Beranda / Romance / Married to the Brokenhearted Billionaire / KABANATA 4: Di Malilimutang Gabi

Share

KABANATA 4: Di Malilimutang Gabi

Penulis: Mallory James
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-03 21:02:07

Yana

Sino ba naman ako para tumanggi sa steak?

Umupo ako sabay kumuha ng plato. Pagharap ko sa pagkain, parang nawala lahat ng pride ko sa buhay.

Dinamihan ko ang sandok. Mashed potatoes, konting gravy, tapos sinunod ko yung steak, halos kalahati agad ng slice.

Tapos… Bigla na lang ako nakonsensya. Mukha akong patay-gutom. Asan ang manners ko?

Binalik ko ang serving spoon.

“Sige lang,” sabi niya, hindi tumitingin nang direkta sa akin. “Alam kong gutom ka.”

Hindi naman pala siya judgmental. Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.

Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.

Pagkagat ko sa steak, napa-igtad ako nang konti sa sarap.

Malambot. Juicy. Perfect ang timpla.

Bumilis ang kain ko na para bang may humabol sa’kin.

Napatingin ako kay Adrian.

"Iyan ang paborito ko,” sabi niya. “Mukhang nagustuhan mo.”

Tumango ako habang ngumunguya. Kasi sobrang sarap nga.

“Anong pangalan mo?” tanong niya.

Halos nabilaukan ako sa mashed potatoes.

Napatingin ako sa ka
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 15: Ang Umaga Pagkatapos

    YanaNagising ako na may bigat sa dibdib.Si Adrian ay nasa tabi ko lang, tulog na tulog. Naaamoy ko pa rin ang alak sa hininga niya.Dahan-dahan akong umusog palayo. Hindi ko kailangang ipikit ang mga mata para maalala ang nangyari. Hinalikan niya ako sa at kinuha rin niya ang una kong halik.Kahit mali ang timing, kahit magulo ang lahat… naging totoo ang damdamin ko.Mainit at marahan ang halik namin. Parang may sandaling huminto ang mundo para lang ipaalala sa akin na kaya ko pa palang umasa.…na kahit papel lang ang kasal namin may chance pa pala for something real.Pero mali pala ako.Kung gaano kasarap ang pakiramdam na mahalikan ni Adrian, ganoon din kasakit nang marinig ko ang pangalan ng ibang babae sa labi niya pagkatapos.Si Leira, ang nawawala niyang ex-wife.Doon ko tuluyang naintindihan na ako lang ang nasa tabi niya ngayon… pero hindi ako ang babaeng minamahal niya.Bigla na lang nangilid ang luha ko. Sa lahat ng babae sa mundo… bakit kami pa ang pinagtagpo ni Adrian?

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 14: Unang Halik

    Yana Nakatagilid ako sa tabi ni Adrian. Ngayon ko lang nakita nang buo ang hubad na katawan niya.Malapad ang dibdib niya at banat ang mga muscles ng kanyang mga braso na halatang sanay siya magbuhat ng mabigat. May init sa balat niya na parang umaabot pa rin sa akin kahit may konting space kami. Tapos habang sinusundan ko ng tingin yung mga guhit sa dibdib at balikat niya… Parang may kumikiliti sa tiyan ko. Pigil na pigil akong hawakan siya.Napatingin ako sa mukha niya. Nakahinga siya nang malalim, mahimbing ang tulog. Medyo nakakunot pa rin ang noo niya kahit nakapikit, para bang kahit sa tulog… may dinadala pa rin.Tahimik ko siyang pinagmasdan sandali.“Bakit ka nga ba nagpakalasing, Adrian?” bulong ko.Parang gumagaan na lang bigla yung loob ko habang nakatingin sa kanya. Sa totoo lang, di ko na rin kayang itago yun.Mas lalo pang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi dahil sa thrill… pero dahil sa kanya. Sa asawa ko pero hindi naman talaga dahil sa pagmamahal.Kasal nga kami

