Share

Kabanata Dieciocho

[PAST]

HABANG HINAHABOL sa labas ng warehhouse ang mga kalaban ay narinig ni Maximo ang iyak ni Lucas malapit sa mga nakaparadang sasakyan. Kaya agad silang napasugod ni Timoteo at nakitang umiiyak itong mag-isa, wala na si Dahlia. Ang mga pulis na naiwan sa labas para magbantay ay nakahandusay na sa sahig, walang-malay.

“H-hindi, hindi ‘to maaari! Kinuha nilang muli si Dahlia!” ani Maximo. At walang ano-ano’y sumakay sa kotse upang sundan ang kampo ni Ramon upang mailigtas ang asawa.

Halos paliparin na niya ang kotseng sinasakyan maabutan lang ang kalaban. Hindi naman siya nahirapang mahanap ang kotseng gamit ng mga ito at dali-daling bumuntot sa likod.

Ang plano niya ay harangin ang mga ito sa unahan. Ngunit hindi pa man siya nakakadikit nang biglang magpaputok ang mga ito at pilit pinapatamaan ang gulong ng kotseng kanyang minamaneho.

Nagpakawala ang mga ito ng ilang putok ng baril hanggang kusa ring tumigil. Naisip ni Maximo na maaaring naubusan na ng bala ang mga ito.

Kaya muli ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status