Share

Chapter 9

Author: Zxoul49
last update Last Updated: 2022-11-07 19:00:00

SA ‘HEAVEN’, habang pabalik na si warden Torres sa kanyang quarters ay narinig niya ang dalawang inmate na nag-uusap sa kanilang selda.

Ang pinag-uusapan ng dalawa ay ang naganap na away sa pagitan ni inmate-4687 at Uno. At kung gaano kaawa-awa ang itsura ni 4687.

“Kasalanan niya naman!” sabi ng isang inmate. “Bakit niya kasi sinabihan ng gano’n si Uno?”

“Bakit, ano bang problema? Balita ko, dating sundalo ‘yung si Uno, totoo ba?”

“Ay, oo naman! Sobrang daming tao ang natulungan no’n.”

Na-curious si warden Torres kaya sumandal siya sa pader upang mas lalong makinig sa usapan ng dalawang preso.

“E, ano bang nangyari at nakulong siya rito?” tanong ng pangalawang inmate.

“A’yun! Biglang nabaliw at pinagpapata*y ang kasamahan niyang sundalo.”

“Mga ogag!” May isang inmate ang sumabat sa usapan. “Hindi siya nabaliw. At kung ako ang nasa posisiyon no’ng si Uno? Aba’t papatay*n ko rin ‘yung mga sundalong 'yun!"

“Bakit, ano ba talagang nangyari? Bakit niya pinat*y ang mga kaibigan niyang sundalo?” Na-curious ang dalawang inmate na kanina’y nag-uusap, maging si Warden Torres.

“Kasi ni-r*pe nila ang anak ni Uno. At pagkatapos ay pinatay ang kawawang bata. Tinapon sa kung saan ang katawan.”

Nabigla si warden Torres sa narinig. Hindi niya alam na ganoon pala ang nangyari kay inmate-2439.

“Abay mga gag* pala ‘yung mga rap*st na ‘yun! Bagay lang palang pinat*y ‘yun ni Uno,” komento ng naunang inmate.

“Tapos anong nangyari?” tanong ng pangalawang inmate.

“Edi, nahuli siya. Tapos nakulong at dinala rito. At ‘yung nangyari kanina? Kung bakit binigay ni Uno ang villa niya kay Boss?” ang tinutukoy ay si Marcus. “Nando’n ako no’ng nakiusap si Uno na hanapin ni Marcus ang bangk*y ng anak niya. Bilang kapalit ay ibibigay niya ‘yung villa. Gusto niya lang mahanap ang anak niya at mailibing ng maayos.”

“Tapos tinanggap ni Boss? Pwede ba ‘yun?”

“Siyempre, hindi. Sa yaman ng mga Lopelion, hindi na niya kailangan ng isa pang property. Pero dahil mapilit si Uno ay hinayaan na lang ni Boss.”

“Pero ‘di ba, ampon lang naman siya?”

“Sira! E, ano naman? Lopelion pa rin siya! Hindi importante kung ampon siya, hangga’t Lopelion ang apelyido niya’y hawak niya tayo sa leeg.”

Umalis sa pagkakasandal sa pader si warden Torres. Sapat na ang kanyang narinig kaya’y babalik na siya sa quarters.

MULA SA RESORT ay pumasok naman si Marcus sa isang malaking kuwarto na may dala-dalang bulaklak. Walang kahit na anong kagamitan ang makikita sa loob ng kuwarto maliban sa isang maliit na altar.

Kung saan ay may nakalagay na white urn na ang laman ay ang abo ng anak ni Uno. Tulad ng pakiusap nito ay hinanap niya ang bangka*y at binigyan ng maayos na libing. At sa binigay na villa ni Uno niya inilagay ang labi.

Matapos ilapag ni Marcus ang bulaklak na paborito nito noong nabubuhay pa ay sunod naman niya itong kinunan ng litrato upang ipadala sa ‘Heaven’.

M-in-essage niya si warden Ocampo na ipakita kay Uno ang pinadalang litrato. Pagkatapos ay lumipat naman siya sa isa pang kuwarto upang mas mapag-aralan ng mabuti ang pamilyang Fajardo, pati na rin ang ibang kamag-anak at kahit ang mga malalapit na kaibigan ng pamilya.

Sa sobrang focus ni Marcus ay hindi na niya napansin ang oras hanggang sa tumawag na sa kanya si Fausto.

“Nakauwi na si Luna at ang sabi niya ay may pinuntahan ka raw? Gusto mo bang magpasundo?”

