LOGINAng akala niya, pangit ito. Isang spoiled heir na mayabang at walang kwenta. Isang lalaking nabuhay sa pribilehiyo at sanay na masunod ang lahat ng gusto.
Pero ang lalaking nasa harapan niya ay kabaligtaran ng inaasahan niya.
He looked disciplined. Controlled. Dangerous in a quiet way.
“Stop staring at me,” mariing sambit nito habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalsada. Kahit hindi siya tinitingnan, ramdam na ramdam niya ang titig ni Natalia.
Napakurap si Natalia at agad na umiwas ng tingin, ngunit ilang segundo lang ay napatingin ulit siya.
“I wasn’t staring,” depensa niya, kahit halata namang nahuli siya.
May bahagyang pamumula pa sa pisngi niya, pero pilit niyang pinanatiling mataray ang tono ng boses. Ayaw niyang magmukhang apektado.
One of his brows lifted slightly, slow and deliberate, as if amused.
“You were,” he said calmly. “And you’re late.”
May diin ang bawat salita. Hindi malakas, pero sapat para ipakita kung gaano niya hindi gusto ang pagka late nito.
Napairap si Natalia at tumingin sa labas ng bintana.
“Ikaw talaga ang apo ni Don Alfonso?” takang tanong niya makalipas ang ilang segundo, hindi napigilan ang kuryosidad, muli pa nga siyang napatingin ulit sa lalake dahil talagang hindi ito ang ineexpect niya!
Sinulyapan siya nito sandali bago muling ibinalik ang atensyon sa kalsada. “Why? Disappointed?”
May bahid ng pang-aasar ang tono nito, pero nanatiling kontrolado ang ekspresyon.
“Akala ko kasi pangit kaya—Ahh!”
Bigla itong nagpreno.
Malakas.
Napasinghap si Natalia nang maramdaman ang biglang pag-untog ng katawan niya pasulong. Muntik nang tumama ang mukha niya sa dashboard kung hindi siya agad nahawakan ng lalaki sa braso, mabilis at matatag ang reflex nito.
“What the hell! Why aren’t you wearing your seatbelt? Ako pa ba ang maglalagay?” iritang tanong nito, halatang napikon nang mapagtantong hindi nagsuot ng seatbelt si Natalia.
Mas lalong tumalim ang features nito, ang panga ay mahigpit, ang mga mata ay bahagyang nanlisik, pero parang na nagulat pa si Natalia sa itsura nito dahil mukha itong galit, pero puno rin naman ng pag-aalala at unang beses niyang makakita ng ganoong expression.
“Bakit ba ang init ng ulo mo?” umiirap niyang sagot habang mabilis na isinusukbit ang seatbelt.
Medyo nanginginig pa ang mga daliri niya, hindi niya alam kung dahil ba sa takot o sa biglang lapit nito kanina.
“Sinong hindi iinit ang ulo?” balik nito agad. “Late ka na, kailangan pa kitang sunduin, tapos hindi ka nagsi-seatbelt. Ano? Hindi pa tayo kinakasal, gusto mo na agad akong maging biyudo?”
Halos magdugtong ang kilay nito at gustong matawa ni Natalia sa sinabi nito.
"Oa mo naman----" Pero hindi niya natuloy ang sasabihin nang muli nanaman itong magsalita.
“And you thought I was pangit?” dagdag pa nito, this time with a faint, dangerous smirk, bahagyang tumagilid ang ulo habang tila hinahamon siya.
Nakagat ni Natalia ang labi, pinipigilan ang ngiti. Ayaw niyang aminin, pero medyo nakakatuwa ang reaksyon nito, parang batang na-offend pero pilit na cool pa rin. She hated that she found it attractive.
“Hindi ko naman sinabing sigurado,” depensa niya, sabay taas ng baba, pilit binabawi ang composure niya. “Assumption lang. Akala ko lang kasi bakit ka naman papayag sa isang arranged marriage, ’di ba? You can surely get some women out there if you want… and with that looks,” dagdag pa niya habang tinuturo ang mukha nito, mula noo pababa, parang iniinspeksyon ang features nito.
