LOGIN
Yana
“LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO! Magnanakaw!”
Iyan ang sigaw sa akin ng aking madrasta na si Cora habang kinakaladkad ako palabas ng bahay.
Ito na naman siya. Gumagawa ng eksena kakasikat pa lang ng araw.
Wala ako magawa kundi magbuntong-hininga na lang.
“Tiyang, wala akong alam sa sinasabi niyo,” ang malumanay kong paliwanag. “Ano ho ba ang tinutukoy niyo?
Lalong umasim ang mukha ni Cora. Kumunot ang kilay at may kasama pang pamewang. Parang minalas na naman sa sakla kaya ako ang napagbubuntunan.
“Wag ka magmaang-maangang bata ka!” sagot niya. “Ilabas mo ang ninakaw mong kwintas at singsing! Kakabili ko lang ng mga ‘yon sa Ongpin noong isang linggo.”
“Kwintas at singsing?” tanong ko. Hindi ko talaga alam kung ano itong binibintang sa akin ng aking madrasta. “Baka nailagay niyo lang po kung saan. Wala po sa akin kahit kapkapan niyo pa ako.”
Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa aking braso. Napailing ako sa sakit.
“Aba sumasagot ka pa!” sigaw niya habang tinulak ako sa kalsada. “Ikaw lang naman ang makati ang kamay dito.”
Napatingin ako sa paligid… May mga nakadungaw na sa bintana nila. Habang ‘yung iba, pakunwari nagsasampay pero nakikichismis lang.
Ayan na nga at nagsisilabasan na ang mga Marites. Inaalam kung ano naman pinuputak ni Cora.
Nakakahiya!
“Hindi po ako pinalaki ni tatay na magnanakaw,” sambit ko. Pinipigilan ko pa rin ang sarili ko na sumigaw kahit nakakasagad na ang ginagawa ni Cora. “Tsaka lahat naman po ng tinatamasa niyo ngayon ay pinaghirapan ng tatay ko.”
Nakilala ni tatay si Cora dalawang taon na ang nakakalipas. Maganda, sexy, at maputi ang aking madrasta kahit magsisingkwenta na. Tila ba nabihag sa ganda ni Cora si tatay kaya agad silang nagpakasal.
Walang-wala noon si Cora. Guminhawa lang ang kanyang buhay ng tumira siya sa amin.
Napahalakhak nang malakas si Cora. “At kanino iniwan ng tatay mo lahat ng napundar niya noong namatay siya? Di ba sa akin? Hindi sa’yo.”
Nakuyom ko ang aking kamao. Totoo, wala man lang naiwan sa akin si Tatay, ni singkong duling.
Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ito. Lagi niya kasing sinasabi na ako raw ang prinsesa niya… pero bakit hindi man lang niya naibigay ang sapat na pera para makapagtapos ako ng kolehiyo?
“Tiyang, wala po sa akin ang hinahanap n’yo,” sabi ko. Gusto ko na tapusin ito. Nakaka-stress na masyado. “Maniwala po kayo.”
Papasok na sana ako uli ng bahay nang bigla niya ako hinarangan. “Hindi ka makakabalik ng bahay hanggat di mo binabalik ang mga ninakaw mo!”
Kasabay nito ay may binato siyang plastic bag na may laman na mga damit. “Oh! Iyan na ang mga gamit mo. Wala ka talagang kwenta… Manang-mana ka sa nanay mong haliparot.”
Biglang nagdilim ako sa sinabi niya. Ni kailanman ay di ako pinagmalupitan ni nanay kahit maaga siyang namatay. Hindi n’ya deserve ang ganoong mga salita!
Dali-dali ko siya nilapitan. “Bawiin mo ‘yang sinabi mo! Insultuhin mo na ako, huwag lang si nanay!” mariing sambit ko. Marahan ko siyang naitulak ngunit tila ba ay buong pwersa ang ginamit ko sa reaksyon niya.
Napatili siya sabay nadapa patalikod. Sobrang OA!
Napaiyak pa siya na parang lalaban ng Best Actress sa FAMAS. “Mga kapitbahay! Tulong! Binubugbog ako ni Yana!”
Putangina. Gusto kong matawa sa kalokohan niya pero galit na galit na ako. “Sinungaling ka talaga kahit kailan!” aking sagot.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. Nanginginig-nginig pa ang kamay. “Police headquarters? Hello po. May gusto po ako ireport. ‘Yung stepdaughter may ninakaw at ngayon nagtangkang saktan ako…”
Bakit isusuplong ako ni Cora sa mga pulis? Wala naman akong ginagawang masama. Talagang nasisiraan na siya ng bait.
Kailangan ko na kumilos… Ayokong makulong. Kinuha ko ang plastic bag na may gamit ko at sabay kumaripas ng takbo.
Hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos sa lugar kung saan ako lumaki.
************************************************
(Makalipas Ang Tatllong Araw)
Hindi ko alam saang sulok na ng Metro Manila ito.
Tatlong araw na akong palakad-lakad nang hindi alam kung saan patutungo…
Wala pa rin ako ligo. Ang dumi-dumi ko na. Nag-aabang lang ako ng mga tira-tira sa mga basurahan ng mga restaurant. Hindi ko maisip na ganito na lang magiging buhay ko ngayon.
Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa isang bench ng terminal. Sobrang dilim at walang tao sa paligid. Siguro safe naman matulog dito ngayong gabi.
Ngunit sa aking pagkakahimbing ay may naramdaman akong kakaiba… May humihipo sa hita ko. Bigla namulat ang aking mga mata at ang bumungad sa aking ay dalawang sigbin na hindi ko alam kung saang inidoro nanggaling…
Pinagmamasdan nila ako at inaamoy-amoy. Dali-dali ako napatayo at lumayo sa kanila.
“Relax ka lang, Miss,” sabi ng isang sigbin na namumula-mula pa ang mata. “Hindi ka namin sasaktan.”
“Lumayo ka,” halos pabulong kong sabi, pero nanginginig ang boses ko.
Ngumisi yung isa, halos dila-dilaan ang labi. “Bakit ka nagmamadali, Miss? Amoy pagod ka na ha… pero sariwa.”
Hindi ko na hinintay ang susunod nilang sasabihin. Tumalikod ako at tumakbo palabas ng terminal. Halos sumemplang ako at dumulas na sahig.
“Hoy! Huwag ka nang tumakbo!” sigaw nila.
Mas lalo akong nagmadali, pero pagdating ko sa bukana ng terminal, puro dilim at maiitim na eskinita ang sumalubong. Wala na akong choice. Tumakbo na ako papunta sa pinakamaliwanag na parte ng kalsada.
Pero mabilis sila. Parang aso kung humabol.
“Ang bilis mo ah!” hagikgik ng isa. “Mas masarap ‘pag hinihingal!”
Lumiko ako sa kabilang street na walang tao, tanging kumukutitap na poste at tambak ng basurahan lang ang nandoon. Sa sobrang panic ko, hindi ko napansin na dead end pala.
“Naku, Miss…” sabi nung isa habang papalapit, kamay niyang naglalaway sa pawis. “Dito ka pala nagtago. Mukhang atabs ka pa…”
Idinikit nila ako sa pader, braso nila nakaharang, mga mata nilang mamula-mula at puno ng libog at gutom.
“Isang halik lang…” bulong nung nasa harapan ko, halos dumikit na ang ilong niya sa pisngi ko. “Ang sarap mo siguro —”
VRRROOOOM—SKRRRT!
Isang kotse ang biglang huminto sa bungad ng eskinita, headlights na parang kidlat ang tumama sa amin. Parang nabunutan ng sungay ang dalawang sigbin. Napaatras sila at napatigil.
Bumukas ang pinto ng kotse.
Isang lalaking naka-black jacket ang bumaba, hindi ko makita ang mukha dahil sa ilaw sa likod niya.
“Bitawan n’yo siya,” sabi ng misteryosong lalaki.
At doon, unti-unti nilang inangat ang kamay nila palayo sa akin.
YanaNagising ako na may bigat sa dibdib.Si Adrian ay nasa tabi ko lang, tulog na tulog. Naaamoy ko pa rin ang alak sa hininga niya.Dahan-dahan akong umusog palayo. Hindi ko kailangang ipikit ang mga mata para maalala ang nangyari. Hinalikan niya ako sa at kinuha rin niya ang una kong halik.Kahit mali ang timing, kahit magulo ang lahat… naging totoo ang damdamin ko.Mainit at marahan ang halik namin. Parang may sandaling huminto ang mundo para lang ipaalala sa akin na kaya ko pa palang umasa.…na kahit papel lang ang kasal namin may chance pa pala for something real.Pero mali pala ako.Kung gaano kasarap ang pakiramdam na mahalikan ni Adrian, ganoon din kasakit nang marinig ko ang pangalan ng ibang babae sa labi niya pagkatapos.Si Leira, ang nawawala niyang ex-wife.Doon ko tuluyang naintindihan na ako lang ang nasa tabi niya ngayon… pero hindi ako ang babaeng minamahal niya.Bigla na lang nangilid ang luha ko. Sa lahat ng babae sa mundo… bakit kami pa ang pinagtagpo ni Adrian?
