Share

CHAPTER 3: Trouble

DAHIL sa mangyari nitong nakaraang araw ay hindi ako nakapag-pokus sa mga gawain ko sa school. Laging lutang ang isip ko at hindi makagconcentrate nang maayos sa pakikinig sa mga lecture. Okupadong-okupado ako sa mga desisyong pinagagagawa ko nitong mga nakaraang araw... isa naroon ang pagpayag na pumalit kay Sandy.

Katunayan nga ay ilang beses kong pinilit si papa na bawiin na lang ang agreement, o 'di kaya'y tumakas na lang kami para makaiwas, ngunit dahil doon ay mas lalong naghimutok sa galit si papa.  Hindi ko dapat siya pangunahan dahil wala raw akong alam. Aniya, kung gawin niya iyon... hindi lang siya ang mapapahamak, pati kami ni Sandy at ang malalapit sa buhay namin. Hindi ko lubos maisip na may mga taong kayang gawin iyon dahil lang sa pagtanggi sa isang kondisyon. Anong klaseng mga tao ba ang nasa likod ng organisasyon na 'yan? 

"Hey, you ok?"

Nanatiling nakasalampak ang mukha ko sa table at hindi pinansin ang nagsalita.

"Puyat ka na naman. Sino ba kasi iyang ka-late night talk mo?"

Anong ka-late night talk? Nilalangaw na nga messaging apps ko e. Hindi naman kasi ako mahilig sa social media. Ibinangon ko naman ang katawan ko at walang ganang tiningnan si Luke.

"Ano bang sadya mo? Ini-isturbo mo tulog ko," pranka ko rito.

Ngumiti naman ito at nilapag sa harap ko ang isang plastic bag na puno ng pagkain. "Sabi kasi sa akin ni Rain na may sakit ka raw, kaya dinalhan kita ng mga prutas at energy drinks," masiglang anito. Ilang sandali pa ay hinipo nito ang noo ko. "Hindi ka naman mainit, ah? Uminom ka na ba ng gamot mo?"

Ramdam ko agad ang masasamang tingin sa akin ng mga babaeng kaklase ko. Malamang ay nagseselos na naman ang mga ito dahil sa pinaggagawa ni Luke sa akin. Famous kasi ang loko lalo na sa mga babae. Hearthrob ng Souvenille University.

"Ayos lang ako," wika ko at inalis ang kamay niya. "Wala akong sakit. Wala lang talaga ako sa mood. Pero salamat dito."

"No problem! Basta ikaw," aniya at kumindat pa. "Kain ka muna ng orange. Teka, balatan kita."

Aalma na sana ako pero mabilis ang kamay nitong nagbalat ng orange at ibinigay sa akin.

"S-Salamat," tanging nasabi ko na lang. Hindi ko naman malunok nang maayos ang kinakain ko dahil sa pagtitig ni Luke sa akin. Itong lalaking 'to talaga napaka-wierdo minsan. "Huwag mo akong tingnan ng ganiyan. Hindi ako mabubusog."

"Ang cute mo kasi."

Napangiwi na lang ako. Nambola pa. Saang kasulok-sulukan naman ng utak niya nahanap ang salitang iyan? Napabuga na lamang ako ng hangin. "Nasaan nga pala si Rain?" pag-iiba ko ng usapan. 

Isinandal naman niya ang likod sa upuan kasabay ang paghalukipkip. "Ah, si Rain? Nasa theater club, may practice raw sila. And speaking of practice, pwede ka bang manood ng soccer mamaya?" nagniningning ang matang alok nito sa akin.

Binuksan ko muna ang isang energy drinks at ininom iyon bago magsalita ulit, "Sige, wala naman akong ganap mamaya. Mauuna ring umuwi si Sandy kaya pwede akong magpaiwan muna." 

"Iyon oh! The best ka talaga!" masayang sabi niya at ginulo pa ang buhok ko. "Aasahan kita ro'n, Sol!"

Nginitian ko na lang siya. Sabay naman naming nilantakan ang dala niyang pagkain.