Saglit na natahimik si Emilio. Hindi agad ito sumagot. Sa halip, tumingin lang ito sa kanya...diretso, matalim, at tila ba may binabasa sa ekspresyon niya.
“And what if I don’t want other women?” malamig ngunit mababang tanong nito.
Bahagyang natigilan si Natalia. Hindi niya inaasahan ang sagot.
“Ha?”
Isang sulok ng labi nito ang umangat. “What if I agreed because I wanted this marriage?”
Biglang umiwas ng tingin si Natalia, nakaramdam ng kakaibang init sa dibdib.
“Eh di wow. Napa seryoso mo naman,” pilit niyang biro, kahit hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito gayong ngayon lang naman din sila nagkita ng personal.
Umiling si Emilio, tila hindi makapaniwala ngunit may bahagyang amusement sa mga mata.
Sa halip na patulan pa ang usapan, tinaas ni Natalia ang kamay niya, mas pormal ang tindig, parang gusto niyang ibalik sa ligtas na usapan ang sitwasyon.
“I’m Natalia Sofia Alvarado,” maayos niyang pagpapakilala, tila ba nasa isang business meeting at hindi sa loob ng sasakyan ng lalaking pakakasalan niya.
Mas naging seryoso ang mukha niya, parang may invisible wall na itinayo sa pagitan nila.
“And you are?”
Tumingin ang lalake sa naka-extend niyang kamay. Saglit.
Parang sinusukat kung tatanggapin ba o hindi.
Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito at inabot ang kamay niya.
Mainit.
Matatag.
“Emilio Alejandro Valderrama.”
Malalim ang boses nito habang binibigkas ang pangalan, parang may bigat ang bawat pantig.
Saglit silang nagkatitigan.
Hindi iyon simpleng titigan lang.
May kung anong dumaan sa pagitan nila, isang hindi mahinuhang tensyon. Hindi malinaw kung curiosity, o mas komplikado pa roon.
Naunang bumawi si Natalia ng kamay. At parang biglang natahimik ang lahat.
Muling pinaandar ni Emilio ang sasakyan, mas maayos na ang takbo ngayon. Mas kontrolado. Tulad niya.
Ngunit may bahagyang kurba ang mga labi nito, isang ngiting pilit nitong pinipigilan.
Because he had waited for this moment.
Natalia Sofia Alvarado.
Hindi na kailangan ng mahabang pagpapakilala.
Kilalang-kilala niya ang babaeng katabi niya.
Hindi lang dahil sa pangalan nito. Hindi lang dahil sa pamilya.
He knew her long before she ever knew him.
Alam niya kung anong paborito nitong café noong college. Alam niya kung anong oras ito madalas umuwi. Alam niya kung gaano ito katigas ang ulo kapag may gustong patunayan.
Too aware. Too observant. Too obsessed.
Hindi siya nakatulog nang maayos noong mabalitaan niyang pumayag na ito sa kasal.
Hindi dahil sa pressure.
Kundi dahil sa pagkakataon.
Isang pagkakataong akala niya ay tuluyan nang nawala noon.
At ngayon… nasa tabi na niya ito.
Close enough to touch. Close enough to keep.
Tahimik na nakatingin si Natalia sa labas ng bintana, walang ideya sa lalim ng iniisip ng lalaking nasa tabi niya.
Para sa kanya, isa lang itong arranged marriage. Isang kasunduang kailangan niyang panindigan. Isang hakbang para maitama ang mga pagkakamali ng nakaraan.
Pero para kay Emilio—
It was never just an arrangement.
Mahigpit ang hawak niya sa manibela.
At sa unang pagkakataon—
Hindi na niya hahayaang mawala muli si Natalia Sofia Alvarado.
Not this time.
