Mag-log inThree more years passed in the blink of an eye.
Jessica Danielle Fuentes is now 21 years old. Graduating student ng Business Management. Campus sweetheart, hindi lang maganda. Elegant, confident, and lively. Pag dumadaan siya sa hallway ng university, lumilingon ang lahat. Babae, lalaki, professor, guard. Dahil may dating siya na hindi matutunan sa libro. Kaya kung madaming humahanga, marami ring naiinggit. Mahaba na ang buhok na dati hanggang balikat lang, ngayon lagpas na at bagsak na bagsak na parang commercial ng shampoo. Makinis ang balat, maayos ang ayos, pero hindi matapobre. Nakangiti pa rin sa janitor. Bumabati pa rin sa guard. Pero sa dami ng lumilingon sa kanya, isa lang ang gusto niyang mapatingin. Si Steven. She had a crush on him since she was 15. And as the days pass by, mas lalo lang lumalalim ang pagtingin na iyon. ______ Alas syete ng umaga sa De Silva Mansion. Nakaupo si Steven sa dulo ng dining table, nagbabasa ng financial reports na may kasamang black coffee na uusok. Naka-white polo, mukhang mabango kahit walang kangiti-ngiti . Seryoso ang mukha, parang laging nasa meeting kahit nasa bahay lang. Bumaba si Jade mula sa second floor. Naka-white fitted dress na hanggang tuhod, simple lang, walang bulaklak, walang design. Pero bagay na bagay sa hubog ng katawan niya na ngayon mas babae na. Hindi mahalay tignan, sophisticated ang dating. Yung tipo na pang-business presentation pero maganda pa rin. Si Vincent na papasok sana sa dining para kumuha ng tubig, halos mabilaukan sa nakita. "Miss Jade..." bulong ni Vincent, napahawak sa dibdib. Si Simon na nag-aayos ng mga plato, napatingin at mabilis na umiwas. "Miss Jade... baka po ginawin kayo, malamig ang aircon," sabi ni Simon, seryoso pero halatang nag-aalala. "Hindi po" sagot ni Jade, dire-diretso ang lakad papunta kay Steven. Tumayo sa harap niya, umikot nang bahagya na parang model. "Daddy... Do I look pretty?" Hindi man lang tumingin si Steven sa kanya. Nanatili ang mata sa papel na may graph. "You'll be late for your thesis defense," sabi ni Steven, malamig ang tono pero hindi galit. Napanguso si Jade, lumapit pa lalo, kumuha ng isang pirasong bacon sa plato ni Steven. "Ang sungit naman, ang aga eh" bulong niya, pero nakangiti. Mamaya, sa phone, nag-message si Lira. Lira: Manhid talaga yang Daddy mo. Jade: "I know, pero cute pag manhid" reply niya Sa campus, halos araw-araw may nagpapadala ng bulaklak kay Jade. May nag-iiwan ng letter sa locker. May naghihintay sa labas ng classroom na may dalang kape. May isang varsity player na lumuhod pa sa may fountain para lang mag-confess. Lahat rejected, pero sa maayos at magalang na paraan. "Sorry," sabi ni Jade sa isang lalaking may dalang roses na pula. "May gusto na akong iba." Pagkaalis nung lalaki, lumapit si Lira na may hawak na dalawang milk tea. "Pwede bang pumili ka na? Ang dami na nag-aabang sa pila, ikaw pa rin ang ayaw," sabi ni Lira habang inaabot ang milk tea. "Nakapili na ako," sagot ni Jade, umiinom ng milk tea, nakatingin sa malayo. "Sino?" tanong ni Lira. Ngumisi lang siya nang bahagya bilang tugon, parang may sikreto na ayaw sabihin. Sa mansion, halos gabi-gabi na ang pagpaparamdam na hindi napapansin ni Steven. Sinasadya ni Jade na dumaan sa office ni Steven na may dalang libro. "Daddy, okay ba itong title ng thesis ko? The Impact of Luxury Branding on Gen Z Consumer Behavior?" tanong ni Jade, nakasandal sa may p***o ng office. "Finish your thesis first before asking for a title," sagot ni Steven, hindi tumitingin, nagta-type sa laptop. Minsan naman, nasa library si Steven, nagbabasa. Dadaan si Jade na naka-pajama na manipis pero hindi bastos, may dalang gatas. "Daddy, puyat ka na naman," sabi ni Jade, nilalapag ang gatas. "Ikaw ang dapat matulog na. Bukas na ang defense mo," sagot ni Steven. Akala ni Steven, biro lang lahat. Pang-aasar lang ng batang lumaki sa kanya. Hindi niya alam, tatlong na taon nang hindi biro kay Jade. Matagal nang seryoso. Matagal nang iba na ang tingin ni Jade sa kanya — hindi na bilang Daddy lang. ______ Twenty-first birthday niya ng umagang yun. Nag-vibrate ang phone ni Jade habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Isang message, mula kay Steven. Steven: Be at De Silva Grand Hyatt. 