Patuloy na dumaloy ang mga luha ni Cassandra ngunit pilit siyang ngumiti sa gitna ng mga ito. Ang bawat pintig ng kanyang puso ay masakit na para bang may matalim na kamay na humahapit sa kanyang dibdiba, hanggang sa pakiramdam niya’y hindi na siya makahinga.
Siyam na taon! Sa loob ng siyam na taon, itinanim niya sa kanyang puso ang bawat salitang binitawan ni Ethan, ang bawat hilig nito, ang bawat paboritong kulay ng damit, maging ang mga
malilit na gawi at istilo ng pamumuhay niya. Wala siyang nakalimutan lahat ay nakaukit sa kanyang ala-ala dahil ganoon niya ito kamahal.
Ngunit ano ang sinabi nito ngayon? Tanga? Isang mapait na tawa napilit na lumabas sa kanyang bibig. Oo nga naman. Hindi ba’t siya nga ang tunay na hangal? Isang ganap na hangal. Isang katawang-tawang hangal na buong pusong nagmahal habang siya pala ang pinaka niloloko.
“Ethan Valdez” Isang malakas at hysterical na sigaw kumawala mula sa bibig ni Cassandra. Hindi na niya napigilan ang mga luhang patuloy na dumadaloy, habang nanginginig ang kanyang tinig sa tindi ng sakit. “Hayop ka! paano mo ito nagawa sa akin?”
Sa bigwas ng kanyang tinig, biglang naputol ang lahat ng ingay mula sa loob lounge. Ang mga malabong ungol, ang mga kaluskos at ang umaalog na tunog lahat ay natigil sa isang iglap.
At sa katahimikang iyon, tanging ang mabigat na pahinga at hikbi ni Cassandra ang umalingawngaw sa buong opisina, parang isang sugatang pusong biglang pinunit sa harap ng lahat.
Maya-maya narinig ni Cassandra kaluskos ng nagmamadaling magbihis mula sa loob. Ilang segundo pa ang lumipas bago dahang-dahan na bumukas ang pinto ng lounge.
Mula roon ay lumabas si Ethan tila walang anuman ang nangyari, payapa ang mukha na para bang hindi siya ang lalaking na huli sa akto. Pagkakita niya kay Cassandra nanginginig at umaagos ang mga luha sa pisngi, bahagya lamang siyang umubo nang dalawang beses, saka kunot- noong lumapit
“Cassandra ngayon alam mo na hindi ko na kailangan pang ulitin. Itinuturing lang talaga kitang parang kapatid. Ang mahal ko talaga ay si Elira kung gusto mo ng kahit anong kabayaran sabihin mo lang.”
Ang bawat salitang iyon ay parang mga palad na walang awang nagtulak kay Cassandra sa gilid ng bangin tila siya pa ang dapat, mahiya habang ang lalaking pinaghirapan at minahal niya ng siyam na taon ay walang bakas na pagsisisi sa mga mata.
“Isa lang ang itatanong ko sayo!” mariing bulalas ni Cassandra habang patuloy na bumabagsak ang mga malalaking patak ng luha sa kanyang pisngi. Sa kabila ng lahat ng sakit at pagkawasak, nananatili pa ring kumakapit ang kanyang puso sa huling sinag ng pag- asa nakatingin siya sa mukha ng lalaking minahal niya ng siyam na taon mukhang siya pa rin ang tahanan ng lahat ng alaala,pangarap, at pagmamahal niya.
“Sige, itanong mo.” kalmado ang tugon ni Ethan.
Nanginginig ang tinig niya, ngunit matatag ang kanyang tingin habang nakatitig kay Ethan. Mahigpit ang kanyang mga kamao halos bumaon ang mga kuko sa kanyang palad.
“Minahal mo ba talaga ako? Mula pa siyam na taon na ang nakalipas, hanggang ngayon minahal mo ba talaga ako?”
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa opisina tila sinakal si Cassandra sa bigat ng bawat segundo.
“Hindi mo minahal kailanman?” Aniya halos hindi na marinig ang tinig, habang ang kanyang mga mata ay puno ng desperasyon at pagkalugmok .
“Oo!” Matalim at walang alinlangan na tugon ni Ethan.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi, dala ng lahat ng sakit at galit, at pagkawasak ng puso ni Cassandra. Nanginginig ang kanyang kamay, ngunit sa sandaling iyon, lamang tangin paraan para mailabas ang galit niya kay Ethan. Ang sugat na hindi na kayang ilarawan ng kahit anong salita.
