Mag-log inFour years could change everything.
Four years have passed. 18th birthday na ni Jessica Danielle Fuentes. Freshman sa pinakamagandang university sa bansa. Mas mahaba na ang buhok na dati ponytail lang, ngayon lagpas balikat na at may kaunting kulot sa dulo. Mas matangkad na nang kaunti. Mas maganda ang bilugang mukha, mahahabang pilikmata. Sexy, makinis at maputi ang balat. Confident na maglakad sa hallway na dati takot na takot pumasok sa De Silva Mansion. Pero pag nagsalita, ganun pa rin, makulit, maingay, may nakakatawang paraan ng pagtawa. Excited siyang bumaba ng hagdan nang halos madapa. Nakalagay sa notes niya, Today is : ✔ First day of college. ✔ My 18th birthday. Paglabas niya ng kwarto,naka-uniform na ng university, puting blouse na may logo, above the knee skirt, medyas na puti na hanggang tuhod. Nagtaka siya sa katahimikan ng mansiyon. Si Simon, nagtitimpla ng kape sa may kusina, suot ang signature niyang salamin. Si Manang Celia, nagdidilig ng halaman sa may garden. Si Ate Cath, naghahanda ng breakfast na pritong itlog, hotdog, ham at bacon. Walang bumabati, walang balloons. Walang cake. Napahinto si Jade sa gitna ng hagdan. Napakamot siya sa ulo. "Wow..." bulong niya sarili, medyo malakas para marinig. "Adult na yata talaga ako. Eighteen na, wala nang birthday celebration" Si Ate Cath, hindi lumingon, naglagay lang ng pinggan sa mesa. "Kain ka na, Miss Jade. Malalate ka sa first day mo," sabi ni Ate Cath na parang hindi siya narinig. Si Simon, uminom ng kape. "Good morning, Miss Jade," sabi ni Simon, parang normal na umaga lang. Lalong sumimangot si Jade. Umupo sa dining table, kumuha ng tinapay. "Nasaan po si Daddy?" tanong niya habang nagbubuhos ng gatas. Si Simon, nag-angat ng tingin mula sa dyaryo. "Nasa Singapore, Miss Jade. Business summit. Kahapon pa," sagot ni Simon. "Singapore?" Napasimangot siya lalo. "Hindi man lang nag-good morning? Kahapon pa siya umalis?" "Emergency meeting daw," sabat ni Manang Celia mula sa veranda. Kinuha ni Jade ang cellphone, binuksan ang messages at nag-scroll. Walang kahit anong message, no call, kahit seen, wala. "Wow ha," bulong niya habang sinusubo ang tinapay. "Birthday ko pa naman." Pero sa loob ng puso niya, may kaunting kirot. Apat na taon na niyang guardian Steven. Apat na taon na tuwing birthday, kahit gaano ka-busy, nandoon si Steven sa tabi ng cake, hawak ang kamay niya habang nagbo-blow ng candle. Hindi niya naramdaman ang pangungulila sa magulang dahil sa kanya. Lahat ng kailangan at gusto niya binibigay nito. He spoiled and pampered her. At higit sa lahat binigyan siya ng pangalawang pamilya. Si Butler Simon na masungit pero parang lolo na lagi nakaantabay. Si Manang Celia na kunwari masungit na Lola pero iniispoil siya. Si Ate Cath na na aside from Lira naging sabihan niya ng mga sekreto. Ngayong eighteen na siya, wala naman si Steven. Dalaga na siya. At hindi niya itinatanggi na nagkaroon siya ng pagkagusto kay Steven na lumalalim habang lumilipas ang mga araw. She smiled bitterly. ______ Sa University Grand entrance. Napakagandang campus, may fountain sa gitna na may mga barya, mukhang historical ang buildings na may baging na kala mo sa Espanya ka. Mga estudyanteng naglalakad na may bitbit na libro at kape. Maingay at punong puno ng sigla. Nakatayo si Jade sa may gate, hawak ang sling bag na may keychain ni Mochi at Toffee, naghahanap ng building ng College of Business. Biglang— "LATE KA NA!" Si Lira, naka-university uniform din, pero mas magulo ang buhok, may hawak na maliit na gift