Share

Kabanata Diecinueve

DINO-DOUBLE check ni Luna kung kompleto na ba ang gamit niya sa loob ng bag bago ibigay sa katulong. Paalis sila ngayon para dumalo sa birthday celebration ng kanyang lola Karidad.

Kung matatawag niya nga bang Lola ito, gayong hindi naman siya totoong Fajardo. At dahil kaarawan ng matanda ay muli na naman niyang makikita ang mga hilaw na pinsan, dahil awtomatik na reunion din ng buong pamilya ang magaganap sa selebrasyon.

Walang problema sa kanya ang mag-reunion, ang hinihiling lang niya ngayong taon ay sana’y magbago na ang mga ito at hindi na siya pagkatuwaan na taon-taon na lang niyang nararanasan.

“Excuse, Ma’am Luna,” ang tawag ng katulong. “Ito po ba ang damit na dadalhin niyo?” Sabay pakita ng dress na personal niyang pinili para sa birthday celebration. Ang dress na napili niya’y Dusty blue overskirt with a long sleeve lace dress.

“Yes, pakilagay na lang sa kotse.” Sinara niya ang bag at muling tiningnan ang katulong na palabas ng kwarto habang maingat na dala-dala ang dress.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status