Mag-log inYana
Hindi ko alam gaano katagal yung byahe namin. Pero nang bumagal ang kotse, iba na ang itsura ng paligid.
Para akong na-transport sa ibang planeta… Sa mundo ng mga alta.
Ni wala akong makitang jeepney, kariton, o sari-sari store man lang. Sa halip, puro matatayog na building at magagarang sasakyan ang napapansin ko.
Pamilyar ang lugar. Dito kami minsan pumapasyal ni Papa noong buhay pa siya. Minsan naitanong niya noon: “Anak, gusto mo ba balang araw dito ka tumira?”
Siyempre, excited akong tumango. Sino ba namang ayaw tumira sa ganito kagandang lugar?
Nandito kami sa BGC.
Huminto kami sa harap ng isang high-end na residential tower. May naka-engrave sa harapan: Greentown Estate Makati. Parang nanliit ako bigla sa kinauupuan ko.
Bumukas ang gate nang hindi man lang siya nag-roll down ng bintana. Kilala na siya ng security, so dito siya talaga nakatira.
Pumasok kami sa basement parking. Pinatay niya ang makina. “Baba na,” utos niya.
Dahan-dahan akong bumaba.
Nanaginip lang ba ako? Nagdedeliryo lang ba ako sa gutom? Tanong ko sa sarili ko.
Hay… Kung pantasya man ito, at least… wala na ako sa kalsada.
Sumabay ako sa lakad ng lalaki. Sa elevator, may guard na nakakita sa amin.
“Good evening, sir,” bati niya. Bahagya lang tumango yung lalaki. Hindi man lang bumati pabalik.
Pinindot niya yung button na nasa pinaka-itaas… PH.
PH? Penthouse? Seryoso ba?
Tahimik lang siya habang nakasakay kami sa elevator. At dahil masikip ang loob, ramdam ko ang presensya niya… Para akong batang naipit sa tabi ng isang pader ng tao.
Mabuti na lang at kaming dalawa ang nasa loob.
Paglabas namin sa elevator, isang malaking pinto lang ang naroon. Walang ibang unit.
Paglapag namin sa tapat ng pinto, kinuha niya ang susi sa bulsa. Isang sleek na keycard ang hugis, parang ginagamit sa hotel.
Ipinatong niya iyon sa smart lock. Bumukas ang pinto na para bang kusa.
“Halika. Pumasok ka,” sabi ng lalaki.
Napalunok ako. Tinablan talaga ako sa malalim niyang boses kahit hindi naman siya nang-aakit.
Pero sandali lang. Teka.
Hindi ba mas delikado kung basta na lang akong susunod sa isang estranghero?
Lalo na’t nasa penthouse kami?!
Huminto ako sa may bungad ng pinto at hindi muna gumalaw.
“Uh… teka lang,” sabi ko, pilit na pinapatatag ang boses ko. “Bakit ako papasok? Hindi pa nga kita kilala.”
Napatingin siya sa akin. Hindi irritated… parang nagulat lang na may nagtanong sa kanya ng ganun.
Tapos tumikhim siya, parang napaisip kung bakit nga ba hindi niya sinabi agad.
“Adrian,” sabi niya sa wakas. Ni hindi man lang binigay ang apelyido niya.
Napasingkit ako ng mata nang bahagya. Sino bang tao ang nagpapakilala gamit ang first name lang?
Pero ang kapal ko rin namang mag-demand ng impormasyon habang magpapalipas ako ng gabi sa lugar niya.
“Ngayon, alam mo na yung pangalan ko,” dagdag niya. “Kung ayaw mong pumasok, hindi kita pipilitin.”
Napatingin ako sa loob. Ang liwanag, ang linis… at oo, halata namang safe.
Wala rin naman talaga akong choice.
Huminga ako nang mabilis, kinuha ang lakas ng loob ko, at tumango.
“Sige… papasok na ako.”
Bahagya siyang umusog para bigyan ako ng daan. Pagdaan ko sa tabi niya, ramdam ko ang init ng katawan niya kahit hindi kami nagkatama.
Pumasok ako. At marahan niyang sinara ang pinto sa likod namin.
************************************************
Napahinto ako at hindi nakapagsalita.
Ang laki.
Yung tipong hindi ko alam kung condo ba ’to o kalahating hotel floor. Full glass walls ang isang side ng sala, overlooking BGC. Napakaganda ng view.
May dark wood floors, soft gray na sofa, at isang malaking abstract painting sa pader na halatang hindi nabili sa Shopee. Mukhang nabili sa isang auction.
Halata talagang isang maimpluwensya at mayaman na tao ang nakatira dito.
