Mag-log inWalang nagsasalita sa sasakyan. Nasa passenger seat si Jade. Yakap ang maliit na picture frame ng Mommy at Daddy niya, yung kinuha niya sa altar kanina. Nakatitig lang siya sa bintana.
Ang ulan, tumitila na, pero may bakas pa sa salamin na parang luha na hindi pa natutuyo. Si Steven ang nagmamaneho, hindi ito makapagsalita. Hindi rin nagpapatugtog ng radyo. Hinahayaan lang niyang umandar ang sasakyan sa SLEX pabalik ng Manila. Nang mapatingin si Jade sa gilid, may napansin siya sa may cupholder. Isang bottled water na bukas na, may tissue na nakatupi sa tabi, at isang maliit na panyo na puti na may burda na J. Hindi niya alam kung kailan inilagay. Hindi niya nakitang kumuha si Steven, nandoon lang. Pagpasok ng sasakyan sa malaking gate ng Dasmariñas Village, napahawak si Jade sa picture frame nang mas mahigpit. Bumukas ang malaking gate na bakal ng maraha. Pagbukas, bumungad ang De Silva Mansion. Hindi ito yung mansion na nakikita sa teleserye na maraming ilaw na kumukutitap. Kulay puti at abo, may malalaking bintana, may mga puno ng acacia sa magkabilang gilid na parang nagbabantay. May swimming pool, may fountain. Malawak ang driveway na may mga batong puti. Para kang napuntang Inglatera ng Great Britain. Parang historic pero modern. Hindi humanga si Jade, mas natakot siya. Parang hindi iyon bahay. Parang museo na hindi siya pwedeng humawak ng kahit ano dahil baka may mabasag. "Dito po ako titira?" Mahina ang boses niya, halos hangin lang. Si Steven, pinatay ang makina. Bumaba at binuksan ang p***o sa side ni Jade. "This is your home now," sabi niya ng masuyo. Pagpasok pa lang sa malaking p***o, nakaabang na ang buong staff. Nasa unahan si Simon, ang matangkad na may salamin, naka-polo na puti. Sa tabi niya si Manang Celia, may edad na, nakangiti na parang lola. At sa dulo, si Ate Cath, naka-uniporme na light blue, may hawak na maliit na tuwalya. Hindi sila yumuko na parang amo ang dumating. Hindi sila sabay-sabay na bumati na parang rehearsed. "Welcome home, Miss Jade," magiliw na sabi ni Simon Doon, biglang namuo ang luha ni Jade. Hindi dahil malungkot siya. Kundi dahil may naghihintay pala sa kanya. May mga taong nakatayo doon na parang kanina pa siya hinihintay umuwi. Si Ate Cath ang unang lumapit. Hindi agad hinawakan si Jade. Nagbigay ng kaunting distansya, yumuko nang bahagya para magpantay ang mata nila. "Halika, hija," sabi ni Ate Cath, ang boses parang ate talaga, hindi katulong. "Ipapakita ko na ang kwarto mo. Kanina pa kita hinihintay." Sumunod si Jade, hawak pa rin ang picture frame. Ang sahig ng mansion, kahoy na makintab na alam mong mamahalin. Sa dingding, may mga painting na malalaki, pero hindi nakakatakot. May amoy na parang bagong linis na may halong vanilla. Binuksan ni Ate Cath ang isang p***o sa second floor, sa may dulo ng hallway. Hindi ito sobrang pink, hindi ito parang princess room na may ruffles. Very elegant and classic ang dating. May malaking bintana na may puting kurtina. May bookshelf na puno ng libro na hindi pa nabubuksan. May study table na gawa sa kahoy na dark brown. Sa sulok, may piano na upright na may takip na itim. May balcony na may maliit na upuan na puti. At sa ibabaw ng study table, may maliit na frame. Picture nila Mommy Grace, Daddy Leon, at Steven. Nasa isang beach. Si Jade, nasa gitna, mga apat