Home / Romance / Married to the Brokenhearted Billionaire / KABANATA 2: Ang Misteryosong Tagapagligtas

Share

KABANATA 2: Ang Misteryosong Tagapagligtas

Author: Mallory James
last update Last Updated: 2025-12-03 20:59:42

Yana

“Boss, wag kang makisawsaw. Wala kang alam dito.” sabi ng isang sigbin. “Syota ko ‘to. Naglalaro lang kami.”

Halos masuka ako sa narinig ko. Sinubukan niyang umakbay sa akin pero tinulak ko ang kamay niya. 

“Wala akong jowang panget!” sigaw ko.

Lord, please sana lubayan na ako ng dalawang adik na ‘to, bulong ko sa aking sarili.

Inambaan ako ng sigbin. “Aba! Matapang ka. Gusto mong masapak?”

Napapikit ako at naghandang masuntok. Pero may humarang sa kamay niya.

“Hindi ba tinuro sa iyo na wag manakit ng babae?” sabi ng misteryosong lalaki. “Tsk. Sa bagay ano pa bang aasahan ko sa mga bobong kagaya niyo?”

“Ang yabang mo! Porket may kotse ka lang.” sabi ng isa. Tinuon nila ang pansin sa lalaki. “Baka gusto mong turuan ka namin ng leksyon…”

Nag-unat-unat ang dalawa na parang nag-wa-warm up sa inter-barangay basketball game. Yung isa ay naka-fighting stance pa. Boxer yarn? 

Kung hindi lang nanginginig buong katauhan ko, baka natawa ako.

Sumugod ‘yung unang sigbin. Diretso suntok papunta sa lalaki.

Pero umiwas siya nang mabilis sabay isang tama sa tagiliran ng adik.

Tumba agad.

“PRE! PUTA, TULONG!” sigaw nung boxer habang gumagapang.

Pero yung isang kasama niya? Mas gago at mas delikado.

Kasi bigla siyang may hinugot sa bulsa na patalim.

Balisong.

Nanigas yung lalamunan at nanlamig ang mga kamay ko. 

Nakakapangilabot. Kung nagkataon, wala talaga akong laban sa dalawang ’to. Kahit sumigaw ako, kahit tumakbo ako, wala. Tapos ako.

“GAGO KA! LAPIT KA DITO!” sigaw nung may patalim habang iwinawasiwas ang balisong.

“Ay Diyos ko…” bulong ko.

Takot na takot ako ngayon pero yung misteryosong lalaki? Ni hindi man lang kumurap.

Sumugod yung adik na may balisong. Humampas pababa at pataas. Gusto talagang masaksak ang lalaki.

Pero napakabilis talaga kumilos ng lalaki. Mukhang na-train ito sa martial arts. 

Humakbang pakanan yung lalaki sabay hawak sa pulso ng sigbin. Pinaikot niya ito nang mabilis.

“ARAY PUTA —”

Tumilapon yung balisong sa semento. Pagkatapos ay siniko niya yung adik.

Bagsak ang dalawa. Ni hindi man lang siya nadaplisan.

Nakahinga na rin ako nang maluwag… Pero napaisip ako... Sino itong ‘knight in shining armor’ ko? At bakit parang mas nakakatakot pa siya kaysa sa dalawa?

Lumapit siya sa akin. At doon ko napansin kung gaano siya katangkad. Mga at least 6’0. Kung nakatayo siguro ako nang diretso, ang maabot ko lang yung dibdib niya.

Nang tumapat siya ng konti sa headlights ng kotse niya, noon ko siya nakita nang maayos.

Holy shit. Sobrang gwapo pala. Not cute or boyish. Manly, beh.

May strong jawline tapos napakapal ng kilay. Yung mga mata n’ya ay light-brown. Halatang may lahi. Parang European? Spanish?

Pero hindi siya kaputian, ha. Tan yung balat niya. Mukhang matured. Siguro nasa 30’s or 40’s na.

“Miss, okay ka lang ba?” tanong ng lalaki. Nagising ang diwa ko doon. Nakatulala pala ako nakatingin sa kanya. 

“Ah… oo, okay lang ako,” sagot ko. “S-salamat nga pala.”

Grabe hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Naiilang ako.

Ang lapit niya na pala sa akin. Mga inches lang ang pagitan. Naririnig ko ang paghinga niya.

Tinitigan niya ako. At may isang bagay sa tingin niya na hindi ko ma-explain…

Parang may ina-identify na para bang hindi ito ang unang beses na pagkikita namin.

“Sigurado ka?” ulit niya. Mas mababa yung boses this time.

Napalunok ako. “T-teka… sino ka ba?”

Hindi siya sumagot agad. Imbes, bahagya siyang tumingin sa mga nakahandusay na adik.

“Ayaw mo bang lumayo muna dito?” tanong niya.