bag na kulay pink at kape sa kabilang kamay. "Happy Birthday!" sigaw ni Lira, niyakap agad si Jade sa gitna ng maraming tao. "Thank you!" tawa ni Jade. "Akala ko nakalimutan mo na!" "Anong nakalimutan? Eighteen ka na, pwede ko bang kalimutan ang special na araw ng beshy ko! Saka utang na loob ko sa'yo pagpasok ko dito sa University ng walang babayaran!" tawa ni Lira at niyakap ito mahigpit. "Shhh! Ang ingay mo!" Hinila ni Jade si Lira papasok. "Ayeeh Beshy 18 ka na, pwede ka na mag-jowa!" tukso nito. "Tse! Tumigil ka diyan!" irap niya. Habang naglalakad sila papunta sa classroom, may narinig silang usapan mula sa dalawang babaeng nasa bench. "Scholar daw sila, yung dalawa," bulong ng isa. "Ang galing no? Ang gaganda pa," sagot nung isa. Hindi sila sumagot, hindi rin sila kumontra. Hindi niya ipinagmamalaki ang kayamanan. Walang nakakaalam sa buong university na anak-anakan siya ng De Silva. Scholar lang ang nakalagay sa record ni Jade, dahil ayaw ni Steven na may special treatment. Gusto ni Steven na maranasan ni Jade ang normal na buhay estudyante. ____ Lunch time, sa canteen ng Business Ad building. Maingay, maraming tao, amoy ng pritong manok, adobo at kanin. Nakaupo si Jade at si Lira sa dulo, may tray na may spaghetti, chicken at juice. Nakatingin si Jade sa cellphone. Every five minutes. Refresh. Refresh. Refresh. Si Lira, nakatingin lang, nakataas ang kilay habang umiinom ng juice. "Ano?" tanong ni Lira. "Wala," sagot ni Jade, binaba ang phone. Maya-maya, refresh ulit. "Ano ba yan?" tawa ni Lira. "Hindi pa rin nagtetext?" "Wala," sagot ni Jade, kunwari inis pero namumula ang pisngi. "Busy yata si Prince Charming mo," bulong ni Lira, tumatawa. "Shhh! Huwag kang maingay! Hindi siya Prince Charming!" bulong ni Jade, hinampas ang braso ni Lira. "Daddy pa more," tawa ni Lira nang malakas. "Eighteen ka na Jade, Daddy pa rin tawag mo?" "Daddy ko siya! Ano ba!" Sagot ni Jade, pero tumatawa na rin. "Pwede naman Daddy with benefits!" tukso ni Lira, alam nitong may crush si Jade kay Steven. Pero sa loob, refresh ulit siya. Wala pa rin, hangang pag-uwi nakasimangoy siya. ______ Pag-uwi niya 6:04 PM na. Pagpasok ng kotse sa gate ng De Silva Mansion, madilim ang buong bahay, walang ilaw sa labas. Walang sasakyan ni Steven sa garahe. Ang mga aso na si Mochi at Toffee, wala sa garden. Napasimangot si Jade habang bumababa ng kotse. "Wow," bulong niya habang binubuksan ang malaking p***o. "Talaga? Kahit cake wala?" Madilim ang loob, ang dining table, walang nakahanda. Ang kusina, walang amoy ng niluluto. "Hello?Uncle Simon? Manang? Ate Cath? Nandito na ako," tawag niya, binuksan ang ilaw sa hallway. Walang sumagot. Lalong sumimangot siya. Binaba ang bag sa sofa. Kinuha ulit ang phone. Wala pa rin. "Fine," bulong niya, medyo naiiyak na pero pinipigilan. "Eighteen na ako, hindi na ako bata. Okay lang." Pagbukas niya ng p***o ng living room para sana umakyat na lang sa kwarto... Click. Sabay bukas ng ilaw. "SURPRISE!" Si Simon, si Manang Celia, si Ate Cath, si Vincent na driver, at pati si Mochi at Toffee na may bandana na Happy Birthday, lahat nandun. May balloons na pink at gold. May cake na may labing-walong kandila. May flowers sa mesa. May banner na may sulat kamay na "Happy 18th Birthday, Princess Jade!" At sa likod ng lahat, may isang lalaking nakatayo. Naka-dark gray suit, kakababa lang yata ng eroplano. Bitbit pa ang coat sa isang kamay, ang maleta nasa tabi ng p***o. Medyo magulo ang buhok na parang hindi pa nasusuklay simula kanina sa biyahe. Pero nakatayo, nakatingin