na taong gulang, naka-swimsuit na may duck, yakap ni Steven sa balikat habang si Leon ang kumukuha ng picture. Napakunot-noo si Jade. Lumapit at hinawakan ang frame. "May picture kami rito?" Nasa likod na pala si Steven, nakasandal sa hamba ng p***o, hawak ang susi ng kotse. "Your dad said this room would always be yours whenever you visited." Tahimik siyang napatingin sa frame. "So... we never changed it." he said softly. Hinawakan ni Jade ang frame nang mas mahigpit. Parang may humaplos sa puso niya na mainit. "Whenever your parents had meetings that ran late, you'd fall asleep here." He added"Cath used to carry you to bed." "Tapos paggising mo, hinahanap mo agad ang Mommy mo." natatawang sabay ni ate Cath. Napangiti si Jade ng mapait. _______ Baba na para sa dinner, tawag ni Manang Celia makalipas ang isang oras. Sa dining table na pang-walo katao, nakaupo si Jade sa isang dulo, si Steven sa kabila. Sa gitna, maraming pagkain. Sinigang, chicken, gulay, kanin na umuusok pa. Pero hindi ginagalaw ni Jade. Nakayuko lang, pinaglalaruan ang kutsara. Si Simon, nakatayo sa gilid, may hawak na pitchel ng tubig. Lumapit nang bahagya. "Miss Jade..." sabi ni Simon, medyo mahina, "Kapag hindi ka kumain..." Tumingin si Jade. "...papagalitan ako ni Sir," dugtong ni Simon, seryoso ang mukha. Napalingon si Jade kay Steven na nakaupo at umiinom ng tubig. "Ikaw ba ang nananakot?" tanong ni Jade, medyo inis pero mahina pa rin ang boses. "No," sagot ni Steven. Tumingin si Simon kay Steven, tapos kay Jade. "Yes," sabi ni Simon. Napamaang si Jade ng isang segundo. Tapos, sa unang beses simula nung libing, gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi niya. Mabilis lang, parang kidlat lang na dumaan. "Grabe ka, Simon," sabi ni Jade, at kumuha ng kaunting kanin. Si Steven, nakatingin lang. Pero gumalaw ang gilid ng mata niya, parang may kasiyahang hindi niya ipinapakita. Kinagabihan, nasa kwarto si Jade, nagkukunwaring nag-aaral. Bukas ang libro ng algebra sa harap niya, pero walang pumapasok sa utak. Ang mata, nakatingin sa bintana, sa mga ilaw ng village sa malayo. May kumatok ng mahina. Pagbukas niya, walang tao sa hallway. Pero sa sahig, may tray. Isang baso ng mainit na gatas. Dalawang cookies na may chocolate chips. At isang sticky note na dilaw. Nakasulat sa sulat kamay na malaki: "Eat first" Walang pangalan, walang pirma. Pero alam na agad ni Jade kung sino. Ang sulat kamay, kapareho ng sulat sa likod ng picture frame kanina. Kinuha niya ang tray at pumasok ulit sa kwarto. Ininom ang gatas. Mainit, matamis na may kaunting vanilla. Alas diyes na ng gabi. May narinig siyang tunog ng sasakyan sa baba. Tumakbo siya sa bintana ng balcony. Bumukas ang malaking gate. Pumasok ang itim na SUV ni Steven. Kakauwi lang galing sa labas. Pagbukas ng p***o ng SUV, may dalawang malalaking anino na tumakbo nang mabilis mula sa garden. "Mochi! Toffee! No!" sigaw ni Ate Cath mula sa veranda, pero huli na. Dalawang Golden Retriever, malalaki, mabalahibo, parang malalaking unan na tumatakbo. Halos ibalibag si Steven sa tuwa. Tumatalon at umiikot na tuwang tuwa sa pagdating ng amo. "Easy," sabi ni Steven, pero yung boses niya, hindi galit. Parang sanay na. Tapos, parang may naamoy ang isa. Yung mas malaki, si Mochi, tumakbo papunta sa hagdan ng mansion, paakyat, diretso sa second