Medyo napaatras ako. Teka lang, ano ba ang balak ng lalaking ito sa akin?

“Hindi kita pwedeng iwan dito,” mariin niyang sinabi.

Napalingon ako sa paligid. Napakadilim pa rin. Yung dalawang sigbin ay nakahandusay. 

Napakahirap magtiwala kung kani-kanino lang pero napakahirap ng sitwasyon ko. Babae ako na mag-isa… Walang pagkain, pera, at tulog.

Pagod na pagod na ako.

“Sumama ka sa akin kung gusto mong ligtas.”

Ligtas nga ba? Hindi ako uto-uto pero napaka-tempting ng offer niya ngayon.

“Hindi kita pipilitin,” dagdag niya. “Pero kung may babalikan ka… o may tatawagan… sabihin mo ngayon.”

Wala na akong babalikan o kahit tahanan man lang. Iyon ang problema.

Ang estranghero na ito lang ang ligtas na option ko ngayon.

“O-okay…” bulong ko. “Pero saan mo ako dadalhin?”

Humalukipkip siya. “Sa isang tahimik na lugar. May damit at pagkain doon. Makakapagpahinga ka nang maayos.”

Nakatingin s’ya sa akin nang malalim. Pero hindi ko nararamdamang gusto niya ako bastusin… Kabaligtaran pa nga.

Parang tinitingnan niya lang kung kaya ko pang tumayo.

“Pero kung ayaw mo… dito kita iiwan,” sabi niya habang tumuturo sa kalsada kung saan may mga tao na.

“Pasensya na,” bulong ko, hindi ko man lang namalayang sinasabi ko na. “Wala kasi akong mapuntahan ngayong gabi.”

Tumango siya nang isang beses.

“Halika.”

At doon niya binuksan ang passenger door ng kotse niya. 

Dahan-dahan akong lumapit. Nang masigurado kong safe naman, umupo ako sa passenger seat.

Tahimik lang. Malamig ang aircon. At sa unang pagkakataon buong gabing ’yon… medyo na-relax ako.

Nang sumara yung pinto sa tabi ko, parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Napahawak ako sa hita ko, pinipigilang manginig.

Okay… huminga ka. Hindi ka na aatakihin. Wala na ’yung dalawang hayop.

Pero hindi pa rin maayos ang utak ko. Kahit anong pilit kong mag-relax nang todo, may parte sa akin na nagsasabing: Hindi mo kilala ’tong lalaking ’to. Safe ka ba talaga?

Umikot siya sa driver’s side. Bago siya pumasok, pasilip siyang tumingin sa akin.

“Seatbelt,” sabi niya.

Parang concern na ayaw ipahalata.

Sinunod ko siya. Nang marinig ko yung click ng buckle, pumasok na siya sa loob, isinara ang pinto, at tahimik na pinaandar ang makina.

Umandar yung kotse. Nakadungaw ako sa bintana, pinagmamasdan ang city lights sa labas.

Huminga ako nang malalim.

Virgin pa ako…

Hindi ko alam bakit bigla ko ’tong naisip, pero siguro kasi natatakot ako.

Hindi dahil nagpapakita siya ng malisya.

As in wala talaga.

Pero wala akong kontrol sa kung anong mangyayari sa akin ngayon…

Natural na isipin ko na…

Ang katawan ko ba ang magiging kapalit ng pagsagip niya sa akin?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 5: Bagong Simula

    YanaBinuksan ko ang pinto nang dahan-dahan.Nandoon si Adrian. Mukhang kakatapos niya lang maligo. Basa pa yung buhok sa may bangs. Fresh na fresh. At doon nagsimulang magwala ang sikmura ko.Hindi ko alam kung gutom ako o siya yung dahilan. Kasi tangina… bakit parang ang hirap huminga bigla?Inabot niya sa akin ang dalawang paper bags.“Good morning,” sabi niya. “Damit. Sakto sa size mo. Mag-ready ka ha. Sabay tayo mag-breakfast.”Hindi siya nakatingin diretso sa mukha ko. Ako rin.“Ah… sige,” sagot ko.Sinara ko ulit ang pinto at umupo sa kama, hawak ang mga paper bags.Pagkabukas ko nung una, ang bumungad sa akin ay mga designer clothes. Isang cream-colored na blouse, high-waist jeans, at isang set ng underwear.Wala akong idea magkano ’to pero malamang hindi bababa ng isang daang libong piso.Nilapag ko muna. Hinawakan ko yung second paper bag.Pagbukas ko, napahawak ako sa bibig ko.iPhone. Yung latest model.“...putang ina,” bulong ko, napapikit ako sa guilt.Sugar baby, bigl