sa kanya. Si Steven. Nagkatinginan sila, hindi na nakapag-isip si Jade. Tumakbo siya, diretso. Hindi nag-alinlangan, yumakap nang mahigpit. Halos mawalan ng balanse si Steven sa lakas ng yakap. Napahawak si Steven sa likod ni Jade para hindi sila parehong matumba. Natawa si Vincent sa gilid. "Boss... mukhang may jetlag ka agad," sabi ni Vincent, tumatawa. Hindi nakaimik si Steven. Marahan niyang hinaplos ang ulo ni Jade na parang dati pa rin, nung labing-apat pa lang ito at umiiyak. "Happy birthday, Princess," sabi niya, mababa ang boses, malapit sa tenga ni Jade. Natahimik si Jade sa yakap. Apat na salita lang. Pero yun lang ang hinihintay niya buong araw, simula umaga hanggang sa pag-uwi. Napapikit siya habang nakayakap pa rin, ang mukha nakabaon sa dibdib ni Steven na amoy pabango pa rin kahit galing sa mahabang flight. "I thought you forgot," bulong niya na may babid tampo ang tono. Saglit na walang salitang lumabas kay Steven. Hinayaan lang niyang manatili si Jade sa yakap. Tapos, sumagot siya, buo at malinaw. "Never, how can I forget the birthday of my precious JADE" malambing nitong sabi. Kinilig sa siya sa loob-loob niya. Yun lang at kumpleto na ang birthday nito. Habang masayang nagkukuwentuhan ang lahat sa birthday celebration, may cake na hinihiwa, may tawanan nina Lira na dumating pala kanina pa at nagtago lang sa kusina, walang nakapansin na sandaling natigilan si Steven nang pagmasdan si Jade na tumatawa habang yakap si Mochi. Hindi na ang labing-apat na taong gulang na batang umiiyak sa sementeryo ang nasa harap niya. Hindi na ang batang naka-ponytail na mahigpit na yakap ang picture frame ng Mommy at Daddy niya. Isa na siyang dalaga, parang bulaklak na unti-unting namumukadkad. Mas mahaba ang buhok, mas buo ang ngiti, mas malinaw ang mata na dati laging namumugto sa iyak. At sa gabing iyon, habang hawak pa rin ni Jade ang kamay niya para ipakita ang cake, may kakaibang kabog sa dibdib ni Steven. Isang kabang hindi niya naramdaman sa loob ng apat na taon na pag-aalaga. Isang kabang hindi niya alam kung saan nanggaling.Three more years passed in the blink of an eye.Jessica Danielle Fuentes is now 21 years old. Graduating student ng Business Management. Campus sweetheart, hindi lang maganda. Elegant, confident, and lively.Pag dumadaan siya sa hallway ng university, lumilingon ang lahat. Babae, lalaki, professor, guard. Dahil may dating siya na hindi matutunan sa libro. Kaya kung madaming humahanga, marami ring naiinggit.Mahaba na ang buhok na dati hanggang balikat lang, ngayon lagpas na at bagsak na bagsak na parang commercial ng shampoo. Makinis ang balat, maayos ang ayos, pero hindi matapobre. Nakangiti pa rin sa janitor. Bumabati pa rin sa guard.Pero sa dami ng lumilingon sa kanya, isa lang ang gusto niyang mapatingin.Si Steven. She had a crush on him since she was 15. And as the days pass by, mas lalo lang lumalalim ang pagtingin na iyon.______Alas syete ng umaga sa De Silva Mansion.Nakaupo si Steven sa dulo ng dining table, nagbabasa ng financial reports na may kasamang black coffee na