Highschool best friends namin ni Rain itong si Luke. Mabait ito at gentleman. Akala nga namin bakla e kasi napaka-ilap sa mga babae. Tinatanong nga namin siya ni Rain kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang girlfriend, ang sagot naman niya ay, 'hinahantay ko lang ang tamang pagkakataon, liligawan ko iyong babae kapag maka-graduate na siya'. Kaya minsan ay hindi na ako nagugulat kung bakit maraming babae ang naghahabol sa kaniya. Luke is handsome, kind-hearted, talented. 

NATAPOS na ang klase. Hindi naman nagpatawag ng meeting ang leader namin sa school paper, kaya agad akong bumaba ng building. Yup, journalist ako. News writing and photo journaling ang forte ko.

Pagkababa ay samu't-saring estudyante ang makikita sa quadrangle. Students from different departments. 

Liliko na sana ako para pumunta sa soccer field ng biglang magvibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon sa backpack ko at tiningnan.

Message. 3 minutes ago pa lang ito. Tiningnan ko iyon dahilan para magsalubong ang mga kilay ko. Message kasi iyon galing kay papa.

Bakit hindi niya lang ako tinawagan?

Dali-dali ko namang binasa ang text nito.

'Sol, Mr.Varzen's butlers will fetch you after school. Kinuha na rin nila ang mga gamit mo sa bahay. You'll sleep at the Varzen Mansion's tonight. Take care.'

Teka, ngayon na? Ngayon mismo?! Ba't ang bilis?! Hindi pa ako handang makita ang mga halimaw na sinasamba ni papa! Hindi pa sapat ang kaalaman ko sa martial arts para labanan sila kung sakaling may gawin silang masama sa'kin!

Napabuga na lamang ako ng hangin kasabay ang taimtim na pagpikit. Parang gusto ko tuloy umatras. Pero, alam kong hindi na pwede. Pumayag na si papa na ako ang papalit kay Sol. At ayokong mapahamak si Sandy. Gagawin ko 'to para sa kaniya. At kung ano man ang maging kapalaran ko sa Mr.Varzen na 'yon, Diyos na ang bahala.

Lumihis ako at tinahak ang daan palabas ng campus. "I'm sorry Luke kung hindi muna ako makakapanood sa practice mo," bulong ko sa sarili bago magpatuloy sa paglalakad. 

Pagkalabas ay bumungad sa akin ang isang itim na mahahaling kotse. Dalawang nagtatangkarang lalaki ang lumapit sa akin. Bahagya akong nagulat ng makitang sabay silang yumuko.

Sabay din silang bumati, 

"Nice meeting you, My Lady."

**

TAHIMIK ako buong byahe. Naiilang kasi ako tatlong lalaking kasama ko sa loob. Iyong dalawang lalaking bumati sa akin kanina ay nasa drivers seat. Ang isang lalaki naman na kasamahan nila ay katabi ko lang.

Sa totoo lang ay gusto ko ngang tumakbo at takasan ang mga 'to e, kaso baka mamaya ay may mga baril silang dala at bigla na lang akong paputukan. 

"You want coffee, my Lady?" alok na naman ng lalaki sa akin. Inalok na nga ako nito kanina ng tea, cake, salad, fruits at kung ano-ano pa. Lakas maka-refrigerator itong kotse ano? Daming pagkain.

Napakaluwag ng kotse sa totoo lang. Ngayon nga lang ako nakasakay ng ganito e. May sala pa sa loob at may tea area. Pwede ka rin matulog kasi may higaan sa gilid. Ang gara naman ng may-ari nito! Gusto ko tuloy bumili ng ganito in the future.

"Miss Solly Arien Santiago right?" pagtatanong ulit ng lalaking katabi ko. Sa tantya ko nasa 30's na ito. Pero bagets na bagets ang itsura, pati rin 'yong dalawang lalaki sa drivers seat.

"O-Oo," sagot ko naman at iniwasan ang tingin ng lalaki. Nakakailang!

