Share

Kabanata Catorce

SABAY silang nagtungo ni Luna sa living area matapos sabihin ng Mayordoma na dumating ang kanyang Lolo’t kapatid.

Nakaupo sa sofa ang mga ito nang lapitan niya. Naroon na rin ang mag-asawang Fajardo na pawang tahimik sa isang tabi na bagaman nakangiti’y mapapansin ang kaba sa mga mukha.

Lumapit si Marcus upang magmano sa matandang Lopelion at saka tinapik si Lucas sa balikat bilang pagbati. Binati niya rin ang kasamang bodyguard ng dalawa.

Hindi siya nasabihan ng Ama na darating pala ang mga ito. O, marahil ay wala talaga itong ideya sa pagpunta ang dalawa sa mansion ng Fajardo.

Si Luna na nakasunod ay napiling tumabi sa magulang. “Do’n ka tumabi kay Marcus,” ang pabulong na utos ni Liliane.

Kahit kabado dahil sa mga bisita ay pinili pa rin ni Luna na sundin ang utos ng Ina. Matapos niyang lumipat at maupo sa tabi ni Marcus ay nagsalubong ang tingin nila ng matandang Lopelion. Wala mang reaksyon na mababasa sa mukha ng matanda ay ramdam ni Luna ang intense ng titig nito. Tila pinag-aar
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status