floor kung nasaan ang balcony ni Jade. Bago pa maisara ni Jade ang p***o ng balcony, nandun na si Mochi. Tumalon sa kanya, halos matumba si Jade sa laki. "Naku! Mochi!" sigaw ni Ate Cath mula sa baba, tumatakbo paakyat. Dinilaan ni Mochi ang mukha ni Jade. Ang buhok ni Jade, nagulo. Ang pisngi, basa ng laway ng aso. Tapos, si Toffee naman, dumating na rin, dalawa na silang nakadikit kay Jade, winawagayway ang buntot nang buntot na parang walis na naglilinis ng sahig. At doon, sa unang beses pagkatapos mawala nag magulang niya. Tumawa siya ng malakas. Parang batang nahulog sa damuhan. Hanggang sa napahiga siya sa sahig ng balcony, yakap ang dalawang aso na patuloy pa rin sa pagdila sa kanya. "Ayoko na! Tama na pls! Ang kulit niyo!" tawa ni Jade, pero yakap pa rin ang dalawa. Sa baba, sa may veranda, nakatayo si Steven. Nakatingin sa itaas, sa balcony kung saan naririnig ang tawa ni Jade. Nakatayo lang siya, at for the first time, gumuhit ang isang matamis at bibihirang ngiti. Habang yakap ni Jade ang dalawang aso na sina Mochi at Toffee, napatingin siya sa paligid. Sa mga ilaw ng mansion na nakabukas para sa kanya. Sa mga taong nakasilip mula sa baba na nakangiti sa kanya — si Ate Cath, si Manang Celia, si Simon. At sa lalaking nakatayo sa veranda na kanina pa siya binabantayan nang hindi niya alam. Hindi pa rin nawawala ang sakit. Hindi pa rin niya tanggap na wala na ang Mommy at Daddy niya. Masakit pa rin bawat hinga. Pero sa gabing iyon, habang yakap ang dalawang asong mainit at mabalahibo, may munting pakiramdam na bumalik sa puso niya na akala niya hindi na babalik. Hindi pala siya nag-iisa. May tahanan pa rin siyang uuwian.Three more years passed in the blink of an eye.Jessica Danielle Fuentes is now 21 years old. Graduating student ng Business Management. Campus sweetheart, hindi lang maganda. Elegant, confident, and lively.Pag dumadaan siya sa hallway ng university, lumilingon ang lahat. Babae, lalaki, professor, guard. Dahil may dating siya na hindi matutunan sa libro. Kaya kung madaming humahanga, marami ring naiinggit.Mahaba na ang buhok na dati hanggang balikat lang, ngayon lagpas na at bagsak na bagsak na parang commercial ng shampoo. Makinis ang balat, maayos ang ayos, pero hindi matapobre. Nakangiti pa rin sa janitor. Bumabati pa rin sa guard.Pero sa dami ng lumilingon sa kanya, isa lang ang gusto niyang mapatingin.Si Steven. She had a crush on him since she was 15. And as the days pass by, mas lalo lang lumalalim ang pagtingin na iyon.______Alas syete ng umaga sa De Silva Mansion.Nakaupo si Steven sa dulo ng dining table, nagbabasa ng financial reports na may kasamang black coffee na
Four years could change everything.Four years have passed.18th birthday na ni Jessica Danielle Fuentes. Freshman sa pinakamagandang university sa bansa. Mas mahaba na ang buhok na dati ponytail lang, ngayon lagpas balikat na at may kaunting kulot sa dulo. Mas matangkad na nang kaunti. Mas maganda ang bilugang mukha, mahahabang pilikmata. Sexy, makinis at maputi ang balat.Confident na maglakad sa hallway na dati takot na takot pumasok sa De Silva Mansion. Pero pag nagsalita, ganun pa rin, makulit, maingay, may nakakatawang paraan ng pagtawa.Excited siyang bumaba ng hagdan nang halos madapa.Nakalagay sa notes niya,Today is :✔ First day of college.✔ My 18th birthday.Paglabas niya ng kwarto,naka-uniform na ng university, puting blouse na may logo, above the knee skirt, medyas na puti na hanggang tuhod. Nagtaka siya sa katahimikan ng mansiyon.Si Simon, nagtitimpla ng kape sa may kusina, suot ang signature niyang salamin. Si Manang Celia, nagdidilig ng halaman sa may garden. Si
