INICIAR SESIÓNGoodmorninggg
Hindi man lang niya pinatapos ang Doctor.Diretso at mabilis lang niyang tanong yun.Parang iyon lang talaga ang gusto niyang marinig.Parang wala na siyang pakialam sa iba.Nanikip ang dibdib ni Sandy.Dahil kitang-kita niya kung gaano kasakit para kay Emilio ang bawat salitang binibitawan nito.“A-Are you really sure about this, Emi—”“Do I have a choice, Sandy?”Dahan-dahang nagmulat ng mata si Emilio bago tinignan ang pinsan ng asawa niya.At sa tingin pa lang nito…kitang-kita na agad ang sobrang sakit.Walang galit.Walang inis.Kundi sobrang pagod.Sobrang sakit.Para bang ilang gabi na itong hindi natutulog.Para bang ilang beses na nitong kinukumbinsi ang sarili niya na tama ang ginagawa niya kahit unti-unti naman siyang nadudurog.Tuluyang naiyak si Sandy.“Ano bang klaseng choice ‘to…” pahikbi niyang sambit habang umiiling.Hindi niya matanggap.Hindi niya kayang tanggapin na kailangang may magpaubaya at may mas masaktan para hindi masaktan yung isa.“Wala na ba talagang ib
It was hard.Too hard.Too painful.Knowing that maybe…sa buhay ngayon ni Natalia…unti-unti na silang magiging malabong alaala na lang.At tungkol naman sa pamangkin niya…kinagat niya ang labi niya.Hindi niya magawang sabihin kay Emilio na may anak sila ni Natalia.Dahil nakikita niyang wasak na wasak na ito.Drained.Pagod.At pilit na lang kinakaya ni Emilio ang lahat.Araw-araw.Bawat oras.Bawat segundo.At habang mas lalo siyang pinapanood ni Sandy, mas lalo niyang nakikita kung gaano ito unti-unting nauubos.At alam niyang kapag nalaman nito ang tungkol sa anak nila, baka lalo lang itong madudurog.Dahil wala naman itong ibang gusto kundi ang hindi masaktan si Natalia.Kahit na ang ibig sabihin no’n ay siya mismo ang masira.Kahit na ang ibig sabihin no’n ay kailangan nitong bitawan ang babaeng pinakamamahal nito.At alam ni Sandy… na kapag nalaman ni Emilio ang tungkol sa anak nila…pati ang anak nila ay handa nitong ipagpaubaya. Basta lang hindi masaktan si Natalia. Basta l
Chapter 172Halos kumabog ang dibdib ni Natalia nang bumukas ang pinto at lumabas ang babaeng kasama ni Emilio, nakita pa niya mula sa kinaroroonan ang nakaupong si Emilio na nasa loob dahil nga sa pagbukas nito ng pinto.Parang biglang huminto ang mundo niya sa simpleng eksenang iyon.Nanlamig ang buo niyang katawan dahil pakiramdam niya ay napagtanto niyang tama ang hinala niya, na nasa iisang kwarto silang dalawa.Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo roon sa hallway habang nakatitig sa mga pintuan sa hallway.Hindi rin niya maintindihan kung bakit parang hirap siyang huminga.Parang may mabigat na bagay na unti-unting dumadaganan sa dibdib niya habang pinapanood ang babae na lumabas sa kwartong iyon.Natalia bit her lips.Mahigpit.Halos mamutla ang labi niya sa lakas ng pagkakakagat niya roon.Nawala ang tapang niya.Kanina lang ay gusto niyang komprontahin si Emilio.Gusto niyang magtanong.Pero ngayong kaharap na niya ang realidad na magkasama ang dalawa sa loo
Chapter 170“Cover yourself,” mariing sambit ni Emilio pagkapasok nila sa kwarto.Malamig ang boses nito. Walang emosyon. Walang kahit anong lambing.Hindi naman sila sa iisang kwarto natutulog. Sa kabilang kwarto si Dianna. Pero dahil hindi naman nakikita ni Natalia na sa ibang kwarto pumupunta si Dianna, hindi niya iyon naisip. Ang nasa isip lang niya ay magkasama ang dalawa sa iisang kwarto gabi-gabi.At iyon ang lalong sumisikip sa dibdib ni Natalia.“At huwag ka ng lalabas na ganyan ang suot,” mariin pang dugtong ni Emilio.Napasinghap na lang si Dianna habang pinapanood si Emilio na dire-diretsong naglakad papunta sa mesa nito. Naupo ito sa harap ng laptop at agad na binuksan iyon na para bang wala siyang kasamang babae sa loob ng kwarto.Para bang trabaho lang ang mahalaga rito.“You are just using me here, and it was too obvious, Mr. Villarrama,” sarkastikong sambit ni Dianna habang nakapamewang pa.Ngunit hindi man lang siya nilingon ni Emilio, ni wala man lang itong pakealam