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 4: Di Malilimutang Gabi

    YanaSino ba naman ako para tumanggi sa steak?Umupo ako sabay kumuha ng plato. Pagharap ko sa pagkain, parang nawala lahat ng pride ko sa buhay.Dinamihan ko ang sandok. Mashed potatoes, konting gravy, tapos sinunod ko yung steak, halos kalahati agad ng slice.Tapos… Bigla na lang ako nakonsensya. Mukha akong patay-gutom. Asan ang manners ko?Binalik ko ang serving spoon.“Sige lang,” sabi niya, hindi tumitingin nang direkta sa akin. “Alam kong gutom ka.”Hindi naman pala siya judgmental. Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.Pagkagat ko sa steak, napa-igtad ako nang konti sa sarap.Malambot. Juicy. Perfect ang timpla.Bumilis ang kain ko na para bang may humabol sa’kin. Napatingin ako kay Adrian."Iyan ang paborito ko,” sabi niya. “Mukhang nagustuhan mo.”Tumango ako habang ngumunguya. Kasi sobrang sarap nga.“Anong pangalan mo?” tanong niya.Halos nabilaukan ako sa mashed potatoes.Napatingin ako sa ka

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 3: Isang Marangyang Buhay

    YanaHindi ko alam gaano katagal yung byahe namin. Pero nang bumagal ang kotse, iba na ang itsura ng paligid. Para akong na-transport sa ibang planeta… Sa mundo ng mga alta. Ni wala akong makitang jeepney, kariton, o sari-sari store man lang. Sa halip, puro matatayog na building at magagarang sasakyan ang napapansin ko.Pamilyar ang lugar. Dito kami minsan pumapasyal ni Papa noong buhay pa siya. Minsan naitanong niya noon: “Anak, gusto mo ba balang araw dito ka tumira?”Siyempre, excited akong tumango. Sino ba namang ayaw tumira sa ganito kagandang lugar?Nandito kami sa BGC.Huminto kami sa harap ng isang high-end na residential tower. May naka-engrave sa harapan: Greentown Estate Makati. Parang nanliit ako bigla sa kinauupuan ko. Bumukas ang gate nang hindi man lang siya nag-roll down ng bintana. Kilala na siya ng security, so dito siya talaga nakatira.Pumasok kami sa basement parking. Pinatay niya ang makina. “Baba na,” utos niya.Dahan-dahan akong bumaba.Nanaginip lang ba ako

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 2: Ang Misteryosong Tagapagligtas

    Yana“Boss, wag kang makisawsaw. Wala kang alam dito.” sabi ng isang sigbin. “Syota ko ‘to. Naglalaro lang kami.”Halos masuka ako sa narinig ko. Sinubukan niyang umakbay sa akin pero tinulak ko ang kamay niya. “Wala akong jowang panget!” sigaw ko.Lord, please sana lubayan na ako ng dalawang adik na ‘to, bulong ko sa aking sarili.Inambaan ako ng sigbin. “Aba! Matapang ka. Gusto mong masapak?”Napapikit ako at naghandang masuntok. Pero may humarang sa kamay niya.“Hindi ba tinuro sa iyo na wag manakit ng babae?” sabi ng misteryosong lalaki. “Tsk. Sa bagay ano pa bang aasahan ko sa mga bobong kagaya niyo?”“Ang yabang mo! Porket may kotse ka lang.” sabi ng isa. Tinuon nila ang pansin sa lalaki. “Baka gusto mong turuan ka namin ng leksyon…”Nag-unat-unat ang dalawa na parang nag-wa-warm up sa inter-barangay basketball game. Yung isa ay naka-fighting stance pa. Boxer yarn? Kung hindi lang nanginginig buong katauhan ko, baka natawa ako.Sumugod ‘yung unang sigbin. Diretso suntok papunt

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 1: Ang Pagbagsak ng Buhay ni Yana

    Yana“LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO! Magnanakaw!”Iyan ang sigaw sa akin ng aking madrasta na si Cora habang kinakaladkad ako palabas ng bahay.Ito na naman siya. Gumagawa ng eksena kakasikat pa lang ng araw.Wala ako magawa kundi magbuntong-hininga na lang.“Tiyang, wala akong alam sa sinasabi niyo,” ang malumanay kong paliwanag. “Ano ho ba ang tinutukoy niyo?Lalong umasim ang mukha ni Cora. Kumunot ang kilay at may kasama pang pamewang. Parang minalas na naman sa sakla kaya ako ang napagbubuntunan.“Wag ka magmaang-maangang bata ka!” sagot niya. “Ilabas mo ang ninakaw mong kwintas at singsing! Kakabili ko lang ng mga ‘yon sa Ongpin noong isang linggo.”“Kwintas at singsing?” tanong ko. Hindi ko talaga alam kung ano itong binibintang sa akin ng aking madrasta. “Baka nailagay niyo lang po kung saan. Wala po sa akin kahit kapkapan niyo pa ako.”Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa aking braso. Napailing ako sa sakit. “Aba sumasagot ka pa!” sigaw niya habang tinulak ako sa kalsad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status