Mag-log inHuling araw ng burol sa Forbes Park Memorial Chapel.
Punong-puno ang chapel ng puting bulaklak. Mga stargazer lilies na paborito ni Grace. Mga wreath mula sa business partners ni Leon na may gold lettering na "With Deepest Condolences". Sa labas, ilang media ang nag-aabang pero hindi pinapapasok ng guard. Sa loob, mga ilang kamag-anak na ngayon lang ulit nakita ni Jade simula nung bata siya. May nag-aabot ng sobre. May nagbubulungan, may umiiyak na hindi naman talaga malapit sa kanila. Pero sa gitna ng lahat ng bulaklak at bulong, nakaupo si Jessica Danielle Fuentes sa harap ng dalawang puting kabaong na magkatabi. Naka-itim na dress na medyo malaki sa kanya, Ang buhok, nakalugay lang at hindi pa nasusuklay simula kahapon. Ang mata, namumugto pero wala nang luhang lumalabas. Parang naubos na. Hindi siya gumagalaw. Nakatitig lang sa dalawang kabaong. Sa likod niya, may isang lalaking nakatayo. Hindi siya nagsasalita, naka-itim na polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Maayos ang tayo pero may bakas ng puyat sa mata. Hindi siya lumalapit sa mga bisita para makipag-usap. Pero pag may lumalapit kay Jade para mag-abot ng kamay at magtanong kung kumusta siya, siya ang humaharang nang marahan. "Si Jade, pagpahingain muna natin," sabi niya sa isang tita na gustong yakapin si Jade. Pag may nagdadala ng pagkain, siya ang kumukuha at nilalagay sa maliit na mesa sa tabi ni Jade. Isang plato na may kanin,chicken at isang basong tubig. Pero hindi ginagalaw ni Jade. Nandoon lang. Maya-maya, bumukas ang p***o ng chapel. Pumasok si Lira, naka-itim na palda at puting blouse, kasama si Ma'am Cristobal na naka-itim din na dress. Sa likod nila, ilang kaklase na naka-school uniform pa na dumiretso galing school. Nang makita ni Lira si Jade, hindi na siya nagdalawang-isip. Tumakbo at niyakap nang mahigpit mula sa likod. "Jade..." Doon lang ulit bumigay si Jade. Niyakap niya pabalik si Lira nang mahigpit, ang mukha nakabaon sa balikat ng kaibigan. "Andito lang ako... andito lang ako, beshy.." bulong ni Lira, umiiyak na rin. Lumapit si Ma'am Cristobal. Ang ruler na laging hawak ay wala. Ang salamin, medyo malabo dahil sa luha. Lumuhod siya sa harap ni Jade, hinawakan ang kamay na malamig. "I'm sorry, Jade..." Ang boses ni Ma'am Cristobal, basag. "Hindi ko alam... nung araw na yun... I'm sorry, anak..." Walang salitang isinagot si Jade. Ang mata nakatingin pa rin sa kabaong ng Mommy niya. Hinawakan ni Ma'am Cristobal ang kamay niya nang mas mahigpit, parang humihingi ng tawad sa lahat ng pagagalit niya dati sa klase. Sa gilid ng chapel, malapit sa table ng abuloy, naiwan ang isang pinsan ni Jade na nag-aayos ng mga sobreng may pangalan. Lumapit si Lira doon para kumuha ng tubig, nanginginig ang kamay. "Ate, sino po yung lalaki sa likod ni Jade? Kanina pa siya nandoon. Hindi umaalis," bulong ni Lira. Tumingin ang pinsan sa lalaking nakatayo sa likod ni Jade. "Si Sir Steven yun," sagot ng pinsan, marahan ang boses para hindi marinig ng iba. "Business partner at matalik na kaibigan ng Tito Leon at Tita Grace. Halos magkapatid na ang turingan nila. Nung bata pa si Jade, siya ang madalas kasama nung mag-asawa sa bahay. Siya lang ang pinagkatiwalaan nila sa lahat." "Ah..." Napatingin si Lira sa likod. "Kaya pala..." "Siya ang unang tinawagan ng hospital nung araw ng aksidente. Siya ang nag-asikaso ng lahat simula morgue hanggang burol." Habang nag-uusap sila, isang alaala ang biglang pumasok na parang kidlat. Seven years old si Jade, nasa sala ng lumang bahay nila sa Ayala Alabang. Naka-pajama na may bear. Kakauwi lang ni Daddy Leon at ni Steven galing sa meeting. May inuman sa mesa, pero hindi lasing, nagtatawanan lang. "Leon, lugi ka na naman sa golf," tawa ni Steven. "Ikaw ang lugi, hindi mo naman ako natatalo," sagot ni Leon, nakatawa rin. Tumakbo si Jade mula sa hagdan, hawak ang maliit na teddy bear. "Uncle Steven!" Napalingon si Steven, inuunat ang braso. "Princess," sabi niya, binuhat si Jade at pinaupo sa kandungan. "Anong