Walang nagsasalita sa sasakyan. Nasa passenger seat si Jade. Yakap ang maliit na picture frame ng Mommy at Daddy niya, yung kinuha niya sa altar kanina. Nakatitig lang siya sa bintana. Ang ulan, tumitila na, pero may bakas pa sa salamin na parang luha na hindi pa natutuyo.Si Steven ang nagmamaneho, hindi ito makapagsalita. Hindi rin nagpapatugtog ng radyo. Hinahayaan lang niyang umandar ang sasakyan sa SLEX pabalik ng Manila.Nang mapatingin si Jade sa gilid, may napansin siya sa may cupholder. Isang bottled water na bukas na, may tissue na nakatupi sa tabi, at isang maliit na panyo na puti na may burda na J. Hindi niya alam kung kailan inilagay. Hindi niya nakitang kumuha si Steven, nandoon lang.Pagpasok ng sasakyan sa malaking gate ng Dasmariñas Village, napahawak si Jade sa picture frame nang mas mahigpit.Bumukas ang malaking gate na bakal ng maraha.Pagbukas, bumungad ang De Silva Mansion. Hindi ito yung mansion na nakikita sa teleserye na maraming ilaw na kumukutitap. Kulay p
Huling araw ng burol sa Forbes Park Memorial Chapel.Punong-puno ang chapel ng puting bulaklak. Mga stargazer lilies na paborito ni Grace. Mga wreath mula sa business partners ni Leon na may gold lettering na "With Deepest Condolences". Sa labas, ilang media ang nag-aabang pero hindi pinapapasok ng guard.Sa loob, mga ilang kamag-anak na ngayon lang ulit nakita ni Jade simula nung bata siya. May nag-aabot ng sobre. May nagbubulungan, may umiiyak na hindi naman talaga malapit sa kanila.Pero sa gitna ng lahat ng bulaklak at bulong, nakaupo si Jessica Danielle Fuentes sa harap ng dalawang puting kabaong na magkatabi. Naka-itim na dress na medyo malaki sa kanya, Ang buhok, nakalugay lang at hindi pa nasusuklay simula kahapon. Ang mata, namumugto pero wala nang luhang lumalabas. Parang naubos na.Hindi siya gumagalaw. Nakatitig lang sa dalawang kabaong.Sa likod niya, may isang lalaking nakatayo.Hindi siya nagsasalita, naka-itim na polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Maayos ang ta
3:07 PM sa Room 9 - St. Therese ng St. Scholastica Academy. Mainit kahit bukas ang dalawang electric fan sa kisame. Amoy chalk at sahig na alam mong bagong floor wax.Sa pisara, kalahati pa lang ang nasusulat na equation sa algebra na para bang napagod na si Mrs. Cristobal sa kalagitnaan kaya huminto.Nasa pinakadulong hanay si Jessica Danielle Fuentes or kilala bilang "JADE", labing-apat na taong gulang. Naka-ponytail na mataas, may maliit na perlas na hikaw. Ang manggas ng puting uniform, lukot sa kakahawak. Ang isang medyas, nakalaylay na sa bukung-bukong. Sa tabi niya si Lira Velasco, best friend simula Grade 7."Jade, kapag tinawag ka ni Ma'am Cristobal, sabihin mo na lang masakit ulo mo," bulong ni Lira, kunwari nakatingin sa pisara."Masakit ulo? Sabihin ko may Math flu ako? Nosebleed talaga ako pag Math na" sagot ni Jade nang pabulong. Gumalaw ang balikat niya sa pigil na tawa.Sa harap, si Ma'am Cristobal. Naka-makapal na salamin, may hawak na ruler na kahoy. May bakas ng cha







