LOGINGoodmorning po
Chapter 181 (Part 2)Tahimik na nagsara ang pinto sa likuran ni Natalia.Ngunit hindi niya agad magawang umalis.Nanatili siya roon nang ilang segundo habang nakahawak pa rin sa doorknob.Nakapikit.Pinipigilan ang sarili na muling bumalik sa loob.Napakabigat ng bawat hakbang na inilalayo siya mula kay Emilio.Pakiramdam niya ay muli na naman niyang iniiwan ang asawa niya.Ngunit alam niyang iba na ngayon.Hindi tulad noon. Hindi tulad ng mga taong nawala siya sa buhay nito nang walang paliwanag. Sa pagkakataong ito ay babalik siya. At babalik siya para manatili.Huminga siya nang malalim bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Habang papalayo siya sa silid ay hindi niya napansin ang mahinang paggalaw ni Emilio sa loob.Parang may naramdaman itong pagkawala.Parang may hinahanap ang puso nito kahit tulog pa ang katawan nito.Ngunit muli rin itong natahimik at nakatulog.At ilang oras pa ang lumipas bago tuluyan itong nagising.Mabigat ang pakiramdam ni Emilio nang magmulat siya n
Chapter 181 (Part 1)Hindi makatulog si Natalia.Kahit ilang beses siyang pumikit at piliting ipahinga ang isip niya ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.Subrang tahimik rin ng buong silid.Tanging ang mahinang tunog lamang ng air conditioner at ang mabagal na paghinga ni Emilio ang naririnig niya.Ngunit sa kabila ng katahimikang iyon ay tila napakagulo ng isip niya.Paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang mga nangyari kanina. Ang paraan ng pagyakap nito sa kanya. Ang panginginig ng katawan nito. Ang mga luhang tumulo mula sa mga mata nito habang mahigpit siyang niyayakap.Hanggang ngayon ay para bang nararamdaman pa rin niya ang init ng katawan nito at ang luha nito habang nakatago ang mukha nito sa leeg niya. Para bang naroon pa rin siya sa mga bisig nito.Napapikit siya.Unti-unti siyang huminga nang malalim.Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya.Ngunit sa bawat segundo na lumilipas ay mas lalo lamang bumibigat ang dibdib niya.Dahil ngayong bumalik na ang mga alaal
Chapter 180Kakatok na sana si Natalia, ngunit nang ilang pulgada na lamang ang layo ng kamao niya sa pinto ay napapikit siya.Bigla siyang napatigil sa kinatatayuan niya. Para bang may kung anong puwersang pumipigil sa kanya na ituloy ang gagawin. Ang simpleng pagkatok ay tila naging napakahirap gawin sa sandaling iyon.Napalunok siya.Huminga siya nang malalim habang pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso niya. Ngunit kahit ilang beses siyang huminga nang malalim ay hindi pa rin niya mapigilan ang kaba na unti-unting sumisiksik sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay lalo lamang lumalakas ang tibok ng puso niya habang nakatayo roon.Sa kabilang panig ng pintong iyon ay si Emilio.Ang lalaking ilang taon niyang hindi naalala.Ang lalaking nasaktan niya nang hindi niya sinasadya.At ngayon, matapos niyang mabawi ang mga alaala niya, muli niyang haharapin ang taong iyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung paano magsisimula.Dahan-dahan niyang iminulat ang
Chapter 179“Hi…” Alanganing pagbati ni Dianna sa kanya pagpasok nito sa kwarto kung saan siya sinabihan na pumasok nang lumapag ang chopper, pero halos kitang-kita ni Natalia ang gulat at pagkatigil ni Dianna nang mapasulyap ito sa nakaupo sa sofa.Ilang minuto pa lang noong nakarating sila at hindi naman sila pinaghintay ni Dianna nang matagal.Pero dahil hindi nag-iisa si Natalia sa loob ng kwarto ay hindi na mapigilan ni Dianna ang magulat.Para bang bigla itong napako sa kinatatayuan nito.Nakahawak pa ang isang kamay nito sa doorknob habang ang isa naman ay bahagyang nakataas, tila nakalimutan na nitong isara ang pinto.That kid is also looking at her kaya naman halos matuptop ni Dianna ang labi niya.Mula ulo hanggang paa ay pinagmasdan niya ang batang nasa sofa.Ang mga mata.Ang hugis ng mukha.Pati ang paraan ng pag-upo nito.At lalo na ang seryosong ekspresyon nito.Para siyang nakakita ng multo.“Omyghad,” she said with a shocked voice and look.Napakurap-kurap pa siya na p
