Mag-log inNAPANSIN ni Marcus ang totoong ngiti ni Fausto nang makita ang laman ng paper bag. Naalala niyang mahilig sa wine si Fausto base sa impormasyong natanggap niya, kaya tumango siya at hinayaang isipin ng lalaki na para sa kanya ang wine kahit hindi naman talaga.
“Mayordoma,” tawag ni Fausto. “Dalhin mo nga ito sa dining area, nang mainom mamaya.”
Tumayo si Luna at nagpresinta na siya na lamang ang magdadala sa dining area dahil hindi na niya matagalang makita si Marcus at ang hindi kanais-nais nitong kasuotan.
Sumama naman si Liliane sa anak. Baka kung magtagal pa siya roon ay hindi na niya mapigilan ang sarili na makapagsalita ng masama kay Marcus.
Nanatili ang tingin ni Marcus sa mag-ina. Ramdam niya ang disgusto ng dalawa, ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at itinuon ang atensyon sa sinasabi ni Fausto, na nagyayabang ng mga mamahaling gamit na nabili sa iba’t ibang bansa.
Matapos ang pag-uusap nila ni Fausto ay hinatid siya ng mayordoma sa magiging kuwarto niya. Pagkasara ng pinto ay agad niyang ini-lock iyon at inilabas ang audio surveillance na ikakalat niya sa buong kabahayan.
Habang naglalagay siya ng isa sa kanyang silid ay halos magtalo naman ang mag-asawang Fajardo sa dining area.
“Hindi ako makapaniwalang ikakasal ang anak ko sa lalaking iyon! Nakita mo ba ang itsura niya? At ‘yan! ‘yang dala niyang wine, sigurado akong sa isang cheap na tindahan niya lang ‘yan nabili!” Galit na nilabas ni Liliane ang dalawang bote ng alak mula sa paper bag. “Mas mabuti pang gamitin na lang ito sa lulutuing pagkain para hindi masayang.”
Pagkatapos ay inutusan niya ang cook na gamitin ang dalawang bote ng wine sa ihahandang ulam.
Si Fausto naman ay kanina pa nagpipigil ng inis sa mga pinagsasasabi ng asawa. “Hinaan mo nga ang boses mo at baka marinig ka ni Marcus. Anong gusto mong sabihin ko kay General Lopelion? Na hindi na matutuloy ang kasal dahil hindi pasok sa standard mo ang ampon niya? Tandaan mo, anak pa rin siya ni General kahit hindi sila magkadugo.”
“Paano sa kasal? Ayokong iharap sa mga amiga at kamag-anak natin ang lalaking iyon sa simbahan. Nakakahiya!”
“Ako nang bahala,” ani Fausto upang mapatahimik si Liliane.
MAKALIPAS ang isang buwan ay naganap na ang kasal nina Marcus at Luna. Isang civil wedding ceremony ang isinagawa ayon sa kagustuhang itago ito sa mga kaibigan at kamag-anak.
Simula nang mag-umpisa hanggang matapos ang seremonya ay masama ang loob ni Liliane. Hindi maipinta ang mukha sa labis na pagkadismaya. Hindi niya kailanman inakala na ikakasal si Luna sa isang mababang-uri ng tao, sa kabila ng pangarap niyang makapag-asawa ito ng bilyonaryo. Ang magarbong kasal sa simbahan ay nauwi lamang sa isang civil wedding sa munisipyo.
Ang pangarap niyang ipagyabang sa mga amiga ang mamahaling wedding dress ni Luna ay naglaho na parang bula dahil kay Marcus.
Sa sobrang sama ng loob ay dali-dali siyang umalis matapos ang seremonya. Sinundan naman siya ni Fausto upang pakalmahin, habang naiwan si Luna kasama ni Marcus.
“The marriage is over, kaya mauuna na ako sa iyo.”
“Saan ka pupunta?” ani Marcus.
“Work.”
“Hindi ba muna natin ise-celebrate ang kasal?” Alam ni Marcus na tulad ni Liliane, hindi rin nais ni Luna ang pagpapakasal sa kanya. Ngunit hindi niya inasahan na ganito katindi ang pagtutol nito, na pagkatapos ng seremonya ay basta na lang siyang iiwan. Wala pa ngang ibang dumalo sa kasal kundi ang mayordoma ng pamilya.
Tumaas ang kilay ni Luna at hindi na nagpigil. “You’re still not satisfied na kinasal ka sa akin, gusto mo pang mag-celebrate? Do you have money, o baka ako pa ang pagbayarin mo?”