7:00 PM. Formal attire. Walang Birthday greetung, walang emoji, walang heart, pero napangiti pa rin si Jade habang binabasa. Umupo siya sa kama, niyakap ang phone. "Typical Daddy," bulong niya, tumatawa. ______ Kinahapunan, nasa baba na si Ate Cath, naghihintay na may hawak na dress bag. "Miss Jade, halika na, ayusin na natin buhok at make-up mo," sabi ni Ate Cath, mas excited pa kay Jade. "Akala ko birthday surprise lang," sabi ni Jade habang binubuksan ang bag. Nasa loob ang isang elegant black dress, hindi revealing, pero may slit sa gilid na sapat lang para makita ang legs. May kasamang maliit na jewelry box na may diamond studs. Paglabas ni Lira mula sa CR na may dalang curling iron, napasigaw pa. "Ay!! Beshy!This is it! Feeling ko, magpo-propose na!" bulong ni Lira habang inaayos ang buhok ni Jade. Namula si Jade nang husto, hinampas si Lira. "Anong propose! Birthday ko lang! Baliw ka!" kunwari ayaw niya, pero deep inside umaasa ang loka. "Eh bakit sa Grand Hyatt? Bakit formal attire? Bakit ikaw lang pinatawag? Hindi ba parang. proposal yun?" tawa ni Lira. Hindi sumagot si Jade, pero sa salamin, kitang-kita ang pamumula ng pisngi at ang ngiting hindi maitago. Alas syete ng gabi sa De Silva Grand Hyatt. Napakalawak ng Grand ballroom, may chandelier na kasing laki ng kotse. Business elites, politicians, media na may camera, champagne na dumadaloy, live orchestra na tumutugtog ng classical music. Lahat naka-black tie at gown. Pagpasok ni Jade, nakatingin ang lahat. Yung black dress, lalong nagpalutang ng kanyang naputian. Yung buhok, naka-soft waves. Yung make-up, natural pero elegant. Malayo na sa batang umiiyak dati sa sementeryo, ngayon dalagang dalaga na talaga. Pero napakunot-noo siya. "Birthday ko ba talaga?" bulong niya kay Lira na sumunod sa kanya, naka-navy blue dress. "Parang business gala ah," bulong ni Lira pabalik. Sa gitna ng ballroom, may stage na may malaking logo ng De Silva Group. May mga staff na may dalang tray ng champagne. May mga photographer. Nasa front table si Steven, naka-black suit na perfect ang fit, kausap ang ilang investors. Katabi niya ang isang babaeng naka-black evening gown din, mahaba ang buhok, makinis ang morenang balat, naka-red nails, nakaupo nang tuwid na tuwid na parang siya ang reyna sa gabing ito. Hindi pa napapansin ni Jade kung sino. Maya-maya, umakyat si Steven sa stage. Kinuha ang mic. Lahat ng tao tumahimik, tumingin at nakinig. Napangiti si Jade, lumapit nang kaunti sa stage kasunod ni Lira, hawak ang maliit na clutch, akala niya siya ang ise-celebrate. Akala niya tatawagin siya sa stage para i-blow ang cake. "Good evening, everyone," sabi ni Steven, buo ang boses sa mic. "Thank you for coming tonight." Huminga siya nang bahagya, parang nag-iipon ng lakas. "Tonight is very special." Napangiti lalo si Jade, humawak sa dibdib, kabado. Then... "Aside from celebrating Jade's twenty-first birthday..." Huminto si Steven, tumingin sa audience, saka sa direksyon ni Jade na nakatayo sa may gitna. "I'd like everyone to meet my fiancée." Parang may tumigil sa pagtibok ng puso ni Jade. Isang eleganteng babae ang tumayo mula sa front table. Yung naka-black evening gown, yung naka-red nails na katabi niya kanina. Parang naging slow motion ang paligid ng