Share

Chapter 10

Author: Zxoul49
last update Huling Na-update: 2022-11-07 19:00:00

Matapos ay nagpakilala naman ito bilang si Leonardo Apostol. “Kung hindi ako nagkakamali ay apo ka ni Timoteo Lopelion?”

Tumango si Marcus sa kabila ng kakaibang tingin ng pamilyang Fajardo sa kanya.

“Ah, hindi siya ang apo ni Timoteo,” sabat ni Liliane.

Si Fausto naman ay tiningnan ang asawa na may pagbabanta. “S-siya ang isa pang apo ni Timoteo, na adopted ni Maximo Lopelion.”

Hindi nagpakita ng kakaibang reaksyon si Leonardo kaya hindi matukoy ni Marcus kung tulad rin ba ito ng mga Fajardo na mapanghamak sa kapwa. “Alam mo bang minsan kong nakita ang iyong Lolo sa auction na aking napuntahan?” pag-iiba ng usapan ni Leonardo.

Sinabayan naman ito ni Marcus hanggang sa magtungo sila sa dining area. “Sa katunayan ay may kaibigan akong nagbigay rin ng wine sa ‘kin.” Tapos ay tumingin kay Fausto upang ilabas ang tinutukoy na wine.

Agad na pinag-utos ni Fausto sa mayordoma na dalhin ang wine na tinutukoy ni Marcus. Ngunit ubos na ang isang bote habang ang isa naman ay nangangalahati na, na ginamit sa pagluluto ng cook.

Pahapyaw na natawa si Liliane. “Mukhang nagkamali ata ng ginamit na wine ang cook namin,” aniya kahit kitang-kita sa itsura ang kaba dahil siya mismo ang nag-utos na gamitin sa pagluluto ang dalawang wine. Hindi naman niya akalaing totoo pala ang naturang wine na dala ni Marcus. At nang malaman ang halaga ay halos lumuwa ang mata niya. Nanghihinayang sa nasayang na wine. Kung nagkataon na alam niya lang ang halaga ng mga ito ay ipinagyabang na sana niya ito sa kanyang mga amiga.

Samantalang si Fausto ay dali-dali na lamang inutusan ang mayordoma na magdala ng ibang wine. Ngunit nais ni Leonardo na makita ang tinutukoy ni Marcus na wine at matikman ito.

Walang nagawa si Fausto kundi ibigay ang nais ng kaibigan. Habang si Liliane at Luna naman ay nagtungo sa kitchen upang itago ang pagkapahiya sa bisita.

“Sinong mag-aakalang may kakayahan pala ang ampon na ‘yun na magdala ng mamahaling wine?” pahayag ni Liliane. “O, baka ay ninakaw niya lang ‘yun sa koleksyon ng matandang Lopelion? Kita mo ngang kasal niyo ngayong araw pero ni isa sa pamilya niya ay wala man lang dumating.”

Ang cook naman na napagbintangan ay naririnig sa isang tabi ang sinasabi ni Liliane. Masama ang loob dahil sa nangyari ngunit dahil wala siyang boses at hamak na taga-luto ng pamilya ay kailangan niyang akuin ang pagkakamali ng amo. “At sino naman kayo para harapin ng mga Lopelion?" inis na bulong ng cook bago tuluyang umalis.

Ang mag-ina naman na walang kamalay-malay na pinagsasalitaan na sila ng masama ng cook ay patuloy pa rin na nag-uusap, “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” tanong ni Liliane sa anak.

Tumango si Luna. “Kay Spencer ko nabalitaan na pinalayas si Marcus ng ama nito.”

“Kaya siguro walang nagpunta na Lopelion kahit na isa man lang sa kasal niyo kanina ay dahil pinalayas na pala ‘yang ampon na ‘yun,” konklusyon ni Liliane. “Kakausapin ko si Fausto tungkol dito.”

Sa kabilang banda naman ay nagpipigil ng tawa si Marcus matapos marinig ang usapan ng mag-ina sa pamamagitan ng audio surveillance na nilagay niya sa kitchen. Natatawa sa maling balitang pinag-uusapan ng mag-ina.

At iniisip kung sino itong tinutukoy nilang Spencer na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya?