Tutal kasal na sila, hindi na niya kailangang pigilan ang sarili sa pagsasabi ng gusto niya.
Nabigla si Marcus sa sinabi nito at hindi na nakapagsalita nang tuluyang umalis si Luna.
Sa isang buwan niyang pananatili sa poder ng mga Fajardo ay ramdam na niya ang pagkadisgusto ni Luna, kahit hindi nito sinasabi. Sa tingin pa lang, para bang may nakakahawa siyang sakit, alam na ni Marcus na darating din ang araw na lalabas ang totoo nitong pag-uugali. Hindi lang niya inaasahang ngayon iyon mangyayari, pagkatapos mismo ng kasal.
Yamot na nag-drive si Luna papunta sa opisina. “The nerve na magyayang mag-celebrate. For what, kasi kinasal siya sa akin? Eh ako ba, masaya ba akong siya ang napangasawa ko?”
Dahil sa inis ay nawalan siya ng pokus sa pagmamaneho at muntik nang mabangga ang sasakyang nasa unahan. Mabuti na lang at agad niyang naapakan ang preno.
Habang hinihimas ang dibdib sa kaba, pabulong niyang sabi, “Ang malas ko talaga. Si Marcus ata ang magdadala sa akin sa hukay kahit wala siyang ginagawa.”
“SINABI mo pa!” nanunuyang sabi ni inmate 4687 kay inmate 2439, o mas kilala sa alyas na Uno. Isa itong kilalang kriminal na nakakulong sa Heaven at nasa Level 5.
“Sinong matinong tao ang magbibigay ng villa na nagkakahalaga ng mahigit isandaan at labing-walong bilyon sa siraulong warden na si Lopelion? Nakalimutan mo na ba kung ano ang mga pinaggagawa niya sa atin, tapos—”
Hindi natapos ng preso ang sinabi dahil agad siyang pinagsusuntok ni Uno hanggang sa dumugo ang mukha nito.
“Gago ka! Walang matinong tao rito!” sigaw ni Uno na patuloy sa pananakit.
Agad kumilos ang ibang inmate at inawat si Uno hanggang sa dumating ang mga warden.
“Anong nangyayari rito? Bakit kayo nagkakagulo?” tanong ni Torres.
“Wala, Warden. Nangati lang ang kamay ko. Matagal na kasing hindi nakakapag-boxing,” sagot ni Uno bago dumura sa tabi.
Ngunit hindi naniwala si Warden Torres at ipinakulong si Uno sa solitary confinement. Dinala naman sa klinika si inmate 4687 para gamutin.
“Anong pinag-awayan ng dalawang preso?” ani Torres sa kasamahang warden.
“Isa sa pinakamayamang inmate dito si 2439. May ni-request siya noon kay Sir Lopelion, at pagkatapos ay ibinigay niya ang isa sa mga property na nagkakahalaga ng dalawang bilyong dolyar—mahigit isandaan at labing-walong bilyon—bilang kapalit.”
“Wow. Ibang klase pala rito. Ang swerte naman ng taong iyon,” komento ni Torres patungkol kay Marcus.
“Dapat lang. Si Sir Lopelion ang pinakamagaling sa lahat. Walang makakatalo sa kanya,” pagyayabang ng kasamahan niyang warden.
SA VILLA ni Uno, na pagmamay-ari na ngayon ni Marcus, magalang siyang sinalubong ng guard na nakabantay. Agad din niyang napansin na may ibang guest sa lugar—marahil ay nagbabakasyon lamang.
Matapos ibigay ni Uno ang villa kay Marcus ay ginawa niya itong resort upang mapakinabangan. Dahil wala siyang oras para pangasiwaan iyon, ipinagkatiwala niya ang pamamahala kay Artemio.
Wala sana sa plano ni Marcus ang magpunta roon, ngunit matapos marinig ang masasakit na salita ni Luna ay nagpasya siyang doon na muna tumuloy. At least, makakapagpahinga siya sa villa kumpara sa mansyon ng mga Fajardo.
“Pakisabihan ang cook na magluto ng masarap na pagkain at ipamigay sa mga taong naninirahan malapit sa resort,” utos ni Marcus.
“Pwede pong malaman kung anong okasyon, Sir?” tanong ng staff.
“Gusto ko lang mag-celebrate. Kasal ko kanina.”
“Congratulations, Sir,” masayang bati nito.