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Ano ba trabaho nitong si Adrian? tanong ko sa isip ko.
Drug lord?
Politiko?
DPWH contractor?
Kinuha ni Adrian ang phone sa bulsa niya at nag-dial. Tila automatic lang, parang sanay na sanay.
“The usual,” sabi niya, malamig ang tono. “At pakibilisan.”
Sabay tinapos ang tawag nang ganun-ganun na lang.
Ano kaya ang inutos niya? At sino ang kausap niya na ganun kadali lang pagsabihan?
Bago pa ako makapag-overthink, tinuro niya ang pinto sa kanan.
“Banyo,” sabi niya. “Maligo ka kung gusto mo. May extra towels sa loob.”
Oo… kailangan ko na talagang maligo. Pero pagtingin ko sa sarili kong suot. Sobrang dumi ko na talaga.
“Uh?” mahina kong tanong. “May damit ba ako pwedeng hiramin? Kahit shirt lang.”
Tumango siya. “Meron,” sagot niya. “Mamaya dadalhan kita.”
************************************************
Pagkapasok ko sa banyo, halos hindi na ako nag-aksaya ng oras.
Mainit ang tubig. Tamang-tama at nakapaglinis ako ng katawan in peace.
At sa wakas… Fresh na rin ako.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko sa may counter ang iniwan niyang damit… Isang plain black shirt at gray na shorts. Malinis. Malambot yung tela. Mas malaki sa size ko. At halatang kay Adrian ito.
Isinuot ko. Pagdampi pa lang ng tela sa balat ko, naamoy ko agad. Ang bango, grabe. Amoy sandalwood na may pagka-citrus. Siya siguro yung tipong hindi nagtitipid sa fabric softener.
Lumabas ako ng banyo habang pinapatuyo ko pa ang buhok ko sa towel.
Pagbukas ko ng pinto, may tumama agad sa ilong ko.
Amoy karne. May halong garlic, butter, at konting herbs na hindi ko alam ang pangalan pero parang amoy-mayaman.
Nakakapaglaway. Mas lalo akong nagutom. Yung tiyan ko, parang nag-flip ng 360 sa excitement.
Sinundan ko yung amoy papunta sa dining area. Nang makita ko kung ano ang nasa mesa, muntik na akong mapaupo sa sahig.
May dalawang plato.
At sa gitna, isang mainit na steak na nag-giglisten pa sa ibabaw dahil sa butter. Katabi nito yung mashed potatoes na sobrang creamy tingnan, asparagus, at gravy na halatang hindi galing sa sachet.
Ay, gago. Parang may mini-piyesta sa mesa.
Biglang kumalam nang malakas ang sikmura ko. Tangina, parang gusto ko lumubog sa kinatatayuan ko.
Syempre, narinig ni Adrian.
Kita ko kung paano bahagyang gumalaw ang balikat niya, parang pinipigil ang reaksyon. Buti na lang hindi siya nagkomento.
“Umupo ka,” sabi niya. “Saluhan mo ako.”
YanaBinuksan ko ang pinto nang dahan-dahan.Nandoon si Adrian. Mukhang kakatapos niya lang maligo. Basa pa yung buhok sa may bangs. Fresh na fresh. At doon nagsimulang magwala ang sikmura ko.Hindi ko alam kung gutom ako o siya yung dahilan. Kasi tangina… bakit parang ang hirap huminga bigla?Inabot niya sa akin ang dalawang paper bags.“Good morning,” sabi niya. “Damit. Sakto sa size mo. Mag-ready ka ha. Sabay tayo mag-breakfast.”Hindi siya nakatingin diretso sa mukha ko. Ako rin.“Ah… sige,” sagot ko.Sinara ko ulit ang pinto at umupo sa kama, hawak ang mga paper bags.Pagkabukas ko nung una, ang bumungad sa akin ay mga designer clothes. Isang cream-colored na blouse, high-waist jeans, at isang set ng underwear.Wala akong idea magkano ’to pero malamang hindi bababa ng isang daang libong piso.Nilapag ko muna. Hinawakan ko yung second paper bag.Pagbukas ko, napahawak ako sa bibig ko.iPhone. Yung latest model.“...putang ina,” bulong ko, napapikit ako sa guilt.Sugar baby, bigl