Wakas“Emilio Alejandro Valderrama Jr.!”Malakas ang sigaw ni Natalia na halos umalingawngaw sa buong mansion. Pati ang babaeng umiiyak sa harap niya nila ay halos mapatalon sa gulat, pero sunod ay muli naman din nagpatuloy sa pag-iyak.Napapikit si Natalia habang mariing hinihimas ang sentido, pakiramdam niya'y anumang oras ay aatakihin na siya sa sobrang stress na dulot ng anak nilang lalaki.“Relax—”“How can I relax when your son keeps making this kind of trouble?!” halos mapasigaw na muli si Natalia habang nakaturo kay Emilio. “Susko! Kaka-twenty-one pa lang ng anak mo, pero ilang babae na ang pumupunta rito sa bahay para sabihing buntis sila! Hindi ko pinalaking ganyan ang anak mong 'yan, Emilio! Ikaw kasi! Masiyado mo siyang ini-spoil!”Sa halip na mataranta, napatawa lamang si Emilio. Mahina sa umpisa, ngunit tuluyang lumakas ang tawa niya dahilan upang mas lalong kumunot ang noo ni Natalia.“At natatawa ka pa talaga?” iritang tanong niya habang nakapamewang. Napailing si Emi
Chapter 186Muntik nang mabitawan ni Emilio ang hawak niyang sandok sa sobrang gulat nang bigla na lang niyang makita ang anak niya na nakatayo sa tabi niya at tahimik na nakatitig sa kanya.Halos tumalon ang puso niya dahil hindi man lang niya narinig ang pagpasok nito sa kusina at pagbaba nito sa hagdan."Uh?" All Emilio could say at napakamot pa sa ulo dahil sa hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Nakahalukipkip pa kasi ang anak niya habang seryosong-seryoso ang mukha, bahagyang nakakunot ang noo at tila ba matagal na siyang pinagmamasdan. Napalunok si Emilio bago marahang ibinaba ang sandok sa kawali.Tulog pa si Natalia kaya naisipan niyang bumangon nang maaga para magluto.Gusto niyang paggising ng mag-ina niya ay may nakahanda nang mainit na almusal sa mesa, kahit simpleng pagkain lang. sa ngayon.Ni hindi niya mapigilang mapangiti habang nagluluto dahil pakiramdam niya ay napakagaan ng umaga niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niyang muli ang asawa niya at ngay
Chapter 185Their suite had already been upgraded.Hindi alam ni Natalia kung paano nangyari iyon, pero hindi na niya kailangang magtanong pa. Alam niyang si Emilio ang may kagagawan noon. Knowing him, isang utos lang ay sapat na para maasikaso agad ang lahat.Nang makarating sila sa Presidential Suite, hindi niya napigilang mapalinga sa paligid.It was spacious.Mas mukha pa itong isang mamahaling bahay kaysa isang hotel room. Malawak ang living area na may eleganteng couch at glass center table. Ang mataas na kisame at floor-to-ceiling windows ay nagbibigay ng mas marangyang pakiramdam sa buong lugar. May mini dining area, maliit na kitchen, at dalawang magkahiwalay na kuwarto.Tahimik ang buong suite.Pagod na rin ang lahat matapos ang mahabang araw.Nang mahiga si Drake Jr. sa kama, hindi na ito kinailangang pilitin pang matulog. Ilang minuto lang ang lumipas ay mahimbing na ang tulog nito dahil na rin sa pagod din sa lahat ng nangyare.Napangiti si Natalia habang marahan niyang
Chapter 184Everything was happening too fast, but Natalia couldn't stop smiling because of the happiness filling her heart. However, she also couldn't ignore the exhaustion slowly catching up to her. Wala pa siyang naging maayos na pahinga simula nang bumalik siya sa Manila, at ngayon pa lang niya unti-unting nararamdaman ang pagod na kanina pa niya binabalewala.Nang umalis siya sa room ni Emilio, agad niyang pinuntahan ang mga magulang niya.They all looked completely shocked the moment they saw her.Sino ba naman ang hindi magugulat? Lahat sila ay inakalang patay na siya, pero maliban sa pinsan niya na agad na umiyak at niyakap siya nang makita siya nito.Halos wala nang nakapagsalita sa sobrang gulat. Maya-maya pa ay sabay-sabay silang napaiyak. Mahigpit siyang niyakap ng mga magulang niya habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.They kept saying sorry because they had tried to marry Emilio to someone else... because they truly believed that she was already dead.But for Natalia