dahan-dahang umakyat ang babae sa stage, ngumiti sa audience na parang sanay na sanay sa spotlight. "Ms. Paloma Crisostomo," sabi ni Steven, inabot ang kamay ng babae at hinawakan sa harap ng lahat. Napuno ng bulungan ang buong ballroom. Tapos, palakpakan, may mga camera na sunod-sunod ang flash. Hindi nakagalaw si Jade. Nakatayo lang sa gitna ng ballroom, hawak ang champagne flute na bigay ng waiter kanina. Unti-unting nanginig ang kamay niya. Ang ngiti niya kanina, unti-unting nawala na parang kandilang hinipan. Nadulas ang hawak niyang champagne flute. Crash! Kitang-kita niya ang pamumutla ni Jade. Kitang kita ang pagguhit ng sakit sa mga nito at ang pagdaloy ng luha. "Jade..." Mahina ang tawag ni Steven mula sa stage, pero hindi na umabot. Umatras si Jade. Isa. Dalawa. Tatlo. Ang kamay niyang kanina nanginginig, ngayon mahigpit na nakahawak sa clutch na parang doon lang kumakapit. Pagkatapos... tumalikod siya at tumakbo palabas ng ballroom. "Jade!" Hindi na niya alam kung sino ang tumawag. Si Lira ba. Si Simon ba. Si Steven ba? Wala na siyang pakialam, basta tumakbo lang siya, ang laylayan ng itim na dress na basa ng champagne, dumudulas sa marmol na sahig ng hotel. Hindi na rin niya alam kung paano siya nakarating sa labas ng hotel. Basta ang alam niya, hindi siya makahinga. Parang may malaking bato na dumagan sa dibdib niya, mabigat. Hindi siya makahinga. Napasandal siya sa isang poste sa labas, sa may gilid ng entrance kung saan walang masyadong tao. Doon na tuluyang bumigay ang lahat. Umiyak siya nang walang ingay, walang hikbi, walang sigaw. Luha lang na tuloy-tuloy sa pag-agos. Kasabay ng panginginig ng buong katawan na hindi niya mapigilan kahit yakapin niya ang sarili niya. Sa loob ng ballroom... hindi na maalis ang tingin ni Steven sa pintong nilabasan ni Jade. Hawak pa rin ni Paloma ang kamay niya ng mahigpit, pinipigilan siyang umalis. Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang kaba na bumalot sa dibdib niya. Parang may mahalagang bagay na bigla na lang nawala sa kamay niya nang hindi niya namamalayan. "Steven?" Mahinang tawag ni Paloma sa tabi niya, nakangiti pa rin sa mga bisita pero may diin na ang boses. Hindi siya sumagot, nakatitig pa rin siya sa pintuan. At sa labas ng hotel, hindi alam ni Jade... na may isang pares ng matang kanina pa siya pinagmamasdan mula sa loob ng isang itim na sasakyan na nakaparada sa dilim. Isang lalaking dahan-dahang nagsindi ng sigarilyo, napangisi. "So... she's Leon Fuentes' daughter? We finally found her."Three more years passed in the blink of an eye.Jessica Danielle Fuentes is now 21 years old. Graduating student ng Business Management. Campus sweetheart, hindi lang maganda. Elegant, confident, and lively.Pag dumadaan siya sa hallway ng university, lumilingon ang lahat. Babae, lalaki, professor, guard. Dahil may dating siya na hindi matutunan sa libro. Kaya kung madaming humahanga, marami ring naiinggit.Mahaba na ang buhok na dati hanggang balikat lang, ngayon lagpas na at bagsak na bagsak na parang commercial ng shampoo. Makinis ang balat, maayos ang ayos, pero hindi matapobre. Nakangiti pa rin sa janitor. Bumabati pa rin sa guard.Pero sa dami ng lumilingon sa kanya, isa lang ang gusto niyang mapatingin.Si Steven. She had a crush on him since she was 15. And as the days pass by, mas lalo lang lumalalim ang pagtingin na iyon.______Alas syete ng umaga sa De Silva Mansion.Nakaupo si Steven sa dulo ng dining table, nagbabasa ng financial reports na may kasamang black coffee na