“No need, Sir. I’m on my way now,” sagot niya kahit hindi naman totoo ang sinabi ni Luna.

Maririnig sa kabilang linya ang pahapyaw na tawa ni Fausto. “G-gano’n ba? Pwede bang sa pag-uwi mo ay bumili ka ng cake? Nalimutan ko kasing magpabili kanina.”

“Okay,” tipid niyang sagot. Matapos ay nagtungo siya sa garage upang tingnan kung may magagamit ba siyang sasakyan.

Isang mercedes benz at isang volkswagen phaeton ang nasa garahe. Pinili niya ang huli na i-maneho at habang hinihintay na ibigay sa kanya ang susi ng kotse ay nagtanong na rin siya kung nasaan ang pinakamalapit na cake-shop.

“Maagang nagsasara ang mga shop sa lugar, Sir,” sagot ng guard.

“Talaga?” At napaisip si Marcus kung bakit siya inutusan ni Fausto kung wala naman na pala siyang mapagbibilhan?

“Kung kailangan niyo po ng cake Sir, puwede kayong magpa-bake sa loob. Marunong po ang cook.”

“Okay, salamat.” Muling pumasok sa resort si Marcus upang utusan ang cook na igawa siya ng cake. Alam niyang naglalaan ng mahabang oras sa pagbi-bake ng cake kaya siguradong matatagalan siyang makauwi.

Mabuti na lamang at nang magtanong siya sa cook ay agad umaliwalas ang mukha nito. Dahil kanina pala ay nakapag-bake na ito ng chiffon cake matapos malaman na kasal niya ngayong araw. “Sandali Sir, at babalutan ko ng icing. Ano nga pala ang gusto niyong design?”

“Ikaw na ang bahala.” Naupo si Marcus at pinagmasdan ang cook sa ginagawa. Sa bilis nitong kumilos ay halatang-halata na alam nito ang ginagawa. Mabilis na nabalutan ng icing ang buong chiffon at wala pa atang kalahating oras ay tapos na nito ang cake.

Muling nagpasalamat si Marcus bago umalis. Pasakay na siya sa kotse nang may mahagip ng paningin.

Ang assistant ng babaeng pulis. “Ang liit talaga ng mundo,” aniya bago tuluyang nilisan ang lugar.

Ang hindi niya alam ay nakita rin siya ni Scarlette mula sa malayo na sumakay ng kotse. At matapos makalayo ng sasakyan ay lumapit siya kay Kurt. “Napansin mo ba ‘yun?”

“Ang alin?”

“Si warden Lopelion. Nakita ko ngayon-ngayon lang na sumakay at umalis gamit ang isa sa sasakyan ng resort.”

“Pa’no naman mangyayari ‘yun? Siya ba may-ari nitong resort? ‘Di ba kay Mr. Artemio ‘to?” Saglit nagkamot sa may sintido. “Baka mali lang ang nakita mo?”

“Pero parang siya talaga ang nakita ko?"

"Naku, Captain. Iba na ‘yan. Baka crush mo—” Mabilis na umilag si Kurt nang akmang susuntukin siya ni Scarlette. “Biro lang!” Saka tumakbo palayo.

SA PAGDATING ni Marcus sa mansion ng Fajardo ay nabigla pa si Fausto nang makitang nakauwi na siya dala ang inutos nitong cake.

“S-sa’n ka nakahanap ng cake?” tila kabado nitong tanong.

At tama nga ang hinala ni Marcus na sinadya nito ang lahat. Ngunit hindi niya pa alam ang dahilan hanggang sa may dumating na bisita.

Isang middle-aged man na sa tingin ni Marcus ay hindi basta-basta. Mula sa tindig nitong mapustura hanggang sa kasuotan nitong mamahalin ay nasisigurado niya na isang special na bisita ang dumating.

Agad na lumapit si Fausto rito na may ngiti sa labi. “Amigo~” Saka ito niyakap nang mahigpit.

Maririnig ang malulutong nilang tawa na animo’y sila lamang ang naroroon. At ilang sandali pa ay dumating naman si Liliane na agad siyang inutusan na umakyat sa itaas.

Sunod naman na dumating si Luna na agad siyang nilapitan. “Umakyat ka na sa taas at magbihis ng mas maayos na damit. O, ‘wag ka na lang kayang bumaba?” bulong lamang ang pagkakasabi ni Luna ngunit klarong-klaro pa rin ang tapang  sa tono ng boses nito.