Chapter 183Halos buong biyahe ay walang imik si Emilio.Tahimik lamang siyang nakaupo sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng bintana.Sunod-sunod na dumaraan ang mga gusali, mga sasakyan, at mga taong abala sa kani-kanilang buhay, ngunit ni isa ay wala siyang tunay na nakikita.Masyadong magulo ang isip niya.Masyadong mabigat ang dibdib niya.At habang papalapit nang papalapit ang sasakyan sa venue ay mas lalo lamang siyang nakararamdam ng pagod.Hindi pisikal na pagod.Napapikit siya sandali.At gaya ng nakagawian niya sa nakalipas na mga taon...Muli na namang sumagi sa isip niya ang mukha ni Natalia. Mabilis niya iyong itinulak palayo.Ngunit gaya ng dati… Bumabalik pa rin. Palagi itong bumabalik. Parang hindi na yata niya kayang mabuhay nang hindi ito naaalala. Ilang segundo pa ay huminto na ang sasakyan.Naputol ang iniisip niya. At bago pa man siya makapag-react ay bumukas na ang pinto sa kabilang bahagi."What the?"Napakurap siya nang marinig ang boses ni David. Pa
Chapter 181 (Part 2)Tahimik na nagsara ang pinto sa likuran ni Natalia.Ngunit hindi niya agad magawang umalis.Nanatili siya roon nang ilang segundo habang nakahawak pa rin sa doorknob.Nakapikit.Pinipigilan ang sarili na muling bumalik sa loob.Napakabigat ng bawat hakbang na inilalayo siya mula kay Emilio.Pakiramdam niya ay muli na naman niyang iniiwan ang asawa niya.Ngunit alam niyang iba na ngayon.Hindi tulad noon. Hindi tulad ng mga taong nawala siya sa buhay nito nang walang paliwanag. Sa pagkakataong ito ay babalik siya. At babalik siya para manatili.Huminga siya nang malalim bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Habang papalayo siya sa silid ay hindi niya napansin ang mahinang paggalaw ni Emilio sa loob.Parang may naramdaman itong pagkawala.Parang may hinahanap ang puso nito kahit tulog pa ang katawan nito.Ngunit muli rin itong natahimik at nakatulog.At ilang oras pa ang lumipas bago tuluyan itong nagising.Mabigat ang pakiramdam ni Emilio nang magmulat siya ng
Chapter 58“Ano? Mas masarap siyang magluto?” Hindi na naman maiwasan ni Natalia ang mainis, kahit pilit niyang pinipigilan ang sarili.Bahagya pa siyang napailing, parang hindi makapaniwala na ganito sila mag-usap ...parang mga bata.But Emilio was now laughing softly, like he is finding this whole
At ngayon, isang simpleng baon lang ang ambag niya, pero parang napakalaking hakbang na nito.So doing this now makes Natalia nervous.Parang may kailangang patunayan...hindi kay Emilio, kundi sa sarili niya.Na kaya rin niyang magbigay. Na hindi lang siya laging tumatanggap.Habang nasa biyahe, hin
Chapter 55Tinitigan ni Natalia ang niluto niya.Matagal.Para bang may hahanapin siyang mali sa bawat detalye—kung tama ba ang pagkakaluto, kung sapat ba ang timpla, kung maayos ba ang pagkakaayos sa lalagyan, kung presentable ba itong tingnan para dalhin sa opisina ng asawa niya.Ilang beses pa ni
CHAPTER 54Hindi mapigilan ni Natalia ang mapangiti nang mabusog na siya.May kakaibang gaan sa pakiramdam niya...para bang kanina lang ay nanghihina siya pero ngayon ay unti‑unti nang bumabalik ang lakas sa katawan niya. She’s done eating and felt like she already gained some strength.Kahit papaan