ginagawa ng princess na puyat pa?" "Daddy said you will buy me ice cream!" Sabi ni Jade, nakanguso. Tumawa si Steven nang malakas. "Daddy mo nagsabi? Eh bat ako pala bibili?" "Okay, princess. Bukas, may ice cream ang prinsesa ko." Isang alaala lang, isang gabi lang. Pero sapat para maalala ni Jade kung kaninong kandungan siya unang nakaupo bukod sa Daddy niya. _____ Linggo araw ng libing ng magulang ni Jade. Sa Holy Trinity Memorial Park, umaambon na. Ang lupa, naging maputik. Madaming payong na itim at puti. Ang mga bulaklak sa paligid, basang basa. Habang dahan-dahang ibinababa ang dalawang kabaong na magkatabi, hindi na kinaya ni Jade. Kanina pa siya nakatayo. Pero nung gumalaw na ang lubid at bumaba na ang kahoy, bumigay ang tuhod niya. "Mommy..." "Daddy..." "Please..." "Please..." "Ayoko..." Paulit-ulit, putol-putol. Hindi na niya mabigkas ang buong ang salita. Lumuhod siya sa putikan, ang itim na dress nabasa, ang kamay nakahawak sa lupa na parang gusto niyang pigilan ang pagbaba ng kabaong. "Mommy... Daddy... sama na lang po ako inyo..." her voice trembled from mixture of emotion and cold, dahil sa ulan. Si Lira, umiiyak na sa tabi, hawak ni Ma'am Cristobal. Hanggang sa unti-unti umalis ang lahat. Ang nga kamag-anak, sumakay na sa sa kani-kanilang mga kotse. Mga business partners, nagpaalam na. Mga kaklase, hinila na ng magulang. Mga bulaklak, unti-unting tinatangay ng hangin. Naiwan ang amoy ng lupa at kandila. Pero nakaluhod pa rin si Jade sa harap ng dalawang bagong lapida. Yakap ang lapida ni Grace. Sa likod niya, kanina pa nakatayo si Steven. Hindi siya lumalapit. Hindi rin siya nagsasalita. Hinahayaan lang niyang umiyak si Jade. Ang payong na hawak niya, nakatapat kay Jade kahit siya mismo nababasa na sa balikat. Ang sapatos niyang puno na ng putik. Lumipas ang ilang minuto. Ang ulan, lumalakas. Marahan niyang ipinatong ang kamay niya sa balikat ni Jade. Napapikit si Jade, dahan-dahan siyang tumayo, ang tuhod nanginginig, ang dress na itim puno ng putik at luha. Pagharap niya, hindi na niya napigilan. Mahigpit siyang yumakap kay Steven. Ang mukha nakabaon sa dibdib nito. Basang-basa ng luha at ulan ang polo nito. Halos wala nang boses si Jade sa kakaiyak. "Uncle Steven... paano na po kaya ako? Wala na sila Mommy at Daddy..." she cried again. Parang nanikip ang dibdib ni Steven. Hindi agad siya nakasagot. Hinayaan lang niyang umiyak si Jade sa dibdib niya. Marahan niyang hinawakan ang ulo ni Jade. Maya-maya, nagsalita siya. Mababa ang boses pero puno ng simpatya. "You still have me. Come home with me, Jade." Habang nakayakap si Jade sa kanya, tumingin si Steven sa dalawang lapida sa harap nila. Basang-basa ang lapida, pero malinaw ang pangalan ni Leon at Grace. Sa loob ng isip niya, isang pangakong hindi narinig ni Jade. "Leon, Grace... I couldn't save you. But I'll protect your daughter. No matter what it costs. Even if I have to give up everything... I'll keep her safe" pangako niya sa sarili at sa dalawang kaibigang tinuring biyang kapatid.Three more years passed in the blink of an eye.Jessica Danielle Fuentes is now 21 years old. Graduating student ng Business Management. Campus sweetheart, hindi lang maganda. Elegant, confident, and lively.Pag dumadaan siya sa hallway ng university, lumilingon ang lahat. Babae, lalaki, professor, guard. Dahil may dating siya na hindi matutunan sa libro. Kaya kung madaming humahanga, marami ring naiinggit.Mahaba na ang buhok na dati hanggang balikat lang, ngayon lagpas na at bagsak na bagsak na parang commercial ng shampoo. Makinis ang balat, maayos ang ayos, pero hindi matapobre. Nakangiti pa rin sa janitor. Bumabati pa rin sa guard.Pero sa dami ng lumilingon sa kanya, isa lang ang gusto niyang mapatingin.Si Steven. She had a crush on him since she was 15. And as the days pass by, mas lalo lang lumalalim ang pagtingin na iyon.______Alas syete ng umaga sa De Silva Mansion.Nakaupo si Steven sa dulo ng dining table, nagbabasa ng financial reports na may kasamang black coffee na