"It was supposed to be your twin right?"

Napangiwi na lamang ako, wow englishan. Ma-no-nose bleed ata ako rito e.

"A-Ahm, oo," nahihiya kong sagot na bahagya pang napakamot sa noo.

Tumikhim naman siya. "By the way, I'm Ryonessi Almonte. Head masters butler. Personal buttler of the Varzen's family," pakilala nito at yumuko. "Nice meeting you, future mother of the next black swan generation."

Iyan na naman tayo sa black swan e. Ano ba kasi meron diyan? Ganoon ba kalaki ang makukuhang benefits ni dad dahilan para isali rin niya kami sa mga kahibangan na iyan? 

Palihim na lang akong napairap. Sabi ko na nga ba, wala talagang magandang maidudulot ang mga organi-organisasyon na iyan.

Pansin kong nakatitig lang sa'kin ang lalaki at tila hinihintay amg sunod kong sasabihin. Tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya sabay sabing, "Nice meeting you, R-Ryonesasisi." 

Napatawa naman ito nang mahina. "It's Ryonessi. Just call me, Ryo, my lady."

Ang hirap naman kasing banggitin ng pangalan niya. Parang tongue twister.

"And those two are Maverick and Chad. Driver of the Varzen family. And those two will be your driver starting tomorrow," pagpapakilala naman niya sa mga kasama. Tinanguan ako ng lalaking nakasalamin, habang ang isa naman ay sumaludo. Wait, seryoso?! Kailangan ba talagang may sundo?!

Nabuntong hininga na lamang ako. "Huwag na, nakakahiya naman sa inyo."

"No, it's an order from the third son."

"Third son? Mr.Varzen?"

"No."

"Ha? Hindi si Mr.Varzen ang ikakasal sa akin?"

Napatawa tuloy silang tatlo sa tanong ko. Ahm, anong nakakatawa ro'n? 

"Mr. Varzen is the father of the four young masters of Varzen family. Na-misunderstood ata ng papa mo, my Lady. You're marrying the third son of Mr. Varzen, not their father."

So, si Mr.Varzen ang tatay ng apat na lalaking anak nito? Tapos iyong ikatlong anak na lalaki ang ikakasal sa akin? Bakit sabi ni papa si Mr.Varzen daw?! 

"And besides Mr.Varzen is already dead."

Muntik na akong masamid sa sariling laway.

Pambihira, patay na pala iyong paulit-ulit kong isinumpa noong nakaraang araw! Kailangan ko talagang makausap si papa ng masinsinan.

"And as written in the agreement, the most fit and capable son of the Varzen family will take the higher position. Siya ang papalit sa posisyon ng dad niya," pagkukuwento ni Ryo. Pinagsiklop pa nito ang mga kamay habang seryoso ang tingin sa'kin. "And you'll be his wife. You'll share the same power and authority."

Gusto ko sanang itanong kung bakit kailangan pa ng asawa iyang 'third son' na 'yan? Hindi niya ba kayang pamunuan ang organisasyon ng mag-isa lang? 

"Pero si Sandy dapat hindi ako 'di ba?" pagsingit ko. Kapakanan lang naman ng kapatid ko ang dahilan kung bakit napilitan ako sa kabaliwang 'to.

Uminom naman ng tea si Ryo bago sumagot sa tanong ko. "Nakausap na ng dad mo ang mga Varzen patungkol diyan. Mukhang wala naman nakikitang problema kaya sumang-ayon na lang ang lahat. Hmm, saka ikaw na ang nandito. Kaya ikaw rin ang haharap sa responsabilidad na nakaatas sa'yo."

Wala akong maintindihan. Gusto ko na lang tuloy umuwi. Sino ba iyang third son ni Mr.Varzen? Bakit kailangan kasama pa ako? 'Di kaya gawin lang nila akong alay? O gawing utusan?

Pero infernes, mukhang mababait naman 'tong tatlo, magagalang magsalita at halatang mga disiplinado. Pwera na lang sa mga amo nila? Iyong mga Varzen?