Yana Nakatagilid ako sa tabi ni Adrian. Ngayon ko lang nakita nang buo ang hubad na katawan niya.Malapad ang dibdib niya at banat ang mga muscles ng kanyang mga braso na halatang sanay siya magbuhat ng mabigat. May init sa balat niya na parang umaabot pa rin sa akin kahit may konting space kami. Tapos habang sinusundan ko ng tingin yung mga guhit sa dibdib at balikat niya… Parang may kumikiliti sa tiyan ko. Pigil na pigil akong hawakan siya.Napatingin ako sa mukha niya. Nakahinga siya nang malalim, mahimbing ang tulog. Medyo nakakunot pa rin ang noo niya kahit nakapikit, para bang kahit sa tulog… may dinadala pa rin.Tahimik ko siyang pinagmasdan sandali.“Bakit ka nga ba nagpakalasing, Adrian?” bulong ko.Parang gumagaan na lang bigla yung loob ko habang nakatingin sa kanya. Sa totoo lang, di ko na rin kayang itago yun.Mas lalo pang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi dahil sa thrill… pero dahil sa kanya. Sa asawa ko pero hindi naman talaga dahil sa pagmamahal.Kasal nga kami
YanaIlang araw matapos ang unang training ko kay Sylvia, mas nakapag-adjust na ako nang maayos.Alam ko na paano magpigil ng mga salita. Bibihira na rin akong mag-react. Natutunan ko paano magpakita ng composure kahit maraming ingay sa paligid.Maayos naman kami ni Adrian nitong mga nakaraang araw. Tahimik pero hindi awkward.Pero ngayong araw, may kakaiba.Maaga kaming nagkita ni Adrian, pero halos walang usapan. Maikli lang din ang sagot niya ngayon. Mukhang may iniisip.“May meeting ka ba?” tanong ko habang nagkakape kami.“Meron,” sagot niya agad, hindi tumitingin.“Marami?”“Marami.”Tumango ako. Alam ko namang halos araw-araw siyang may meetings. Kaya hindi iyon ang punto.Hinintay ko sana na sundan pa niya ang usapan.Pero wala.Tila wala siyang gana makipag-usap talaga.Tahimik lang siyang uminom ng kape, parang sinasadyang huwag magbukas ng kahit anong paksa.Sandaling nagtagpo ang tingin namin pero siya ang unang umiwas. Huh, para talagang may mali ngayon. Maya-maya, narin
Yana“Tumayo ka,” utos ni Sylvia. May hawak si Sylvia na manipis na stick. Hindi siya sumisigaw pero parang mas nakakatakot iyon.Agad akong tumayo. ‘Yung normal lang na lagi kong ginagawa.Tinapik niya ang stick sa harap ng tuhod ko. “Masyadong naka-lock,” sabi niya. “Relax.”Bahagya kong ibinaluktot ang tuhod ko, inililipat ang bigat ng katawan ko sa magkabilang paa imbes na itukod lahat sa isang posisyon.Noong akala ko naayos ko na, sa balikat niya naman ako tinapik. “Bumagsak,” sabi niya. “Mukhang ikaw ang nagdadala problema ng mundo.”Napabigkas ako nang hindi nag-iisip. “Eh, magagawa ko? Dumagdag pa ito sa problema ko.”Biglang tumahimik ang sala.Doon ko lang narealize… Nasabi ko ’yon nang malakas.Tinaas ni Sylvia ang isang kilay. “Kontrolin mo ang bibig mo,” sabi niya nang kalmado. “Hindi lahat ng opinyon mo kailangan mong sabihin. Magpakita ka ng class.”Jusko po. Gusto kong mawala na lang sa mundo. Bakit ko ba nasabi iyon?“P–pasensya na po,” sabi ko agad.Inirapan lang a
YanaHindi pa man tuluyang bumababa ang zipper ng pantalon niya ay naramdaman ko na ang kamay ni Adrian. Hinawakan niya ang aking pulso. Hindi naman madiin pero dapat para pigilan ako sa gagawin ko.“Stop, Yana.”Nanigas ako. Parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Tanging ang tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko sa kanya.“M–may mali ba?” mahinang tanong ko. “Akala ko…”“Tinatanong kita kanina,” sabi niya, mababa ang boses. “Sigurado ka ba?”Hindi ako nakasagot.Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Kasi kung tutuusin… hindi ko rin alam ang sagot.Handa na ba talaga ako makipag-sex kay Adrian?Buong buhay ko, sanay akong mag-adjust, magbigay, at umintindi. Kapag may binigay sa akin, pakiramdam ko palaging may kapalit.Kaya ganoon ang naging reaksyon ko kanina, hindi ko na tinanong ang sarili ko kung gusto ko ba. Inisip ko lang kung dapat ba.At doon ko naintindihan kung bakit niya ako pinigilan.“Hindi ko alam,” ang sag
YanaIlang araw ang lumipas nang tahimik. Wala namang gaanong nagbago simula nang pirmahan ko ang marriage contract.Maliban sa napalitan ang apelyido ko, pareho pa rin ang pakikitungo ni Adrian sa akin.Ramdam kong may distansya pa rin sa aming dalawa… pero hindi siya cold.Tuwing umaga, sabay kaming nagkakape sa kusina.“May lakad ka today?” tanong niya habang inilalapag ang tasa sa harap ko.“Later,” sagot ko. “Ikaw?”“Meetings,” sabi niya. “As usual.”Tumango ako. Saglit kaming natahimik.“May kailangan ka ba?” dagdag niya, hindi tumitingin.Umiling ako. “Wala… okay lang ako.”Sandaling nagtagpo ang tingin namin. Para akong nakukuryente kapag tumatama ang mata niya sa akin. Minsan ay iniiwas ko na lang tingin ko pero iba na ngayon. Hinahayaan ko lang… Parang sapat na ang mata para magsabi ng hindi pa namin kayang banggitin.Naputol iyon nang sunod-sunod na notification ang tumunog sa phone ni Adrian.Napakunot-noo siyang tumingin sa screen.“Shit,” bulong niya. Nanigas ang panga n