Itinaas ni Cassandra ang kanyang kamay at buong lakas na isinampal kay Ethan sa lakas ng tama, bahagyang naapiling ang mukha nito, ngunit hindi iyon nagdulot ng kahit anong ginhawa sa pusong halos madurog na sa sakit. Muling bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata, patuloy na bumabagsak na parang ulan na walang katapusan.
“Ethan! Siyam na taon! Minahal kita ng buong-buo sa loob ng siyam na taon.” isinisigaw niya nanginginig ang boses sa gitna ng paghikbi.
“Kung kahit isang araw sa loob ng siyam na taon na iyon ay sinabi mong hindi mo ako mahal, hindi na sana ako naging ganito kahangal na patuloy na umaasa hanggang ngayon.”
Mahigpit niyang kinapit ang kwelyo ng kanyang damit, halos punitin sa sobrang galit at sakit ang kanyang sigaw ay halos mapunit ang katahimikan ng buong gusali.
“Kung hindi mo pala ako minahal, bakit ngayon mo lang sinabi ang totoo? Bakit Ethan bakit?!”
Sa mga sandaling iyon si Cassandra ay hindi na lamang isang babaeng sugatan isa siyang pusong tuluyang gumuho matapos mahalin ang maling tao sa loob ng siyam na taon.
Mula pa siyam na taon ang nakalipas hanggang sa kasalukuyan, si Ethan ang naging buong kaligayahan ni Cassandra ang naging sandigan ng kanyang pag-asa ang lahat-lahat ng kanyang buhay. Ngunit ngayon araw sa isang iglap natuklasan niyang sa mundo ng lalaking ito wala pala siyang halaga. Wala siyang puwang isa lamang siyang anino na hindi kailanman nakita o minahal.
“Hindi pa nagtatagal mula nang bumalik kami sa villa kahapon, sinabi ni Xyler sa pamilya niya ang balita na kinasal na kayo. Pero nang marinig iyon ni Mrs. Regina, nagngitngit siya sa galit. Itinuro niya si Xyler at nilait, sinabing hindi siya karapat-dapat bilang nakatatandang kapatid ni Ethan! Idinagdag pa niya na pinakasalan ka raw ng commander hindi dahil mahal ka niya, kundi para gamitin ka sa paghihiganti para sa kanyang ina. Alam daw niyang fiancee ka ni Ethan, pero nagkaroon pa rin siya ng kapal ng mukha na magpakasal sayo. Wala raw siyang konsensya bilang tao at tinudyo pa siyang nakaupo lamang sa wheelchair.”“Dominic! Anong kalokohan ang sinasabi mo?!”Isang mabigat na boses ang biglang umalingawngaw mula sa sala. Nagulat si Dominic, napaatras siya at namutla ang mukha. Hindi niya namalayang lumabas na pala si Xyler mula sa silid-aklatan at narinig ang lahat.Agad siyang napahinto, nanginginig pa ang tinig. “C-Captain, ako.”Ngunit galit at mariing tinapunan siya ng tingin
Nakaramdam ng ginhawa si Cassandra nang marinig ang sagot ni Xyler. Napangiti siya at sinabing, “Kung ganon, umuwi na tayo ngayon!”Mabilis siyang sinulyapan ni Xyler, saka iniunat ang malaki niyang kamay, kinuha ang ilan sa mga dala ni Cassandra at inilapag sa kanyang kandungan. “Ibigay mo sa akin ang mga gamit.” kalmado ngunit diretso niyang sabi.Sandaling natigilan si Cassandra , ngunit agad din siyang natauhan. Mabilis niyang inagaw pabalik ang mga gamit at mahigpit na hinawakan sa kanyang kamay. “Hindi na kailangan! Masama na nga ang paa mo, hindi ko hahayaang abusuhin mo pa ito.” mariin niyang tugon. Pagkasabi niyon, agad siyang pumuwesto sa likuran ni Xyler at itinulak ang kanyang wheelchair pabalik sa kabilang bahagi ng kalsada.Hindi nagtagal, dumating na ang sasakyan ni Dominic. Siya muna ang nag-ayos ng mga dala ni Cassandra at inilagay ang mga iyon sa trunk ng kotse, bago inakay si Xyler at maingat na ipinasok sa loob. Nang makitang nakaupo na si Cassandra sa tabi nito, p