Pagkaalis ng staff ay tinawagan ni Marcus ang ama.
“Kumusta?” ani Maximo.
“Tapos na ang kasal at magsi-celebrate na ako ngayon.”
“Celebrate?” tila naguluhan si Maximo.
“Yes, Pa. Dahil natapos na ang first step, ang makasal kay Luna Fajardo. But don’t worry, susunod na ang main goal natin. Pinapangako kong mahahanap natin si Mrs. Dahlia Lopelion, at ibabalik ko siya sa iyo.”
Tapos napaka-elagante pa ng pag-reserved ng waiter sa pagkain.She felt really special.“Anong problema? Ayaw mo sa pagkain?” puna ni Marcus nang huminto si Luna at binaba ang kamay na may hawak na kubyertos.“No, it’s just that… hindi ako makapaniwalang ma-i-experience ko ‘tong kasama ka,” kulang at marami pa sana siyang gustong sabihin pero sa sobrang taas ng emosiyong nararamdaman ay hindi na niya alam kung pa'no isasatinig ang nasa isip ng hindi naiiyak.Ngumiti si Marcus. “Kung may gusto kang puntahan, sabihin mo lang at sasamahan kita.”“Kahit out-of-the-country? Underground or under the water?” biro ni Luna upang pagaanin ang atmosphere at para na rin itago ang emosyong nararamdaman dahil sa sobrang tuwa.“Kahit sa outerspace pa,” biro ring tugon ni Marcus sa asawa at napansin pa ang pagsilip ni Artemio mula sa may sulok.Pasimple naman siyang nag-thumbs up dahil sa mabilis na pag-response nito kahit pa biglaan ang request niya. At nag-serve pa ng mamahaling alak para sa kanilan
NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang s
Ilang ring pa ang narinig niya bago tuluyang nasagot ang tawag. “Hello?”“Bakit?” ani Marcus habang nakalapat ang index-finger sa labi. Pinapatahimik saglit ang mga kasama.Narito siya ngayon sa resort dahil may ipapakita raw si Daniel sa kanyang footage.Si Scarlette naman ay agad na sumimangot. Ni wala man lang ‘hi' or ‘hello'? Basta na lang ‘bakit'?Ang lamig talaga ng pakikitungo ni Marcus sa kanya. Pero ano pa bang bago? Lagi namang gano'n, maliban na lang siguro kapag tungkol na sa asawa nito ang usapan. “’Yung pinag-usapan natin, baka nakakalimutan mo na?” tinumbasan niya ng inis ang walang kabuhay-buhay nitong sagot. “Kailangan ko na ang testimony mo.”“Kailan?”“Ngayon na.”“May inaasikaso pa ‘ko, ipapadala ko na lang sa email mo.”“Hindi ka pwede kahit after work?” Bahagyang humigpit ang hawak ni Scarlette sa cellphone nang mapagtantong nagtutunog demanding na siya para lang makipagkita si Marcus.“Hindi.”“Okay, fine. Isi-send ko na lang sa ‘yo email ko, ipadala mo do'n.” Hi
SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod.Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo.Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo.Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?”Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik.Ilang sandali pa'y muling lumapit si Mr. O
SA OFFICE, habang abala si Luna sa ginagawa ay kumatok si Jenny sa pinto sabay pasok.“Miss Luna, nasa baba si Mr. Alberto Roces.”Tiningnan muna ni Luna ang secretary saka tinigil ang ginagawa. “Anong kailangan? Sinabi mo bang nasa factory ang Chairman?”Tumango si Jenny. “Kaya mga manager lang ho ang naro'n sa baba.”“Bakit, nasa'n ang ilang chief-director? Sumama bang lahat sa factory?”“Ang ilan lang, habang ‘yung iba ay may out-of-town appointment.”Saglit na napaisip si Luna kung ba't biglaan naman ang pagbisita ni Mr. Roces?At itinaon pa talaga na wala ang kanyang Ama na siyang madalas humaharap dito.Kaya tumayo si Luna at nagpasiyang bababa para harapin si Mr. Roces. Pero sa elevator pa lang ay nagkita na sila. Kasama nito ang lawyer na sa tingin niya'y secretary na rin nito.“Luna!” tuwang bati ni Alberto. Nakalahad ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya.Bahagya namang yumuko si Luna bilang paggalang. “What a sudden surprise, Mr. Roces. Sayang at hindi kayo nagpang-ab
NALILITO si Fausto sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niyang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto ay natameme si Liliane. M