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 13: Wedding Anniversary

    YanaIlang araw matapos ang unang training ko kay Sylvia, mas nakapag-adjust na ako nang maayos.Alam ko na paano magpigil ng mga salita. Bibihira na rin akong mag-react. Natutunan ko paano magpakita ng composure kahit maraming ingay sa paligid.Maayos naman kami ni Adrian nitong mga nakaraang araw. Tahimik pero hindi awkward.Pero ngayong araw, may kakaiba.Maaga kaming nagkita ni Adrian, pero halos walang usapan. Maikli lang din ang sagot niya ngayon. Mukhang may iniisip.“May meeting ka ba?” tanong ko habang nagkakape kami.“Meron,” sagot niya agad, hindi tumitingin.“Marami?”“Marami.”Tumango ako. Alam ko namang halos araw-araw siyang may meetings. Kaya hindi iyon ang punto.Hinintay ko sana na sundan pa niya ang usapan.Pero wala.Tila wala siyang gana makipag-usap talaga.Tahimik lang siyang uminom ng kape, parang sinasadyang huwag magbukas ng kahit anong paksa.Sandaling nagtagpo ang tingin namin pero siya ang unang umiwas. Huh, para talagang may mali ngayon. Maya-maya, narin

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 12: Villaverde Etiquette

    Yana“Tumayo ka,” utos ni Sylvia. May hawak si Sylvia na manipis na stick. Hindi siya sumisigaw pero parang mas nakakatakot iyon.Agad akong tumayo. ‘Yung normal lang na lagi kong ginagawa.Tinapik niya ang stick sa harap ng tuhod ko. “Masyadong naka-lock,” sabi niya. “Relax.”Bahagya kong ibinaluktot ang tuhod ko, inililipat ang bigat ng katawan ko sa magkabilang paa imbes na itukod lahat sa isang posisyon.Noong akala ko naayos ko na, sa balikat niya naman ako tinapik. “Bumagsak,” sabi niya. “Mukhang ikaw ang nagdadala problema ng mundo.”Napabigkas ako nang hindi nag-iisip. “Eh, magagawa ko? Dumagdag pa ito sa problema ko.”Biglang tumahimik ang sala.Doon ko lang narealize… Nasabi ko ’yon nang malakas.Tinaas ni Sylvia ang isang kilay. “Kontrolin mo ang bibig mo,” sabi niya nang kalmado. “Hindi lahat ng opinyon mo kailangan mong sabihin. Magpakita ka ng class.”Jusko po. Gusto kong mawala na lang sa mundo. Bakit ko ba nasabi iyon?“P–pasensya na po,” sabi ko agad.Inirapan lang a

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 11: Tungkulin Ng Isang Asawa

    YanaHindi pa man tuluyang bumababa ang zipper ng pantalon niya ay naramdaman ko na ang kamay ni Adrian. Hinawakan niya ang aking pulso. Hindi naman madiin pero dapat para pigilan ako sa gagawin ko.“Stop, Yana.”Nanigas ako. Parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Tanging ang tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko sa kanya.“M–may mali ba?” mahinang tanong ko. “Akala ko…”“Tinatanong kita kanina,” sabi niya, mababa ang boses. “Sigurado ka ba?”Hindi ako nakasagot.Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Kasi kung tutuusin… hindi ko rin alam ang sagot.Handa na ba talaga ako makipag-sex kay Adrian?Buong buhay ko, sanay akong mag-adjust, magbigay, at umintindi. Kapag may binigay sa akin, pakiramdam ko palaging may kapalit.Kaya ganoon ang naging reaksyon ko kanina, hindi ko na tinanong ang sarili ko kung gusto ko ba. Inisip ko lang kung dapat ba.At doon ko naintindihan kung bakit niya ako pinigilan.“Hindi ko alam,” ang sag

  • Married to the Brokenhearted Billionaire   KABANATA 10: Umuusbong Na Damdamin

    YanaIlang araw ang lumipas nang tahimik. Wala namang gaanong nagbago simula nang pirmahan ko ang marriage contract.Maliban sa napalitan ang apelyido ko, pareho pa rin ang pakikitungo ni Adrian sa akin.Ramdam kong may distansya pa rin sa aming dalawa… pero hindi siya cold.Tuwing umaga, sabay kaming nagkakape sa kusina.“May lakad ka today?” tanong niya habang inilalapag ang tasa sa harap ko.“Later,” sagot ko. “Ikaw?”“Meetings,” sabi niya. “As usual.”Tumango ako. Saglit kaming natahimik.“May kailangan ka ba?” dagdag niya, hindi tumitingin.Umiling ako. “Wala… okay lang ako.”Sandaling nagtagpo ang tingin namin. Para akong nakukuryente kapag tumatama ang mata niya sa akin. Minsan ay iniiwas ko na lang tingin ko pero iba na ngayon. Hinahayaan ko lang… Parang sapat na ang mata para magsabi ng hindi pa namin kayang banggitin.Naputol iyon nang sunod-sunod na notification ang tumunog sa phone ni Adrian.Napakunot-noo siyang tumingin sa screen.“Shit,” bulong niya. Nanigas ang panga n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status