Nang marinig ni Cassandra ang tanong ni Valeira , agad siyang humarap sa hindi kanais-nais na ekspresyon ng babae. Hindi siya nag-atubili. "Hindi! Siya ang asawa ko!"Tumigil ang mundo sandali kay Valeira . Namutla ang mukha nito, at lumaki ang kanyang mga mata na puno ng pekeng pilikmata habang nakatitig kay Cassandra na halos hindi makapaniwala. "Hindi hindi puwede Ikaw ikinasal ka sa." Hindi natapos ni Valeira ang kanyang sinabi nanatili na lang siyang nakatitig, halatang may halong awa at panghihinayang, sabay lingon ang ulo.Tahimik na tumitig si Cassandra sa kanya ng ilang saglit. Nang mapansin niyang dumating na ang kanyang bill, itulak niya si Xyler palabas ng may malamig na ekspresyon. Agad namutla at kumunot ang labi ni Valeira sa pang-aalipusta.Mula nang makaharap niya si Valeira hanggang sa itulak niya si Xyler palabas ng supermarket, nanatiling tahimik si Cassandra, ngunit sa loob niya ay sumisiklab ang apoy ng galit at sakit, isang damdaming hindi niya maipaliwanag, hal
Hindi inasahan ni Cassandra na makatagpo ng ganoong kabait na tao, kaya’t paulit-ulit siyang nagpasalamat sa taxi driver sa buong biyahe. Si Xyler naman ay nanatiling seryoso, nakatingin lamang sa bintana nang walang imik.Dahil sa tulong ng drayber, nakarating silang dalawa sa harap ng supermarket. Habang papalayo ang taxi, hindi napigilan ni Cassandra na mapabuntong-hininga. “Hindi ko akalaing marami pa palang mababait na tao sa mundong ito.”Tahimik na nakinig si Xyler, at habang nakatitig sa papalayong taxi, may bahagyang kislap na dumaan sa kanyang malalim na mga mata.Sanay na si Cassandra sa supermarket na iyon dahil madalas siyang namimili roon. Alam niyang may driveway sa mismong bungad na maginhawa para sa mga gumagamit ng wheelchair. Maingat niyang itinulak si Xyler papasok. Dahil alam niyang kaya nitong kontrolin ang wheelchair gamit ang remote, maingat niyang tinanong kung maaari ba siyang magtulak ng cart habang siya naman ang magmamaniobra ng wheelchair.“Hindi!” mabili
“So, ang ibig mong sabihin ay pupunta ka rito araw-araw, magpapa-prinsesa ka, at ako pa ang maglilingkod sayo?” malamig na tanong ni Xyler, habang nakatitig sa kanya na para bang sinusubok ang kanyang pasensya.“Hindi naman yon ang ibig kong sabihin.” Bumuntong-hininga si Cassandra at pinilit gawing kalmado ang tono ng boses. “Wala akong problema kung ako ang magluluto para sayo. Ang hinihiling ko lang sana tratuhin mo rin akong maayos. Hindi ako ang nagtaksil sayo. Gusto ko lang, kahit sa loob ng tatlong buwang ito, maging maayos ang pakikitungo mo sa akin.”Pakiramdam niya ay hindi siya marunong makipag-usap sa lalaking ito. Kahit malinaw ang mabuting intensyon niya, sinasadyang baliktarin ni Xyler ang kahulugan ng kanyang mga salita parang inuubos talaga ang pasensya niya at hinahamon siyang makipag-away.Tinitigan siya ni Xyler at dahan-dahang kumurap. “Bago ang kasal natin, ikaw ang magluluto ng tanghalian at hapunan ko araw-araw! Kahit ano pa ang kasunduan natin, asawa na kita s
“Sundalo? Makakatayo pa ba siya?” gulat na tanong ni Isabelle nang marinig ang sinabi ni Cassandra.“Mukhang hindi na.” umiiling na tugon ni Cassandra. Sa totoo lang, kung makakatayo pa ba ang lalaki o hindi hindi na iyon ang iniintindi niya.“Ibig bang sabihin, habang buhay na siyang nasa wheelchair?” halos bulong pero puno ng pagtataka ang tanong ni Isabelle.“Siguro gano’n na nga.” sagot ni Cassandra habang bahagyang pinipisil ang kanyang mga labi. May kirot sa puso niya habang iniisip ang sinapit ng lalaki, at kahit paano’y naramdaman niya ang awa para sa kanya.Napabuntong-hininga si Isabelle. “Ay, sayang naman Kung maayos lang sana siya, pwede pa. Pero nasa wheelchair siya, Cassandra sabihin ko na sa ’yo nang diretso, kung pakakasalan mo talaga siya, hindi ba parang sinira mo na rin ang buhay mo?”Pagkarinig ni Cassandra sa mga salitang iyon, agad na nangulubot ang kanyang mga mata. “Ang kasal niya kay Elira, dapat bukas na talaga ’yon. Sabi niya, wala na raw siyang ibang mahaha