MATAPOS ang dinner sa mansion ng Fajardo ay nag-usap pa nang matagal si Fausto at Leonardo, kasama si Liliane.

Si Marcus naman ay umakyat sa taas patungo sa kwarto upang palihim na makinig sa usapan ng tatlo. Inaya naman siya ni Leonardo na sumama sa mga ito at makipagkwentuhan ngunit hindi na lamang siya sumalo nang tingnan siya ng masama ni Liliane.

Una niyang madadaanan ang kwarto ni Luna na saktong bumukas ang pinto. Bahagya itong natigilan nang makita siya at pagkatapos ay mabilis na sinara ang pinto at humarang pa sa hamba. “I won’t allow you to enter my room.”

“Bakit?”

“What? Anong bakit? Do you expect me to invite you inside just because you’re my husband?"

“That’s not what I mean. Alam ko namang off-limits ako, kahit pa kasal na tayo. I ask, kasi bakit mo naisip na I will go to your room… if I have my own?” Sabay turo sa guest room na noong umpisa pa lang ay kwarto na niya. “Dadaan lang naman ako.”

“Oh, really? Do you expect me to believe that? First night ng kasal natin ngayon, tapos sasabihin mo na hindi mo ‘ko papasukin sa room?”

Muntik nang matawa si Marcus kung hindi lang siya nagpigil. Gusto lang naman niyang pumunta sa sariling kwarto para gawin ang kanyang misyon ngunit ganito pa ang mangyayari? Ano ba ang tingin ni Luna sa kanya? Ma*yak?

“No. And para maniwala ka… aalis ako, hindi ako rito matutulog.”

Bahagyang kumalma ang ekspresyon ni Luna sa kanyang sinabi. “Okay,” sagot nito at saka siya nilagpasan.

Ang planong pakikinig sa usapan ng matatanda sa ibaba ay hindi na lamang niya tinuloy at umalis muli sa mansiyon upang doon na lamang matulog sa resort.

Malapit ng maghating-gabi ng makabalik siya sa resort. May mangilan-ngilan na turista ang gising pa rin na nasa may pool nang dumaan siya. Sa front desk ay pinaalam niya na bumalik siya upang doon na magpalipas ng gabi.

Nag-alok ang isang staff na ihahatid siya sa kanyang kwarto nang mapansin ang apat na lalakeng nilagpasan siya. “Hindi na kailangan,” sagot niya sa staff. Paalis na sana si Marcus nang maalala ang nakitang tattoo na nasa braso ng isa sa apat na lalakeng dumaan.

Pamilyar sa kanya ang imahe sa tattoo ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. Nang nasa tapat na ng kwarto ay saka lang rumehistro sa kanyang utak na ang tattoo’ng nakita ay mula sa isang grupo ng mga kriminal. At noong isang taon ay may hinatid na kriminal sa isla na may ganoong tattoo, walang iba kundi ang leader ng grupo.

Dali-daling bumalik si Marcus upang alamin kung anong ginagawa ng isa sa miyembro ng grupong iyon. At nakita niyang tumambay ang mga ito sa may pool, nag-uusap.

Hindi niya inaalis ang tingin sa lalakeng may tattoo hanggang sa napapansin niyang panaka-naka itong tumitingin sa itaas ng resort, sa mga kwarto.

Kaya bumalik siya at tinanong sa front desk kung sino-sino ang mga naka-check-in sa itaas… at doon ay nalamang dalawa sa guest ay ang babaeng pulis at ang kasama nitong lalake. Ilang beses na niyang na-encounter ito ngunit ngayon niya lang nalaman ang pangalan ng babaeng pulis.

May kutob si Marcus na ang pakay ng lalakeng may tattoo ay si Scarlette. Sa dami na ng kriminal na nakasalamuha ay hindi siya maaaring magkamali sa kutob.

Sa kulungan lang maaaring magtagpo sa iisang lugar ang pulis at kriminal. Maliban doon ay maaaring nagkataon lang o sinadya.

Dali-dali siyang tumawag sa isla upang tanungin si warden Torres kung alam ba nito kung sino-sino ang mga miyembro ng naturang grupo. Sa isla na siya tumawag upang maiwasan ang maraming tanong kung sa police station siya kakalap ng impormasyon.