YanaSino ba naman ako para tumanggi sa steak?Umupo ako sabay kumuha ng plato. Pagharap ko sa pagkain, parang nawala lahat ng pride ko sa buhay.Dinamihan ko ang sandok. Mashed potatoes, konting gravy, tapos sinunod ko yung steak, halos kalahati agad ng slice.Tapos… Bigla na lang ako nakonsensya. Mukha akong patay-gutom. Asan ang manners ko?Binalik ko ang serving spoon.“Sige lang,” sabi niya, hindi tumitingin nang direkta sa akin. “Alam kong gutom ka.”Hindi naman pala siya judgmental. Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.Pagkagat ko sa steak, napa-igtad ako nang konti sa sarap.Malambot. Juicy. Perfect ang timpla.Bumilis ang kain ko na para bang may humabol sa’kin. Napatingin ako kay Adrian."Iyan ang paborito ko,” sabi niya. “Mukhang nagustuhan mo.”Tumango ako habang ngumunguya. Kasi sobrang sarap nga.“Anong pangalan mo?” tanong niya.Halos nabilaukan ako sa mashed potatoes.Napatingin ako sa ka
YanaHindi ko alam gaano katagal yung byahe namin. Pero nang bumagal ang kotse, iba na ang itsura ng paligid. Para akong na-transport sa ibang planeta… Sa mundo ng mga alta. Ni wala akong makitang jeepney, kariton, o sari-sari store man lang. Sa halip, puro matatayog na building at magagarang sasakyan ang napapansin ko.Pamilyar ang lugar. Dito kami minsan pumapasyal ni Papa noong buhay pa siya. Minsan naitanong niya noon: “Anak, gusto mo ba balang araw dito ka tumira?”Siyempre, excited akong tumango. Sino ba namang ayaw tumira sa ganito kagandang lugar?Nandito kami sa BGC.Huminto kami sa harap ng isang high-end na residential tower. May naka-engrave sa harapan: Greentown Estate Makati. Parang nanliit ako bigla sa kinauupuan ko. Bumukas ang gate nang hindi man lang siya nag-roll down ng bintana. Kilala na siya ng security, so dito siya talaga nakatira.Pumasok kami sa basement parking. Pinatay niya ang makina. “Baba na,” utos niya.Dahan-dahan akong bumaba.Nanaginip lang ba ako
Yana“Boss, wag kang makisawsaw. Wala kang alam dito.” sabi ng isang sigbin. “Syota ko ‘to. Naglalaro lang kami.”Halos masuka ako sa narinig ko. Sinubukan niyang umakbay sa akin pero tinulak ko ang kamay niya. “Wala akong jowang panget!” sigaw ko.Lord, please sana lubayan na ako ng dalawang adik na ‘to, bulong ko sa aking sarili.Inambaan ako ng sigbin. “Aba! Matapang ka. Gusto mong masapak?”Napapikit ako at naghandang masuntok. Pero may humarang sa kamay niya.“Hindi ba tinuro sa iyo na wag manakit ng babae?” sabi ng misteryosong lalaki. “Tsk. Sa bagay ano pa bang aasahan ko sa mga bobong kagaya niyo?”“Ang yabang mo! Porket may kotse ka lang.” sabi ng isa. Tinuon nila ang pansin sa lalaki. “Baka gusto mong turuan ka namin ng leksyon…”Nag-unat-unat ang dalawa na parang nag-wa-warm up sa inter-barangay basketball game. Yung isa ay naka-fighting stance pa. Boxer yarn? Kung hindi lang nanginginig buong katauhan ko, baka natawa ako.Sumugod ‘yung unang sigbin. Diretso suntok papunt
Yana“LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO! Magnanakaw!”Iyan ang sigaw sa akin ng aking madrasta na si Cora habang kinakaladkad ako palabas ng bahay.Ito na naman siya. Gumagawa ng eksena kakasikat pa lang ng araw.Wala ako magawa kundi magbuntong-hininga na lang.“Tiyang, wala akong alam sa sinasabi niyo,” ang malumanay kong paliwanag. “Ano ho ba ang tinutukoy niyo?Lalong umasim ang mukha ni Cora. Kumunot ang kilay at may kasama pang pamewang. Parang minalas na naman sa sakla kaya ako ang napagbubuntunan.“Wag ka magmaang-maangang bata ka!” sagot niya. “Ilabas mo ang ninakaw mong kwintas at singsing! Kakabili ko lang ng mga ‘yon sa Ongpin noong isang linggo.”“Kwintas at singsing?” tanong ko. Hindi ko talaga alam kung ano itong binibintang sa akin ng aking madrasta. “Baka nailagay niyo lang po kung saan. Wala po sa akin kahit kapkapan niyo pa ako.”Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa aking braso. Napailing ako sa sakit. “Aba sumasagot ka pa!” sigaw niya habang tinulak ako sa kalsad







