Hello, pasensya na sa error ng story ko. Hindi ko na kasi siya inedit dahil ia-upload ko na lahat ng chapter. Enjoy reading:)
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Blangkong nakatingin si Caspian sa mga babaeng nakaharap sa kaniya. Isa-isa niya itong mga tiningnan, lahat naman sila ay magaganda pero hindi niya maintindihan kung bakit wala man lang siyang magustuhan.Napapahilot na lang siya sa noo niya at napapayuko na lang din si John dahil alam niyang wala nanamang nagustuhan ang Boss niya sa mga babaeng dinala niya. Caspian is looking for a woman to marry him. He needed to get married as soon as possible because that was his grandfather’s last request.Maraming mga babae na ang pumasok sa loob ng office niya at lahat ng mga yun ay nakasuot na ng wedding gown subalit ni isa ay wala nanaman siyang nagustuhan. Napabuntong hininga na lang siya at sinenyasan ang sekretarya niyang palabasin na silang lahat.Nakayuko namang iginiya ni John ang mga dalaga palabas ng opisina. Lahat sila ay napasimangot dahil gusto talaga nilang pakasalan ang nag-iisang Caspian Sanchez subalit, mukhang wala man lang ni isa sa kanila ang pumasok sa standard ng isang Cas
Inilibot ni Davina ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Hindi na rin masama dahil napakalawak nito at napakaganda. Nagsusumigaw ng karangyaan ang buong paligid niya. Sanay naman na siya sa mga ganung bagay dahil marami rin sa bahay nila pero mas mamamangha pa pala siya sa mga gamit ni Caspian.“Where are we?” pagtatanong niya habang pinagmamasdan pa rin ang paligid niya.“In my house.” Napatango-tango na lang si Davina, hindi rin pala basta-bastang tao ang napakasalan niya ng wala sa oras. Naalala niya na naman ang tungkol sa nangyari sa kaniya. Kasal? Is he crazy? Nilingon niya si Caspian na prenteng nakaupo. “Yung mga lalaking yun, ikaw talaga ang sadya?” nauna niyang pagsasalita. Hilaw namang natawa si Davina.“Ano sa tingin mo? Hahabulin ba ako ng mga yun kung hindi ako ang dahilan? Are you that stupid para hindi mo yun maisip?” bahagyang kumurba ang kanang labi ni Caspian, kakaibang babae yata ang napakasalan niya. Walang sino mang babae ang naglakas loob na pagsalitaan siya n
Hindi alam ni Davina kung ano ang ihaharap niya sa Daddy niya pagkatapos ng ginawa niya. Siguro maiintindihan pa ni Kenzo dahil matagal niya ng ipinaliwanag sa binata na hindi pa siya handa sa buhay may asawa. “Damn it!” hindi mapakali si Davina sa kinahihigaan niya, mag-isa niya lang sa bahay at hindi sigurado kung kailan ang balik ng bakulaw niyang napangasawa. “Ugh! My worst day ever!” inis niyang ibinato ang hawak niyang unan. Gusto niya lang namang tumakas sa kasal na ayaw niya tapos ang ending? Ikinasal sa lalaking lalong hindi niya kilala. Nag-iisip na siya kung paano ba niya ipapaliwanag ang lahat, kilala pa naman niya ang Daddy niya kung magalit. Kahit na anak siya nito ay wala siyang pakialam, once na kinontra mo siya humanda ka na. Napatingin si Davina sa entrance ng may maramdaman siya, malakas ang pakiramdam niya. Kinuha niya ang vase na nasa ibabaw ng lamesa para kung sakaling nandiyan nga ang mga sinasabi ni Caspian, makakapaghanda siya. Dahan-dahan siyang naglakad p
Maagang nagising si Davina, naabutan niya naman na sa kusina si Caspian at abala itong nagluluto. Seryoso pala talaga itong wala man lang siyang katulong. Siya ang nagluluto? Paano kapag nalate siya umuwi?“Get ready, we’re going to your family’s house. You’re going to introduce me as your husband.”“Gago ka ba? Sa tingin mo ganun lang kadali?” inis na saad ni Davina, wala na lang yatang araw na hindi siya ininis ng lalaking ito. “Kapag ginawa ko yun mapapatay tayo ng Daddy ko!”“Then I don’t care, kill me if he want.”“Ugh! You don’t know my Dad! Hindi mo alam ang kaya niyang gawin.” Halos gusto ng sabunutan ni Davina ang sarili niya dahil sa tigas ng ulo ni Caspian. Malamang, wala siyang katatakutan dahil hindi niya naman talaga kilala ang ama nito. Nanginginig na nga si Davina dahil sa takot eh.“At sa tingin mo matutuwa siya kapag nalaman pa niya sa ibang tao? I will broadcast about our marriage woman, either you like it or not we’re going to your family’s house. Mag-ayos ka kung
Umalis na sina Caspian at Davina sa bahay ng dalaga dahil sa nangyari. Salubong ang mga kilay ni Caspian habang nakatingin kay Davina na kagat kagat ang daliri. Nagtataka kung ano bang klaseng tao ang ama ni Davina para magkaroon ito ng baril sa tagiliran niya. Kung isa siyang negosyante paano siya matututong humawak nun at bakit siya magdadala ng sarili niyang baril kung kaya niya namang manguha ng taong pwedeng magbantay sa kaniya.“Ganun ba talaga ang ama mo? Kaya kang patayin dahil lang sa ginawa mo?” hindi niya na maiwasang tanong. Napairap na lang si Davina saka niya tiningnan ni Caspian.“Can’t you see? Sa tingin mo napakasimple ng ginawa ko? Alam mo, kung hindi dahil sayo hindi naman mangyayari sa akin ito eh. Ikaw itong pinilit akong pirmahan yang letseng kontrata na yan! Saka hindi ako kayang patayin ng Tatay ko okay? Kaisa-isa niya akong anak kaya hindi niya yun magagawa. I’m just stupid na pumasok sa kwartong yun kung nasaan ka. Damn it!” inis pa rin niyang saad, natatawa
Nakatingin lang si Caspian kay Davina na bakas ang pagkaseryoso habang ang matanda naman ay seryoso ng nakatingin kay Davina pero kay Caspian ito nakatingin. Magkatitigan na ngayon si Caspian at Davin, nanlilisik ang mga mata ni Davina habang blangko lang naman ang kay Caspian. Ngayong nalaman ni Davina sa mismong Lolo ni Caspian na marami na pala itong inuuwing babae, hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa lalaking katulad niya. Ang lalaking ang tingin sa kababaihan ay isang laruan lamang.Hindi naman niya talaga ito gusto eh, naipit lang talaga siya sa sitwasyon saka malay niya bang may isinasagawa pala sa kwartong pinasukan niya tapos nakawedding gown pa siya.Napatikhim na ang matanda dahil ramdam niya na ang pagiging seryoso ng dalawa. Tiningnan ulit ni Chariman Sanchez ang papel na nakalahad sa harapan niya at malinaw niya namang nakikita ang nakasulat dun. Nanlilisik pa rin ang mga mata ni Davina kay Caspian kaya iniwasan na lang siya ni Caspian ng tingin.“So, it’s true,