pagtataka sa ilang mga kasambahay pero isinawalang bahala ko na lamang iyon.

Tinungo ko agad ang aking kwarto matapos magsipilyo. Binuksan ko rin ang TV para manood ng kung anong movie.

"Hi! Can I get some popcorn po?" Saad ko sa intercom. Tumalima rin naman agad ang kasambahay ng sinabi ko iyon. Matapos ay binaba ko na ang tawag.

Few minutes have passed when someone knocks at my door. Tinungo ko rin naman ito sa pag-aakalang narito na ang popcorn na ni-request ko sa kasambahay. At some point, I'm right. It's really the popcorn but I wasn't expecting that Kiel's will be the one holding it.

Kinuha ko agad nang walanh pasabi sa kaniya ang hawak na popcorn. Naging madali lang din iyon dahil hindi naman masyado mahigpit ang kaniyang pagkakahawak. Nang makuha ko ay ambang sasarhan ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ito gamit ang isang kamay.

"What the hell? Anong kailangan mo?" Salubong ang kilay kong tanong sa kaniya.

"Chill. Why are you so mad? Hindi mo ako kinikibo kanina pa!" His jaw clenched.

"Ba't naman kita kakausapin? Wala naman tayong pag-uusapan."

"K-Kahit na! I told you we should act sweet in front of them." Tukoy niya sa mga kasambahay.

Inirapan ko lamang siya bago tumalikod at naglakad patungong kama. Sumampa ako rito at inilipat ang kumot sa bandang hita. Sumandal din ako sa headboard saka sinimulan ang pagkain ng popcorn. Hindi rin tumagal ay naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin dahil sa paglubog ng kama. Nanatili pa rin ang mga tingin ko sa pinapanood na movie. He's so annoying! Wala naman na kaming dapat pag-usapan. I told him that Tita Sobel looked for him. End of discussion. Ano pa bang gusto niyang sabihin ko.

Dahil sa inis ay nakabusangot ako habang ngumunguya ng popcorn. Wala rin naman siyang kibo. Pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin.

Ilang minuto ang lumipas at natapos na ang pinapanood ko. Muli akong naghanap ng iba. I raised the remote control I'm holding. Itinapat ko ito sa TV. At ang magaling na lalaki ay walang atubiling ibinaba ang aking kamay. Ipinaharap niya rin ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Tumikhim siya bago simulang magsalita.

"What happened last night?"

"Malamang hinanap kayo. Kayo nung girlfriend mo." I rolled my eyes.

"Anong sinabi mo?" He smirked. Really?! He has the guts to smirk?!

"Syempre, I made some excuses. Alangan namang sabihin ko na sinundan mo ang girlfriend mo?"

Saglit s'yang natigilan sa sinabi ko. He smirked. "Why are you so angry, then? I was just asking you. Don't tell me you're jealous?"

I scuffed. "What the? Jealous? Isumbong pa kita kay Ella, e. By the way, I love your confidence, huh. Ano bang nakain mo at parang naging masyadong makapal ang mukha mo?" Ibinalik ko ang mga tingin sa TV. "I'm mad dahil nakakainis ka naman talaga!"

Humalakhak lamang siya saka hinawakan ang aking baba. Ngayon ay magkatapat na ang aming mukha.

"Don't be too defensive, baby. I was just kidding." Mapupungay ang kaniyang mga mata nang sinabi niya iyon. "Hmm… maybe you've got your period, huh?" Muli siyang ngumisi.

I throw my hands at him before looking away. "Yuck! Baby ka d'yan! Umalis kana nga!"

Tumatawa pa rin ang mokong sa akin. Akala niya ba nakikipagbiruan ako? No way! Nakakainis ang mukha niya!

"Sorry, baby, but I'm going to sleep here." Agad siyang humiga at walang pag-aalinlangang inilagay ang kamay sa bewang ko.

I was stunned for a second. Nang makabalik sa wisyo ay inilagay ko ang hawak na popcorn sa side table. Pagkatapos ay walanh humpay kong hinampas ang kaniyang kamay.

"Your hand, stupid!" Pinipilit kong alisin ang kaniyang kamay sa aking bewang pero masyado siyang malakas. He's holding on to my waist too tight!

"Ezekiel! I told you! Your hand!" Mas hinigpitan niya pa lalo ang hawak sa akin.

"Matulog ka na. You're so noisy. I'm sleepy, baby." Pinilit ko ang sariling bumangon sa pag-aakalang makakawala ako sa hawak niya pero bigo pa rin ako.

So annoying!

Dahil sa inis ay pinigilan ko na ang paggalaw. Hindi ko na rin siya muli pang kinibo. Mukha ring napansin niya agad ang pagkainis ko nang maramdaman ko ang pagluwag nang hawak niya sa akin. Pero laking gulat ko na lamang ng inilagay niya ang isang kamay sa aking ulo at binuhat ako para makahiga sa kama. He's bigger than me and I'm kinda light. Kaya naging madali iyon sa kaniya.

Nang tuluyang na akong nakahiga ay muli niyang ipinulupot ang mga kamay sa aking bewang. Inilagay niya rin ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Magkaharap na ngayon ang mga posisyon namin. Sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin ay wala na akong nagawa kundi ang sundin siya.

He kissed my forehead. "Let's sleep this way." Iyon ang huli niyang sinabi bago tuluyang nakatulog sa tabi ko. Hindi ba siya natulog kagabi at mukhang puyat na puyat siya gayong umaga pa naman!

And the kiss! I was stunned by his kiss.

This guy! He does have a girlfriend but has the guts to kiss my forehead.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status