Four years could change everything.Four years have passed.18th birthday na ni Jessica Danielle Fuentes. Freshman sa pinakamagandang university sa bansa. Mas mahaba na ang buhok na dati ponytail lang, ngayon lagpas balikat na at may kaunting kulot sa dulo. Mas matangkad na nang kaunti. Mas maganda ang bilugang mukha, mahahabang pilikmata. Sexy, makinis at maputi ang balat.Confident na maglakad sa hallway na dati takot na takot pumasok sa De Silva Mansion. Pero pag nagsalita, ganun pa rin, makulit, maingay, may nakakatawang paraan ng pagtawa.Excited siyang bumaba ng hagdan nang halos madapa.Nakalagay sa notes niya,Today is :✔ First day of college.✔ My 18th birthday.Paglabas niya ng kwarto,naka-uniform na ng university, puting blouse na may logo, above the knee skirt, medyas na puti na hanggang tuhod. Nagtaka siya sa katahimikan ng mansiyon.Si Simon, nagtitimpla ng kape sa may kusina, suot ang signature niyang salamin. Si Manang Celia, nagdidilig ng halaman sa may garden. Si
Walang nagsasalita sa sasakyan. Nasa passenger seat si Jade. Yakap ang maliit na picture frame ng Mommy at Daddy niya, yung kinuha niya sa altar kanina. Nakatitig lang siya sa bintana. Ang ulan, tumitila na, pero may bakas pa sa salamin na parang luha na hindi pa natutuyo.Si Steven ang nagmamaneho, hindi ito makapagsalita. Hindi rin nagpapatugtog ng radyo. Hinahayaan lang niyang umandar ang sasakyan sa SLEX pabalik ng Manila.Nang mapatingin si Jade sa gilid, may napansin siya sa may cupholder. Isang bottled water na bukas na, may tissue na nakatupi sa tabi, at isang maliit na panyo na puti na may burda na J. Hindi niya alam kung kailan inilagay. Hindi niya nakitang kumuha si Steven, nandoon lang.Pagpasok ng sasakyan sa malaking gate ng Dasmariñas Village, napahawak si Jade sa picture frame nang mas mahigpit.Bumukas ang malaking gate na bakal ng maraha.Pagbukas, bumungad ang De Silva Mansion. Hindi ito yung mansion na nakikita sa teleserye na maraming ilaw na kumukutitap. Kulay p
Huling araw ng burol sa Forbes Park Memorial Chapel.Punong-puno ang chapel ng puting bulaklak. Mga stargazer lilies na paborito ni Grace. Mga wreath mula sa business partners ni Leon na may gold lettering na "With Deepest Condolences". Sa labas, ilang media ang nag-aabang pero hindi pinapapasok ng guard.Sa loob, mga ilang kamag-anak na ngayon lang ulit nakita ni Jade simula nung bata siya. May nag-aabot ng sobre. May nagbubulungan, may umiiyak na hindi naman talaga malapit sa kanila.Pero sa gitna ng lahat ng bulaklak at bulong, nakaupo si Jessica Danielle Fuentes sa harap ng dalawang puting kabaong na magkatabi. Naka-itim na dress na medyo malaki sa kanya, Ang buhok, nakalugay lang at hindi pa nasusuklay simula kahapon. Ang mata, namumugto pero wala nang luhang lumalabas. Parang naubos na.Hindi siya gumagalaw. Nakatitig lang sa dalawang kabaong.Sa likod niya, may isang lalaking nakatayo.Hindi siya nagsasalita, naka-itim na polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Maayos ang ta
3:07 PM sa Room 9 - St. Therese ng St. Scholastica Academy. Mainit kahit bukas ang dalawang electric fan sa kisame. Amoy chalk at sahig na alam mong bagong floor wax.Sa pisara, kalahati pa lang ang nasusulat na equation sa algebra na para bang napagod na si Mrs. Cristobal sa kalagitnaan kaya huminto.Nasa pinakadulong hanay si Jessica Danielle Fuentes or kilala bilang "JADE", labing-apat na taong gulang. Naka-ponytail na mataas, may maliit na perlas na hikaw. Ang manggas ng puting uniform, lukot sa kakahawak. Ang isang medyas, nakalaylay na sa bukung-bukong. Sa tabi niya si Lira Velasco, best friend simula Grade 7."Jade, kapag tinawag ka ni Ma'am Cristobal, sabihin mo na lang masakit ulo mo," bulong ni Lira, kunwari nakatingin sa pisara."Masakit ulo? Sabihin ko may Math flu ako? Nosebleed talaga ako pag Math na" sagot ni Jade nang pabulong. Gumalaw ang balikat niya sa pigil na tawa.Sa harap, si Ma'am Cristobal. Naka-makapal na salamin, may hawak na ruler na kahoy. May bakas ng cha