Chapter 178Ang bilis ng pangyayari.Pakiramdam ni Natalia ay hindi pa rin makahabol ang isip niya sa lahat ng sunod-sunod na nangyari.Mula sa pagbabalik ng alaala niya…Hanggang sa katotohanang ikakasal na si Emilio sa iba.At ngayon…Nasa loob na siya ng isang mamahaling hotel room habang nakaupo sa harap ng malaking television screen.She looked at the videos that played in front of her.Hotel ang nakalagay sa notes sa likod ng wedding picture.At ayon kay Drake, iyon ang isa sa mga pinakasikat na hotel sa isla.Nang makarating sila roon ay sinabi niya lang ang pangalan na nasa likod ng notes.Dianna Villaflor.Hindi niya kilala.Wala siyang kahit anong alam tungkol dito, pero wala naman siyang ibang choice kundi pumunta dahil sa kagustuhan nitong matapos na ang lahat at bumalik na sa Manila.At dahil gusto na niyang makauwi sa Manila…Dahil gusto niyang maintindihan ang lahat bago pa tuluyang mahuli ang lahat…Pinuntahan niya iyon.Nagbabakasakaling makakatulong ito para makabalik
Chapter 177She open her eyes, but tears started flowing as everything was already answered.Pagmulat pa lang ng mga mata niya ay parang sabay-sabay nang bumagsak ang lahat ng katotohanang pilit itinago ng isip niya.Lahat ng alaala.Lahat ng sakit.Lahat ng pagmamahal.At lahat ng dahilan kung bakit ganoon na lang kasakit tuwing nakikita niya si Emilio.Lahat ng paulit-ulit na tanong niya ay bigla na lang nabigyan ng kasagutan.Kung bakit parang may kulang sa buhay niya.Kung bakit parang may hinahanap ang puso niya.Kung bakit kahit hindi niya maalala noon ay tila kilalang-kilala na ng kaluluwa niya si Emilio.“Anong nararamdaman mo?”Napasulyap siya sa taong tumulong sa kanya noong mga panahon na wala man lang siyang alam sa lahat.Sa mga panahong hindi niya kilala ang sarili niya.Sa mga panahong si Drake ang nasa tabi niya habang sinusubukan niyang mabuhay ulit.And then she looked at Fiona who was too worried looking at her.Namumula ang mata nito at halatang matagal ding hindi n
“What? No need to work immediately! Kakakasal niyo lang, barely settled in, and then what? Magtatrabaho kayo agad? You two should leave the country for a honeymoon! Go somewhere far, relax, enjoy each other’s company, celebrate your marriage properly, and don’t think about work yet!” agad na pagtuto
Emilio shrugged lightly, ngunit hindi inaalis ang tingin sa kanya...diretso, walang iwasan. Walang bakas ng biro sa mga mata nito ngayon, kundi isang matinding pagpipigil.“I’m just being honest,” sagot ni Emilio, mas mabagal at mas malinaw ang bawat salita, para bang sinisigurado niyang maiintindih
Chapter 12“Bawal ka lumagpos dito, naintindihan mo?” mariing sabi ni Natalia habang nakaturo sa unan na inilagay niya sa gitna nila."Well... hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihan yun, diba?" Tanong pa niya at binigyan ng pilit na ngiti sui Emilio. Para iyong bakod na naghihiwalay sa
At mas lalo iyong nagpakaba sa kanya.Dahil ngayon, wala na siyang maibibintang na galit dahil purong kaba at kakaibang hindi niya mapangalanan ang nararamdaman niya.At sa unang pagkakataon simula nang pumasok sila sa kwartong iyon, hindi na lang galit ang nararamdaman niya.Kundi kaba.Isang klase