Natigil ang malalim kong iniisip ng biglang huminto ang kotse. Sunod-sunod rin ang pagputok ng baril sa itaas. 

Napayuko ako.

"A-Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Ryo.

Nakaramdam agad ako ng takot ng makitang humugot ito ng baril galing sa bulsa. Maging si Maverick at Chad ay may hawak na ring baril.

Shit, ano 'to? Papatayin na ba nila ako? Aba, hindi ko sila hahayaang gawin 'yon---

"Tang*na, nasundan pa ata tayo!" seryosong sabi ni Chad bago tuluyang lumabas ng kotse at nakipagbarilan. "Damn, bakit ngayon pa!"

"Dito lang kayo, huwag na huwag kayong lalabas," pakiusap sa akin ni Ryo bago ito lumabas ng kotse at tulungan sina Maverick at Chad na talunin ang mga kung sinong nilalang sa labas.

Mas lalong nagtagpo ang mga kilay ko. So, hindi ako ang papatayin nila? Bakit? Sino ba ang mga nasa labas? Gulong-gulo man ay tumango na lang ako sa sinabi ni Ryo. Nagtago ako sa likod ng mga upuan. Napapapikit naman ako sa tuwing nakakarinig ng malalakas na kalabog at putukan ng baril. 

"Sol, a-ano ba 'tong pinasok mo?" kausap ko sa sarili. Nagsisisi na tuloy ako, sana no'ng una pa lang umatras na ako! Argh, ayoko ng ganito!

Sinubukan kong sumilip sa bintana ng kotse. Mula roon ay kitang-kita ko ang pakikipagpatintero ni Ryo, Maverick, at Chad sa mga lalaking nakaitim. Mas marami ang bilang ng kaaway kaya nahirapan ang tatlong patumbahin ang mga iyon.

Ilang beses akong napabuga ng hangin. Ano Sol? Magtatago ka na lang ba dito at hindi sila tutulungan?

Hindi naman sinasadyang nahagip ng paningin ko ang isang baril malapit sa driver seat. Nakadapa ko iyong nilapitan at kinuha. Dati kaming tinuruang gumamit ng baril ng tatay ni Luke. PDEA agent kasi ang tatay niya at sa tuwing nag-e-ensayo ay nanonood kami ni Luke, minsan ay tinuturuan din kami ng mga basics. Ewan ko lang kung natatandaan ko pa kung paano gumamit at magpaputok nito. 

Binuksan ko ang likod ng kotse at doon lumabas. Hindi pa man nakakalapit kela Ryo ng bigla akong sinalubong ng dalawang nakaitim na lalaki.

"Saan ka pupunta? Tatakas ka?" mala-demonyong tanong ng isa. Akma sana itong susugod ng agad kong nasipa ang binti niya. Bumulagta ito at namilipit sa sakit.

"Shit! Argh!" 

Sumugod din ang lalaking kasama nito. Hinawakan ko ang braso nito saka pina-ikot. Sabay kong sinipa ang binti at mukha niya.

"Arghhh!" d***g nito.

Bagsak pareho ang dalawang lalaki.

"Wala pala kayo e," nakangising sabi ko kasabay ang pagkasa ng baril. 

"Bossing!" pagtawag ni Maverick sa akin. Lumapit ito sa akin at itinago niya ako sa likod. "Hindi na dapat kayo lumabas, delikado rito. Kailangan ka naming maiuwi ng ligtas kundi mananagot kami," habol hiningang wika nito.

"S-Sino ba ang mga iyan?" pagtatanong ko. Iginala ko naman ang paningin at nakita kong nagtatago sa likod ng kotse si Chad habang nakikipagbarilan. Nakikipagbuno naman si Ryo sa apat na lalaki.

"Mga kaaway sila, bossing. Malamang ay nabalitaan na nila ang tungkol sa'yo," sagot naman nito. Akma sanang lalapit ang tatlong lalaki sa amin ng agad niya itong napaputukan. "Ngayon pa talaga kayo nagpasikat! Mga tarantado!" bulyaw pa nito sa mga kaaway.