Pigil ni Marcus ang mapabuntong-hininga at sinunod na lamang ang utos ng mag-ina hanggang sa mapansin siya ng bisita. At dahil hindi naman siya bastos na tao ay bumalik siya at nagpakilala, “Ako nga pala si Marcus Lopelion.”

“L-Lopelion?” Gulat na may halong pagkamanghang reaksyon ng bisita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 83

    Tapos napaka-elagante pa ng pag-reserved ng waiter sa pagkain.She felt really special.“Anong problema? Ayaw mo sa pagkain?” puna ni Marcus nang huminto si Luna at binaba ang kamay na may hawak na kubyertos.“No, it’s just that… hindi ako makapaniwalang ma-i-experience ko ‘tong kasama ka,” kulang at marami pa sana siyang gustong sabihin pero sa sobrang taas ng emosiyong nararamdaman ay hindi na niya alam kung pa'no isasatinig ang nasa isip ng hindi naiiyak.Ngumiti si Marcus. “Kung may gusto kang puntahan, sabihin mo lang at sasamahan kita.”“Kahit out-of-the-country? Underground or under the water?” biro ni Luna upang pagaanin ang atmosphere at para na rin itago ang emosyong nararamdaman dahil sa sobrang tuwa.“Kahit sa outerspace pa,” biro ring tugon ni Marcus sa asawa at napansin pa ang pagsilip ni Artemio mula sa may sulok.Pasimple naman siyang nag-thumbs up dahil sa mabilis na pag-response nito kahit pa biglaan ang request niya. At nag-serve pa ng mamahaling alak para sa kanilan

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 82

    NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang s

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 81

    Ilang ring pa ang narinig niya bago tuluyang nasagot ang tawag. “Hello?”“Bakit?” ani Marcus habang nakalapat ang index-finger sa labi. Pinapatahimik saglit ang mga kasama.Narito siya ngayon sa resort dahil may ipapakita raw si Daniel sa kanyang footage.Si Scarlette naman ay agad na sumimangot. Ni wala man lang ‘hi' or ‘hello'? Basta na lang ‘bakit'?Ang lamig talaga ng pakikitungo ni Marcus sa kanya. Pero ano pa bang bago? Lagi namang gano'n, maliban na lang siguro kapag tungkol na sa asawa nito ang usapan. “’Yung pinag-usapan natin, baka nakakalimutan mo na?” tinumbasan niya ng inis ang walang kabuhay-buhay nitong sagot. “Kailangan ko na ang testimony mo.”“Kailan?”“Ngayon na.”“May inaasikaso pa ‘ko, ipapadala ko na lang sa email mo.”“Hindi ka pwede kahit after work?” Bahagyang humigpit ang hawak ni Scarlette sa cellphone nang mapagtantong nagtutunog demanding na siya para lang makipagkita si Marcus.“Hindi.”“Okay, fine. Isi-send ko na lang sa ‘yo email ko, ipadala mo do'n.” Hi

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 80

    SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod.Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo.Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo.Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?”Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik.Ilang sandali pa'y muling lumapit si Mr. O

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 79

    SA OFFICE, habang abala si Luna sa ginagawa ay kumatok si Jenny sa pinto sabay pasok.“Miss Luna, nasa baba si Mr. Alberto Roces.”Tiningnan muna ni Luna ang secretary saka tinigil ang ginagawa. “Anong kailangan? Sinabi mo bang nasa factory ang Chairman?”Tumango si Jenny. “Kaya mga manager lang ho ang naro'n sa baba.”“Bakit, nasa'n ang ilang chief-director? Sumama bang lahat sa factory?”“Ang ilan lang, habang ‘yung iba ay may out-of-town appointment.”Saglit na napaisip si Luna kung ba't biglaan naman ang pagbisita ni Mr. Roces?At itinaon pa talaga na wala ang kanyang Ama na siyang madalas humaharap dito.Kaya tumayo si Luna at nagpasiyang bababa para harapin si Mr. Roces. Pero sa elevator pa lang ay nagkita na sila. Kasama nito ang lawyer na sa tingin niya'y secretary na rin nito.“Luna!” tuwang bati ni Alberto. Nakalahad ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya.Bahagya namang yumuko si Luna bilang paggalang. “What a sudden surprise, Mr. Roces. Sayang at hindi kayo nagpang-ab

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 78

    NALILITO si Fausto sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niyang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto ay natameme si Liliane. M

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status