공유

Chapter 3:

작가: Juls
last update 최신 업데이트: 2025-09-04 09:32:47

Paano ba siya hindi nadudurog? Paano ba hindi guguho ang puso at kaluluwa niya?

At ang pinakamasakit sa lahat kahit sa harap ng katotohanan, kahit sa gitna ng bangungot kumakapit parin siya sa isang munting sinag ng pag-asa. Umaasa siyang nagsisinungaling lamang si Ethan. Umaasa siyang ang lahat ng ito’y peke isang maling panaginip, isang malupit na palabas na magigising din siya.

Ngunit ang bigat ng kanyang dibdib ay nagsasabing totoo ang lahat at iyon ang pinakamasakit sa lahat.

“Ethan niloloko mo lang ako diba?” nanginginig na tinig ni Cassandra halos pabulong ngunit puno ng pighati. “Ikaw at ang babaeng iyon ay sinusubukan niyo lang ang damdamin ko para sayo hindi ba.?”

Ramdam niyang unting-unting gumuho ang mundo niya. Hindi matanggap ng puso at isip niya ang katotohanan. Buong lakas niyang pinaghahampas ang kwelyo ng damit ni Ethan desperadang nag hahanap ng sagot na mapapawi sa lahat ng sakit. Habang ginagawa niya ito bumuhos ang walang tigil na mga luha puno ng pagkawasak at walang pag-asa.

“Cassandra mag hinay-hinay ka.” malamig at iretadong tugon ni Ethan kunot- noo habang pinagmamasdan ang pusong unti-unti niyang dinudurog.

“Oh sinabi na ni Ethan hindi ka niya mahal kahit kailan. Napakaraming mabuting lalaki sa mundo, Cassandra, Bitawan mo na siya.” galit at mapanuyang tinig iyon ni Elira, na lumabas mula sa lounge suot ang isa sa mga damit ni Ethan. Nakalantad ang kanyang mahahabang mapuputing binti habang nakatayo siya nang may kumpiyansa, nakahalukipkip at nakatitig kay Cassandra na para bang siya ay isang bagay na nakakadiri.

Ang bawat salita ni Elira ay para bang apoy na lalo pang nagpaalab sa sugatang puso ni Cassandra. Bigla niyang ibinaling dito ang kanyang tingin matindi puno ng galit at poot sa isang iglap sinunggaban niya ang braso ni Elira mariing hinawakan na para bang nais niyang durugin ito 

“Ikaw! Ikaw ang dahilan ikaw ang sumira sa lahat! Ikaw ang nang-akit sa kanya, hindi ba?!” Sigaw ni Cassandra halos basag ang tinig ang kanyang mukha ay wasak na wasak halo ng luha,galit, at kawalan ng pag-asa 

“Ethan ang sakit.” Umiiyak na reklamo ni Elira habang nakatingin kay Ethan na para bang isang inaping babae, puno ng pagpapanggap na pagdurusa.

“Cassandra bitawan mo siya! Buntis si Elira!” Mariing sigaw ni Ethan habang mabilis na inabot ang kamay upang itulak si Cassandra palayo. Ngunit mahigpit ang pagkakapit ni Cassandra sa

braso ni Elira parang hawak niya ang mismong ugat sa kanyang galit at hindi niya kayang pakawalan. Ramdam ang lahat ng lakas at desperasyon sa kanyang pagkahawak.

Nabahala si Ethan, natakot na baka may mangyari kay Elira  at sa batang nasa sinapupunan nito. at sa isang iglap walang alinlangan itinulak niya si Cassandra nang buong lakas palabas, hindi inisip ang sakit o ang pagkawasak na maari nitong maramdaman.

Sa sandaling iyon, tuluyang napatunayan ni Cassandra kung gaano kaliit ang halaga niya sa puso ng lalaking minahal niya ng siyam na taon.

Napatigil ng ilang hakbang si Cassandra bago tuluyang mawalan ng balanse at bumagsak paatras. Isang malakas na tunog ang umalingawngaw nang tumama ang likod ng kanyang ulo sa gilid ng mesa sa kape. Mabuti na lamang at naiangat pa niya ang kanyang kamay upang kumapit, kung hindi ay baka mas malala ang kanyang sinapit.

Isang matalim na kirot ang agad na kumawala mula sa batok, kumalat sa buong ulo niya. Napangiwi siya, pilit na pinipigilan ang pangingilid ng luha ngunit hindi niya napigilang mapa-kunot noo sa tindi ng sakit.

Sa sandaling iyon ang sugat sa katawan ay tila maliit na bagay lamang kumpara sa sugat na patuloy na pumupunit sa kanyang puso.

Dahang-dahang iniangat ni Cassandra ang kamay patungo sa likod ng kanyang ulo at doon niya naramdaman ang malagkit na likido na dumikit sa kanyang buhok. Kinabahan siyang hinugot ang kamay at itinapat sa kanyang mukha at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pula na kumalat sa kanyang mga daliri.

Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Ang nakakatakot na tanawin ang sariling dugo ay tila sumampal sa kanya nagpapaalala kung gaano kabigat ang pagkakabagsak. Sa isang iglap nadagdagan ang takot ng kanyang sugatang puso isang takot na hindi lang siya iniwan kundi maaari pa siyang tuluyang mapahamak.

“Cassandra, are you okay?” Hindi inaasahan ni Ethan ang nangyari. Agad siyang nataranta, mabilis na lumapit sa kinaroroonan ni Cassandra at marahang hinawakan ang kanyang braso upang alalayan siya paangat. May bahid ng pagkabalisa sa kanyang mga mata ngunit hindi malinaw kung para ba ito sa kanya o sa batang dinadala ni Elira.

Ngunit bago pa niya tuluyang matulungan si Cassandra, isang malamig at mabigat na tinig ang umalingawngaw mula sa pintuan.

“Let her go!” 

Ang boses ay baritano, mababa at mariin na tila may dalawang puwersa na pumuno sa buong opisina. Parang isang utos na hindi maaaring suwayin. 

Sabay-sabay napalingon ang tatlo si Cassandra duguan at nanghihina, si Ethan na natigilan, at si Elira na napakapit pa sa  kanyang damit sa may pintuan, isang matikas na pigura ang nakatayo, malamig ang tinig at tila handang pumatay gamit lamang ang kanyang presensya. 

Sa isang iglap, nang marinig ang tinig na iyon malamig, mabigat at sobrang pamilyar para bang tinamaan ng kidlat si Ethan. Nanlaki ang kanyang mga mata at ang dati’y kampanteng mukha ay biglang nabalot ng pagkabahala.

Si Elira, na kanina lamang ay nakataas ang ulo at puno ng pagyayabang ay tila na tahimik at napatigil. Ang mapanuksong ngiti sa kanyang labi ay mabilis na naglaho, napalitan ng matinding takot. Namutla siya at nanlaki ang mga mata sa pagkakakita sa matangkad na pigura na nakatayo sa bungad ng pinto.

Si Xyler ang kanyang fiance bumalik nang mas maaga kaysa inaasahan nila.

Bumigat ang katahimikan sa buong opisina, parang walang hangin na makalabas-masok. Maging ang mahinang tik-tak ng orasan ay tila umalingawngaw sa pandinig, nagdadagdag ng kaba sa lahat.

Mabigat at malamig ang tingin ni Xyler habang dahan-dahan itong dumaan sa eksenang nasa harap niya ang duguang buhok ni Cassandra ang kaba sa mukha ni Ethan, at ang nakabihis ng half lang na si Elira. Walang mabasa sa kanyang ekspresyon, ngunit ang bigat ng presensya niya ay sapat para manlamig ang dugo ng kahit sinuman.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother   Chapter 6:

    Pinutol ng malamig ngunit mababang tinig ni Xyler ang katahimikan sa loob ng sasakyan.“Cassandra ang pangalan mo, tama ba?”Bihira na siyang umuwi nitong mga nakaraang taon, ngunit madalas niyang marinig mula kay Ethan ang pangalang iyon kaya’t kahit paano’y may kaunting alaala siyang naiiwan tungkol sa dalaga.Dahan-dahan na napalingon si Cassandra, saka dahan-dahang tumango. “Oo…” mahina niyang tugon, halos wala nang buhay sa boses niya.Hindi siya tumingin sa lalaki. Sa halip, nakapako ang kanyang mga mata sa labas ng bintana, doon sa kalangitang tila walang hanggan. Ang ulap na dumaraan ay tila ba mga bakas ng panahong lumipas magaan at madaling naglalaho, gaya ng siyam na taong ibinuhos niya sa maling tao.Muling bumasag sa katahimikan ang malamig na tinig ni Xyler.“Bumalik ako mula sa hukbo ngayong pagkakataon para magpakasal.”Bahagyang gumalaw ang labi ni Cassandra, ngunit ang sagot ay tila wala sa loob.“Ah…” mahina niyang tugon, halos hindi niya alam kung ano ang sinabi ni

  • Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother   Chapter 5:

    Sa sandaling iyon, huminto ang paghinga ni Cassandra. Ang lahat ng sakit at pagkawasak na pinipilit niyang takasan ay biglang bumangga sa bigat ng tingin ng lalaking na sa harap niya.“Ayos lang ako.” Mahina at basag na tinig ni Cassandra,.pilit pa ring ikinukubli ang panginginig ng kanyang katawan. Hindi man sila ganoon kakilala, naalala niyang minsan o dalawang beses niyang nang nakita ang lalaking ito sa pamilya Valdez. Si Xyler ang panganay na kapatid ni Ethan.Ngunit bago pa man siya makapagtuloy ng kahit anong salita, dumagundong ang malamig na tinig ng lalaki.“Sumakay ka sa kotse!” Matigas walang puwang sa pagtutol. Ang kanyang mukha ay tila ukit na bato seryoso malamig, at puno ng awtoridad na hindi kayang suwayin.Napakurap si Cassandra, tila natauhan. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga daliri at ang sakit na kumakalat mula sa sugat sa kanyang ulo. Ngunit higit pa sa lahat, naramdaman niyang sa malamig na boses na iyon ay may halong bigat na parang hindi lang basta u

  • Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother   Chapter 4:

    Nang marinig ni Cassandra ang tinig na iyon, kusa siyang napalingon sa direksyon ng pinto. Doon sa labas ng opisina ay nakaparada ang isang wheelchair.Nakaupo roon ang isang lalaki na agad na agaw-pansin sa kanyang presensya nakasuot ng military uniform , mahigpit at maayos ang tindig kahit nakaupo lamang. Maikli at malinis ang gupit ng kanyang buhok, na lalong nagbigay-diin sa kanyang matikas na anyo. Sa ilalim ng makakapal at matalim na kilay, nagliliyab ang isang pares ng mga matang tila espada matatalim, malamig, at galit na galit habang nakatuon sa eksenang bumungad sa kanya.Para bang ang titig na iyon ay kayang tumagos sa laman, punitin ang kaluluwa, at walang sinuman ang makakatakas sa bigat ng kanyang presensya.Nanigas si Ethan nang tuluyang makita ang taong nasa pinto. Bahagyang kumislot ang kanyang labi, halatang hindi makahanap ng tamang salita. Sa kabila ng tikas ng kanyang tindig, kitang-kita ang pamumutla ng kanyang mukha at ang alanganing pagkakatayo.“Kuya a-anong

  • Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother   Chapter 3:

    Paano ba siya hindi nadudurog? Paano ba hindi guguho ang puso at kaluluwa niya?At ang pinakamasakit sa lahat kahit sa harap ng katotohanan, kahit sa gitna ng bangungot kumakapit parin siya sa isang munting sinag ng pag-asa. Umaasa siyang nagsisinungaling lamang si Ethan. Umaasa siyang ang lahat ng ito’y peke isang maling panaginip, isang malupit na palabas na magigising din siya.Ngunit ang bigat ng kanyang dibdib ay nagsasabing totoo ang lahat at iyon ang pinakamasakit sa lahat.“Ethan niloloko mo lang ako diba?” nanginginig na tinig ni Cassandra halos pabulong ngunit puno ng pighati. “Ikaw at ang babaeng iyon ay sinusubukan niyo lang ang damdamin ko para sayo hindi ba.?”Ramdam niyang unting-unting gumuho ang mundo niya. Hindi matanggap ng puso at isip niya ang katotohanan. Buong lakas niyang pinaghahampas ang kwelyo ng damit ni Ethan desperadang nag hahanap ng sagot na mapapawi sa lahat ng sakit. Habang ginagawa niya ito bumuhos ang walang tigil na mga luha puno ng pagkawasak at w

  • Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother   Chapter 2:

    Patuloy na dumaloy ang mga luha ni Cassandra ngunit pilit siyang ngumiti sa gitna ng mga ito. Ang bawat pintig ng kanyang puso ay masakit na para bang may matalim na kamay na humahapit sa kanyang dibdiba, hanggang sa pakiramdam niya’y hindi na siya makahinga.Siyam na taon! Sa loob ng siyam na taon, itinanim niya sa kanyang puso ang bawat salitang binitawan ni Ethan, ang bawat hilig nito, ang bawat paboritong kulay ng damit, maging ang mga malilit na gawi at istilo ng pamumuhay niya. Wala siyang nakalimutan lahat ay nakaukit sa kanyang ala-ala dahil ganoon niya ito kamahal.Ngunit ano ang sinabi nito ngayon? Tanga? Isang mapait na tawa napilit na lumabas sa kanyang bibig. Oo nga naman. Hindi ba’t siya nga ang tunay na hangal? Isang ganap na hangal. Isang katawang-tawang hangal na buong pusong nagmahal habang siya pala ang pinaka niloloko.“Ethan Valdez” Isang malakas at hysterical na sigaw kumawala mula sa bibig ni Cassandra. Hindi na niya napigilan ang mga luhang patuloy na dumadalo

  • Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother   Chapter 1:

    Dahan-dahan umakyat ang elevator. Puno ng pananabik at matamis na pag-asa ang puso ni Cassandra Villanueva habang iniisip si Ethan Valdez, na matagal na niyang hindi nakikita sa loob ng isang buwan. Sinabi nitong may magandang balita na sasabihin sa kanya. Napaisip siya na mag-propose na kaya ito ngayon? Matagal na niyang inaasam ang araw na iyon, at ngayon tila nasa harap na niya ang sagot, halos hindi na siya mapakali sobrang lakas ng kaba sa kanyang dibdib. Mahigpit na hinawakan ni Cassandra ang dala-dala niya ng siomai at cup cake na siya mismo ang pinaghirapan gawin alas tres ng madaling-araw. Ginising niya ang sarili sa maagang oras na iyon, hindi alintana ang antok at pagod, para lamang maihanda ang paboritong pagkain ni Ethan. Hindi pa siya nakuntento-nag luto din siya ng adobong manok na paborito rin ni Ethan. Sa bawat galaw niya ay naroon ang taos-pusong pag-aalala. Para kay Cassandra sapat na ang makita ang kasiyahan sa mukha ni Ethan hangga’t natutuwa siya, handa siyang m

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status