Parang may kung anong biglang kumulo sa loob ng dibdib niya nang makita ang eksenang iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kalakas ang galit na nararamdaman niya, pero ramdam na ramdam niya ang pag-init ng dugo niya habang nakatayo doon.Sa inis niya ay muli niyang tinignan si Emilio.Gamit ang daliri ay sinuklay niya ang buhok niya at sunod ay tinignan na ng masama si Emilio.Para bang pilit niyang inaayos ang sarili niya kahit na nagkakagulo na ang emosyon niya sa loob.Para bang ayaw niyang ipakita na naapektuhan siya sa presensya ng babaeng iyon, kahit na sa totoo lang ay parang may kung anong mabigat na bumabalot sa dibdib niya.Pero ang tingin ni Emilio ay seryoso lang.Para bang hindi man lang napansin na may tumawag sa kanya.Ni hindi man lang ito lumingon sa hagdan.Ni hindi man lang ito nag-react.“You are not gonna leave this house. If you want me to disappear from your life, stay here until I say.”Lalong naging mabigat ang boses nito habang nagsasalita.Mabagal
Halos mapahiyaw siya sa biglaang paghila. Ang lakas ng puwersa nito na para bang ayaw siyang pakawalan kahit isang segundo.“What the fvck are you fvcking thinking?” Matigas na boses ang ginamit nito.Napaatras siya sa lakas ng paghila at nagulat sa taas ng boses nito. Para bang biglang nagbago ang hangin sa paligid nila. Kanina ay tahimik lang ito, malamig, at hindi siya pinapansin…pero ngayon ay biglang sumabog ang galit sa boses nito.“Don’t fvcking think of fvcking leaving here,” bumungad sa kanya ang mukha ni Emilio nang itaas niya ang paningin nito.Malapit na malapit ito sa kanya. Halos maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa mukha niya.At sa unang pagkakataon ay nakita niyang parang nanghihina ang ekspresyon nito na hindi niya mabasa kung ano talaga.Ngayon ay parang may ibang bagay na nakatago sa mga mata nito.Sakit.Pagdurusa.Pagod.Galit.At may kung anong bigat na hindi niya maipaliwanag.At kahit na sinusubukan niyang huwag pansinin yun ay hindi niya magawa. Pans
The sudden sound of the door clicking open broke the peaceful atmosphere.Napatuwid ang upo ni Natalia, her fingers instinctively tightening on the armrest of the swivel chair.Wala ang secretary ni Emilio sa labas dahil sumama ito sa meeting, so the person who entered didn’t ask for any permission.
Chapter 58“Ano? Mas masarap siyang magluto?” Hindi na naman maiwasan ni Natalia ang mainis, kahit pilit niyang pinipigilan ang sarili.Bahagya pa siyang napailing, parang hindi makapaniwala na ganito sila mag-usap ...parang mga bata.But Emilio was now laughing softly, like he is finding this whole
At ngayon, isang simpleng baon lang ang ambag niya, pero parang napakalaking hakbang na nito.So doing this now makes Natalia nervous.Parang may kailangang patunayan...hindi kay Emilio, kundi sa sarili niya.Na kaya rin niyang magbigay. Na hindi lang siya laging tumatanggap.Habang nasa biyahe, hin
Chapter 55Tinitigan ni Natalia ang niluto niya.Matagal.Para bang may hahanapin siyang mali sa bawat detalye—kung tama ba ang pagkakaluto, kung sapat ba ang timpla, kung maayos ba ang pagkakaayos sa lalagyan, kung presentable ba itong tingnan para dalhin sa opisina ng asawa niya.Ilang beses pa ni