“Hello? Alam mo ba kung anong oras na?” sagot ni Torres sa kabilang linya. Yamot dahil naantala ang tulog.

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Marcus at agad tinanong ang tungkol sa grupo at kung ano ang kinalaman ni Scarlette sa grupo?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 83

    Tapos napaka-elagante pa ng pag-reserved ng waiter sa pagkain.She felt really special.“Anong problema? Ayaw mo sa pagkain?” puna ni Marcus nang huminto si Luna at binaba ang kamay na may hawak na kubyertos.“No, it’s just that… hindi ako makapaniwalang ma-i-experience ko ‘tong kasama ka,” kulang at marami pa sana siyang gustong sabihin pero sa sobrang taas ng emosiyong nararamdaman ay hindi na niya alam kung pa'no isasatinig ang nasa isip ng hindi naiiyak.Ngumiti si Marcus. “Kung may gusto kang puntahan, sabihin mo lang at sasamahan kita.”“Kahit out-of-the-country? Underground or under the water?” biro ni Luna upang pagaanin ang atmosphere at para na rin itago ang emosyong nararamdaman dahil sa sobrang tuwa.“Kahit sa outerspace pa,” biro ring tugon ni Marcus sa asawa at napansin pa ang pagsilip ni Artemio mula sa may sulok.Pasimple naman siyang nag-thumbs up dahil sa mabilis na pag-response nito kahit pa biglaan ang request niya. At nag-serve pa ng mamahaling alak para sa kanilan

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 82

    NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang s

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 81

    Ilang ring pa ang narinig niya bago tuluyang nasagot ang tawag. “Hello?”“Bakit?” ani Marcus habang nakalapat ang index-finger sa labi. Pinapatahimik saglit ang mga kasama.Narito siya ngayon sa resort dahil may ipapakita raw si Daniel sa kanyang footage.Si Scarlette naman ay agad na sumimangot. Ni wala man lang ‘hi' or ‘hello'? Basta na lang ‘bakit'?Ang lamig talaga ng pakikitungo ni Marcus sa kanya. Pero ano pa bang bago? Lagi namang gano'n, maliban na lang siguro kapag tungkol na sa asawa nito ang usapan. “’Yung pinag-usapan natin, baka nakakalimutan mo na?” tinumbasan niya ng inis ang walang kabuhay-buhay nitong sagot. “Kailangan ko na ang testimony mo.”“Kailan?”“Ngayon na.”“May inaasikaso pa ‘ko, ipapadala ko na lang sa email mo.”“Hindi ka pwede kahit after work?” Bahagyang humigpit ang hawak ni Scarlette sa cellphone nang mapagtantong nagtutunog demanding na siya para lang makipagkita si Marcus.“Hindi.”“Okay, fine. Isi-send ko na lang sa ‘yo email ko, ipadala mo do'n.” Hi

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 80

    SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod.Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo.Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo.Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?”Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik.Ilang sandali pa'y muling lumapit si Mr. O

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 79

    SA OFFICE, habang abala si Luna sa ginagawa ay kumatok si Jenny sa pinto sabay pasok.“Miss Luna, nasa baba si Mr. Alberto Roces.”Tiningnan muna ni Luna ang secretary saka tinigil ang ginagawa. “Anong kailangan? Sinabi mo bang nasa factory ang Chairman?”Tumango si Jenny. “Kaya mga manager lang ho ang naro'n sa baba.”“Bakit, nasa'n ang ilang chief-director? Sumama bang lahat sa factory?”“Ang ilan lang, habang ‘yung iba ay may out-of-town appointment.”Saglit na napaisip si Luna kung ba't biglaan naman ang pagbisita ni Mr. Roces?At itinaon pa talaga na wala ang kanyang Ama na siyang madalas humaharap dito.Kaya tumayo si Luna at nagpasiyang bababa para harapin si Mr. Roces. Pero sa elevator pa lang ay nagkita na sila. Kasama nito ang lawyer na sa tingin niya'y secretary na rin nito.“Luna!” tuwang bati ni Alberto. Nakalahad ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya.Bahagya namang yumuko si Luna bilang paggalang. “What a sudden surprise, Mr. Roces. Sayang at hindi kayo nagpang-ab

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 78

    NALILITO si Fausto sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niyang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto ay natameme si Liliane. M

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status