Nahuli ng paningin ko ang pagpuslit ng dalawang lalaki. Akma sana nilang babarilin sa likod si Maverick ng agad kong itinutok ang baril na hawak at sabay silang pinaputukan.

Umalingawngaw ang putok ng baril ko. Bumulagta ang mga kaaway sa daan.

Napapikit ako.

Did I just shoot those guys without shaking?

"Bossing..."

"Boss..."

"My Lady..."

Sabay-sabay na pagtawag nina Maverick, Chad, at Ryo sa akin. Lumapit silang tatlo at sinuri ang kabuuan ko.

"A-Ayos lang ako," pagsisigurado ko sa kanila. Umayos ako ng tindig at hinirap ang tatlo na hingal na hingal.

"Paano nila nalaman ang location natin? Naka-off iyong system 'di ba?" kunot-noong tanong ni Chad habang nagre-reload ng bala.

"Na-hack ata ng mga loko," inis na usal naman ni Ryo na itinago ang baril sa bulsa. "Bumalik na tayo, magtataka na ang pinuno kapag magtagal pa tayo rito."

Akma sana kaming babalik sa loob ng kotse ng biglang sabay-sabay na natumba at napada sina Ryo, Maverick, at Chad sa malamig na semento.

Anong nangyayari?

"Tangina, naghakot pa ata ng mga kasama ang mga gago!" tiim bagang na sabi ni Maverick habang nakatingin sa paparating na mga lalaki.

Nanginginig ang tuhod akong napaatras. May back up pa pala?! Ang dami nila. Hindi naman kakayanin patumbahin silang lahat!

"Boss, tumakbo na kayo. Kami na bahala rito," bulong sa akin ni Chad.

Umiling ako. "No, hindi ko kayo iiwan rito!" Hindi ako hibang para iwan lang sila rito pagkatapos ng ginawa nilang pagtatanggol sa akin kanina.

Ilang sandali pa ay may lumapit na tatlong lalaki kayla Ryo, Maverick, at Chad at sabay-sabay silang pinagsisipa sa mukha. Puro d***g ang maririnig sa bibig ng tatlo.

Hindi ko matiis ang mga nasasaksihan ko, kahit alam kong walang mangyayari ay nagpumilit akong patigilin ang mga lalaki sa pagpapahirap sa tatlo. "Tumigil na kayo!" sigaw ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, na bla-blanko ako!

Tila nadagdagan ang kabang nararamdaman ko ng kinaladkad ako bigla ng dalawang lalaki papunta sa harapan ng matangkad at ma-bruskong lalaking may hikaw sa labi.

"Bitawan niyo ako!" pagpupumilit kong makalis sa pagkakahawak sa kanila. Akma sana akong lalapitan ng lalaking may hikaw sa bibig ng agad kong itinutok sa kaniya ang hawak na baril. "S-Sige, subukan mong lumapit! B-Babarilin kita!"

Ngumisi lang ito imbes na masindak sa banta ko. Sa isang kisap-mata naglaho sa kamay ko ang baril. Hawak na iyon ng lalaki. 

"P-Paanong?" Bakit ang bilis ng galaw niya? Iyong baril, naglaho na parang bula sa kamay ko!

"Hey there, little bunny," aniya at sinuri ang kabuuan ko. "Hmm, what a cutie face you got there. Lord Raddix must be lucky to have a wife like you." Nanigas ako sa kinatatayuan ng maramdaman ang malamig niyang kamay sa mukha ko. "Sadly, you can no longer meet him. Because I will kill you right here. Right now."

"D-Don't you dare, Taurus!" sigaw ni Ryo habang nakasalampak pa rin ang katawan sa semento.

Sinipatan lang siya ng tingin ng lalaki at muling ibinalik ang atensyon sa akin.

Hinaplos muli nito ang pisnge ko.

"Hmm, let see if Lord Raddix will come here to save you? Can that bastard save his wife?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status