Four years could change everything.Four years have passed.18th birthday na ni Jessica Danielle Fuentes. Freshman sa pinakamagandang university sa bansa. Mas mahaba na ang buhok na dati ponytail lang, ngayon lagpas balikat na at may kaunting kulot sa dulo. Mas matangkad na nang kaunti. Mas maganda ang bilugang mukha, mahahabang pilikmata. Sexy, makinis at maputi ang balat.Confident na maglakad sa hallway na dati takot na takot pumasok sa De Silva Mansion. Pero pag nagsalita, ganun pa rin, makulit, maingay, may nakakatawang paraan ng pagtawa.Excited siyang bumaba ng hagdan nang halos madapa.Nakalagay sa notes niya,Today is :✔ First day of college.✔ My 18th birthday.Paglabas niya ng kwarto,naka-uniform na ng university, puting blouse na may logo, above the knee skirt, medyas na puti na hanggang tuhod. Nagtaka siya sa katahimikan ng mansiyon.Si Simon, nagtitimpla ng kape sa may kusina, suot ang signature niyang salamin. Si Manang Celia, nagdidilig ng halaman sa may garden. Si
Walang nagsasalita sa sasakyan. Nasa passenger seat si Jade. Yakap ang maliit na picture frame ng Mommy at Daddy niya, yung kinuha niya sa altar kanina. Nakatitig lang siya sa bintana. Ang ulan, tumitila na, pero may bakas pa sa salamin na parang luha na hindi pa natutuyo.Si Steven ang nagmamaneho, hindi ito makapagsalita. Hindi rin nagpapatugtog ng radyo. Hinahayaan lang niyang umandar ang sasakyan sa SLEX pabalik ng Manila.Nang mapatingin si Jade sa gilid, may napansin siya sa may cupholder. Isang bottled water na bukas na, may tissue na nakatupi sa tabi, at isang maliit na panyo na puti na may burda na J. Hindi niya alam kung kailan inilagay. Hindi niya nakitang kumuha si Steven, nandoon lang.Pagpasok ng sasakyan sa malaking gate ng Dasmariñas Village, napahawak si Jade sa picture frame nang mas mahigpit.Bumukas ang malaking gate na bakal ng maraha.Pagbukas, bumungad ang De Silva Mansion. Hindi ito yung mansion na nakikita sa teleserye na maraming ilaw na kumukutitap. Kulay p
Huling araw ng burol sa Forbes Park Memorial Chapel.Punong-puno ang chapel ng puting bulaklak. Mga stargazer lilies na paborito ni Grace. Mga wreath mula sa business partners ni Leon na may gold lettering na "With Deepest Condolences". Sa labas, ilang media ang nag-aabang pero hindi pinapapasok ng guard.Sa loob, mga ilang kamag-anak na ngayon lang ulit nakita ni Jade simula nung bata siya. May nag-aabot ng sobre. May nagbubulungan, may umiiyak na hindi naman talaga malapit sa kanila.Pero sa gitna ng lahat ng bulaklak at bulong, nakaupo si Jessica Danielle Fuentes sa harap ng dalawang puting kabaong na magkatabi. Naka-itim na dress na medyo malaki sa kanya, Ang buhok, nakalugay lang at hindi pa nasusuklay simula kahapon. Ang mata, namumugto pero wala nang luhang lumalabas. Parang naubos na.Hindi siya gumagalaw. Nakatitig lang sa dalawang kabaong.Sa likod niya, may isang lalaking nakatayo.Hindi siya nagsasalita, naka-itim na polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Maayos ang ta
3:07 PM sa Room 9 - St. Therese ng St. Scholastica Academy. Mainit kahit bukas ang dalawang electric fan sa kisame. Amoy chalk at sahig na alam mong bagong floor wax.Sa pisara, kalahati pa lang ang nasusulat na equation sa algebra na para bang napagod na si Mrs. Cristobal sa kalagitnaan kaya huminto.Nasa pinakadulong hanay si Jessica Danielle Fuentes or kilala bilang "JADE", labing-apat na taong gulang. Naka-ponytail na mataas, may maliit na perlas na hikaw. Ang manggas ng puting uniform, lukot sa kakahawak. Ang isang medyas, nakalaylay na sa bukung-bukong. Sa tabi niya si Lira Velasco, best friend simula Grade 7."Jade, kapag tinawag ka ni Ma'am Cristobal, sabihin mo na lang masakit ulo mo," bulong ni Lira, kunwari nakatingin sa pisara."Masakit ulo? Sabihin ko may Math flu ako? Nosebleed talaga ako pag Math na" sagot ni Jade nang pabulong. Gumalaw ang balikat niya sa pigil na tawa.Sa harap, si Ma'am Cristobal. Naka-makapal na salamin, may hawak na ruler na kahoy. May bakas ng cha