Four years could change everything.Four years have passed.18th birthday na ni Jessica Danielle Fuentes. Freshman sa pinakamagandang university sa bansa. Mas mahaba na ang buhok na dati ponytail lang, ngayon lagpas balikat na at may kaunting kulot sa dulo. Mas matangkad na nang kaunti. Mas maganda ang bilugang mukha, mahahabang pilikmata. Sexy, makinis at maputi ang balat.Confident na maglakad sa hallway na dati takot na takot pumasok sa De Silva Mansion. Pero pag nagsalita, ganun pa rin, makulit, maingay, may nakakatawang paraan ng pagtawa.Excited siyang bumaba ng hagdan nang halos madapa.Nakalagay sa notes niya,Today is :✔ First day of college.✔ My 18th birthday.Paglabas niya ng kwarto,naka-uniform na ng university, puting blouse na may logo, above the knee skirt, medyas na puti na hanggang tuhod. Nagtaka siya sa katahimikan ng mansiyon.Si Simon, nagtitimpla ng kape sa may kusina, suot ang signature niyang salamin. Si Manang Celia, nagdidilig ng halaman sa may garden. Si
Walang nagsasalita sa sasakyan. Nasa passenger seat si Jade. Yakap ang maliit na picture frame ng Mommy at Daddy niya, yung kinuha niya sa altar kanina. Nakatitig lang siya sa bintana. Ang ulan, tumitila na, pero may bakas pa sa salamin na parang luha na hindi pa natutuyo.Si Steven ang nagmamaneho, hindi ito makapagsalita. Hindi rin nagpapatugtog ng radyo. Hinahayaan lang niyang umandar ang sasakyan sa SLEX pabalik ng Manila.Nang mapatingin si Jade sa gilid, may napansin siya sa may cupholder. Isang bottled water na bukas na, may tissue na nakatupi sa tabi, at isang maliit na panyo na puti na may burda na J. Hindi niya alam kung kailan inilagay. Hindi niya nakitang kumuha si Steven, nandoon lang.Pagpasok ng sasakyan sa malaking gate ng Dasmariñas Village, napahawak si Jade sa picture frame nang mas mahigpit.Bumukas ang malaking gate na bakal ng maraha.Pagbukas, bumungad ang De Silva Mansion. Hindi ito yung mansion na nakikita sa teleserye na maraming ilaw na kumukutitap. Kulay p
Huling araw ng burol sa Forbes Park Memorial Chapel.Punong-puno ang chapel ng puting bulaklak. Mga stargazer lilies na paborito ni Grace. Mga wreath mula sa business partners ni Leon na may gold lettering na "With Deepest Condolences". Sa labas, ilang media ang nag-aabang pero hindi pinapapasok ng guard.Sa loob, mga ilang kamag-anak na ngayon lang ulit nakita ni Jade simula nung bata siya. May nag-aabot ng sobre. May nagbubulungan, may umiiyak na hindi naman talaga malapit sa kanila.Pero sa gitna ng lahat ng bulaklak at bulong, nakaupo si Jessica Danielle Fuentes sa harap ng dalawang puting kabaong na magkatabi. Naka-itim na dress na medyo malaki sa kanya, Ang buhok, nakalugay lang at hindi pa nasusuklay simula kahapon. Ang mata, namumugto pero wala nang luhang lumalabas. Parang naubos na.Hindi siya gumagalaw. Nakatitig lang sa dalawang kabaong.Sa likod niya, may isang lalaking nakatayo.Hindi siya nagsasalita, naka-itim na polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Maayos ang ta
3:07 PM sa Room 9 - St. Therese ng St. Scholastica Academy. Mainit kahit bukas ang dalawang electric fan sa kisame. Amoy chalk at sahig na alam mong bagong floor wax.Sa pisara, kalahati pa lang ang nasusulat na equation sa algebra na para bang napagod na si Mrs. Cristobal sa kalagitnaan kaya huminto.Nasa pinakadulong hanay si Jessica Danielle Fuentes or kilala bilang "JADE", labing-apat na taong gulang. Naka-ponytail na mataas, may maliit na perlas na hikaw. Ang manggas ng puting uniform, lukot sa kakahawak. Ang isang medyas, nakalaylay na sa bukung-bukong. Sa tabi niya si Lira Velasco, best friend simula Grade 7."Jade, kapag tinawag ka ni Ma'am Cristobal, sabihin mo na lang masakit ulo mo," bulong ni Lira, kunwari nakatingin sa pisara."Masakit ulo? Sabihin ko may Math flu ako? Nosebleed talaga ako pag Math na" sagot ni Jade nang pabulong. Gumalaw ang balikat niya sa pigil na tawa.Sa harap, si Ma'am Cristobal. Naka-makapal na salamin, may hawak na ruler na kahoy. May bakas ng cha







